Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 They came to the other side of the sea, to the region of the Gerasenes. Dumating sila sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Geraseno.
2 As Jesus left the boat, a man with an unclean spirit met him at once, from the tombs. Pagbaba ni Hesus sa bangka, may isang lalaking lumabas mula sa mga kuwebang libingan para salubungin siya. Ang lalaking itoʼy sinasaniban ng masamáng espiritu,
3 He lived among the tombs, and no one could bind him anymore, not even with a chain. at doon na siya nakatira sa mga libingan. Hindi siya maigapos ng matagal kahit kadena pa ang gamitin nila.
4 For he'd often been bound with shackles and chains, but tore the chains apart and shattered the shackles—no one had strength to subdue him. Ilang beses nang ikinadena ang mga kamay at paa niya, ngunit nilalagot lang niya ang mga ito. Walang nakakapigil sa kanya.
5 Night and day, among the tombs and on the mountains, he cried out constantly, cutting himself with stones. Araw at gabi siyang sumisigaw sa libingan at kaburulan, at sinusugatan niya ng bato ang kanyang sarili.
6 And when he saw Jesus from a distance, he ran and fell down before him. Malayo pa lang ay natanaw na niya si Hesus kaya patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito.
7 Shouting loudly, he said, "What do you want with me, Jesus, Son of the Most High God? I beg you by God, don't torment me!" Sumigaw siya nang malakas, “Ano ang pakay mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan!”
8 For Jesus had been saying to him, "Come out of the man, you unclean spirit!" Sinabi niya ito sapagkat iniutos ni Hesus, “Ikaw na masamáng espiritu, lumabas ka sa taong iyan!”
9 Jesus asked, "What is your name?" "Legion," he said, "we are many." Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Hukbo ang pangalan ko, kasi marami kami.”
10 He kept begging him not to send them out of the region. At paulit-ulit itong nagmakaawa kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.
11 Now a great herd of pigs was feeding there on the hillside. Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain sa gilid ng burol.
12 And they begged him, "Send us to the pigs; let us enter them." Nagmakaawa kay Hesus ang mga demonyo, “Papuntahin mo na lang kami sa mga baboy; hayaan mo kaming pumasok sa kanila.”
13 He gave permission. The unclean spirits came out and entered the pigs; the herd—about 2,000—rushed down the cliff into the sea and drowned in the sea. Kaya pinayagan sila ni Hesus. Lumabas nga ang masasamáng espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ng baboy na may dalawang libo ay nagtakbuhan pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.
14 The herders fled and told it in town and country; people came to see what happened. Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon at sa mga kalapit-nayon ang nangyari. Kaya nagdatingan ang mga tao upang alamin ang tunay na nangyari.
15 They came to Jesus and saw the man who had been possessed by the demons, the one who'd had the legion, sitting there, dressed and thinking clearly—and they were afraid. Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong dating sinaniban ng hukbo ng masasamáng espiritu. Nakaupo siya at nakadamit, at matino na ang pag-iisip, kayaʼt natakot ang mga tao.
16 Eyewitnesses told them what had happened to the demon-possessed man, and about the pigs. Ikinuwento sa kanila ng mga nakasaksi kung ano ang nangyari sa taong iyon at sa mga baboy.
17 And they began to beg Jesus to leave their region. Dahil dito, pinakiusapan ng mga tao si Hesus na umalis sa kanilang lugar.
18 As he was getting into the boat, the once-possessed man begged to be with him. Nang pasakay na si Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking dating sinapian ng demonyo na isama siya.
19 But Jesus refused, telling him instead, "Go home to your own people and tell them how much our Father has done for you, and how he has had mercy on you." Ngunit hindi pumayag si Hesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.”
20 He went and began proclaiming in the Decapolis all Jesus had done for him, and everyone was amazed. Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat ng nakarinig.
21 When Jesus crossed again by boat to the other side, a large crowd gathered around him by the sea. Nang makabalik na sina Hesus sa kabilang ibayo ng lawa sakay ng bangka, nasa dalampasigan pa lamang siya ay naglapitan na agad ang napakaraming tao.
