Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mark 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When the Sabbath ended, Mary Magdalene, Mary the mother of James, and Salome bought spices to go anoint him. Makalipas ang Araw ng Pamamahinga, sina Maria na taga-Magdala, Maria na ina ni Santiago, at Salome ay bumili ng pabango upang ipahid sa bangkay ni Hesus.
2 Very early on the first day of the week, just after sunrise, they went to the tomb. Nang araw ng Linggo, kasisikat pa lang ng araw ay pumunta na sila sa libingan.
3 They asked each other, "Who will roll the stone away from the tomb's entrance for us?" Habang naglalakad sila, nagtatanungan sila kung sino ang mapapakiusapan nilang magpagulong ng bato na nakatakip sa pintuan ng libingan.
4 But looking up, they saw the stone—very large—already rolled away. Dahil napakalaki ng batong iyon. Ngunit pagdating nila roon, nakita nilang naigulong na sa tabi ang bato.
5 They entered the tomb and saw a young man dressed in a white robe, seated on the right. They were alarmed. Kaya pumasok sila sa libingan, at nakita nila roon ang isang kabataang lalaking nakasuot ng puti na nakaupo sa gawing kanan. Takot na takot sila.
6 "Don't be alarmed," he said. "You're looking for Jesus the Nazarene, who was crucified. He's risen—he isn't here. Look, the place they laid him. Ngunit sinabi ng lalaki sa kanila, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya.
7 But go, tell his disciples and Peter, 'He goes ahead of you to Galilee. You will see him there, as he told you.'" Lumakad na kayo, sabihin ninyo sa mga alagad niya, lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita gaya ng sinabi niya.”
8 Trembling and amazed, the women fled the tomb, telling no one—they were afraid. Kaya lumabas sa libingan ang mga babae at tumakbo dahil sa matinding takot. Wala silang pinagsabihan, dahil takot na takot sila. [
9 Rising early the first day of the week, Jesus appeared first to Mary Magdalene, from whom he had driven seven demons. Maagang-maaga pa nang araw ng Linggo nang nabuhay si Hesus. Una siyang nagpakita kay Maria na taga-Magdala. Siya ang babaeng may pitong demonyo na pinalayas ni Hesus.
10 She went and told those who had been with him, who were mourning and weeping. Pinuntahan ni Maria ang mga alagad ni Hesus na nagluluksa at umiiyak, at ibinalita niya ang mga pangyayari.
11 Hearing Jesus was alive and seen by her, they did not believe it. Ngunit nang sabihin niyang buháy si Hesus at nakita niya mismo, hindi nila siya pinaniwalaan.
12 Afterward Jesus appeared, in a different form, to two of them walking in the country. Pagkatapos noon, nagpakita rin si Hesus sa dalawa pa niyang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang anyo.
13 They went back and reported it to the others, but they did not believe them either. Kaya bumalik sa Jerusalem ang dalawa at ibinalita sa kanilang mga kasamahan na nagpakita sa kanila si Hesus. Ngunit hindi rin naniwala ang mga ito.
14 Later Jesus appeared to the eleven as they reclined at a meal and rebuked their lack of faith and hardness of heart, because they hadn't believed those who saw him risen. Sa bandang huli, nagpakita rin si Hesus sa labing-isa niyang alagad habang kumakain ang mga ito. Pinagsabihan niya sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya at sa katigasan ng kanilang puso, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya matapos siyang mabuhay muli.
15 He said to them, "Go into all the world and proclaim the good news to all creation. Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao.
16 Whoever believes and is baptized will be saved, but whoever does not believe will be condemned. Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.
17 And these signs will follow those who believe: in my name they'll drive out demons, speak in new tongues. At ito ang mga palatandaang makikita sa mga taong sumasampalataya sa akin: Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, magpapalayas sila ng mga demonyo; magsasalita sila sa ibang mga wika;
18 They will pick up snakes with their hands; if they drink deadly poison, it won't harm them; they will lay hands on the sick, and they will recover." kung dumampot man sila ng mga ahas o makainom ng anumang lason ay hindi sila mapapahamak; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kanilang mga kamay.”
19 After speaking to them, the Lord Jesus was taken up into heaven and sat at the right hand of our Father. Pagkatapos magsalita ng Panginoong Hesus sa kanila, iniakyat siya sa langit at umupo sa kanan ng Diyos.
20 They went out and preached everywhere, the Lord working with them, confirming his word through accompanying signs. Pumunta naman ang mga alagad niya sa ibaʼt ibang lugar at nangaral. Tinulungan sila ng Panginoon at pinatunayan niya ang ipinangangaral nila sa pamamagitan ng mga himala na kanilang ginagawa.]
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]