Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In those days, again a large crowd gathered with nothing to eat. Jesus called his disciples and said, Sa mga araw na iyon, muling nagtipon ang napakaraming tao sa kinaroroonan ni Hesus. At dahil wala na silang makain, tinawag ni Hesus ang mga alagad niya at sinabi,
2 "I feel compassion for the crowd—they've been with me three days now and have nothing to eat. “Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain.
3 If I send them home hungry, they'll collapse on the way—some have come from far off." Kung pauuwiin ko sila nang gutom, baka himatayin sila sa daan dahil malayo pa ang pinanggalingan ng iba sa kanila.”
4 And his disciples answered him, "How can anyone feed these people with bread here in the wilderness?" Sumagot ang mga alagad niya, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?”
5 And he asked them, "How many loaves do you have?" They said, "Seven." Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po.”
6 He told the crowd to sit on the ground, took the seven loaves, gave thanks, broke them, and gave them to his disciples to serve to the people; and they served the crowd. Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. At ginawa nga nila ito.
7 They also had a few small fish; after blessing them, he told the disciples to serve these to the people. Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Nagpasalamat si Hesus para sa mga iyon at iniutos niya sa kanyang mga alagad na ipamigay din sa mga tao.
8 And they ate and were satisfied. And they took up seven baskets of the leftover pieces. Kumain sila at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng pitong kaing.
9 About 4,000 people were there. And he sent them away. Ang bilang ng mga taong kumain ay mga apat na libo. Matapos pauwiin ni Hesus ang mga tao,
10 Then immediately he got into the boat with his disciples and went to the district of Dalmanutha. agad siyang sumakay sa bangka kasama ang mga alagad niya, at pumunta sila sa Dalmanuta.
11 The Pharisees came and began debating with him, testing him by demanding a sign from heaven. Pagdating nila roon, may dumating na mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo kay Hesus. Gusto nila siyang subukin kaya hiniling nilang magpamalas siya ng tanda mula sa langit na sugo nga siya ng Diyos.
12 Sighing deeply in his spirit, he said, "Why does this generation demand a sign? Truly I tell you, no sign will be given to this generation." Kaya napabuntong-hininga si Hesus at sinabi, “Bakit nga ba humihingi ng tanda ang mga tao sa panahong ito? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang anumang tanda na ipapakita sa inyo.”
13 And he left them, got back into the boat, and went to the other side. Pagkatapos, iniwan niya sila. Sumakay ulit siya sa bangka at tumawid sa kabilang ibayo.
14 They'd forgotten to bring bread—only one loaf was with them in the boat. Nakalimutan ng mga alagad ni Hesus na magdala ng tinapay. Iisa lang ang baon nilang tinapay sa bangka.
15 And he warned them, "Watch out—beware of the yeast of the Pharisees and the yeast of Herod." Sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at ni Herodes.”
16 And they began discussing with one another that they had no bread. Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.
17 Knowing this, Jesus asked, "Why discuss having no bread? Do you still not see or grasp? Are your hearts hardened? Alam ni Hesus kung ano ang pinag-uusapan nila kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagtatalo-talo na wala kayong dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Hindi ba ninyo ito naiintindihan? Matigas pa rin ba ang mga puso ninyo?
18 Having eyes, do you not see? Having ears, do you not hear? And do you not remember? May mga mata kayo, pero hindi kayo makakita. May mga tainga kayo, pero hindi kayo makarinig. Nakalimutan nʼyo na ba
19 When I broke the five loaves for the 5,000, how many baskets full of fragments did you collect?" They said, "Twelve." nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay para sa limang libong tao? Ilang kaing ang natira?” Sumagot sila, “Labindalawa po!”
20 "And when I broke the seven for the 4,000, how many basketfuls of broken pieces did you gather?" They said, "Seven." Nagtanong pa si Hesus, “At nang pagpira-pirasuhin ko ang pitong tinapay para sa apat na libong tao, ilang kaing ang natira?” Sumagot sila, “Pito po!”
