Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 He went out from there and came to his hometown, and his disciples followed him. Umalis si Hesus sa lugar na iyon at umuwi sa sarili niyang bayan, kasama ang mga alagad niya.
2 On the Sabbath he began teaching in the synagogue. Many who heard were amazed: "Where did this man get this? What wisdom is this, given to him? How do such miracles happen through his hands? Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta siya sa sinagoga at nagturo. At marami sa mga nakarinig sa kanya ang namangha. Sinabi nila, “Saan kaya niya nakuha ang mga itinuturo niyang ito? At ano ang karunungang ito na ibinigay sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga himala?
3 Isn't this the carpenter, Mary's son, brother of James, Joses, Judas, and Simon? Aren't his sisters here with us?" They were offended by him. Hindi baʼt siya ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Ang mga kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin, hindi ba?” Dahil dito, nagalit sila at hindi naniwala sa kanya.
4 Jesus said to them, "A prophet lacks honor only in his hometown, among his relatives, and in his own household." Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang isang propeta ay iginagalang kahit saan, maliban sa kanyang sariling bayan, mga kamag-anak at pamilya.”
5 He could do no miracle there, except laying hands on a few sick and healing them. Dahil ayaw nilang maniwala sa kanya, hindi siya nakagawa ng mga himala roon maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling.
6 He was amazed at their lack of faith. Then he went around the villages teaching. Namangha siya dahil hindi sila nanampalataya. Pagkatapos, nilibot ni Hesus ang mga kanayunan at nagturo sa mga tao.
7 He called the twelve and began sending them out two by two, giving them authority over unclean spirits. Tinawag niya ang labindalawang alagad at sinugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu.
8 He ordered them to take only a staff for the road—no bread, no bag, no money in their belts, Ito ang kanyang mga bilin: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay; pagkain, balutan, o pera, maliban sa isang tungkod.
9 but to wear sandals and not put on two tunics. Magsuot kayo ng sandalyas, pero huwag kayong magdala ng bihisan.
10 And he said to them, "Wherever you enter a house, stay there until you leave that place. Kapag dumating kayo sa isang bayan, manatili kayo sa tahanang nagpatuloy sa inyo hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon.
11 Whatever place refuses to welcome or hear you, leaving there, shake the dust off your feet as testimony against them." Kung may lugar na ayaw kayong tanggapin at ayaw kayong pakinggan, ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa sa pag-alis ninyo, bilang babala laban sa kanila.”
12 So they went out and proclaimed that people should repent. Kaya umalis ang labindalawang alagad at nangaral sa mga tao na dapat silang magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan.
13 And they drove out many demons and anointed many sick people with oil and healed them. Pinalayas nila ang mga demonyo at pinahiran ng langis ang mga maysakit at pinagaling.
14 King Herod heard of it, for Jesus's name had become known. Some were saying, "John the Baptist has been raised from the dead; that is why these miraculous powers are at work in him." Nabalitaan ni Haring Herodes ang tungkol kay Hesus dahil kilalang-kilala na siya kahit saan. May mga nagsasabi, “Siya si Juan na Tagapagbautismo na muling nabuhay, kaya nakakagawa siya ng mga himala.”
15 But others said, "He's Elijah." Others said, "He's a prophet, like one of the prophets of old." Ang sabi naman ng iba, “Siya si Elias.” At may mga nagsasabi rin, “Siya ay isang propeta na tulad ng mga propeta noong unang panahon.”
16 But when Herod heard of it, he said, "John, whom I beheaded, has been raised." Ngunit nang mabalitaan ito ni Herodes, sinabi niya, “Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko ng ulo!”
17 Herod had sent and seized John, binding him in prison because of Herodias, his brother Philip's wife, whom he had married. Sapagkat ipinadakip noon ni Herodes si Juan, ipinagapos at ipinabilanggo. Ginawa niya ito dahil sa kagustuhan ni Herodias na kanyang pinakasalan at kinakasama bagamaʼt itoʼy asawa ng kapatid niyang si Felipe.
18 For John kept telling Herod, "It is not lawful for you to have your brother's wife." Palaging sinasabihan ni Juan si Herodes, “Labag sa Kautusan na agawin mo ang asawa ng iyong kapatid.”
