Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1-2 A few days later, when Jesus came back to Capernaum, word spread that he was home. Pagkalipas ng ilang araw, bumalik si Hesus sa Capernaum. Agad namang kumalat ang balitang naroon siya. Kaya napakaraming tao ang nagtipon doon sa tinutuluyan niya hanggang sa wala nang lugar kahit sa labas ng pintuan. Habang ipinapangaral niya sa kanila ang salita ng Diyos,
2 So many gathered that there was no room left, not even at the door, and he was speaking the word to them. Not in this edition
3 Then some men came, bringing to him a paralyzed man carried by four of them. may mga taong dumating kasama ang isang paralitikong buhat-buhat ng apat na lalaki.
4 Unable to bring him to Jesus because of the crowd, they removed the roof over him, dug through it, and lowered the mat the paralyzed man lay on. Dahil sa dami ng tao, hindi sila makalapit kay Hesus. Kaya binaklas nila ang bahagi ng bubong sa tapat ni Hesus at saka ibinaba ang paralitikong nasa kanyang higaan.
5 When Jesus saw their faith, he said to the paralyzed man, "Son, your sins are forgiven." Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
6 Now some of the scribes were sitting there, reasoning in their hearts, Narinig ito ng ilang mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo roon. Sinabi nila sa kanilang sarili,
7 "Why does this man speak this way? He is blaspheming! Who can forgive sins but God alone?" “Bakit siya nagbitaw ng ganyang mga salita? Kalapastanganan ʼyan sa Diyos! Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!”
8 Immediately Jesus knew in his spirit they were reasoning this way within themselves, and said to them, "Why are you reasoning these things in your hearts? Alam ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan?
9 Which is easier—telling the paralyzed man, 'Your sins are forgiven,' or, 'Get up, take your mat, and walk'? Alin ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ‘Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad’?
10 But so you'll know the Son of Man has authority on earth to forgive sins"—he told the paralyzed man, Ngayon, patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko,
11 "I say to you, get up, take your mat, and go home." “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!”
12 He got up, immediately took his mat, and went out before them all, so that everyone was amazed and praised our Father, saying, "We've never seen anything like this." Tumayo nga ang paralitiko, agad na binuhat ang kanyang higaan at lumabas habang nakatingin ang lahat. Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Sinabi nila, “Ngayon lang kami nakakita ng ganito.”
13 Jesus went out beside the sea again; the whole crowd came to him, and he taught them. Muling pumunta si Hesus sa tabi ng lawa ng Galilea. Maraming tao ang pumunta roon sa kanya, at tinuruan niya ang mga ito.
14 Passing by, he saw Levi son of Alphaeus sitting at the tax booth and said, "Follow me." He got up and followed him. Habang naglalakad siya, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo. Nakaupo ito sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman si Levi at sumunod kay Hesus.
15 While Jesus reclined at the table in Levi's house, many tax collectors and sinners reclined with Jesus and his disciples, since many were following him. Habang kumakain si Hesus at ang mga alagad niya sa bahay ni Levi, maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan ang kumakaing kasama nila, dahil marami sa kanila ang sumusunod kay Hesus.
16 Seeing him eat with sinners and tax collectors, the Pharisees' scribes asked his disciples, "Why does he eat with tax collectors and sinners?" Nang makita ng mga Pariseong tagapagturo ng Kautusan na kasalo ni Hesus ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan, sinabi nila sa mga alagad niya, “Bakit kumakain siyang kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?”
17 Hearing this, Jesus said to them, "The healthy don't need a doctor, but the sick do. I didn't come to call the righteous, but sinners." Narinig iyon ni Hesus kaya sinagot niya ang mga ito, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”
18 John's disciples and the Pharisees were fasting. They came and asked him, "Why do John's disciples and the Pharisees' disciples fast, but yours don't?" Nang minsang nag-aayuno ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo at mga Pariseo, may mga taong lumapit kay Hesus at nagtanong, “Bakit hindi nag-aayuno ang iyong mga alagad, hindi tulad ng mga alagad ni Juan at ng mga Pariseo?”
19 Jesus said to them, "Can wedding guests fast while the bridegroom is with them? As long as they have the bridegroom with them, they cannot fast. Sumagot si Hesus, “Nag-aayuno ba ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! Habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal, hindi sila puwedeng mag-ayuno.
20 But days will come when the bridegroom is taken from them; then, on that day, they will fast. Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”
21 No one sews unshrunk cloth on an old garment; otherwise the new patch tears away from the old, and the tear worsens. Sinabi pa ni Hesus, “Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit. Kapag ginawa ito, mahihila ng bagong tela ang damit at lalo pang lalaki ang punit.
22 No one puts new wine into old wineskins; the wine bursts the skins, and both are ruined. New wine goes into new wineskins." Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at pareho itong hindi na mapapakinabangan. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat.”
23 One Sabbath, he walked through the grainfields, and as they went, his disciples began picking heads of grain. Isang Araw ng Pamamahinga, habang dumadaan sina Hesus sa isang triguhan, namitas ng trigo ang mga alagad niya upang kutkutin.
24 The Pharisees said to him, "Look, why are they doing what's not lawful on the Sabbath?" Kaya sinabi sa kanya ng mga Pariseo, “Tingnan mo ang mga alagad mo! Bakit sila gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?”
25 And he said to them, "Have you never read what David did when he was in need and hungry, he and those with him, Sumagot si Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya, at wala silang makain?
26 how he entered the house of our Father in the days of Abiathar the high priest, ate the bread of the Presence—which only priests may eat—and gave some to those with him?" Pumasok si David sa bahay ng Diyos noong si Abiatar ang punong pari. Kumain si David ng tinapay na inihandog sa Diyos, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon, at binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan.”
27 And he said to them, "The Sabbath was made for people, not man for the Sabbath. At sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Nilikha ang Araw ng Pamamahinga para sa tao. Hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga.
28 So the Son of Man is Lord even of the Sabbath." Kaya ang Anak ng Tao ang Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]