1Since many have undertaken to compile an ordered account of what has been accomplished among us.OASDKagalang-galang na Teofilo: Marami na ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga pangyayaring natupad sa kalagitnaan natin.
2Just as eyewitnesses from the beginning and servants of the word handed these accounts to us,OASDAng kanilang isinulat ay ayon sa itinuro sa amin ng mga taong nangaral ng salita ng Diyos at mismong saksi sa mga pangyayari mula pa noong una.
3I too, having traced everything accurately from the start, decided to write it in order for you, most excellent Theophilus,OASDMatapos kong suriing mabuti ang lahat ng ito mula sa umpisa, minabuti kong sumulat din ng isang maayos na salaysay para sa iyo,
4so that you may know the certainty of the things you have been taught.OASDupang lubusan mong matiyak na totoo ang mga itinuro sa iyo.
5In the days of Herod, king of Judea, a priest named Zechariah was in Abijah's priestly division. His wife Elizabeth descended from Aaron.OASDNoong si Herodes ang hari sa Judea, may isang pari na ang pangalan ay Zacarias na kabilang sa grupo ng mga pari na tinatawag na Grupo ni Abias. Ang asawa niya ay si Elisabet na kabilang din sa angkan ni Aaron.
6They were both righteous before our Father, walking blamelessly in all his commandments and ordinances.OASDSilang dalawa ay kapwa matuwid sa harapan ng Diyos. Maingat nilang sinusunod ang lahat ng utos at mga tuntunin ng Panginoon.
7But they had no child, because Elizabeth was barren, and both were very old.OASDWala silang anak dahil baog si Elisabet, at matanda na silang pareho.
8Now while he was serving as priest before our Father when his division was on duty,OASDIsang araw, naglilingkod si Zacarias sa Templo bilang pari dahil ang grupo niya ang nakatalagang manungkulan noong linggong iyon.
9by priestly custom, lot chose him to enter his sanctuary and burn incense.OASDAt alinsunod sa kaugalian ng mga pari, nagpalabunutan sila, at si Zacarias ang nabunot. Kaya siya ang pumasok sa loob ng Templo ng Panginoon para magsunog ng insenso sa altar.
10And the whole crowd of the people were praying outside at the hour of incense.OASDHabang nagsusunog siya roon ng insenso, maraming tao ang nananalangin sa labas.
11Then an angel of our Father appeared to him, standing at the right of the altar of incense.OASDBiglang nagpakita kay Zacarias ang isang anghel ng Panginoon. Nakatayo ang anghel sa bandang kanan ng altar na pinagsusunugan ng insenso.
12Zechariah was shaken when he saw him, and fear came over him.OASDNabagabag at natakot si Zacarias nang makita niya ang anghel.
13The angel said to him, "Don't be afraid, Zechariah—your prayer has been heard. Your wife Elizabeth will bear you a son; name him John.OASDNgunit sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Magkakaanak ng isang lalaki ang asawa mong si Elisabet, at Juan ang ipapangalan mo sa kanya.
14You will have joy and gladness; many will rejoice at his birth.OASDMatutuwa kayo at magiging maligaya dahil sa kanya, at marami ang magagalak sa pagsilang niya,
15He will be great before our Father, must never drink wine or other alcoholic drinks, and he will be filled with the Holy Spirit even from his mother's womb.OASDdahil magiging dakila siya sa mata ng Panginoon. Hindi siya dapat uminom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Sa sinapupunan pa lang ng kanyang ina ay mapupuspos na siya ng Banal na Espiritu.
16And he will turn many of the children of Israel back to their Father.OASDDahil sa kanya, maraming Israelita ang magbabalik-loob sa Panginoon na kanilang Diyos.
17He will go before our Father in Elijah's spirit and power, turning fathers' hearts to their children, and the disobedient to the wisdom of the righteous, to prepare a people ready for our Father."OASDMauuna siya sa Panginoon para ihanda ang mga tao sa pagdating ng Panginoon. Gagawin niya ito sa tulong ng Espiritu at sa pamamagitan ng kapangyarihang katulad ng kay Elias noon. Tuturuan niya ang mga magulang na mahalin ang kanilang mga anak, at ang mga sumusuway sa Diyos na tanggapin ang karunungan ng mga matuwid.”
18Zechariah said to the angel, "How will I know this? I'm old, and my wife is well along in years."OASDSinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano po mangyayari ang mga sinabi nʼyo? Matanda na ako, at ganoon din ang asawa ko.”
19The angel answered him, "I am Gabriel, who stands in our Father's presence, sent to speak to you and bring you this good news.OASDSumagot ang anghel, “Ako si Gabriel na naglilingkod sa harapan ng Diyos. Siya ang nagsugo sa akin para sabihin sa iyo ang magandang balitang ito.
