1Two days before Passover and Unleavened Bread, the chief priests and scribes were looking for a way to seize Jesus by trickery and kill him.OASDDalawang araw na lang noon bago sumapit ang Pista ng Paglampas ng Anghel at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng pagkakataon upang lihim nilang madakip at maipapatay si Hesus.
2For they said, "Not during the feast, or the people might riot."OASDSinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”
3While he was in Bethany, in Simon the leper's house, reclining at the table, a woman came with an alabaster flask of pure nard perfume, very costly. She broke the flask and poured it on his head.OASDHabang si Hesus ay nasa Betania at kumakain sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, dumating ang isang babae. May dala itong mamahaling pabangong nasa sisidlang alabastro. Ang pabangong ito ay gawa sa purong nardo. Binasag niya ang leeg ng sisidlan at saka ibinuhos ang pabango sa ulo ni Hesus.
4There were some who said to themselves indignantly, "Why was this perfume wasted like that?OASDNagalit ang ilang tao na naroon. Sinabi nila, “Bakit niya sinayang ang pabango?
5For this perfume could have sold for over 300 denarii and given to the poor." And they scolded her.OASDMaipagbibili sana iyon sa halagang katumbas ng isang taóng suweldo, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.” At pinagalitan nila ang babae.
6But Jesus said, "Leave her alone. Why trouble her? She has done a beautiful thing for me.OASDNgunit sinabi ni Hesus, “Pabayaan ninyo siya! Bakit nʼyo siya pinupuna? Mabuti itong ginawa niya sa akin.
7For the poor are always with you, and you can do good for them whenever you want; but you won't always have me.OASDAng mga mahihirap ay palagi ninyong makakasama at maaari kayong tumulong sa kanila kahit anong oras, pero ako ay hindi nʼyo laging makakasama.
8She has done what she could; she has anointed my body beforehand for burial.OASDGinawa ng babaeng ito ang makakaya niya para sa akin. Binuhusan niya ng pabango ang katawan ko bilang paghahanda sa aking libing.
9Truly, I tell you, wherever the gospel is preached worldwide, what she did will be told in memory of her."OASDSinasabi ko sa inyo ang totoo, saan mang sulok ng mundo ipangaral ang Magandang Balita, ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”
10Then Judas Iscariot, one of the twelve, went to the chief priests to betray Jesus to them.OASDSi Judas Iscariote na isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga namamahalang pari upang ipagkanulo si Hesus.
11Hearing this, they were glad and promised him money. So he looked for a chance to betray Jesus.OASDNatuwa sila nang malaman nila ang pakay ni Judas, at nangako silang bibigyan siya ng pera. Kaya mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataong maipagkanulo si Hesus.
12On the first day of Unleavened Bread, when they sacrificed the Passover lamb, his disciples asked him, "Where do you want us to go and prepare for you to eat the Passover?"OASDDumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel. Kaya tinanong si Hesus ng mga alagad niya, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?”
13He sent two of his disciples, "Go into the city; a man carrying a jar of water will meet you. Follow him,OASDInutusan niya ang dalawa sa mga alagad niya, “Pumunta kayo sa lungsod. Doon, may makakasalubong kayong isang lalaki na may pasan-pasang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya,
14and wherever he enters, tell the house's owner, 'The Teacher says: Where is my guest room, where I may eat the Passover with my disciples?'OASDat sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong po ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’
15And he will show you a large upper room furnished and ready; there prepare for us."OASDItuturo niya sa inyo ang isang malaking kuwarto sa itaas, kumpleto na ng kagamitan at nakahanda na. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.”
16The disciples left, went to the city, found things as he had told them, and prepared the Passover.OASDPumunta nga sa lungsod ang dalawa niyang alagad at nakita nila ang lahat ayon sa sinabi niya sa kanila. At doon sila naghanda ng hapunan para sa Pista.
17And when it was evening, Jesus came with the twelve.OASDKinagabihan, dumating si Hesus at ang labindalawang alagad.
18While they reclined and ate, Jesus said, "Truly, I tell you, one of you will betray me, one eating with me."OASDHabang kumakain sila sa mesa, sinabi ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ipagkakanulo ako ng isa sa inyo na kasalo ko sa pagkain.”