21 And he said to them, "Do you still not understand?" At sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi nʼyo pa rin ba nauunawaan?”
22 They came to Bethsaida, where people brought him a blind man and begged Jesus to touch the man. Pagdating nila sa Betsaida, may mga taong nagdala ng isang lalaking bulag kay Hesus. Nagmakaawa sila na hipuin niya ang taong ito.
23 He took the blind man's hand, led him out of the village, spit on his eyes, laid hands on him, and asked, "Do you see anything?" Kaya inakay ni Hesus ang bulag at dinala sa labas ng bayan. Pagkatapos, dinuraan niya ang mga mata ng bulag, ipinatong ang kanyang kamay rito at saka nagtanong, “May nakikita ka na ba?”
24 He looked up and said, "I see people, but they look like trees, walking." Tumingala ang lalaki at sinabi, “Nakakakita na po ako ng mga tao, pero para silang mga punongkahoy na lumalakad.”
25 Then Jesus put his hands on the man's eyes again; he looked intently, was restored, and saw everything distinctly. Kaya muling ipinatong ni Hesus ang mga kamay niya sa mata ng bulag. Pagkatapos, tumingin ulit ang lalaki at lumiwanag ang kanyang paningin. At nakakakita na siya.
26 And he sent him home, saying, "Do not even go into the village." Bago siya pinauwi ni Hesus ay binilinan siya, “Huwag ka nang bumalik sa Betsaida.”
27 Jesus and his disciples went to the villages of Caesarea Philippi. On the way he asked them, "Who do people say I am?" Pagkatapos, pumunta si Hesus at ang mga alagad niya sa mga nayon ng Cesarea-Filipos. Habang naglalakad sila, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, “Sino raw ako ayon sa mga tao?”
28 They told him, "John the Baptist; and others say Elijah; and others, one of the prophets." Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo raw po si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta.”
29 Then he asked them, "But who do you say I am?" Peter answered, "You are the Christ." Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Mesias!”
30 And he strictly warned them not to speak about him. Sinabihan sila ni Hesus na huwag nilang ipaalam kahit kanino ang tungkol sa kanya.
31 He began teaching them the Son of Man must suffer much, be rejected by the elders, chief priests, and scribes, be killed, and rise after three days. Nagsimulang mangaral si Hesus sa mga alagad niya na ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap. Itatakwil siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At ipapapatay siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.
32 He said this plainly. And Peter took him aside and began to rebuke him. Malinaw niya itong sinabi sa kanila. Kaya dinala ni Pedro si Hesus sa isang tabi at pinagsabihan.
33 But turning, he looked at his disciples and rebuked Peter: "Get behind me, Satan! For you are not setting your mind on the things of our Father, but on the things of man." Ngunit humarap si Hesus sa mga alagad niya at saka pinagsabihan si Pedro, “Lumayo ka saʼkin, Satanas! Sapagkat ang iniisip moʼy hindi ayon sa kalooban ng Diyos kundi ayon sa kalooban ng tao!”
34 He called the crowd and his disciples and said to them, "Whoever wants to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. Pagkatapos, tinawag niya ang mga tao, pati na ang mga alagad niya at sinabi sa kanila, “Ang sinumang gustong maging alagad ko ay dapat itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.
35 Whoever wants to save his life will lose it; whoever loses his life for my sake and the good news will save it. Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay maililigtas ito.
36 What good does it do a person to gain the whole world and forfeit his soul? Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, subalit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?
37 For what can a person give in exchange for his soul? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?
38 For whoever is ashamed of me and my words in this adulterous, sinful generation—the Son of Man will be ashamed of them too when he comes in his Father's glory with the holy angels." Kung ako at ang mga salita ko ay ikakahiya ninuman sa harap ng taksil at makasalanang henerasyong ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao sa pagparito niya taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]