20And now you will be silent, unable to speak, until the day these things happen, because you did not believe my words, which will come true in their time."OASDNgunit dahil hindi ka naniwala sa sinabi ko, magiging pipi ka. Hindi ka makakapagsalita hanggaʼt hindi natutupad ang sinabi ko sa iyo. Sapagkat tiyak na mangyayari ang sinabi ko pagdating ng panahong itinakda ng Diyos.”
21Meanwhile the people waited for Zechariah, wondering why he stayed so long in the sanctuary.OASDSamantala, hinihintay ng mga tao ang paglabas ni Zacarias. Nagtataka sila kung bakit nagtagal siya sa loob ng templo.
22When he came out, he could not speak to them, and they knew he had seen a vision in the sanctuary. He kept motioning to them and stayed mute.OASDNang lumabas siya, hindi na siya makapagsalita at sumesenyas na lang siya. Kaya napagtanto nilang may nakita siyang pangitain sa loob ng templo. At mula noon ay naging pipi na siya.
23And when his days of service were ended, he went home.OASDNang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi na si Zacarias.
24After these days his wife Elizabeth became pregnant, and for five months she kept herself hidden, saying,OASDHindi nagtagal, nagdalantao si Elisabet, at sa loob ng limang buwan ay hindi siya lumabas ng bahay.
25"This is what our Father did for me, in the days he looked on me, to remove my disgrace among people."OASDSinabi niya, “Napakabuti ng Panginoon. Ngayoʼy inalis niya ang kahihiyan ko sa harap ng mga tao.”
26In month six our Father sent the angel Gabriel to a Galilee town called Nazareth,OASDSa ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, inutusan ng Diyos ang anghel na si Gabriel na pumunta sa bayan ng Nazaret sa lalawigan ng Galilea.
27to a virgin engaged to a man named Joseph, of the house of David; the virgin's name was Mary.OASDPinapunta siya sa isang birhen na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David.
28And he came to her and said, "Greetings, favored one! Our Father is with you."OASDSinabi ni Gabriel, “Maria, magalak ka! Ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon.”
29But she was greatly troubled by his words, and wondered what kind of greeting this might be.OASDNabagabag si Maria sa sinabi ng anghel. Inisip niyang mabuti kung ano ang ibig sabihin noon.
30The angel said to her, "Don't be afraid, Mary, for you have found favor with our Father.OASDKaya sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos.
31You will conceive in your womb and bear a son, and you will call his name Jesus.OASDMagdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus.
32He will be great and called Son of the Most High, and our Father will give him the throne of his father David,OASDMagiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David.
33and he will reign over Jacob's house forever; his kingdom will never end."OASDMaghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang kaharian niya ay walang katapusan.”
34And Mary said to the angel, "How will this be, since I am a virgin?"OASDNagtanong si Maria sa anghel, “Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?”
35The angel answered her, "The Holy Spirit will come over you, and the Most High's power will shadow you; so the holy child born will be called the Son of our Father.OASDSumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Banal na Espiritu at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Kaya ang banal na sanggol na ipapanganak mo ay tatawaging Anak ng Diyos.
36Look, your relative Elizabeth has also conceived a son in her old age—this is the sixth month for her called barren.OASDMaging ang kamag-anak mong si Elisabet ay buntis din sa kabila ng kanyang katandaan. Alam ng lahat na baog siya, pero anim na buwan na siyang buntis ngayon.
37For nothing will be impossible with our Father."OASDSapagkat walang imposible sa Diyos.”
38Mary said, "I am the servant of our Father; let it happen to me as you said." Then the angel left her.OASDSumagot si Maria, “Akoʼy lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang mga sinabi ninyo.” At iniwan siya ng anghel.
39In those days Mary got up and hurried to the hill country, to a town in Judah,OASDHindi nagtagal, nag-ayos si Maria at dali-daling pumunta sa isang bayan sa kabundukan ng Judea.
40and she entered the house of Zechariah and greeted Elizabeth.OASDPagdating niya sa bahay nina Zacarias, binati niya si Elisabet.
41When Elizabeth heard Mary's greeting, her baby leaped in her womb, and she was filled with the Holy Spirit.OASDNang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan, at napuspos siya ng Banal na Espiritu.
42She cried out with a loud voice, "Blessed are you among women, blessed is the fruit of your womb!OASDNapasigaw siya sa tuwa, “Higit kang pinagpala sa lahat ng babae, at pinagpala rin niya ang magiging anak mo!
43And why is this granted to me, that the mother of my Lord should come to me?OASDIsang malaking karangalan na dalawin ako ng ina ng aking Panginoon.
