Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 10 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 He left there for the region of Judea and beyond the Jordan; crowds gathered to him again, and as usual he taught them once more. Umalis si Hesus sa Capernaum at pumunta sa lalawigan ng Judea, at saka tumawid sa Ilog Jordan. Pinuntahan siya roon ng maraming tao, at tulad ng kanyang nakagawian ay nangaral siya sa kanila.
2 Some Pharisees came to test him, asking, "Is it lawful for a man to divorce his wife?" Samantala, may mga Pariseong pumunta sa kanya at nagtanong para subukin siya. Sinabi nila, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?”
3 He answered them, "What did Moses command you?" Tinanong din sila ni Hesus, “Ano ba ang iniutos sa inyo ni Moises?”
4 They said, "Moses permitted a man to write a certificate of divorce and send her away." Sumagot ang mga Pariseo, “Ipinahintulot ni Moises na gumawa ang isang lalaki ng kasulatan ng paghihiwalay, at pagkatapos ay puwede na niyang hiwalayan ang kanyang asawa.”
5 Jesus told them, "He wrote you this command because your hearts were hard. Sinabi sa kanila ni Hesus, “Ibinigay ni Moises sa inyo ang kautusang iyan dahil sa katigasan ng ulo ninyo.
6 But from the beginning of creation, our Father made them male and female. Ngunit sa simula pa, nang likhain ng Diyos ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae.’
7 'For this reason a man will leave his father and mother and be joined to his wife, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa.
8 and the two will become one flesh.' So they are no longer two, but one flesh. At silang dalawa ay magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa na lang.
9 Therefore what our Father has joined together, let no one separate." Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos.”
10 Back in the house, the disciples asked him about this again. Pagbalik nila sa bahay, tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol dito.
11 He said to them, "Whoever divorces his wife and marries another commits adultery against her, Sinabi niya sa kanila, “Kung hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at nag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang unang asawa.
12 and if she divorces her husband and marries another, she commits adultery." At kung hiniwalayan ng isang babae ang kanyang asawa at nag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”
13 People were bringing children to him so that he might touch them, but the disciples rebuked them. May mga taong nagdala ng kanilang maliliit na anak kay Hesus para patungan niya ng kamay at pagpalain. Ngunit pinagbawalan sila ng mga alagad.
14 When Jesus saw this, he grew angry and said, "Let the children come to me; don't stop them, for the kingdom of our Father belongs to such as these. Nang makita ni Hesus ang nangyari, nagalit siya at sinabi sa mga alagad niya, “Hayaan nʼyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag nʼyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.
15 Truly I tell you, whoever doesn't receive our Father's kingdom like a child will never enter it." Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos.”
16 And he took them in his arms and blessed them, laying his hands on them. Pagkatapos nitoʼy kinalong niya ang mga bata, ipinatong ang kanyang kamay sa kanila at pinagpala.
17 As he started down the road, a man ran up, knelt before him, and asked, "Good Teacher, what must I do to inherit eternal life?" Nang paalis na si Hesus, isang lalaki ang patakbong lumapit sa kanya at lumuhod. Nagtanong ang lalaki, “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”
18 Jesus asked, "Why call me good? No one is good except our Father alone. Sumagot si Hesus, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Diyos lang ang mabuti, wala nang iba!
19 You know the commandments: 'don't murder, commit adultery, steal, or give false testimony; don't defraud; honor your father and mother.'" Alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi nang kasinungalingan, huwag kang mandadaya, at igalang mo ang iyong mga magulang.’ ”
20 He said to him, "Teacher, all these I have kept since my youth." Sumagot ang lalaki, “Guro, sinusunod ko po ang lahat ng iyan mula pagkabata.”
21 Jesus looked at him and loved him. "One thing you lack: go, sell everything you own, give to the poor—you'll have treasure in heaven—then come follow me." Tiningnan siya ni Hesus nang may pagmamahal at sinabi, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang mga ari-arian mo, at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”
22 At this word his face fell, and he went away grieving, for he had many possessions. Nanlumo ang lalaki nang marinig ito. At umalis siyang malungkot, sapagkat napakayaman niya.
23 Jesus looked around and told his disciples, "How hard it will be for the wealthy to enter the kingdom of our Father!" Tumingin si Hesus sa paligid at sinabi sa mga alagad niya, “Napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos.”
24 The disciples were amazed at his words. Jesus said to them again, "Children, how hard it is to enter the kingdom of our Father! Nagtaka sila sa sinabi ni Hesus, kaya sinabi niyang muli, “Mga anak, napakahirap talagang makapasok sa kaharian ng Diyos.
25 A camel goes through a needle's eye easier than a rich person enters our Father's kingdom." Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”
26 They were even more astonished and said to one another, "Then who can be saved?" Lalong nagtaka ang mga alagad niya, kaya nagtanong sila, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?”
27 Jesus looked at them and said, "With man, impossible; but not with our Father, for all things are possible with our Father." Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, “Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos.”