19They began to grieve and ask him, one by one, "Is it I?"OASDNalungkot sila nang marinig ito, at isa-isa silang nagtanong sa kanya, “Hindi ako iyon, di po ba?”
20He said to them, "One of the twelve, dipping bread with me into the dish.OASDSinabi ni Hesus sa kanila, “Isa siya sa inyong labindalawa. Siya ang kasama kong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok.
21The Son of Man goes as the Scriptures said about him, but how terrible for that man who betrays him—better if he had never been born."OASDAng Anak ng Tao ay papatayin ayon sa sinasabi sa Kasulatan, ngunit nakakaawa ang taong magkakanulo sa Anak ng Tao. Mas mabuti pa para sa kanya kung hindi na lamang siya ipinanganak.”
22As they ate, he took bread, blessed it, broke it, gave it to them, and said, "Take; this is my body."OASDHabang kumakain sila, kumuha ng tinapay si Hesus. Nagpasalamat siya sa Diyos at pagkatapos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya at sinabi, “Kunin ninyo ito; ito ang aking katawan.”
23He took a cup, gave thanks, gave it to them, and they all drank from it.OASDPagkatapos, kumuha siya ng isang kopang may inumin, nagpasalamat sa Diyos, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat mula sa kopang iyon.
24He said to them, "This is my blood of the covenant, poured out for many.OASDSinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Diyos sa mga tao.
25Truly I tell you, I will not drink wine again until that day when I drink it new in the kingdom of our Father."OASDSinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw na iinom ako ng bagong inumin sa kaharian ng Diyos.”
26And when they had sung a hymn, they went out to the Mount of Olives.OASDUmawit sila ng papuri sa Diyos at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.
27Jesus said to them, "You will all stumble, for it's written: 'I will strike the shepherd, and the sheep will be scattered.'OASDSinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Iiwan ninyo akong lahat, dahil sinabi ng Diyos sa Kasulatan: ‘Papatayin ko ang pastol at magsisipangalat ang mga tupa.’
28But after I am raised up, I will go ahead of you to Galilee."OASDNgunit pagkatapos na ako ay muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
29Peter said to him, "Even though they all fall away, I will not."OASDSinabi ni Pedro kay Hesus, “Kahit iwanan po kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwanan.”
30Jesus said to him, "Truly I tell you, today, this night, before the rooster crows twice, you will deny me three times."OASDSinagot siya ni Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok nang pangalawang beses ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”
31But he insisted, "Even if I must die with you, I will never deny you." They all said the same.OASDNgunit iginiit pa rin ni Pedro, “Hinding-hindi ko kayo ikakaila, kahit na patayin pa akong kasama ninyo.” At ganoon din ang sinabi ng iba niyang kasamahan.
32They arrived at a place called Gethsemane, and he told his disciples, "Sit here while I pray."OASDPagkatapos, pumunta si Hesus at ang kanyang mga alagad sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Pagdating nila roon, sinabi ni Hesus sa kanila, “Maupo kayo rito habang nananalangin ako.”
33He took Peter, James, and John, and began to feel deep distress and anguish.OASDIsinama niya sina Pedro, Santiago, at Juan sa di-kalayuan. Balisang-balisa at nababahala si Hesus.
34He said to them, "My soul is crushed with grief, to death. Stay here and stay alert."OASDSinabi niya sa kanila, “Para akong mamamatay sa labis na kalungkutan. Dito lang kayo at magpuyat.”
35Going a little farther, he fell to the ground and prayed that, if possible, the hour would pass from him.OASDLumayo siya nang kaunti, lumuhod sa lupa at nanalangin na kung maaari ay huwag na niyang danasin ang paghihirap na kanyang haharapin.
36He said, "Abba, Father, all things are possible for you. Take this cup from me—but let it be your will, not mine."OASDSinabi niya, “Ama, magagawa nʼyo ang lahat ng bagay. Kung maaari, ilayo nʼyo sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masusunod kundi ang kalooban ninyo.”
