Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 28 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After the Sabbath, at dawn on the first day of the week, Mary Magdalene and the other Mary came to see the tomb. Pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga, sa madaling-araw ng Linggo, pumunta sa libingan si Maria Magdalena kasama ang isa pang Maria para tingnan ito.
2 Suddenly a great earthquake struck, for an angel of our Father came down from heaven, rolled back the stone, and sat on it. Biglang lumindol nang malakas, dahil isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang batong nakatakip sa libingan at inupuan ito.
3 His appearance was like lightning, and his clothing white as snow. Nakakasilaw na parang liwanag ng kidlat ang kanyang anyo at puting-puti ang kanyang damit.
4 The guards trembled in fear of him and became like dead men. Nanginig sa takot ang mga sundalong nagbabantay nang makita ang anghel at silaʼy nabuwal na parang mga patay.
5 But the angel said to the women, "Don't be afraid, for I know you're looking for Jesus, who was crucified. Sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus.
6 He isn't here—he's risen, as he said. Come, see the place where he was lying. Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan ng kanyang bangkay.
7 Go quickly, tell his disciples: He has risen from the dead. Look, he is going ahead of you to Galilee; you will see him there. Listen, I have told you." Pagkatapos, puntahan nʼyo agad ang mga alagad niya, at sabihin ninyo sa kanila na nabuhay siyang muli at mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo!”
8 So they left the tomb quickly, with fear and great joy, and ran to tell his disciples. Kaya dali-daling umalis ang mga babae mula sa libingan, na bagamaʼt takot na takot ay puno ng kagalakan, at patakbo silang pumunta sa mga alagad para sabihin ang mensahe ng anghel.
9 Suddenly Jesus met them, saying, "Greetings!" They came to him, grasped his feet, and worshiped him. Ngunit habang tumatakbo sila, bigla silang sinalubong ni Hesus sa daan at binati. Lumapit sila kay Hesus, niyakap ang kanyang mga paa at sinamba siya.
10 Then Jesus told them, "Don't be afraid. Go, tell my brothers to leave for Galilee—they will see me there." Sinabi sa kanila ni Hesus, “Huwag kayong matakot. Puntahan ninyo ang aking mga kapatid at sabihin sa kanila na pumunta sila sa Galilea, at doon makikita nila ako.”
11 While on the way, some guards entered the city and reported to the chief priests all that had happened. Habang nasa daan pa ang mga babae, pumasok sa lungsod ang ilan sa mga guwardiya para ibalita sa mga namamahalang pari ang nangyari.
12 After meeting with the elders and forming a plan, they paid the soldiers a large sum, Matapos makipagpulong ng mga namamahalang pari sa mga pinuno ng mga Hudyo, napagdesisyunan nilang suhulan ng malaking halaga ang mga bantay.
13 telling them, "Say: His disciples came at night and stole him while we slept. Sinabi nila sa mga bantay, “Ipamalita ninyo na habang natutulog kayo kagabi, dumating ang mga alagad ni Hesus at ninakaw ang kanyang bangkay.
14 If this reaches the governor, we'll persuade him and keep you free of trouble." Kapag narinig ito ng gobernador, kami na ang bahalang magpaliwanag sa kanya, upang hindi kayo mapahamak.”
15 They took the money and did as they were told; this report spread among the Jews to this day. Tinanggap ng mga guwardiya ang pera at ginawa ang mga ibinilin sa kanila. Kaya hanggang ngayon, ito pa rin ang kuwentong ikinakalat ng mga Hudyo.
16 Then the eleven disciples went to Galilee, to the mountain where Jesus had directed them. Samantala, pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, doon sa bundok na sinabi sa kanila ni Hesus kung saan sila magkita-kita.
17 When they saw him, they worshiped him, but some doubted. Nang makita nila si Hesus, sumamba sila sa kanya, subalit may ilan sa kanilang may pag-aalinlangan.
18 Jesus came and said to them, "All authority in heaven and on earth has been given to me. Lumapit sa kanila si Hesus at sinabi, “Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.
19 Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.
20 teaching them to obey all I've commanded you. Remember, I'm with you always, to the end of the age." Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]