Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 12 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 He began speaking to them in parables: "A man planted a vineyard, fenced it in, dug a winepress pit, built a watchtower, rented it to farmers, and left. Nangaral si Hesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pinabakuran niya iyon at nagpagawa siya ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta siya sa malayong lugar.
2 At harvest time he sent a servant to the tenants to collect some of the vineyard's fruit. Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan para kunin ang kanyang bahagi.
3 But they seized him, beat him, and sent him away empty-handed. Ngunit sinunggaban ito ng mga magsasaka at binugbog, saka pinaalis nang walang dala.
4 Again he sent them another servant; they hit him on the head and dishonored him. Muling nagsugo ng isa pang alipin ang may-ari, ngunit hinampas ito sa ulo at inalipusta.
5 And he sent another, and they killed him—then many more, beating some and killing others." Muling nagsugo ang may-ari ng isa pang alipin, ngunit pinatay nila ito. Marami pang isinugo ang may-ari, ngunit ang ibaʼy binugbog at ang iba namaʼy pinatay.
6 He had still one, a beloved son; last he sent him to them, saying, "They will respect my son." “Sa bandang huli, wala na siyang ibang maisugo kundi ang kanyang pinakamamahal na anak. Isinugo nga niya ang kanyang anak dahil inisip niyang igagalang nila.
7 "But the tenants said to each other, 'This is the heir. Come, let's kill him—the inheritance will be ours.' “Ngunit nang makita ito ng mga magsasaka, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin na ang lupaing mamanahin niya.’
8 So they took him and killed him and threw him out of the vineyard. Kaya sinunggaban nila ang anak ng may-ari, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.
9 So what will the vineyard's owner do? He'll come, destroy the tenants, and give the vineyard to others. “Ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan.
10 Have you not read this Scripture: 'The stone the builders rejected has become the cornerstone; Hindi nʼyo ba nabasa ang talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.
11 this was our Father's doing, and it is marvelous in our eyes'?" Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’ ”
12 They wanted to arrest him but feared the crowd, knowing he'd told the parable against them. So they left him and went away. Kaya ang mga punong pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at ang mga pinuno ng mga Hudyo ay humanap ng paraan upang maipadakip si Hesus dahil alam nilang sila ang pinatatamaan niya sa talinghagang iyon. Ngunit natakot sila sa mga tao, kaya pinabayaan nila si Hesus, at umalis na lamang.
13 They sent some of the Pharisees and Herodians to trap him in his words. Hindi nagtagal, nagsugo sila ng ilang Pariseo at mga alagad ni Herodes upang hulihin si Hesus sa kanyang mga sinasabi.
14 They came and said to him, "Teacher, we know you're true and don't care what anyone thinks, since you don't judge by appearance but truly teach our Father's way. Is it lawful to pay taxes to Caesar, or not? Should we pay, or should we not?" Kaya lumapit sila kay Hesus at nagtanong, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi ninyo, at wala kayong kinikilingan. Sapagkat hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao, sa halip ay itinuturo ninyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Sabihin nʼyo po, nararapat bang magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?
15 But, knowing their hypocrisy, he said to them, "Why are you testing me? Bring me a silver coin to look at." Magbabayad po ba kami ng buwis?” Ngunit alam ni Hesus na nagkukunwari lamang sila, kaya sinabi niya, “Bakit ninyo ako sinusubukang hulihin sa tanong na iyan? Magdala nga kayo rito ng pera at titingnan ko.”
16 They brought one, and he asked them, "Whose image and inscription is this?" They told him, "Caesar's." Dinalhan nga nila ng pera si Hesus. Nagtanong siya, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa perang ito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.”
17 Jesus told them, "Give to Caesar what's Caesar's, and to our Father what's our Father's." They were amazed at him. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.” Namangha sila sa kanyang sagot.
18 And the Sadducees came to him, who say there is no resurrection. And they questioned him, saying, May mga Saduceo na lumapit kay Hesus at nagtanong. Sila ang mga paring Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.
19 "Teacher, Moses wrote for us that if a man's brother dies leaving a wife but no child, the brother must marry her and raise up offspring for him. Sinabi nila, “Guro, ayon po sa isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan nitong asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.
20 There were seven brothers; the first married, and when he died, left no children. Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak.
21 And the second married her, and he died leaving no children. And the third likewise. Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Ngunit namatay din ito nang wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo
22 And none of the seven left any children. Last of all the woman also died. hanggang sa ikapitong kapatid. Namatay silang lahat nang walang anak sa babae. At sa huli, namatay din ang babae.