37He returned, found them asleep, and said to Peter, "Simon, are you asleep? Couldn't you stay awake one hour?OASDBinalikan ni Hesus ang tatlo niyang alagad at dinatnan silang natutulog. Sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagpuyat kahit isang oras lang?
38Watch and pray, so you don't fall into temptation. The spirit is willing, but the flesh is weak."OASDMagpuyat kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu ay handang sumunod, ngunit mahina ang laman.”
39And again he went away and prayed, saying the same words.OASDMuling lumayo si Hesus at nanalangin. Ganoon pa rin ang kanyang dalangin.
40Again he found them sleeping, eyes heavy, not knowing how to answer him.OASDPagkatapos, muli niyang binalikan ang mga alagad niya at nadatnan na naman niya silang natutulog, dahil antok na antok na sila. At nang gisingin sila ni Hesus, nahiya sila at hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila sa kanya.
41He came a third time and said, "Still sleeping and resting? Enough—the hour has come. Look, the Son of Man is handed over into the hands of sinners.OASDSa ikatlong pagbalik ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na iyan! Dumating na ang oras na Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga makasalanan.
42Rise, let us be going; see, my betrayer is here."OASDTayo na! Narito na ang nagkanulo sa akin.”
43While he was still speaking, Judas—one of the twelve—arrived, and with him a crowd with swords and clubs from the chief priests, scribes, and elders.OASDNagsasalita pa si Hesus nang biglang dumating si Judas na isa sa labindalawang alagad. Marami siyang kasama at may mga dala silang espada at pamalo. Isinugo sila ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng mga Hudyo.
44His betrayer had given them a signal: "The one I kiss is him—seize him and take him away securely."OASDGanito ang palatandaan na ibinigay ng traydor na si Judas sa mga huhuli kay Hesus: “Ang babatiin ko sa pamamagitan ng isang halik ang siyang pakay ninyo. Dakpin ninyo siya at dalhin, at bantayang mabuti.”
45He came up to Jesus at once, said, "Rabbi!" and kissed him.OASDKaya nang dumating si Judas, agad siyang lumapit kay Hesus at bumati, “Rabbi!” sabay halik sa kanya.
46And they laid hands on him and seized him.OASDAt dinakip agad ng mga tao si Hesus.
47One of the bystanders drew his sword, struck the high priest's servant, and cut off his ear.OASDBumunot ng espada ang isa sa mga alagad ni Hesus at tinaga ang alipin ng punong pari, at natagpas ang tainga nito.
48Jesus said to them, "Have you come out with swords and clubs to seize me, like a robber?OASDSinabi ni Hesus sa mga humuli sa kanya, “Isa ba akong tulisan? Bakit kailangan pa ninyong magdala ng mga espada at mga pamalo upang dakpin ako?
49Every day I was with you in the temple teaching, and you didn't arrest me. But let the Scriptures be fulfilled."OASDAraw-araw ay nasa Templo ako at nagtuturo, at naroon din kayo. Bakit hindi ninyo ako dinakip? Ngunit kailangang mangyari ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulatan.”
50And they all left him and fled.OASDIniwan siya noon din ng mga alagad niya at nagsitakas sila.
51And a young man followed him, wearing nothing but a linen cloth. And they seized the young man,OASDMay isang binata roon na sumunod kay Hesus na nakabalabal lang ng telang lino. Dinakip din siya ng mga sundalo,
52but he left the linen cloth and ran away naked.OASDngunit nakawala siya at tumakas na hubad at naiwan ang kanyang balabal.
53They led Jesus to the high priest, and all the chief priests and elders and scribes gathered.OASDDinala nila si Hesus sa bahay ng punong pari. Nagtipon doon ang lahat ng namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo at ang mga tagapagturo ng Kautusan.
54Peter had followed at a distance, all the way into the high priest's courtyard, and sat with the guards, warming himself by the fire.OASDSamantala, sumunod din doon si Pedro ngunit hindi siya lumapit kay Hesus. Pumasok siya sa bakuran ng bahay ng punong pari at nakiupo sa mga guwardiya na nagpapainit sa tabi ng apoy.
55The chief priests and the whole council sought testimony against Jesus to put him to death, but found none.OASDDoon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya laban kay Hesus upang mahatulan siya ng kamatayan. Ngunit wala silang makuha.
