Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 15 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 At dawn the chief priests, elders, scribes, and the whole council consulted together, bound Jesus, led him away, and handed him over to Pilate. Kinaumagahan, agad na nagpulong ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo, mga tagapagturo ng Kautusan at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin upang planuhin kung ano ang susunod nilang hakbang. Ginapos nila si Hesus at dinala kay Pilato.
2 Pilate asked him, "Are you the King of the Jews?" "You say so," Jesus replied. Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?” Sumagot si Hesus, “Kayo na ang nagsabi.”
3 The chief priests kept accusing him of many things. Naglabas ng kung ano-anong akusasyon ang mga namamahalang pari laban kay Hesus.
4 So Pilate questioned him again: "Have you no answer? See how many charges they bring against you." Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, “Wala ka bang sagot sa mga paratang nilang ito? Marami silang paratang laban sa iyo!”
5 But Jesus said nothing more, and Pilate was amazed. Ngunit hindi pa rin sumagot si Hesus, kaya nagtaka si Pilato.
6 Now at the festival, Pilate used to release one prisoner for them—whoever they asked for. Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, nakaugalian na ni Pilato na magpalaya ng isang bilanggo na gustong palayain ng mga tao.
7 A man called Barabbas was in prison with the rebels who had committed murder during the uprising. May isang bilanggo roon na ang pangalan ay Barabas. Nabilanggo siya dahil kabilang siya sa mga nakapatay noong naghimagsik sila laban sa pamahalaan.
8 The crowd came up and began asking Pilate to do for them what he always did. Marami ang lumapit kay Pilato at hiniling na gawin muli ang nakaugaliang pagpapalaya ng bilanggo.
9 "Do you want me to release for you the King of the Jews?" Pilate answered, Kaya tinanong sila ni Pilato, “Gusto nʼyo bang palayain ko ang hari ng mga Hudyo?”
10 for he knew it was out of envy that the chief priests had handed him over. Alam ni Pilato na pagkainggit ang nagtulak sa mga namamahalang pari na dalhin sa kanya si Hesus.
11 But the chief priests stirred up the crowd to have him release Barabbas for them instead. Subalit sinulsulan ng mga namamahalang pari ang mga tao na si Barabas ang hilinging palayain at hindi si Hesus.
12 "So what do you want me to do with the one you call King of the Jews?" Pilate asked them again. Nagtanong ulit si Pilato sa mga tao, “Ano ngayon ang gagawin ko sa taong ito na tinatawag nʼyong hari ng mga Hudyo?”
13 Crucify him!" they shouted back. Sumigaw sila, “Ipako siya sa krus!”
14 "Why? What evil has he done?" Pilate asked. But they shouted all the louder, "Crucify him!" Sinabi ni Pilato sa kanila, “Bakit, ano ba ang ginawa niyang kasalanan?” Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
15 To satisfy the crowd, Pilate released Barabbas to them. He had Jesus flogged, and handed him over to be crucified. Dahil gustong pagbigyan ni Pilato ang mga tao, pinalaya niya si Barabas. Ipinahagupit naman niya si Hesus at saka ibinigay sa mga sundalo upang ipako sa krus.
16 Soldiers led him away into the palace (the governor's headquarters) and called together the whole company of soldiers. Dinala ng mga sundalo si Hesus sa loob ng palasyo ng gobernador at tinipon nila roon ang buong batalyon ng mga sundalo.
17 They dressed him in purple, twisted together a crown of thorns, and set it on him. Sinuotan nila si Hesus ng kapa na kulay ube at gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya.
18 And they began to salute him: "Hail, King of the Jews!" Pagkatapos, pakutya silang nagsisigaw, “Mabuhay ang hari ng mga Hudyo!”
19 They kept beating his head with a staff, spat on him, and knelt in mock homage to him. At paulit-ulit nilang pinaghahampas ng talahib ang kanyang ulo, at pinagduduraan nila siya. Lumuhod sila sa kanya na kunwari ay sumasamba sa kanya.
20 After mocking him, they stripped off the purple and put his own clothes on him, then led him out to crucify him. Matapos nilang kutyain si Hesus, hinubad nila ang kulay ubeng kapa at ipinasuot ang kanyang damit. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod upang ipako sa krus.
21 They forced a passerby coming from the countryside—Simon of Cyrene, father of Alexander and Rufus—to carry his cross. Isang taong nagngangalang Simon ang nakasalubong nila. Siyaʼy galing sa Cirene. Siya ang ama nina Alejandro at Rufo. Sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.
22 They brought Jesus to the place called Golgotha (which means Place of a Skull). Pagkatapos, dinala nila si Hesus sa lugar na tinatawag na Golgota (na ang ibig sabihin ay “lugar ng bungo”).
23 They offered him wine mixed with myrrh, but he did not take it. Pagdating nila roon, binigyan nila si Hesus ng alak na may halong mira, ngunit hindi niya ito ininom.
24 They crucified him. They divided his clothes among them, casting lots for what each would get. Ipinako nila sa krus si Hesus at pinaghati-hatian nila ang mga damit niya sa pamamagitan ng palabunutan para malaman nila ang bahaging mapupunta sa bawat isa.
25 It was nine in the morning when they crucified him. Alas nuwebe noon ng umaga nang ipako siya sa krus.
26 The written notice of the charge against him read: THE KING OF THE JEWS. May karatula sa itaas ng krus, at ganito ang nakasulat na paratang laban sa kanya: Ang Hari ng mga Hudyo.
