Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The Pharisees and some of the scribes who had come from Jerusalem gathered around Jesus, Isang araw, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na dumating mula sa Jerusalem at nagtipon sa paligid ni Hesus.
2 and they saw that some of his disciples were eating bread with unclean hands—that is, unwashed. Nakita nila na ang ilan sa mga alagad ni Hesus ay kumakain nang marumi ang mga kamay dahil hindi sila naghugas sa tamang paraan bago kumain.
3 (For the Pharisees and all the Jews don't eat unless they wash their hands ceremonially, keeping the elders' tradition. (Ang mga Hudyo, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hanggaʼt hindi nakakapaghugas ng kamay alinsunod sa kaugalian ng kanilang mga ninuno.
4 When they come from the market, they don't eat without washing. They also hold to many other traditions they've received—washing cups, pitchers, and copper vessels.). Hindi rin sila kumakain pagkagaling nila sa palengke hanggaʼt hindi nila nagagawa ang seremonya ng paghuhugas. Marami pa silang mga kaugalian tulad ng paghuhugas ng mga kopa, pitsel at lutuang tanso.)
5 Then the Pharisees and scribes asked him, "Why don't your disciples follow the elders' tradition, but eat bread with unclean hands?" Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Bakit hindi namumuhay ayon sa kaugalian ng ating mga ninuno ang iyong mga alagad? Sa halip, kumakain silang marumi ang mga kamay.”
6 He replied, "Isaiah prophesied truly about you hypocrites, as written: 'These people honor me with their lips, but their heart is far from me.' Sinagot sila ni Hesus, “Mga pakitang-tao! Tama nga ang sinabi ni Propeta Isaias tungkol sa inyo nang sinulat niya: ‘Sa labi lamang ako iginagalang ng mga taong ito, sapagkaʼt malayo sa akin ang kanilang mga puso.
7 'They worship me in vain, teaching as doctrines the commandments of men.' Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan; pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’
8 You abandon the commandment of our Father and hold to the tradition of men." Ang mga utos ng Diyos ay inyong tinalikuran, at ang mga kaugalian ng tao ang inyong sinundan.”
9 He said to them, "You do a fine job setting aside our Father's commandment to keep your own tradition!" Sinabi pa niya, “Ang huhusay ninyong magpawalang-bisa ng mga utos ng Diyos para masunod ang sarili ninyong kaugalian.
10 For Moses said, 'Honor your father and your mother,' and 'Whoever curses father or mother must be executed.' Katulad na lang ng sinabi ni Moises, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’ at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’
11 "But you say: if anyone tells his father or mother, 'Whatever you'd have gained from me is Corban' (a gift devoted to our Father), Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa mga magulang niya na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay Korban (ang ibig sabihin, nakalaan na sa Diyos),
12 then you no longer let him do anything for his father or mother. hindi na siya obligadong tumulong pa sa kanila.
13 So you cancel the word of our Father with your handed-down tradition. You do many things like this." Pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga kaugaliang ginawa nʼyo at ipinamana sa iba. At marami pa kayong ginagawang tulad nito.”
14 He called the crowd again and said to them, "Listen to me, all of you, and understand: Muling tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat sa akin at unawain ang sasabihin ko.
15 Nothing outside a person entering him can make him unclean; rather, what comes out of a person is what makes him unclean." Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya, kundi ang mga lumalabas dito. [
16 Not in this edition Makinig ang sinumang may pandinig!]”
17 When he had left the crowd and entered the house, his disciples asked him about the parable. Pagkatapos, pumasok si Hesus at ang kanyang mga alagad sa isang bahay upang makaiwas sa mga tao. Tinanong siya ng mga alagad niya kung ano ang ibig sabihin ng talinghagang iyon.
18 He said to them, "Are you also this dull? Don't you understand nothing entering a person from outside can make him unclean, Sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi rin ba kayo nakakaintindi? Hindi ba ninyo alam na hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya?
