Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jesus again taught by the sea. So large a crowd gathered around him that he got into a boat on the water and sat, while the whole crowd was on land by the sea. Muling nagturo si Hesus sa tabi ng lawa ng Galilea. Pinalibutan siya ng maraming tao, kaya sumakay siya ng bangka at umupo roon, habang nasa dalampasigan ang mga tao.
2 He taught them many things in parables, and in his teaching he said to them: Marami siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya,
3 "Listen! A sower went out to sow. “Makinig kayo! May isang magsasakang naghasik ng binhi.
4 And as he sowed, some seed fell along the path, and the birds came and devoured it. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at pinagtutuka ang mga binhing iyon.
5 Other seed fell on rocky ground, lacking much soil, and sprang up at once since the soil had no depth. May mga binhi namang nahulog sa batuhan, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang mga binhi dahil mababaw ang lupa.
6 When the sun rose, the plants were scorched, and since they had no root, they withered. Ngunit nalanta rin ang mga ito nang masikatan ng araw at namatay dahil hindi masyadong nag-ugat.
7 Other seed fell among thorns, and the thorns grew up and choked it, yielding no grain. May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Lumago ang mga damo at sinikil nito ang mga tumubong binhi kaya hindi namunga.
8 Other seed fell into good soil, producing grain that sprouted, grew, and yielded thirty, sixty, one hundred times what was sown." Ngunit ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa. Tumubo at lumago ang mga ito, at namunga nang marami. May tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisang daan.”
9 And he said, "Whoever has ears to hear, let him hear." Pagkatapos, sinabi ni Hesus, “Makinig ang sinumang may pandinig!”
10 When he was alone, those around him, together with the Twelve, asked him about the parables. Pagkaalis ng mga tao, tinanong siya ng labindalawang alagad at ng iba pang mga alagad niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon.
11 He said to them, "To you is given the secret of the kingdom of our Father, but to those outside, everything comes in parables, Sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba ay ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga,
12 so that 'they may look but not perceive, and hear but not understand, and not turn and be forgiven.'" nang sa gayon, ‘Makita man nilaʼy hindi pa rin nila maiintindihan Marinig man nilaʼy hindi pa rin nila mauunawaan. Sapagkat kung makakaunawa sila, magbabalik-loob sila sa akin at silaʼy aking patatawarin.’”
13 He said to them, "You don't understand this parable? Then how will you understand all the parables? Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung hindi ninyo nauunawaan ang talinghagang ito, paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinghaga?
14 The sower sows the word. Ang binhing inihasik ng magsasaka ay ang salita ng Diyos.
15 These are the ones on the path where the word is sown: once they hear, Satan comes immediately and takes away the word sown in them. Ang tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos. Ngunit dumating agad si Satanas at tinangay ang salita ng Diyos na narinig nila.
16 These are the ones sown on rocky ground, who hear the word and immediately receive it with joy. Gayundin ang batuhan kung saan nahulog ang ibang binhi. Sila ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at kaagad itong tinanggap nang may kagalakan.
17 But they have no root in themselves, lasting only briefly; when trouble or persecution comes because of the word, they fall away at once. Ngunit dahil hindi ito nag-ugat sa kanilang mga puso, hindi nagtatagal ang kanilang pananampalataya. Kaagad nila itong tinatalikuran pagdating ng mga pagsubok o pag-uusig dahil sa salita ng Diyos.
18 And others are the ones sown among thorns. These are those who hear the word, Ang lupang may matitinik na damo kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos,
19 but worries of this age, the deceit of wealth, and desires for other things enter and choke the word, and it produces no fruit. ngunit dahil sa mga alalahanin sa buhay, pagkasilaw sa kayamanan, at pagkahumaling sa iba pang mga bagay, nawawalan ng puwang ang salita ng Diyos, kaya hindi ito nakakapamunga sa kanilang buhay.
20 And these are the ones sown on good soil: they hear the word, accept it, and produce fruit—thirty, sixty, one hundred times over." Ngunit ang matabang lupa kung saan nahulog ang mga binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at tumanggap nito, kaya silaʼy namumunga ng marami; may tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisang daan.”
21 He told them, "Does anyone bring in a lamp to put it under a basket or bed—not on a stand? Sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Sinisindihan ba ang ilaw para takpan ng takalan o ilagay sa ilalim ng higaan? Hindi baʼt inilalagay ito sa patungan?
