Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The beginning of the gospel of Jesus Christ, the Son of our Father. Ito ang Magandang Balita tungkol kay Hesus, ang Mesias, na Anak ng Diyos. Nagsimula ito
2 As written in Isaiah the prophet: "Look, I send my messenger ahead of you, who will prepare your way. ayon sa isinulat ni Propeta Isaias: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo.”
3 A voice calling out in the wilderness: 'Prepare the way of the Lord, make his paths straight.'" “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.’ ”
4 John appeared, baptizing in the wilderness and proclaiming a baptism of repentance for the forgiveness of sins. Dumating nga sa ilang si Juan na Tagapagbautismo. Ipinangaral niya sa mga tao na kailangan nilang pagsisihan at talikuran ang kanilang mga kasalanan, at magpabautismo para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
5 All Judea and everyone in Jerusalem went out to him, and he baptized them in the Jordan River as they confessed their sins. Pinupuntahan siya ng maraming tao mula sa Jerusalem at sa buong lalawigan ng Judea. Ipinagtatapat nila ang kanilang mga kasalanan at silaʼy binabautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.
6 John was dressed in camel's hair, with a leather belt around his waist, eating locusts and wild honey. Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang kinakain niya ay balang at pulot-pukyutan.
7 He announced: "After me comes one stronger than I; I'm not worthy to stoop and untie his sandal strap. Ito ang ipinapahayag niya, “May isang darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang yumuko para magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.
8 I have baptized you with water, but he will baptize you with the Holy Spirit." Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.”
9 In those days Jesus came from Nazareth of Galilee and was baptized by John in the Jordan. Sa panahong iyon, dumating si Hesus mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at nagpabautismo kay Juan sa Ilog Jordan.
10 Immediately, as he came up out of the water, he saw the heavens split open and the Holy Spirit come down on him like a dove. Pagkaahon ni Hesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu tulad sa isang kalapati.
11 And a voice came from heaven: "You are my beloved Son; in you I delight." At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
12 And immediately the Holy Spirit drove him out into the wilderness. At noon din ay pinapunta siya ng Espiritu sa ilang.
13 He was in the wilderness forty days, tempted by Satan, with the wild animals, and the angels served him. Nanatili siya roon nang apatnapung araw at sa loob ng apatnapung araw na iyon, tinukso siya ni Satanas. May kasama siyang mababangis na hayop doon, at pinaglingkuran siya ng mga anghel.
14 Now after John was arrested, Jesus came into Galilee, proclaiming the gospel of our Father, Nang mabilanggo si Juan, pumunta si Hesus sa Galilea at ipinangaral doon ang Magandang Balita mula sa Diyos.
15 and saying, "The time is fulfilled, and our Father's kingdom is near; repent and believe the good news." Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon! Malapit na ang paghahari ng Diyos. Pagsisihan at talikuran na ninyo ang inyong mga kasalanan, at maniwala kayo sa Magandang Balita!”
16 Passing the Sea of Galilee, he saw Simon and his brother Andrew casting a net in the sea, for they were fishermen. Isang araw, habang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya si Simon at ang kapatid nitong si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat silaʼy mga mangingisda.
17 And Jesus said to them, "Follow me, and I will make you become fishers of people." Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.”
18 And immediately they left their nets and followed him. Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya.
19 Going a little farther, he saw James son of Zebedee and John his brother in their boat, mending the nets. Patuloy na naglakad si Hesus, at sa di-kalayuan ay nakita naman niya ang dalawang anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan. Nasa bangka sila at nag-aayos ng kanilang lambat.
20 At once he called them; leaving their father Zebedee in the boat with the hired hands, they followed him. Agad silang tinawag ni Hesus. Iniwan nila sa bangka ang kanilang amang si Zebedeo at ang mga tauhan nila, at sumunod kay Hesus.
21 They went to Capernaum. At once, on the Sabbath, he entered the synagogue and began teaching. Pumunta sina Hesus sa bayan ng Capernaum. Nang dumating ang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at doon ay nagturo si Hesus.
22 They were amazed at his teaching, for he taught them with authority, not like the scribes. Namangha ang mga tao sa mga aral niya, dahil nangangaral siya nang may awtoridad, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan.
23 And immediately there was in their synagogue a man with an unclean spirit, and he cried out. May isang tao roon na sinasaniban ng masamáng espiritu ang biglang nagsisigaw:
24 Why meddle with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us? I know who you are—God's Holy One! “Ano ang pakay mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba para puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na Sugo ng Diyos!”