19 since it doesn't enter his heart but his stomach, and then goes out into the sewer?" (Saying this, he declared all foods clean.). Sapagkat anuman ang kainin niya ay hindi naman sa puso pumupunta kundi sa kanyang tiyan, at idudumi niya rin iyon.” (Sa sinabi niyang ito, ipinahayag niya na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.)
20 He said, "What comes out of a person—that makes him unclean. Sinabi pa ni Hesus, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya.
21 For from within, out of the human heart, come evil thoughts—sexual sin, theft, murder, Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanyang gumawa ng seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay,
22 adultery, greed, malice, deceit, sensuality, envy, slander, pride, and foolishness. pangangalunya, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira sa kapwa, pagmamayabang, at kahangalan.
23 All these evils come from inside and make a person unclean." Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at nagpaparumi sa kanya.”
24 Jesus left there for the region of Tyre. He entered a house, wanting no one to know, but couldn't stay hidden. Umalis si Hesus doon at nagtungo sa isang lugar malapit sa Tiro [at Sidon]. Tumuloy siya sa isang bahay dahil ayaw niyang malaman ng mga tao na naroon siya, ngunit nalaman pa rin nila.
25 Instead, a woman whose little daughter had an unclean spirit heard about him at once, came, and fell at his feet. Sa katunayan, nang marinig ito ng isang ina na may anak na babaeng sinasaniban ng masamáng espiritu, agad siyang pumunta at nagpatirapa sa paanan ni Hesus.
26 The woman was Greek, Syrophoenician by birth. She kept asking him to drive the demon out of her daughter. Siya ay isang Hentil na taga-Sirofenicia. Nagmakaawa siyang palayasin ni Hesus ang demonyo sa kanyang anak.
27 He told her, "Let the children eat first, for it's not right to take their bread and toss it to the dogs." Ngunit sumagot si Hesus, at sinabi, “Dapat munang pakainin ang mga anak, dahil hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso.”
28 But she replied to him, "Sir, even the dogs under the table eat the children's crumbs." Sumagot ang babae, “Tama po kayo, Panginoon, ngunit maging ang mga aso sa ilalim ng mesa ay kumakain ng mga mumo na nahuhulog ng mga bata.”
29 He said to her, "Because of this answer, go—the demon has left your daughter." Kaya sinabi ni Hesus sa kanya, “Dahil sa sinabi mong iyan, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.”
30 And she went home and found the child lying on the bed, and the demon gone. Umuwi nga ang babae at nadatnan ang anak niya sa higaan, at wala na ang sumaping demonyo.
31 Then Jesus left the territory of Tyre, went through Sidon to the Sea of Galilee, into the region of the Decapolis. Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon. Nagtuloy siya sa lawa ng Galilea, at tinahak niya ang lupain ng Decapolis.
32 They brought him a deaf man who could hardly speak, begging him to lay his hand on him. Dinala ng mga tao kay Hesus ang isang lalaking pipi at bingi. Nakiusap sila na ipatong niya ang kanyang mga kamay sa lalaki upang gumaling ito.
33 Jesus took him aside privately, away from the crowd, put his fingers in the man's ears, spit, and touched his tongue. Inilayo muna ni Hesus ang lalaki sa mga tao. Nang sila na lang, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos ay dumura siya at hinipo ang dila ng lalaki.
34 Then, looking up to heaven, he sighed deeply and said to him, "Ephphatha!" (that is, "Be opened!"). Tumingala si Hesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, “Effata!” (na ang ibig sabihin ay “Mabuksan ka!”)
35 And immediately his ears were opened, his tongue was released, and he began to speak plainly. Agad na nakarinig ang lalaki at nakapagsalita nang maayos.
36 Jesus ordered them to tell no one; but the more he ordered, the more they proclaimed it. Binilinan naman ni Hesus ang mga tao na huwag ipamalita ang nangyari. Ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita.
37 They were completely amazed: "He has done everything well—he makes the deaf hear and the mute speak." Labis na namangha ang mga tao, at sinabi nila, “Napakahusay ng lahat ng ginawa niya! Kahit ang mga pipi ay nakakapagsalita at ang mga bingi ay nakakarinig.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]