Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 27 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 At dawn, all the chief priests and elders of the people met and plotted to kill Jesus. Kinaumagahan, nagplano ang lahat ng namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo kung paano nila maipapatay si Hesus.
2 So they bound him, led him away, and handed him over to Pilate the governor. Kaya iginapos nila si Hesus at dinala kay Gobernador Pilato.
3 Then Judas, his betrayer, seeing Jesus condemned, felt remorse and returned the thirty pieces of silver to the chief priests and elders, Nang malaman ng traydor na si Judas na hinatulan ng kamatayan si Hesus, labis siyang nagsisi sa kanyang ginawa kaya isinauli niya ang tatlumpung pirasong pilak sa mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo.
4 saying, "I sinned, betraying innocent blood." They said, "Not our concern. You'll see to it." Sinabi niya sa kanila, “Nagkasala ako dahil pinagkanulo ko ang isang taong walang kasalanan.” Ngunit sumagot sila, “Ano ang pakialam namin diyan? Problema mo na iyan.”
5 He threw the pieces of silver into the temple, went out, and hanged himself. Itinapon ni Judas sa Templo ang salapi. Pagkatapos ay umalis siya at nagbigti.
6 The chief priests took the silver and said, "We can't put this in the treasury—it was payment for blood." Pinulot ng mga namamahalang pari ang salapi at sinabi, “Labag sa Kautusan na ilagay ang salaping ito sa kabang-yaman ng Templo, dahil bayad ito sa buhay ng isang tao.”
7 So they consulted, then bought the potter's field with it, to bury foreigners. Kaya napagkasunduan nilang gamitin ang salapi para bilhin ang bukid ng magpapalayok at gawing libingan para sa mga dayuhan.
8 That is why that field has been called the Field of Blood to this day. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinatawag pa rin ang lugar na iyon na Bukid ng Dugo.
9 Then what the prophet Jeremiah spoke was fulfilled: "They took the thirty pieces of silver, the price set on him, whom some of Israel's sons priced, Sa pangyayaring iyon, natupad ang ipinahayag ni Propeta Jeremias nang sabihin niya, “Kinuha nila ang tatlumpung pirasong pilak, ang halagang napagkasunduan ng mga taga-Israel na ipambili sa kanya,
10 and they gave them for the potter's field, as our Father directed me." at ginamit nila ang pera bilang pambili ng bukid ng magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.”
11 Jesus stood before the governor; the governor asked, "Are you the King of the Jews?" Jesus said, "You say so." Nang madala na si Hesus kay Pilato, tinanong siya nito, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”
12 But when he was accused by the chief priests and elders, he gave no answer. Ngunit hindi sumagot si Hesus sa mga paratang ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo.
13 Then Pilate said to him, "Don't you hear how many charges they're bringing against you?" Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, “Bakit ayaw mong sagutin ang mga paratang nila sa iyo?”
14 He gave him no answer, not even to a single charge, so the governor was greatly amazed. Ngunit hindi pa rin sinagot ni Hesus ni isa sa mga paratang nila sa labis na pagtataka ng gobernador.
15 At each feast the governor would release one prisoner the crowd wanted. Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, nakaugalian na ng gobernador na magpalaya ng isang bilanggo na pipiliin ng mga tao.
16 At that time they were holding a notorious prisoner called Barabbas. Noong panahong iyon, may isang bilanggong kilala sa kasamaan na ang pangalan ay Barabas.
17 When they had gathered, Pilate asked, "Which do you want me to release—Barabbas, or Jesus called Christ?" Nang magtipon ang mga tao, tinanong sila ni Pilato, “Sino ang gusto ninyong palayain ko? Si Barabas o si Hesus na tinatawag na Mesias?”
18 For he knew that it was out of envy that they had handed him over. Alam ni Pilato na pagkainggit ang nagtulak sa pamunuan ng mga Hudyo na dalhin sa kanya si Hesus.
19 While he sat on the judgment seat, his wife sent to him: Have nothing to do with that righteous man, for I suffered much today in a dream because of him. Habang nakaupo si Pilato sa hukuman, nagpadala ang kanyang asawa ng ganitong mensahe: “Huwag mong pakialaman ang taong iyan na walang kasalanan, sapagkat nabagabag ako nang husto dahil sa panaginip ko tungkol sa kanya.”
20 But the chief priests and elders persuaded the crowds to ask for Barabbas and to have Jesus put to death. Ngunit sinulsulan ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo ang mga tao na hilingin kay Pilato na si Barabas ang palayain, at si Hesus ang ipapatay.
21 The governor said, "Which of the two should I release to you?" They said, "Barabbas." Kaya nagtanong ulit si Pilato sa mga tao, “Sino sa dalawa ang gusto ninyong palayain ko?” Sumigaw sila, “Si Barabas!”