25 But Jesus rebuked him, saying, "Be silent, and come out of him!" Ngunit sinaway ni Hesus ang masamang espiritu, “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!”
26 And the unclean spirit, convulsing him and crying out with a loud voice, came out of him. Pinangisay ng masamáng espiritu ang tao, at sumigaw ito habang lumalabas.
27 All were amazed, and they questioned each other: "What is this? A new teaching with authority - he commands even the unclean spirits, and they obey him!" Namangha ang lahat ng naroon, at sinabi nila sa isaʼt isa, “Anong bagong aral ito? May kapangyarihang utusan ang mga masasamáng espiritu at sumusunod sila!”
28 And at once his fame spread everywhere throughout all the surrounding region of Galilee. At mabilis na kumalat ang balita tungkol kay Hesus sa buong Galilea.
29 Immediately he left the synagogue and went to Simon and Andrew's house, with James and John. Mula sa sinagoga, sumáma si Hesus kina Simon at Andres sa kanilang bahay. Kasama rin nila sina Santiago at Juan.
30 Now Simon's mother-in-law lay sick with a fever, and immediately they told him about her. Nadatnan nilang nakahiga ang biyenang babae ni Simon dahil nilalagnat ito. Sinabi nila agad ito kay Hesus.
31 He came, took her hand, raised her up. The fever left her, and she served them. Kaya nilapitan ni Hesus ang may sakit, hinawakan ang kamay nito at ibinangon. Biglang nawala ang lagnat niya, at pinagsilbihan niya sina Hesus.
32 That evening, when the sun set, they brought him all who were sick and those oppressed by demons. Pagkalubog ng araw, dinala ng mga tao kay Hesus ang mga maysakit at mga sinasapian ng demonyo.
33 And the whole city was gathered together at the door. Napakaraming tao sa bayang iyon ang nagkatipon-tipon sa may pintuan ng bahay.
34 He healed many sick with various diseases and drove out many demons, not letting the demons speak, since they knew him. Pinagaling ni Hesus ang maraming may sakit, anuman ang kanilang karamdaman, at pinalayas din niya ang maraming demonyo. Hindi niya pinayagang magsalita ang mga demonyo dahil alam nila kung sino siya.
35 Long before dawn, while still dark, he got up, went out to a deserted place, and prayed there. Kinabukasan ng madaling-araw, bumangon si Hesus at pumunta sa ilang upang manalangin.
36 And Simon and those who were with him searched for him, Hindi nagtagal, hinanap siya nina Simon at ng mga kasamahan niya.
37 and they found him and said to him, "Everyone is looking for you." Nang matagpuan nila si Hesus, sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng lahat.”
38 He said, "Let us go elsewhere, to the neighboring towns, so I can preach there too, for that is why I came." Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Pumunta naman tayo sa mga kalapit-bayan, upang makapangaral din ako roon, dahil ito ang dahilan kung bakit ako naparito sa mundo.”
39 And he went throughout all Galilee, preaching in their synagogues and casting out demons. Kaya nilibot ni Hesus ang buong Galilea at nangaral sa mga sinagoga, at pinalayas ang mga demonyo sa mga taong sinapian ng mga ito.
40 A man with leprosy came, knelt, and begged him, "If you're willing, you can make me clean." Lumapit kay Hesus ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, “Kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.”
41 Moved with deep compassion, he stretched out his hand, touched him, and said to him, "I am willing; be clean." Naawa si Hesus sa kanya, kaya hinawakan niya ito at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!”
42 And immediately the leprosy left him, and he was made clean. Agad na nawala ang kanyang sakit sa balat, at siyaʼy naging malinis.
43 Sternly warning him, he sent him away at once, Pinaalis agad siya ni Hesus at mahigpit na binilinan,
44 and told him, "Make sure you tell no one—but go, show yourself to the priest, and offer what Moses commanded for your cleansing, as proof to the people." “Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Dalhin mo ang handog na hinihiling ng Kautusan ni Moises sa mga taong gumaling sa sakit sa balat. Gawin mo ito bilang patunay sa mga tao na malinis ka na.”
45 But he went out, proclaiming it freely and spreading the news, so Jesus could no longer enter a town openly, but stayed in lonely places. Yet people came to him from everywhere. Ngunit pagkaalis niya ay ipinamalita niya ang nangyari sa kanya. Kaya kumalat ang balitang ito hanggang sa hindi na lantarang makapasok si Hesus sa mga bayan dahil pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Kaya doon na lang siya nanatili sa mga ilang. Ngunit pumupunta pa rin doon ang mga tao mula sa ibaʼt ibang lugar.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]