19 And Herodias held a grudge against him and wanted to kill him, but she could not, Kaya nagkimkim ng galit si Herodias kay Juan, at gusto niya itong ipapatay. Subalit hindi niya ito magawa,
20 Herod feared John, knowing him righteous and holy, and protected him. Hearing John left Herod deeply puzzled, yet he gladly listened to him. dahil takot si Herodes kay Juan at sinisikap niyang hindi ito mapahamak. Alam kasi ni Herodes na matuwid at mabuting tao si Juan. At kahit nababagabag siya sa mga sinasabi ni Juan, gustong-gusto pa rin niyang makinig dito.
21 Then a fitting day came: Herod's birthday, when he gave a banquet for his nobles, military commanders, and Galilee's leading men. Subalit dumating ang pagkakataong pinakahihintay ni Herodias. Kaarawan noon ni Herodes at nagdaos siya ng malaking handaan. Inimbita niya ang mga opisyal ng Galilea, mga kumander ng mga sundalo at iba pang mga tinitingalang tao roon.
22 When Herodias's daughter entered and danced, she delighted Herod and his dinner guests. The king told the girl, "Ask me for anything you want, and I'll give it to you." Nang oras na ng handaan, pumasok ang anak na babae ni Herodias at sumayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga bisita niya. Kaya sinabi ni Herodes sa dalaga, “Hingin mo ang kahit na anoʼng gusto mo at ibibigay ko saʼyo.”
23 He swore to her, "Whatever you ask me, I'll give you—up to half my kingdom." At sumumpa pa siya, “Ibibigay ko ang anumang hingin mo, kahit kalahati pa ng kaharian ko.”
24 She went out and said to her mother, "What should I ask?" She said, "The head of John the Baptist." Lumabas muna ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, “Ano po ang hihingin ko?” Sumagot ito, “Hingin mo ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo.”
25 She went in immediately, with urgency, to the king and asked, "I want you to give me this instant the head of John the Baptist on a platter." Kaya dali-daling bumalik ang dalaga sa hari at sinabi, “Gusto ko pong ibigay ninyo sa akin, ngayon din, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo, na nakalagay sa isang bandehado.”
26 Deeply grieved, the king still wouldn't refuse her, because of his oaths and his guests. Labis itong ikinalungkot ng hari, ngunit dahil nangako siya sa harap ng kanyang mga bisita, hindi niya ito matanggihan.
27 The king at once sent an executioner, ordering John's head brought. He went and beheaded him in the prison, Kaya pinapunta niya agad sa bilangguan ang isang kawal upang dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Pumunta ang kawal sa bilangguan at pinugutan si Juan.
28 and brought his head on a platter, gave it to the girl, and the girl gave it to her mother. Inilagay niya ang ulo sa bandehado at ibinigay sa dalaga, at ibinigay naman ito ng dalaga sa kanyang ina.
29 When John's disciples heard, they came, took his body, and laid it in a tomb. Nang mabalitaan ng mga alagad ni Juan ang nangyari, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.
30 The apostles gathered to Jesus and told him all that they had done and taught. Bumalik ang mga apostol na isinugo ni Hesus, at ikinuwento nila sa kanya ang lahat ng ginawa at ipinangaral nila.
31 He told them, "Come away by yourselves to a quiet place and rest a while." For many were coming and going, and they had no time to eat. Dahil sa dami ng mga taong dumarating at umaalis, wala na silang panahon kahit kumain man lang. Kaya sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Halikayo! Punta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga.”
32 And they went away in the boat to a desolate place by themselves. Sumakay sila sa isang bangka at pumunta sa hindi mataong lugar.
33 Many saw them leave and recognized them; they ran on foot from every town and got there ahead of them. Ngunit marami ang nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila ng mga ito, kaya nagtakbuhan ang mga tao, mula sa ibaʼt ibang bayan, sa pupuntahan nina Hesus at nauna pa silang dumating doon.
34 Stepping ashore, he saw a large crowd and felt compassion for them, for they were like sheep without a shepherd, and began teaching them many things. Nang bumaba si Hesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. Kayaʼt siyaʼy nagturo sa kanila ng maraming bagay.
