Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 He said to them, "Truly I tell you: some standing here will not taste death before they see the kingdom of our Father come with power." Sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikitang dumarating ang paghahari ng Diyos nang may kapangyarihan.”
2 Six days later Jesus took Peter, James, and John, and led them up a high mountain alone, and he was transfigured before them. Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Hesus sina Pedro, Santiago at Juan at umakyat sila sa isang mataas na bundok. Sila lang ang naroon. At habang nakatingin sila kay Hesus, nagbago ang kanyang anyo.
3 His clothes became radiant, dazzling white—whiter than anyone on earth could bleach them. Naging puting-puti at nakakasilaw tingnan ang damit niya. Walang sinuman dito sa mundo na makakapagpaputi nang katulad noon.
4 And Elijah appeared to them along with Moses, and they were talking with Jesus. At nagpakita sa kanila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Hesus.
5 Peter said to Jesus, "Rabbi, it's good that we're here. Let's make three shelters—one for you, one for Moses, and one for Elijah." Sinabi ni Pedro kay Hesus, “Rabbi, mabutiʼt narito tayo! Hayaan nʼyo pong gumawa kami ng tatlong kubol: isa po para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”
6 He did not know what to say, for they were terrified. Ito ang nasabi niya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sapagkat takot na takot sila.
7 A cloud appeared and overshadowed them, and a voice came from the cloud: "This is my beloved Son. Listen to him!" Pagkatapos, tinakpan sila ng ulap. At may narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!”
8 Suddenly, when they looked around, they no longer saw anyone with them except Jesus. Nang tumingin sila sa paligid, wala nang ibang naroon kundi si Hesus na lang.
9 Coming down the mountain, he ordered them to tell no one what they'd seen until the Son of Man rose from the dead. Habang pababa na sila sa bundok, pinagbilinan sila ni Hesus na huwag nilang sasabihin kahit kanino ang nakita nila hanggaʼt ang Anak ng Tao ay hindi pa muling nabubuhay.
10 So they kept the matter to themselves, questioning what rising from the dead could mean. Kaya hindi nila sinabi kahit kanino ang pangyayaring iyon. Ngunit pinag-usapan nila kung ano ang ibig niyang sabihin sa “muling pagkabuhay”.
11 And they asked him, "Why do the scribes say that Elijah must come first?" Nagtanong sila kay Hesus, “Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Elias?”
12-13 He said, "Elijah does come first and restores everything. Then why is it written the Son of Man must suffer much and be treated with contempt? Sumagot siya sa kanila, “Totoo iyan, kailangan ngang dumating muna si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Ngunit sasabihin ko sa inyo: Dumating na si Elias at ginawa ng mga tao ang gusto nilang gawin sa kanya ayon na rin sa isinulat tungkol sa kanya. Ngunit bakit isinulat din na ang Anak ng Tao ay daranas ng maraming hirap at itatakwil ng mga tao?”
13 But I tell you, Elijah has come, and they did to him whatever they pleased, as it is written about him." Not in this edition
14 Coming to the other disciples, they saw a large crowd around the disciples, and scribes arguing with them. Pagbalik nina Hesus sa kinaroroonan ng iba pa niyang mga alagad, nakita nila na maraming tao ang nakapalibot sa kanila. Naroon din ang ilang tagapagturo ng Kautusan na nakikipagtalo sa mga alagad ni Hesus.
15 As soon as the whole crowd saw Jesus, they were astonished and ran to greet him. Namangha ang mga tao nang makita nila si Hesus, at patakbo silang lumapit at bumati sa kanya.
16 He asked them, "What are you arguing about with the scribes?" Tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, “Ano ang pinagtatalunan ninyo?”
17 Someone in the crowd answered him, "Teacher, I brought my son to you; he has a spirit that won't let him speak. May isang lalaki roon na sumagot, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang anak kong lalaki na sinasaniban ng masamang espiritu kaya hindi siya makapagsalita.
18 Whenever it seizes him, it throws him down. He foams at the mouth, grinds his teeth, and stiffens. I asked your disciples to drive it out, but they couldn't." Kapag sinasaniban siya ng masamang espiritu, itinutumba siya nito; bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang mga ngipin, at pagkatapos ay naninigas ang katawan. Nakiusap ako sa mga alagad nʼyo na palayasin ang masamang espiritu, ngunit hindi po nila magawa.”
19 He replied, "You unbelieving generation, how long must I stay with you? How long must I endure you? Bring him to me." Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan pa ako magtitiis sa inyo? Dalhin nʼyo rito ang bata!”
20 They brought the boy to him. Seeing Jesus, the spirit instantly convulsed him; he fell to the ground, thrashing and foaming at the mouth. Kaya dinala nila ang bata kay Hesus. Nang makita ng masamang espiritu si Hesus, pinangisay niya ang bata, itinumba, at pinagulong-gulong sa lupa na bumubula ang bibig.
21 Jesus asked the boy's father, "How long has this been happening to him?" "From childhood," he said. Tinanong ni Hesus ang ama ng bata, “Kailan pa siya nagkaganyan?” Sumagot ang ama, “Mula pa po sa pagkabata.
22 "It has often thrown him into fire and water to destroy him. But if you can do anything, pity us and help us." Madalas siyang itinutumba ng masamang espiritu sa apoy o sa tubig para patayin. Kaya maawa po kayo sa amin; kung may magagawa kayo, tulungan nʼyo po kami!”
23 Jesus said to him, "'If you can'? Everything is possible for the one who believes." Sinagot siya ni Hesus, “Bakit mo sinabing kung may magagawa ako? Ang lahat ng bagay ay posible sa taong may pananampalataya sa Diyos!”