22 One of the synagogue leaders, named Jairus, came, saw Jesus, and fell at his feet, Isa sa mga namumuno sa sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating doon. Pagkakita niya kay Hesus, lumuhod siya sa paanan ni Hesus
23 and begged him urgently, "My little daughter is dying. Come, lay your hands on her, so she may be healed and live." at nagsumamo, “Nag-aagaw-buhay po ang anak kong dalagita, kaya kung maaari, sumáma po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, upang gumaling siya at mabuhay!”
24 So Jesus went with him. And a great crowd followed him and pressed around him. Kaya sumáma sa kanya si Hesus. Sinundan siya ng napakaraming tao na nagsisiksikan sa kanya.
25 And there was a woman with a discharge of blood that had gone on for twelve years. May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo.
26 She had suffered much under many doctors, spent all she owned, gained nothing, and only grew worse. Maraming hirap na ang dinanas niya sa kamay ng ibaʼt ibang manggagamot. Naubos na rin ang lahat ng ari-arian niya sa pagpapagamot, pero sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang sakit.
27 Hearing about Jesus, she came up behind him in the crowd and touched his cloak. Nabalitaan niya ang tungkol kay Hesus, kaya nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo man lang ang damit ni Hesus.
28 For she kept saying, "If I just touch his garments, I will be made well." Naisip kasi niya, “Mahawakan ko lamang ang damit niya ay gagaling na ako.”
29 Her flow of blood dried up instantly, and she felt in her body that she was healed of her suffering. Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo nang mahipo niya ang damit ni Hesus, at naramdaman niyang magaling na siya.
30 At once Jesus, aware that power had left him, turned around in the crowd and asked, "Who touched my clothes?" Agad namang naramdaman ni Hesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya lumingon siya at nagtanong, “Sino ang humawak sa damit ko?”
31 His disciples said to him, "You see the crowd crushing you, yet you ask, 'Who touched me?'" Sumagot ang mga alagad niya, “Sa dami po ng mga taong nagsisiksikan, bakit pa ninyo tinatanong kung sino ang humawak sa inyo?”
32 And he looked around to see who had done it. Ngunit patuloy siyang lumingon-lingon upang makita kung sino ang humipo sa kanya.
33 But the woman, afraid and trembling, knowing what had happened to her, came, fell before him, and told him the whole truth. Dahil alam ng babae kung ano ang nangyari sa kanya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus, at ipinagtapat ang kanyang ginawa.
34 He told her, "Daughter, your faith made you well. Go in peace, healed of your suffering." Sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Malaya ka na sa iyong paghihirap, kaya umuwi kang mapayapa.”
35 While he was still speaking, people came from the synagogue leader's house, saying, "Your daughter has died. Why bother the Teacher any longer?" Habang kausap pa ni Hesus ang babae, dumating ang ilang tao mula sa bahay ni Jairo na isa sa mga namumuno sa sinagoga. Sinabi nila kay Jairo, “Patay na po ang anak ninyo. Kahit huwag nʼyo na pong abalahin ang guro.”
36 But Jesus overheard what they said and told the synagogue leader, "Don't fear, only believe." Ngunit hindi pinansin ni Hesus ang sinabi nila. Sa halip, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang.”
37 And he allowed no one to follow him except Peter, James, and John the brother of James. Hindi pinayagan ni Hesus ang mga tao na sumáma sa kanya sa bahay ni Jairo maliban kay Pedro at sa magkapatid na Santiago at Juan.
38 They came to the synagogue leader's house and Jesus saw chaos—people weeping, wailing loudly. Pagdating nila roon, nakita ni Hesus ang kaguluhan, may mga umiiyak at humahagulgol.
39 Entering, he said to them, "Why this commotion and crying? The child isn't dead, just asleep." Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!”
40 They laughed at him. But he sent them all out, took the child's father and mother and his companions, and entered where the child was. Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata.
41 He took her hand and said to her, "Talitha koum," which means, "Little girl, I say to you, get up!" Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, “Talitha koum!” (na ang ibig sabihin ay “Ineng, bumangon ka”).
42 At once the girl got up and walked—for she was twelve—and they were instantly overwhelmed with great amazement. Bumangon naman agad ang bata at naglakad-lakad (siyaʼy labindalawang taóng gulang). Labis ang pagkamangha ng mga nakasaksi sa nangyari.
43 He strictly ordered them to tell no one of this, and said to give her something to eat. Ngunit mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag ipagsabi kahit kanino ang nangyari. Pagkatapos, sinabihan sila ni Hesus na bigyan ng makakain ang bata.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]