22 Pilate asked them, "What then do I do with Jesus called Christ?" They all said, "Have him crucified!" Nagtanong pa ulit si Pilato, “Ano ngayon ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Mesias?” Sumagot ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
23 He said, "Why? What wrong has he done?" But they cried out louder, "Crucify him!" Tinanong sila ni Pilato, “Bakit, ano ba ang nagawa niyang kasalanan?” Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
24 Seeing he could do nothing, but a riot was starting instead, Pilate took water, washed his hands before the crowd, and said, "I am innocent of this man's blood; you see to it." Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa dahil nagsisimula nang magkagulo ang mga tao, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao at sinabi, “Wala akong pananagutan sa kamatayan ng taong ito. Kayo ang dapat managot. Malinis ang kamay ko sa bagay na ito.”
25 And all the people answered, "His blood be on us and on our children!" Sumagot ang mga tao, “Kami at ang mga anak namin ang mananagot sa kanyang kamatayan!”
26 Then he released Barabbas to them, had Jesus whipped, and handed him over to be crucified. Pagkatapos, pinalaya ni Pilato si Barabas. Ngunit si Hesus ay ipinahagupit niya at saka ibinigay sa mga sundalo para ipako sa krus.
27 Then the governor's soldiers took Jesus into the governor's headquarters and gathered the whole regiment around him. Dinala ng mga sundalo si Hesus sa loob ng palasyo ng gobernador, at nagtipon ang buong batalyon ng mga sundalo sa paligid niya.
28 They stripped him and put a scarlet robe on him. Hinubaran nila siya at sinuotan ng pulang kapa.
29 They twisted a crown of thorns, set it on his head, put a reed in his right hand, knelt before him, and mocked him: "Hail, King of the Jews!" Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang isang tungkod sa kanyang kanang kamay. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Hudyo!”
30 And they spit on him, took the reed, and struck him on the head again and again. Dinuraan nila si Hesus at kinuha ang tungkod na hawak niya at paulit-ulit nilang inihampas sa kanyang ulo.
31 After mocking him, they stripped off the robe, dressed him in his own clothes, and led him away to crucify him. Matapos nilang kutyain si Hesus, hinubad nila sa kanya ang kapa at isinuot muli sa kanya ang damit niya. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod para ipako sa krus.
32 Going out, they found a Cyrenian named Simon and forced him to carry Jesus's cross. Nang palabas na sila ng lungsod, nakita nila ang isang lalaking taga-Cirene na nagngangalang Simon. Sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.
33 And when they came to a place called Golgotha (which means Place of a Skull), Pagdating nila sa lugar na tinatawag na Golgota (na ang ibig sabihin ay “lugar ng bungo”),
34 they gave him wine mixed with bitter gall to drink; he tasted it and refused to drink. pinainom nila si Hesus ng alak na hinaluan ng apdo, ngunit nang matikman ito ni Hesus ay ayaw niyang inumin.
35 And when they had crucified him, they divided his garments among themselves by casting lots. Ipinako nila si Hesus sa krus, at pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan.
36 Then they sat down and kept watch over him there. Pagkatapos, naupo sila at binantayan si Hesus.
37 Over his head they posted the charge against him: "This is Jesus, the King of the Jews." Naglagay sila ng karatula sa ulunan ni Hesus, at ganito ang nakasulat na paratang laban sa kanya: Ito si Hesus, ang Hari ng mga Hudyo.
38 Then two robbers were crucified with him, one on his right and one on his left. May dalawang tulisan na ipinako rin sa krus kasabay ni Hesus, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
39 Those who passed by hurled insults at him, shaking their heads, Ininsulto si Hesus ng mga taong napapadaan doon. Napapailing sila
40 saying, "You who would destroy the temple and rebuild it in three days—save yourself! If you're the Son of God, come down from the cross!" at sinasabi, “Hindi baʼt sinasabi mong gigibain mo ang Templo at muli mong itatayo sa loob ng tatlong araw? Bakit hindi mo iligtas ang iyong sarili? Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!”
41 In the same way the chief priests, with the scribes and elders, also mocked him, saying, Ganoon din ang pangungutya ng mga namamahalang pari, ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi nila,
42 "he saved others; himself he can't save. He's King of Israel—let him come down from the cross now, and we'll believe in him. “Iniligtas niya ang iba, ngunit hindi niya mailigtas ang kanyang sarili. Hindi baʼt siya ang hari ng Israel? Kung bababa siya sa krus, maniniwala na kami sa kanya.
43 He trusts in God—let God save him now, if he wants him, for he said, 'I am God's Son.'" Nagtitiwala siya sa Diyos at sinasabi niyang siya ang Anak ng Diyos. Ngayon, tingnan natin kung talagang ililigtas siya ng Diyos!”
44 And the robbers who were crucified with him also heaped insults on him in the same way. Maging ang mga tulisang ipinakong kasama niya ay iniinsulto rin siya.
45 Now from noon until three in the afternoon darkness came over all the land. Nang mag-alas dose na ng tanghali, dumilim ang buong lupain sa loob ng tatlong oras.