35 When it was already late, his disciples came to him and said, "This is an isolated place, and it's already late. Nang dapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na.
36 Send them away to go into the surrounding countryside and villages and buy themselves something to eat." Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.”
37 He replied, "You give them something to eat." They said, "Should we go buy 200 denarii of bread and give them it to eat?" Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Ibig po ba ninyong sabihin ay gagastos kami ng higit kalahating taóng sahod sa tinapay para may makain sila?”
38 He asked them, "How many loaves do you have? Go and see." They found out and said, "Five, and two fish." Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo.” Tiningnan nga nila, at sinabi kay Hesus, “Mayroon po tayong limang tinapay at dalawang isda.”
39 Then he commanded them all to sit down in groups on the green grass. Pagkatapos, inutusan sila ni Hesus na paupuin nang pangkat-pangkat ang mga tao sa damuhan.
40 So they sat down in groups, by hundreds and by fifties. Kaya umupo nga sila nang pangkatan, may tig-iisang daan at may tiglilimampu.
41 Taking the five loaves and two fish, he looked up to heaven, gave thanks and broke the loaves, gave them to the disciples to set before the people, and divided the two fish among them all. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamahagi sa mga tao. Pinagpira-piraso niya rin ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila.
42 And they all ate and were satisfied. Kumain silang lahat at nabusog,
43 And they took up twelve baskets full of broken pieces and of the fish. at nang tipunin ng mga alagad ang natirang tinapay at isda ay nakapuno sila ng labindalawang kaing.
44 And those who ate the loaves were 5,000 men. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay limang libo.
45 At once he made his disciples board the boat and go ahead to the other side, toward Bethsaida, while dismissing the crowd. Pagkatapos nitoʼy pinasakay agad ni Hesus sa bangka ang mga alagad niya at pinauna sa bayan ng Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao.
46 And after he had taken leave of them, he went up on the mountain to pray. Matapos siyang magpaalam sa lahat, umakyat siya sa isang bundok upang manalangin.
47 When evening came, the boat was out on the sea, and he was alone on the land. Pagsapit ng gabi, nasa laot na ang bangka at si Hesus ay nag-iisa sa pampang.
48 He saw them straining at the oars, for the wind was against them. Around three in the morning he came to them, walking on the sea. He meant to pass by them, Nakita niyang hirap sa pagsagwan ang mga alagad niya, dahil salungat sila sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan na lang sana niya sila,
49 but seeing him walk on the sea, they thought it was a ghost and cried out, ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila.
50 for all saw him and were terrified; but immediately he spoke to them, saying, "Take heart; it is I. Do not be afraid." Takot na takot silang lahat sa nakita nila. Ngunit nagsalita agad si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.”
51 He got into the boat with them, and the wind stopped; they were completely amazed among themselves, Sumakay siya sa bangka at biglang tumigil ang malakas na hangin. Lubos silang namangha,
52 for they did not understand about the loaves, but their hearts were hardened. dahil hindi pa rin sila nakakaunawa kahit nakita na nila ang himalang ginawa ni Hesus sa tinapay. Sa halip na makaunawa, matigas ang puso nila.
53 When they had crossed over, they came to land at Gennesaret and moored to the shore. Nang makatawid na sila sa lawa, dumating sila sa Genesaret at doon nila idinaong ang bangka.
54 And when they got out of the boat, the people immediately recognized him. Pagbaba nila, nakilala agad ng mga tao roon si Hesus,
55 They ran through that whole region and began carrying the sick on mats to wherever they heard he was. kaya nagmamadaling tumakbo ang mga ito upang ipamalita sa buong lugar. Inilagay sa mga higaan ang mga maysakit at dinala kay Hesus saan man nila mabalitaang naroon siya.
56 Wherever he went—villages, towns, countryside—they laid the sick in the marketplaces, begging to touch just the edge of his cloak. All who touched it were healed. Kahit saan siya pumunta – sa nayon, sa bayan, o sa kabukiran – dinadala ng mga tao ang kanilang mga maysakit sa mga lugar na pinagtitipunan ng mga tao. Nagmakaawa sila kay Hesus na payagan niya ang mga maysakit na hawakan kahit ang laylayan lang ng kanyang damit. At ang lahat ng humawak ay gumaling.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]