Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 13 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Leaving the temple, one of his disciples said to him, "Teacher, look! What huge stones, what magnificent buildings!" Nang paalis na sina Hesus sa Templo, sinabi ng isa sa mga alagad niya, “Guro, tingnan po ninyo ang napakagandang mga gusali. At ang pader, malalaking mga bato ang ginamit napakaganda ng pagkakagawa.”
2 Jesus said to him, "Do you see these great buildings? Not one stone will remain here on another; all will be torn down." Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakikita nʼyo ba ang mga gusaling ʼyan? Darating ang araw na magigiba ang lahat ng ʼyan, at walang maiiwang bato na magkapatong.”
3 As he sat on the Mount of Olives facing the temple, Peter, James, John, and Andrew asked him privately, Habang nakaupo si Hesus sa Bundok ng mga Olibo, sa may tapat ng Templo, tinanong siya nang palihim nina Pedro, Santiago, Juan at Andres,
4 tell us, when will these things happen, and what sign shows all this is about to be fulfilled? “Sabihin ninyo sa amin, kailan mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan na malapit nang mangyari ang lahat ng ito?”
5 Jesus began to tell them: "Watch out that no one deceives you. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo at huwag palinlang kaninuman.
6 Many will come in my name, claiming, 'I am he,' and they will deceive many. Marami ang darating sa aking pangalan na magsasabing, ‘Ako ang Mesias’, at marami ang ililigaw nila.
7 When you hear of wars and rumors of wars, don't be troubled—these must happen, but the end isn't yet. Kapag nakabalita kayo ng mga digmaan o usap-usapan tungkol sa digmaan, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga iyan, ngunit hindi pa ito ang katapusan.
8 Nation will rise against nation, kingdom against kingdom, earthquakes in various places, famines—these are the beginning of birth pains. Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Lilindol sa ibaʼt ibang lugar at magkakaroon ng taggutom. Ang mga itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating.
9 Watch yourselves. They'll hand you to councils and beat you in synagogues. Because of me you'll stand before governors and kings, as a testimony to them. “Mag-ingat kayo dahil dadakpin kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin kayo sa sinagoga. Iimbestigahan kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Magiging pagkakataon ninyo ito upang magpatotoo sa kanila tungkol sa akin.
10 And the gospel must first be proclaimed to all nations. Dapat munang maipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng bansa, bago dumating ang katapusan.
11 When they arrest and hand you over, don't worry beforehand what to say. Say whatever you're given in that hour—it's not you speaking, but the Holy Spirit. Kapag dinakip kayo at dinala sa hukuman, huwag ninyong alalahanin kung ano ang sasabihin ninyo. Bastaʼt sabihin ninyo ang ipinasasabi ng Diyos sa oras na iyon. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ninyo.
12 Brother will betray brother to death, father his child. Children will rise against parents and have them put to death. “May mga taong magkakanulo sa kanilang mga kapatid upang ipapatay, at ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak. Kakalabanin naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay.
13 All will hate you for my name, but whoever endures to the end will be saved. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.
14 When you see the abomination of desolation standing where it should not be (reader, take note), those in Judea must flee to the mountains. “Darating ang araw na makikita ninyo ‘ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Templo’, habang itoʼy nakatayo sa lugar na hindi nito dapat kalagyan. (Dapat itong unawain ng mambabasa.) Kapag nangyari ito, ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan.
15 Let no one on the housetop go down or enter the house to take anything out. Ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng anuman.
16 Let no one in the field go back to get their coat. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit.
17 How dreadful it will be in those days for pregnant women and nursing mothers! Kaawa-awa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon!
18 Pray that it will not happen in winter, Idalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng taglamig.
19 for those days will bring suffering unmatched since our Father created the world until now—and never to be matched again. Sapagkat sa panahong iyon, makakaranas ang mga tao ng mga paghihirap na hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Diyos ang mundo hanggang ngayon, at wala nang mangyayari pang ganoon kahit kailan.
20 Had the Sovereign not shortened those days, no one would survive; but the Sovereign shortened them for the elect he chose. “Kung hindi paiikliin ng Panginoon ang panahong iyon, walang matitirang buhay. Ngunit alang-alang sa kanyang mga pinili, paiikliin niya ang panahong iyon.
21 Then if anyone tells you, 'Look, here is the Christ!' or 'Look, there!' don't believe it. Kapag may nagsabi sa inyo, ‘Narito ang Mesias!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala.
22 False christs and false prophets will appear, performing signs and wonders to deceive the elect, if possible. Sapagkat lilitaw ang mga di-tunay na Mesias at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga tanda at kababalaghan upang malinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Diyos.
23 So be on your guard; I have told you everything ahead of time. Kaya mag-ingat kayo! Binabalaan ko na kayo habang hindi pa nangyayari ang mga ito.
24 But in those days, after that suffering, the sun will darken, and the moon will not give its light; “Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan,
25 the stars will fall from the sky, and the powers in the heavens will be shaken. at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga bagay sa kalawakan ay mayayanig at mawawala sa kani-kanilang kinalalagyan.’
26 Then they will see the Son of Man coming in clouds with great power and glory. “At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap, taglay ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.
27 He will send his angels and gather his chosen from the four winds, from earth's ends to heaven's ends. Ipapadala niya ang kanyang mga anghel sa lahat ng sulok ng mundo upang tipunin ang kanyang mga hinirang.
28 Learn this from the fig tree: once its branch softens and leaves sprout, you know summer is near. “Unawain ninyo ang aral na ito mula sa puno ng igos: Kapag nagkakadahon na ang mga sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-init.
29 So also, when you see these things happening, know it's near, at the door. Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na akong bumalik.
30 Truly I tell you, this generation will certainly not pass away until all these things have happened. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, matutupad ang lahat ng ito bago mawala ang henerasyong ito.
31 Heaven and earth will pass away, but my words will never pass away. Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.
32 But no one knows that day or hour—not the angels in heaven, not the Son, only the Father. “Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito.
33 Be on guard! Stay alert! For you do not know when that time will come. Kaya mag-ingat kayo at laging magbantay, dahil hindi ninyo alam kung kailan ako darating.
34 Like a man on a journey: he leaves his house, gives his servants authority—each his own task—and orders the doorkeeper to stay alert. Maaari natin itong ihambing sa isang taong papunta sa malayong lugar. Bago siya umalis ng bahay ay binigyan niya ng kanya-kanyang gawain ang bawat alipin niya at saka binilinan ang guwardiya sa pintuan na maging handa.
35 So stay alert, since you don't know when the master of the house comes—evening, midnight, rooster's crow, or dawn. “Kaya maging handa kayo, dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang may-ari ng bahay; maaaring sa hapon o sa hatinggabi, sa madaling-araw o sa umaga.
36 Otherwise, if he comes suddenly, he may find you sleeping. Baka bigla siyang dumating at madatnan kayong natutulog.
37 What I say to you, I say to everyone: Keep watch!" Kaya ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko rin sa lahat: Maging handa kayo!”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]