28 Peter began to say to him, "Look, we have left everything and followed you." Sinabi sa kanya ni Pedro, “Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo.”
29 Jesus said, "Truly I tell you, no one has left house or brothers or sisters or mother or father or children or fields for my sake and for the gospel, Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang lahat ng nag-iwan ng bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin at sa Magandang Balita
30 "who won't receive a hundredfold now, in this time—houses, brothers, sisters, mothers, children, fields, with persecutions—and in the age to come, eternal life. ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, mga lupa, pati mga pag-uusig. At tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.
31 But many who are first will be last, and the last first." Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila.”
32 On the road up to Jerusalem, Jesus walked ahead of them. They were amazed, and those following were afraid. Taking the twelve aside again, he began telling them what was about to happen to him: Habang naglalakad sila papuntang Jerusalem, nauna sa kanila si Hesus. Kinakabahan ang mga alagad niya at natatakot naman ang iba pang sumusunod sa kanila. Ibinukod ni Hesus ang labindalawang alagad at muli niyang sinabi kung ano ang mangyayari sa kanya,
33 "Look, we're going up to Jerusalem. The Son of Man will be handed over to the chief priests and scribes, who will condemn him to death and hand him over to the Gentiles. “Makinig kayo! Papunta na tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil.
34 They will mock him, spit on him, flog him, and kill him; after three days he will rise." Iinsultuhin nila siya, duduraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw.”
35 James and John, Zebedee's sons, came to him and said, "Teacher, we want you to do for us whatever we ask." Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at nagsabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.”
36 He said to them, "What do you want me to do for you?" “Ano ang kahilingan ninyo?” tanong ni Hesus.
37 They said to him, "Let us sit in your glory, one at your right, one at your left." Sumagot sila, “Sana po, kapag naghahari na kayo ay paupuin nʼyo kami sa inyong tabi; isa sa kanan at isa sa kaliwa.”
38 Jesus said to them, "You don't know what you're asking. Can you drink the cup I drink, or be baptized with the baptism I'm baptized with?" Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko? Makakaya ba ninyong mabautismuhan sa bautismong daranasin ko?”
39 "We can," they said. Jesus said to them, "The cup I drink, you will drink; the baptism I'm baptized with, you will be baptized with, Sumagot sila, “Opo, kaya namin.” Sinabi ni Hesus, “Iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, at babautismuhan kayo sa bautismong tatanggapin ko.
40 but sitting at my right or left isn't mine to give - that's for those it's prepared for." Ngunit hindi ako ang pumipili kung sino ang uupo sa kanan o kaliwa ko. Ang mga itoʼy para sa mga taong pinaglaanan nito.”
41 Hearing this, the ten grew indignant at James and John. Nang malaman ng sampung alagad kung ano ang hiningi nina Santiago at Juan, nagalit sila sa kanila.
42 Jesus called them together and said, "You know that those regarded as rulers of the Gentiles dominate them, and their great ones wield power over them. Kaya tinawag silang lahat ni Hesus at sinabi, “Alam nʼyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga bansa ay may kapangyarihan sa mga taong nasasakupan nila, at kahit ano ang gustuhin nila ay nasusunod.
43 But it isn't so among you. Instead, whoever wants to be great among you must be your servant, Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo.
44 and whoever wants to be first among you must be slave of all. At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.
45 For even the Son of Man came not to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many." Sapagkat kahit ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang tubusin ang maraming tao!”
46 They came to Jericho. As Jesus and his disciples were leaving with a large crowd, blind Bartimaeus son of Timaeus sat begging by the road. Dumating sina Hesus sa Jerico. At nang paalis na siya roon kasama ang mga alagad niya, sumunod sa kanila ang napakaraming tao. Sa tabi ng daan, may isang bulag na nakaupo at namamalimos. Siyaʼy si Bartimeo (na ang ibig sabihin ay “anak ni Timeo”).
47 Hearing it was Jesus of Nazareth, he began to cry out, "Jesus, Son of David, have mercy on me!" Nang marinig niyang dumadaan si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya, “Hesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”
48 Many scolded him to be silent, but he shouted even louder, "Son of David, have mercy on me!" Pinagsabihan siya ng maraming tao na tumahimik, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”
49 Jesus stopped and said, "Call him." So they called the blind man: "Courage! Get up—he's calling you." Tumigil si Hesus at sinabi, “Tawagin ninyo siya.” Kaya tinawag nila si Bartimeo at sinabi, “Lakasan mo ang loob mo. Tumayo ka, dahil ipinapatawag ka ni Hesus.”
50 Throwing off his cloak, he jumped up and came to Jesus. Inihagis ni Bartimeo ang balabal niya at dali-daling tumayo at lumapit kay Hesus.
51 Jesus told him, "What do you want me to do for you?" The blind man told him, "Rabboni, let me see again." Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sumagot ang bulag, “Rabbi, gusto ko pong makakita.”
52 Jesus told him, "Go; your faith has healed you." At once he regained his sight and followed Jesus on the road. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Umuwi ka na; pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus sa daan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]