56For many gave false testimony against him, but their testimony did not agree.OASDMarami ang sumasaksi ng kasinungalingan laban kay Hesus, pero magkakasalungat naman ang mga sinasabi nila.
57And some stood up and gave false testimony against him, saying,OASDMay ilang sumasaksi ng kasinungalingang ito laban kay Hesus. Sinabi nila,
58"We heard him say, 'I will destroy this temple made by hands, and in three days build another not made by hands.'"OASD“Narinig po naming sinabi niya, ‘Gigibain ko ang Templong ito na gawa ng tao, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng ibang Templo na hindi gawa ng tao!’ ”
59Yet even about this their testimony did not agree.OASDNgunit hindi rin magkakatugma ang sinasabi nila.
60The high priest stood up in the midst and asked Jesus, "You have no answer? What are these men testifying against you?"OASDTumayo sa gitna ang punong pari at tinanong si Hesus, “Wala ka bang maisasagot sa mga paratang na ito laban sa iyo?”
61He stayed silent, answered nothing. Again the high priest asked him, "Are you the Christ, the Son of the Blessed?"OASDNgunit nanatiling walang imik si Hesus at hindi sumagot. Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, “Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Kapuri-puring Diyos?”
62Jesus said, "I AM, and you will see the Son of Man seated at the right hand of the Mighty One and coming with heaven's clouds."OASDSumagot si Hesus, “Ako nga siya, at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos. At makikita rin ninyo siya sa mga ulap na paparating dito sa mundo.”
63And the high priest tore his clothes and said, "What further witnesses do we need?OASDNang marinig ito ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, “Hindi na natin kailangan ng mga saksi!
64You have heard his blasphemy. What is your decision?" And they all condemned him as deserving death.OASDNarinig ninyo ang paglapastangan niya sa Diyos. Ano ngayon ang hatol ninyo?” At hinatulan nila si Hesus ng kamatayan.
65Some began spitting on him, covering his face, and punching him, saying to him, "Prophesy!" Then the guards slapped him.OASDDinuraan siya ng ilang naroon. Piniringan din siya at sinuntok, at tinanong, “Sige nga, hulaan mo kung sino ang sumuntok sa iyo?” Pagkatapos, kinuha siya ng mga guwardiya at pinagbubugbog.
66While Peter was below in the courtyard, one of the high priest's servant girls came,OASDHabang nasa loob pa ng bakuran si Pedro, dumaan ang isang babaeng utusan ng punong pari.
67seeing Peter warming himself, she looked at him and said, "You too were with the Nazarene, Jesus."OASDNang makita niya si Pedro na nagpapainit sa apoy, tinitigan niya ito. Sinabi niya, “Kasama ka rin ni Hesus na taga-Nazaret, hindi ba?”
68But he denied it: "I don't know or understand what you mean." Then he went out to the entrance, and a rooster crowed.OASDNgunit itinanggi ito ni Pedro, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagkatapos, umalis siya roon at pumunta sa may labasan, at noon din ay tumilaok ang manok.
69The servant girl saw him and again told the bystanders, "This man is one of them."OASDNakita na naman siya roon ng babaeng utusan, kaya sinabi ng babae sa mga taong naroon, “Ang taong iyan ay isa rin sa mga kasamahan ni Hesus.”
70But he denied it again. A little later the bystanders again told Peter, "You truly are one of them, for you're a Galilean."OASDNgunit muling itinanggi ito ni Pedro. Maya-maya, sinabi ng mga taong naroon, “Isa ka nga sa mga kasamahan niya, dahil taga-Galilea ka rin!”
71He began to call down curses on himself and swear, "I don't know this man you're talking about."OASDNgunit sumumpa si Pedro, “Kahit mamatay man ako, hindi ko talaga kilala ang taong sinasabi ninyo.”
72At once a rooster crowed a second time. Peter remembered Jesus' words: "Before the rooster crows twice, you will deny me three times." He broke down and wept.OASDNoon din ay muling tumilaok ang manok, at naalala ni Pedro ang sinabi sa kanya ni Hesus, “Bago tumilaok ang manok nang dalawang beses, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” At humagulgol siya.