46 About three in the afternoon, Jesus cried loudly, "Eli, Eli, lema sabachthani?"—meaning, "My God, my God, why have you forsaken me?" Nang mag-alas tres na ng hapon, sumigaw si Hesus nang malakas, “Eli, Eli, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit nʼyo ako pinabayaan?”
47 When some of those standing there heard this, they said, "This man is calling Elijah." Nang marinig iyon ng mga nakatayo roon, sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias.”
48 One of them ran at once, soaked a sponge in sour wine, put it on a reed, and gave him a drink. Agad namang tumakbo ang isang tao at kumuha ng espongha at isinawsaw sa maasim na alak. Ikinabit niya ito sa dulo ng isang patpat at idinampi sa bibig ni Hesus para sipsipin niya.
49 But the others said, "Leave him alone. Let us see whether Elijah will come to save him." Ngunit sinabi naman ng iba, “Hayaan mo siya. Tingnan natin kung darating nga si Elias para iligtas siya.”
50 And Jesus cried out again with a loud voice and gave up his spirit. Muling sumigaw nang malakas si Hesus at pagkatapos ay ipinaubaya niya ang kanyang espiritu sa Diyos.
51 Suddenly the curtain of the temple was torn in two, from top to bottom. The earth shook, the rocks split. Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng Templo. Lumindol sa buong lupain, nagkabitak-bitak ang mga bato
52 The tombs were opened, and many bodies of the holy ones who had fallen asleep were raised. at nabuksan ang mga libingan, at muling nabuhay ang maraming banal na namatay.
53 After Jesus's resurrection, they left the tombs, entered the holy city, and appeared to many. Lumabas sila ng libingan, at nang muling mabuhay si Hesus, pumunta sila sa banal na lungsod ng Jerusalem at marami ang nakakita sa kanila.
54 The centurion and those with him guarding Jesus saw the earthquake and what happened, and were terrified, saying, "Truly this man was the Son of God!" Ang kapitan ng mga sundalo at mga kasama niyang nagbabantay kay Hesus ay nasindak nang mayanig ang lupa at nang makita ang lahat ng mga pangyayari. Sinabi nila, “Totoo ngang siya ang Anak ng Diyos!”
55 Many women watched from a distance; they had followed Jesus from Galilee to serve him. Sa di-kalayuan ay maraming babae ang nanonood sa mga pangyayari. Noong umalis si Hesus sa Galilea, sumunod ang mga babaeng ito sa kanya at tinulungan siya sa kanyang mga pangangailangan.
56 Among them: Mary Magdalene, Mary mother of James and Joseph, and the mother of Zebedee's sons. Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Maria na ina nina Santiago at Jose, at ang asawa ni Zebedeo.
57 At evening a rich man from Arimathea named Joseph came, himself a disciple of Jesus. Nang magtatakip-silim na, isang mayamang lalaki na taga-Arimatea ang dumating. Siya si Jose na isa ring alagad ni Hesus.
58 He went to Pilate and asked for Jesus' body. Then Pilate ordered it given to him. Pumunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. At iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya.
59 Joseph took the body, wrapped it in a clean linen cloth. Kaya kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng malinis na telang lino.
60 He put it in his new tomb, cut into the rock, rolled a large stone across the tomb's entrance, and left. Inilagay niya ito sa bagong libingang hinukay sa gilid ng burol, na ipinagawa niya para sana sa sarili. Pagkatapos, pinagulong niya ang isang malaking bato para takpan ang pintuan ng libingan, at saka umalis.
61 Mary Magdalene and the other Mary were there, sitting opposite the tomb. Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon at nakaupo sa tapat ng libingan.
62 The next day—after Preparation Day—the chief priests and Pharisees gathered before Pilate, Kinabukasan, pagkatapos ng Araw ng Paghahanda, pumunta ang mga namamahalang pari at ang mga Pariseo kay Pilato.
63 and said, "Sir, we remember that deceiver, while still alive, said, 'After three days I will rise.' Sinabi nila, “Natatandaan po namin na noong buháy pa ang mapagpanggap na iyon, sinabi niya, ‘Pagkatapos ng tatlong araw mabubuhay akong muli.’
64 So order the tomb secured until the third day, or his disciples may come, steal him, and tell the people, 'He has been raised from the dead.' That last deception would be worse than the first." Kaya mabuti sigurong pabantayan po ninyo ang kanyang libingan sa mga susunod na araw, dahil baka nakawin ng mga alagad niya ang kanyang bangkay at ipamalitang nabuhay siya. Kapag nangyari ito, mas magiging masahol pa ang pandarayang ito kaysa noong una.”
65 Pilate said to them, "You have a guard. Go, make it as secure as you can." Sumagot si Pilato sa kanila, “May mga guwardiya kayo. Kayo na ang magpabantay ng husto ayon sa abot ng inyong makakaya.”
66 So they went and made the tomb secure by sealing the stone and posting the guard. Kaya pumunta sila sa libingan, at tinatakan nila ang batong nakatakip sa libingan upang malaman nila kung may nagbukas, at nag-iwan sila roon ng ilang mga bantay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]