27 They crucified two rebels with him, one on his right and one on his left. May dalawang tulisan na ipinako rin sa krus kasabay ni Hesus, isa sa kanan niya at isa sa kaliwa. [
28 Not in this edition Sa pangyayaring ito, natupad ang sinasabi sa Kasulatan, “At siyaʼy ibinilang kasama ng mga kriminal.”]
29 Those passing by insulted him, shaking their heads, saying, "Ha! You who tear down the temple and build it in three days, Ininsulto si Hesus ng mga taong napapadaan doon. Napapailing sila at sabay sabi, “O ano ngayon? Hindi baʼt sinasabi mong gigibain mo ang Templo at muli mong itatayo sa loob ng tatlong araw?
30 save yourself and come down from the cross!" Bumaba ka sa krus at iligtas mo ang iyong sarili!”
31 Likewise the chief priests and scribes mocked him among themselves: "He saved others; himself he can't save. Ganito rin ang pangungutya ng mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Sinasabi nila sa isaʼt isa, “Iniligtas niya ang iba, pero hindi niya mailigtas ang kanyang sarili!
32 Let the Christ, King of Israel, come down from the cross now, so we can see and believe." Those crucified with him also insulted him. Tingnan nga natin kung makakababa sa krus ang Mesias na ito na hari raw ng Israel! Kapag nakababa siya, maniniwala na tayo sa kanya.” Maging ang mga ipinakong kasabay niya ay hinamak rin siya.
33 At noon, darkness came over the whole land until three in the afternoon. Nang mag-alas dose na ng tanghali, dumilim ang buong lupain sa loob ng tatlong oras.
34 At three in the afternoon Jesus cried out loudly, "Eloi, Eloi, lema sabachthani?" meaning, "My God, my God, why have you forsaken me?" Pagsapit ng alas tres ng hapon, sumigaw si Hesus nang malakas, “Eloi, Eloi, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
35 When some of those standing nearby heard this, they said, "Listen, he's calling Elijah." Nang marinig iyon ng mga nakatayo roon, sinabi nila, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias.”
36 One ran, filled a sponge with sour wine, put it on a reed, and gave him a drink. "Let him be," he said, "let's see if Elijah comes to take him down." May isang taong tumakbo at kumuha ng espongha. Isinawsaw niya ito sa maasim na alak at kinabit niya ito sa dulo ng isang patpat at idinampi sa bibig ni Hesus para sipsipin niya. Sinabi ng taong iyon, “Tingnan natin kung darating nga si Elias upang ibaba siya sa krus.”
37 With a loud cry, Jesus breathed his last. Sumigaw nang malakas si Hesus at nalagutan ng hininga.
38 And the curtain of the temple was torn in two from top to bottom. Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng Templo.
39 The centurion facing Jesus saw how he breathed his last and said, "Truly this man was the Son of God." Nakatayo sa harap ng krus ang kapitan ng mga sundalo at nakita niya kung paanong nalagutan ng hininga si Hesus. Sinabi niya, “Totoo ngang siya ang Anak ng Diyos!”
40 Women were also watching from a distance, including Mary Magdalene, Mary the mother of James the younger and Joses, and Salome. Sa di-kalayuan ay may mga babaeng nanonood sa mga nangyayari. Kabilang sa kanila si Salome, si Maria na taga-Magdala, at si Maria na ina ng nakababatang si Santiago at ni Jose.
41 These women had followed him in Galilee and served him; many others who came up with him to Jerusalem were also there. Ang mga babaeng ito ay sumasama kay Hesus at tumutulong sa kanya noong nasa Galilea siya. Naroon din ang iba pang babaeng sumáma sa kanya sa Jerusalem.
42 Evening had come, and since it was Preparation Day—the day before the Sabbath. Noon ay Araw ng Paghahanda, ang bisperas ng Araw ng Pamamahinga. Magtatakip-silim na noon,
43 Joseph of Arimathea, a prominent council member who himself was waiting for the kingdom of our Father, dared to go to Pilate and ask for Jesus' body. kaya naglakas-loob si Jose na taga-Arimatea na puntahan si Pilato at hingin ang bangkay ni Hesus. Si Jose ay isa sa mga iginagalang na miyembro ng Korte ng mga Hudyo. At isa siya sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos.
44 Pilate was surprised he was already dead; summoning the centurion, he asked if Jesus had been dead long. Nang marinig ni Pilato na patay na si Hesus, nagtaka siya. Kaya ipinatawag niya ang kapitan ng mga sundalo at tinanong kung patay na nga si Hesus.
45 When he learned from the centurion that it was so, he granted the body to Joseph. Kinumpirma nga ito ng kapitan, kaya pumayag si Pilato na kunin ni Jose ang bangkay ni Hesus.
46 Joseph bought linen, took the body down, wrapped it in the cloth, and laid it in a tomb cut from rock. Then he rolled a stone against the tomb's entrance. Bumili si Jose ng mamahaling telang lino at kinuha ang bangkay ni Hesus sa krus. Binalot niya ito ng telang binili niya at inilagay sa libingang hinukay sa gilid ng burol. At pinagulong niya ang malaking bato upang takpan ang pintuan ng libingan.
47 Mary Magdalene and Mary the mother of Joses saw where he was laid. Nagmamasid noon si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Jose, kaya nakita nila kung saan inilibing si Hesus.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]