23 At the resurrection, when they rise, whose wife will she be? The seven had her as wife." Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil naging asawa niya silang lahat?”
24 Jesus said to them, "Isn't this why you're wrong—you know neither the Scriptures nor our Father's power? Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.
25 For when the dead rise, they neither marry nor are given in marriage, but are like the angels in heaven. Sa muling pagkabuhay ng mga patay ay wala nang pag-aasawa; magiging tulad sila ng mga anghel sa langit.
26 About the dead being raised, haven't you read in Moses' book, in the passage about the bush, how our Father told him, 'I am the God of Abraham, of Isaac, and of Jacob'? Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi nʼyo ba nabasa ang isinulat ni Moises? Noong naroon siya sa may nagliliyab na mababang punongkahoy, sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob.’
27 He is not God of the dead, but of the living. You are badly mistaken." Diyos siya ng mga buhay, hindi ng mga patay. Kaya maling-mali kayo!”
28 One scribe approached, heard them debate, saw Jesus answered well, and asked, "Which commandment is most important of all?" May isang tagapagturo ng Kautusan doon na nakikinig ng pagtatalo nila. Napansin niyang mahusay ang sagot ni Hesus, kaya lumapit siya at nagtanong din, “Ano po ba ang pinakamahalagang utos?”
29 Jesus answered, "The most important is this: 'Hear, Israel: our Father is one.' Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos: ‘Pakinggan ninyo mga taga-Israel! Ang Panginoon lamang na ating Diyos ang tanging Panginoon.
30 Love your Father with all your heart, with all your soul, with all your mind, with all your strength." Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong isip, at nang buong lakas!’
31 "The second is this: 'Love your neighbor as yourself.' No commandment is greater than these." At ang pangalawa ay ito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito.”
32 The scribe said to him, "Well said, Teacher. You've said truly that he is one, and there's no other besides him. Sinabi ng tagapagturo ng Kautusan, “Tama po kayo, Guro! Totoo ang sinabi ninyo na iisa lang ang Diyos at wala nang iba.
33 Loving him with all the heart, all the understanding, all the strength, and loving one's neighbor as oneself, matters far more than all whole burnt offerings and sacrifices." At kailangang mahalin siya nang buong puso, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas. At kailangan ding mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Higit na mahalaga ito kaysa sa lahat ng uri ng handog na sinusunog at iba pang mga handog.”
34 Seeing he answered wisely, Jesus said to him, "You are not far from the kingdom of our Father." After that, no one dared ask him any more questions. Nang marinig ni Hesus na may katuturan ang mga sagot nito, sinabi niya rito, “Hindi ka nalalayo sa kaharian ng Diyos.” Mula nooʼy wala nang nangahas na magtanong kay Hesus.
35 Teaching in the temple, Jesus asked, "How can the scribes say the Christ is the son of David? Nang minsang nangangaral si Hesus sa Templo, tinanong niya ang mga tao, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Mesias ay anak ni David?
36 David himself said by the Holy Spirit: 'Our Father said to my Lord, "Sit at my right hand until I put your enemies under your feet."' Samantalang si David mismo, sa patnubay ng Banal na Espiritu ay nagsabing, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban!” ’
37 "David himself calls the Christ Lord. How can the Christ be David's son?" The large crowd enjoyed listening to him. Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siyang naging lahi lang ni David?” Ang mga tao ay giliw na giliw sa pakikinig kay Hesus.
38 And in his teaching he said, "Beware of the scribes, who like walking in long robes and being greeted in the marketplaces, Sinabi pa ni Hesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.
39 and to have the best seats in the synagogues and the places of honor at banquets, Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.
40 who devour widows' houses and make long prayers just for show. These will receive the greater condemnation." Dinadaya nila ang mga biyuda upang makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”
41 Sitting across from the treasury, he watched the crowd drop coins in; many rich people dropped in large sums. Umupo si Hesus malapit sa lagayan ng mga kaloob doon sa Templo at pinagmamasdan ang mga taong naghuhulog ng pera. Maraming mayayaman ang naghulog ng malalaking halaga.
42 And a poor widow came and put in two small copper coins, worth a penny. Lumapit din ang isang mahirap na biyuda at naghulog ng dalawang pirasong barya.
43 Calling his disciples, he said, "Truly, I tell you, this poor widow put in more than all who put into the offering box. Tinawag ni Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa lahat ng nagbigay.
44 For they all gave from their surplus, but she gave from her poverty—all she had, her whole livelihood." Sapagkat silang lahat ay nagbigay lamang ng bahagi ng kanilang kayamanan. Ngunit ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang ikinabubuhay.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]