24 Immediately the boy's father cried, "I believe; help my unbelief!" Sumagot agad ang ama ng bata, “Sumasampalataya po ako, pero kulang pa. Tulungan nʼyo po akong lalo pang sumampalataya sa inyo!”
25 Seeing a crowd running together, Jesus rebuked the unclean spirit: "Mute and deaf spirit, I command you—come out of him and never enter him again!" Nang makita ni Hesus na dumarami ang taong paparating sa kanya, sinaway niya ang masamáng espiritu, at sinabi, “Ikaw na espiritung nagpapapipi at nagpapabingi sa batang ito, inuutusan kitang lumabas sa kanya! At huwag ka nang papasok muli sa kanya!”
26 Crying out and convulsing him hard, it came out. He looked like a corpse, so many said, "He's dead." Sumigaw ang masamang espiritu, pinangisay ang bata, at saka lumabas. Naging parang patay ang bata, kaya sinabi ng karamihan, “Patay na siya!”
27 But Jesus took him by the hand and raised him up, and he stood. Ngunit hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at ibinangon, at tumayo ang bata.
28 When Jesus had gone indoors, his disciples asked him privately, "Why couldn't we drive it out?" Nang pumasok na sina Hesus sa bahay na tinutuluyan nila, tinanong siya ng mga alagad niya nang mapag-isa na lamang sila, “Bakit hindi po namin mapalayas ang masamang espiritu?”
29 He told them, "This kind can come out only by prayer." Sinagot sila ni Hesus, “Ang ganoong uri ng masamang espiritu ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin.”
30 They left there and passed through Galilee. Jesus did not want anyone to know where they were, Umalis sila sa lugar na iyon at dumaan sa Galilea. Ayaw ni Hesus na malaman ng mga tao na naroon siya,
31 because he was teaching his disciples, telling them, "The Son of Man is being handed into human hands. They will kill him, and three days later he will rise." dahil tinuturuan niya ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga taong papatay sa kanya. Papatayin nila siya, ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.”
32 But they did not understand what he meant, and they were afraid to ask him. Subalit hindi nila naunawaan ang sinabi niya, at takot naman silang magtanong sa kanya tungkol dito.
33 They came to Capernaum. In the house he asked them, "What were you arguing about on the way?" Dumating sila sa Capernaum. At nang nasa bahay na sila, tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinagtatalunan ninyo kanina sa daan?”
34 But they were silent, since they had argued along the way about who was greatest. Hindi sila sumagot, dahil ang pinagtatalunan nila ay kung sino sa kanila ang pinakadakila.
35 He sat down, called the Twelve, and told them, "Anyone who wants to be first must be last of all and servant of all." Kaya umupo si Hesus at tinawag ang labindalawa, at sinabi sa kanila, “Ang sinuman sa inyo na gustong maging una ay dapat maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat.”
36 He took a little child, stood him among them, took the child in his arms, and said to them: Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanila,
37 "Whoever accepts one of these little children in my name accepts me; whoever accepts me accepts not me but the one who sent me." “Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Ama na nagsugo sa akin.”
38 John said to him, "Teacher, we saw someone driving out demons in your name and tried to stop him, since he doesn't follow us." Sinabi ni Juan kay Hesus, “Guro, nakakita po kami ng taong nagpapalayas ng mga demonyo sa inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan.”
39 But Jesus said, "Don't stop him—no one who does a miracle in my name can soon speak evil of me. Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil walang sinumang gumagawa ng himala sa aking pangalan ang agad na makakapagsalita ng masama laban sa akin.
40 For whoever is not against us is for us. Ang hindi laban sa atin ay kakampi natin.
41 Truly I tell you, whoever gives you a cup of water to drink because you belong to Christ will never lose his reward. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang magbigay sa inyo ng kahit isang basong tubig, dahil kayo ay sa Mesias, ay tiyak na makakatanggap ng gantimpala.
42 Whoever trips up one of these little ones who believe in me—better for him to have a large millstone hung around his neck and be thrown into the sea. “Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat.
43 If your hand trips you up, cut it off. Better to enter life maimed than with two hands to go into hell, into the unquenchable fire. Kung ang kamay mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mas mabuti pang isa lang ang kamay mo pero makakamtan mo ang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa ang kamay mo pero sa impiyerno ka naman mapupunta, kung saan ang apoy ay hindi namamatay. [
44 Not in this edition Kung saan ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi napapawi.]
45 If your foot trips you up, cut it off. Better to enter life lame than be thrown into hell with two feet. Kung ang isa mong paa ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pang iisa lang ang iyong paa mo ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa nga ang iyong paa ngunit itatapon ka naman sa impiyerno. [
46 Not in this edition Kung saan ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi napapawi.]
47 If your eye trips you up, throw it out. Better to enter the kingdom of our Father with one eye than be thrown into hell with two, At kung ang isa mong mata ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito! Mas mabuti pang iisa lang ang iyong mata ngunit mapapabilang ka sa kaharian ng Diyos, kaysa sa dalawa nga ang iyong mata ngunit itatapon ka naman sa impiyerno,
48 where 'their worm never dies and the fire never goes out.' kung saan ‘ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi napapawi.’
49 For everyone will be salted with fire. Sapagkat ang lahat ng tao ay lilinisin sa pamamagitan ng apoy tulad ng isang alay na dinadalisay ng asin.
50 Salt is good, but if it loses its saltiness, how can you season it again? Keep salt among yourselves, and be at peace with each other." “Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Dapat maging tulad kayo ng asin na kapaki-pakinabang, at mamuhay kayong may kapayapaan sa isaʼt isa.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]