22 Nothing is hidden except to be revealed; nothing is secret except to surface. Ganoon din naman, walang nakatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag.
23 If anyone has ears to hear, let him hear." Makinig ang sinumang may pandinig!”
24 He told them, "Watch what you hear. The measure you use will be measured to you—and more added. “Makinig kayong mabuti sa sinasabi ko,” dagdag pa niya. “Dahil kung paano kayo makinig, gayundin ang pang-unawang ibibigay ng Diyos sa inyo, at dadagdagan pa niya ito.
25 For whoever has will be given more; whoever doesn't, even what he has will be taken from him." Sapagkat ang taong nakikinig nang mabuti ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi nakikinig, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya.”
26 He said, "This is what the kingdom of our Father is like: a man scatters seed on the ground. Sinabi pa ni Hesus, “Ang paghahari ng Diyos ay maihahalintulad dito: May isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid.
27 Night and day, asleep or awake, the seed sprouts and grows, though he doesn't know how. Habang nagtatrabaho siya sa araw at natutulog sa gabi, ang mga binhing inihasik niya ay tumutubo at lumalago, ngunit hindi niya alam kung paano ito nangyayari.
28 The soil yields grain on its own—first blade, then head, then full kernel in the head. Ang lupa mismo ang nagpapatubo at nagpapabunga sa pananim; lilitaw muna ang usbong, tutubo ang tangkay, at pagkatapos ay mahihitik ng butil ang uhay.
29 But when the grain ripens, he immediately sends the sickle, since harvest has come." At kapag hinog na ang butil, gagapasin na ito, dahil panahon na ng pag-aani.”
30 He said, "What can we compare the kingdom of our Father to, or what parable can we use for it? Sinabi pa ni Hesus, “Saan maihahalintulad ang paghahari ng Diyos? Ano pang talinghaga ang makapagpapaliwanag nito?
31 It's like a mustard seed, the smallest of all seeds when sown on the ground. Ito ay katulad ng buto ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng mga buto.
32 Yet once sown, it grows up and becomes the largest of all garden plants, producing branches so big that birds of the air can nest in its shade." Ngunit kapag naitanim na at tumubo, nagiging pinakamataas ito sa lahat ng tanim, at nakakapamugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”
33 With many such parables he spoke the word to them, as they were able to hear. Marami pang mga talinghaga na gaya ng mga ito ang ginamit ni Hesus sa pangangaral niya sa mga tao, ayon sa abot ng kanilang pang-unawa.
34 He spoke to them only in parables, but privately explained everything to his own disciples. Hindi siya nangangaral sa mga tao nang hindi gumagamit ng talinghaga, pero kapag sila-sila na lang ng kanyang mga alagad, ipinapaliwanag niya lahat sa kanila.
35 That day, when evening came, he said to them, "Let us cross over to the other side." Kinagabihan, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.”
36 They left the crowd and took him along, just as he was, in the boat, other boats accompanying him. Kaya iniwan nila ang mga tao at naglayag sakay ng bangkang sinakyan ni Hesus. May mga bangka ring sumunod sa kanila.
37 A fierce windstorm came up. Waves broke over the boat, so that it was already being swamped. Habang naglalayag sila, biglang bumagyo nang napakalakas. Hinampas ng malalaking alon ang bangka nila at halos mapuno na ito ng tubig.
38 But Jesus was asleep in the stern on the cushion. They woke him and said, "Teacher, don't you care that we're dying?" Si Hesus ay nasa hulihan ng bangka at natutulog nang nakaunan. Ginising siya ng mga alagad niya at sinabi sa kanya, “Guro, malulunod na tayo! Balewala lang ba ito sa inyo?”
39 He got up, rebuked the wind, and told the sea, "Peace! Be still!" The wind stopped, and it grew totally calm. Kaya bumangon siya at inutusan ang hangin, “Tigil!” at sinabihan ang lawa, “Kumalma ka!” Tumigil nga ang hangin at kumalma ang mga alon.
40 He said to them, "Why are you so afraid? Do you still have no faith?" Tinanong niya ang mga alagad niya, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya sa akin?”
41 They were terrified and asked one another, "Who then is this, that even the wind and the sea obey him?" Takot na takot silang nag-usap-usap, “Sino ang taong ito? Kahit ang hangin at mga alon ay sumusunod sa kanya!”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]