Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Once again Jesus entered the synagogue, and a man with a withered hand was there. Pagdating ng isa pang Araw ng Pamamahinga, muling pumunta si Hesus sa sinagoga, at dooʼy may isang lalaking paralisado ang isang kamay.
2 They watched closely to see if he'd heal the man on the Sabbath, to accuse Jesus. May mga taong naroon na nagmamatyag kung pagagalingin ni Hesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya.
3 Jesus said to the man with the withered hand, "Stand up and come forward." Sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito sa harapan.”
4 Then he asked them, "Is it lawful on the Sabbath to do good or to do harm, to save life or to kill?" But they stayed silent. Pagkatapos, tinanong niya ang mga tao roon, “Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: Ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?” Ngunit hindi sila umimik.
5 He looked around at them in anger, grieved by their hardness of heart, and told the man, "Stretch out your hand." He stretched it out, and his hand was restored. Galit na tiningnan ni Hesus ang mga nakapaligid sa kanya, ngunit nalungkot din siya sa katigasan ng kanilang mga puso. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.
6 Then the Pharisees went out and immediately began plotting with the Herodians how they might destroy him. Agad na umalis ang mga Pariseo at nakipagpulong sa mga alagad ni Herodes upang pagplanuhan kung paano nila ipapapatay si Hesus.
7-8 Jesus withdrew with his disciples to the sea; a large crowd from Galilee followed, and from Judea, Pumunta si Hesus at ang kanyang mga alagad sa tabi ng lawa ng Galilea. Sinundan siya ng napakaraming tao na nagmula sa Galilea, sa lungsod ng Jerusalem at sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Judea, sa lalawigan ng Idumea, sa kabila ng Ilog Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon. Dinayo siya ng mga tao dahil nabalitaan nila ang mga kamangha-manghang ginagawa niya.
8 from Jerusalem, Idumea, beyond the Jordan, and the region around Tyre and Sidon—hearing all he was doing, a great crowd came to him. Not in this edition
9 He told his disciples to keep a small boat ready, because of the crowd, so they wouldn't crush him. Dahil sa dami ng tao, nagpahanda si Hesus ng isang bangka sa mga alagad niya, upang hindi siya maipit ng mga ito.
10 For he had healed so many that all who had diseases were pressing forward to touch him. Marami na siyang pinagaling, kaya dinumog siya ng napakaraming maysakit upang mahawakan siya.
11 Whenever the unclean spirits saw him, they fell before him, shouting, "You are the Son of God!" Kapag nakikita siya ng mga taong sinasaniban ng masamáng espiritu, nagpapatirapa sila sa harap niya at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!”
12 But he firmly warned them not to reveal him. Ngunit mahigpit niya silang pinagbawalan na ibunyag kung sino siya.
13 Jesus went up the mountain and called those he wanted; they came to him. Pagkatapos, umakyat sina Hesus sa bundok at dooʼy tinawag niya ang mga taong gusto niyang piliin, at silaʼy lumapit sa kanya.
14 He appointed twelve, named apostles, so they could be with him and he could send them out to preach, Humirang siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga apostol] upang makasama niya at upang isugong mangaral.
15 and to have authority to drive out demons. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.
16 These are the twelve he appointed: Simon, to whom he gave the name Peter; Ito ang mga labindalawang hinirang niya: si Simon (na tinawag niyang Pedro),
17 James son of Zebedee, and John his brother, whom he named Boanerges, meaning Sons of Thunder; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo (tinawag niya silang Boanerges na ang ibig sabihin ay “mga anak ng kulog”),
18 Andrew, Philip, Bartholomew, Matthew, Thomas, James son of Alphaeus, Thaddaeus, Simon the Zealot, si Andres, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na makabayan
19 and Judas Iscariot, who betrayed him. at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan.
20 He went home; the crowd gathered again, so he and his disciples couldn't even eat. Pag-uwi ni Hesus sa bahay na tinutuluyan niya, muling dumating ang napakaraming tao, kaya siya at ang mga alagad niya ay hindi na nagawang kumain.
21 When his family heard, they went out to restrain him, for they said, "He's out of his mind." Nang mabalitaan ito ng pamilya ni Hesus, pumunta sila upang kunin siya dahil naisip nilang baka nasisiraan na siya ng bait.
22 The scribes who came down from Jerusalem said, "He has Beelzebul," and, "By the prince of demons he drives out demons." May dumating namang mga tagapagturo ng Kautusan galing sa Jerusalem, at sinabi nila, “Sinasapian siya ni Satanas na pinuno ng mga demonyo. At sa pamamagitan nito, nakakapagpalayas siya ng mga demonyo.”
23 So Jesus called them to him and spoke in parables: "How can Satan drive out Satan? Kaya tinawag ni Hesus ang mga tao at nagsalita siya sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga: “Paano naman palalayasin ni Satanas ang sarili niya?
24 If a kingdom is divided against itself, that kingdom cannot stand. Kung ang isang kaharian ay nagkakawatak-watak at naglalaban-laban, babagsak ito.
25 And if a house is divided against itself, that house will not be able to stand. Ganoon din kapag nag-aaway-away ang isang sambahayan, magkakawatak-watak ito.
26 And if Satan opposes himself and is divided, he cannot stand; his end has come. Kaya kung kinakalaban ni Satanas ang kanyang sarili at hati-hati ang mga kampon niya, babagsak din siya at iyon na ang kanyang katapusan.
27 No one can enter a strong man's house and take his goods without first tying up the strong man—then he can plunder the house. Hindi makakapasok ang magnanakaw sa bahay ng isang malakas na tao, maliban kung gapusin niya muna ito. At kapag naigapos na niya, saka lang niya ito mananakawan.
28 Truly I tell you, all sins and insults against God will be forgiven children of mankind, whatever they say, Sinasabi ko sa inyo ang totoo, lahat ng kasalanan ng tao, at anumang masamáng sinasabi nila laban sa Anak ng Tao ay maaaring mapatawad.
29 but whoever blasphemes against the Holy Spirit never has forgiveness; they are guilty of an eternal sin," Ngunit ang sinumang magsasalita ng kalapastanganan sa Banal na Espiritu ay hinding-hindi mapapatawad. Ang kasalanang ito ay mananatili sa kanya magpakailanman.”
30 for they were saying, "He has an unclean spirit." Sinabi iyon ni Hesus dahil sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Sinasapian siya ng masamáng espiritu.”
31 His mother and brothers arrived and, standing outside, sent to him, calling him. Dumating naman ang ina at mga kapatid ni Hesus. Habang nakatayo sila sa labas, ipinatawag nila siya.
32 A crowd sat around him and said to him, "Look, your mother and your brothers are outside, asking for you." Maraming tao ang nakaupo sa palibot niya noon, at may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ipinapatawag kayo.”
33 He answered them, "Who are my mother and my brothers?" Sumagot si Hesus, “Sino ang aking ina at mga kapatid?”
34 Looking around at those sitting in a circle around him, he said, "Here are my mother and my brothers! Tiningnan niya ang mga taong nakapalibot sa kanya at sinabi, “Ang mga ito ang aking ina at mga kapatid!
35 Whoever does the will of our Father is my brother and sister and mother." Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos ang siya kong ina at mga kapatid.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]