Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 11 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Nearing Jerusalem, at Bethphage and Bethany by the Mount of Olives, Jesus sent two of his disciples ahead, Nang malapit na sina Hesus sa Jerusalem, tumigil sila sa Bundok ng mga Olibo malapit sa mga nayon ng Betfage at Betania. Pinauna ni Hesus ang dalawa niyang alagad.
2 telling them, "Go into the village ahead of you, and as soon as you enter it, you'll find a tied colt no one has ever ridden. Untie it and bring it here." Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang bisirong asno na nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito.
3 If anyone asks you, 'Why are you doing this?' say, 'The Lord needs it and will send it back here at once.' Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyo, ‘Kailangan ng Panginoon at ibabalik din agad.’ ”
4 They went and found a colt tied at a doorway outside in the street, and untied it. Kaya lumakad ang dalawa, at nakita nga nila ang asno sa tabi ng daan, na nakatali sa pintuan ng isang bahay. Habang kinakalagan nila ang asno,
5 Some of those standing there asked them, "What are you doing, untying that colt?" tinanong sila ng mga taong nakatayo roon, “Ano ang ginagawa ninyo? Bakit ninyo kinakalagan ang asnong ʼyan?”
6 They answered as Jesus had told them, and the people let them go. Sinabi nila ang ipinasasabi ni Hesus, kaya pinabayaan na silang umalis.
7 They brought the colt to Jesus and threw their cloaks over it, and he sat on it. Dinala nila ang asno kay Hesus. Sinapinan nila ng kanilang mga balabal ang likod ng asno at sinakyan ito ni Hesus.
8 Many spread their cloaks on the road; others spread leafy branches cut from the fields. Maraming tao ang naglatag ng mga balabal nila sa daan, at ang iba naman ay naglatag ng mga madahong sanga na pinutol nila sa parang.
9 Those who went ahead and those who followed were shouting, "Hosanna! Blessed is he who comes in the name of our Father! Ang mga nauuna kay Hesus at ang mga sumusunod sa kanya ay sumisigaw, “Papuri sa Diyos!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!”
10 Blessed is the coming kingdom of our father David! Hosanna in the highest!" “Pinagpala ang dumarating na kaharian ng ninuno nating si David!” “Papuri sa Diyos sa Kaitaasan!”
11 Jesus entered Jerusalem and the temple, looked around at everything, and—since it was already late—went out to Bethany with the Twelve. Pagdating ni Hesus sa Jerusalem ay pumunta siya sa patyo ng Templo. Pinagmasdan niyang mabuti ang lahat ng bagay doon. At dahil gumagabi na, pumunta siya sa Betania kasama ang labindalawang alagad niya.
12 The next day, as they were leaving Bethany, Jesus was hungry. Kinabukasan, nang pabalik na sila sa Jerusalem mula sa Betania, nagutom si Hesus.
13 Seeing a leafy fig tree in the distance, he went to see if it had anything on it. Reaching it, he found nothing but leaves, since it wasn't fig season. May nakita siyang isang madahong puno ng igos sa di-kalayuan. Kaya nilapitan niya ito at tiningnan kung may bunga. Ngunit wala siyang nakita kundi mga dahon lang, dahil hindi pa panahon ng pamumunga ng mga igos noon.
14 Then he told it, "May no one ever eat fruit from you again." His disciples heard him say it. Sinabi ni Hesus sa puno, “Mula ngayon, wala nang makakakain ng bunga mo.” At narinig iyon ng mga alagad niya.
15 They arrived in Jerusalem, and Jesus entered the temple and began driving out the sellers and buyers there. He overturned the money-changers' tables and the seats of those selling doves, Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga lamesa ng mga tagapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.
16 and he would not allow anyone to carry merchandise through the temple courts. Pinagbawalan niya ang mga taong may paninda na dumaan sa patyo ng Templo.
17 And he taught them, saying, "Isn't it written: 'My house will be called a house of prayer for all the nations'? But you've made it a den of robbers." Pagkatapos, pinangaralan niya ang mga tao roon. Sinabi niya, “Hindi baʼt sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng bansa?’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan.”
18 The chief priests and scribes heard this and sought a way to destroy him, for they feared him, since the whole crowd was amazed at his teaching. Nabalitaan ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang ginawa ni Hesus. Kaya humanap sila ng paraan upang mapatay siya. Ngunit natatakot sila sa kanya dahil hangang-hanga ang mga tao sa kanyang mga turo.
19 And when evening came, they went out of the city. Kinagabihan, umalis si Hesus sa Jerusalem kasama ang mga alagad niya.
20 In the morning, as they passed by, they saw the fig tree withered from its roots. Kinaumagahan, nang pabalik na silang muli sa Jerusalem, nadaanan nila ang puno ng igos at nakita nilang tuyong-tuyo na ito hanggang sa ugat.
21 Peter remembered and said to him, "Rabbi, look! The fig tree you cursed has withered." Naalala ni Pedro ang nangyari. Kaya sinabi niya, “Rabbi, tingnan nʼyo po ang puno ng igos na isinumpa ninyo. Natuyo na!”
22 Jesus answered them, "Have faith in our Father. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumampalataya kayo sa Diyos!
23 Truly I tell you, whoever tells this mountain, 'Be lifted up and thrown into the sea,' without doubting in his heart but believing what he says will happen—it will be done for him. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ At kung hindi kayo nag-aalinlangan, at sa halip ay nananampalataya na mangyayari iyon, mangyayari nga ang sinabi ninyo.
24 So I tell you: whatever you pray and ask for, believe you've received it - it will be yours. Kaya tandaan ninyo: Anuman ang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo.
25 When you stand praying, forgive whatever you hold against anyone, so your Father in heaven may also forgive you your sins." At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo upang ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. [
26 Not in this edition Sapagkat kung ayaw ninyong magpatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit.]”
27 They returned to Jerusalem. While Jesus walked in the temple, the chief priests, scribes, and elders came to him, Pagdating nila sa Jerusalem, bumalik si Hesus sa Templo. At habang naglalakad siya roon, lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at mga pinuno ng mga Hudyo.
28 and asked, "By what authority are you doing this? Or who gave you this authority to do it?" Tinanong nila si Hesus, “Ano ang awtoridad mo na gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na iyan?”
29 Jesus said to them, "I'll ask you one question. Answer me, and I'll tell you by what authority I do these things. Sinagot sila ni Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.
30 John's baptism—was it from heaven, or of human origin? Answer me." Kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa langit o sa tao? Sagutin ninyo ako!”
31 They discussed it among themselves: "If we say, 'From heaven,' he'll ask, 'Then why didn't you believe him?' Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’
32 But if we say, 'From humans'"—they feared the crowd, since all considered John a true prophet. Ngunit alangan namang sabihin nating mula sa tao?” (Takot sila sa gagawin ng mga tao dahil naniniwala ang mga tao na si Juan ay propeta ng Diyos.)
33 They answered Jesus, "We don't know." Jesus said, "Neither will I tell you by what authority I do these things." Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]