44For the moment I heard your greeting, the baby in my womb leaped for joy.OASDNang marinig ko ang pagbati mo, gumalaw sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko.
45Blessed is she who believed that there would be a fulfillment of what our Father spoke to her."OASDMapalad ka dahil naniwala kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon.”
46And Mary said, "My soul magnifies our Father,OASDAt sinabi ni Maria, “Buong puso kong pinupuri ang Panginoon,
47and my spirit rejoices in our Father, my Savior,OASDat nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas!
48for he has looked on the humble estate of his servant. For from now on all generations will call me blessed;OASDSapagkat inalala niya ako na kanyang abang lingkod. Mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng henerasyon,
49for the Mighty One has done great things for me, and holy is his name.OASDdahil sa dakilang mga bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Diyos. Banal ang kanyang pangalan!
50And his mercy is for those who fear him from generation to generation.OASDKinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya sa bawat henerasyon.
51He has shown strength with his arm; he has scattered the proud in the thoughts of their hearts;OASDIpinakita niya ang dakila niyang mga gawa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Itinaboy niya ang mga taong mataas ang tingin sa sarili.
52he has brought down the mighty from their thrones and lifted up the humble;OASDIbinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang mga trono, at iniangat niya ang mga aba.
53he has filled the hungry with good things, and the rich he has sent away empty.OASDBinusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit pinaalis niya na walang dala ang mayayaman.
54-55He has helped his servant Israel, in remembrance of his mercy,OASDTinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod. Sapagkat hindi niya kinalimutan ang pangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi, na kaaawaan niya sila magpakailanman.”
55just as he spoke to our fathers, to Abraham and to his offspring forever."OASDNot in this edition
56And Mary remained with her about three months and then returned to her home.OASDAt nakitira si Maria kina Elisabet nang mga tatlong buwan bago siya umuwi.
57Now the time came for Elizabeth to give birth, and she bore a son.OASDDumating na ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagsilang siya ng isang lalaki.
58Her neighbors and relatives heard our Father had shown her great mercy, and rejoiced with her.OASDNabalitaan ng mga kapitbahay at mga kamag-anak niya kung paano siya kinahabagan ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.
59On the eighth day they came to circumcise the child, and were going to call him Zechariah after his father,OASDNang walong araw na ang sanggol, dumalo ang mga kapitbahay at mga kamag-anak sa pagtutuli sa kanya. Zacarias sana ang ipapangalan nila sa bata dahil iyon din ang pangalan ng kanyang ama.
60but his mother answered, "No; he will be called John."OASDNgunit sinabi ni Elisabet, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.”
61And they said to her, "None of your relatives is called by this name."OASDSumagot ang mga tao, “Pero wala namang may ganyang pangalan sa pamilya ninyo.”
62And they made signs to his father, asking what Zechariah wanted the child to be called.OASDKaya tinanong nila ang ama sa pamamagitan ng senyas kung ano ang gusto niyang ipangalan sa sanggol.
63He asked for a tablet and wrote, "His name is John." And everyone was amazed.OASDSumenyas siya na bigyan siya ng masusulatan. Pagkatapos ay isinulat niya, “Juan ang ipapangalan sa kanya.” Nagtaka silang lahat.
64And immediately his mouth was opened and his tongue loosed, and he spoke, blessing our Father.OASDNoon din ay nakapagsalita na si Zacarias at nagpuri sa Diyos.
65Fear fell on all their neighbors, and all these things were talked about throughout Judea's hill country.OASDNangilabot ang lahat ng kapitbahay nila, at naging usap-usapan sa buong kabundukan ng Judea ang pangyayaring iyon.
66And all who heard kept these things in their hearts, saying, "What then will this child become?" For our Father's hand was with him.OASDAng lahat ng nakabalita ay nag-isip at nagtanong, “Magiging ano kaya ang batang ito kapag lumaki na siya?” Sapagkat malinaw na sumasakanya ang Panginoon.
67And his father Zechariah was filled with the Holy Spirit and prophesied, saying,OASDNapuspos ng Banal na Espiritu ang ama ni Juan na si Zacarias at kanyang ipinahayag:
68"Blessed be our Father of Israel, for he has visited and redeemed his people,OASD“Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat inalala niya at tinubos ang kanyang bayan.
69and has raised up a mighty Savior for us in the house of his servant David,OASDSinugo niya sa atin ang makapangyarihang Tagapagligtas mula sa angkan ng lingkod niyang si David.
70as he spoke through the mouth of his holy prophets long ago,OASDItoʼy ayon sa ipinangako niya noon pang unang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta.
71that we should be saved from our enemies and from the hand of all who hate us;OASDIpinangako niya na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway at sa lahat ng napopoot sa atin.
72to show the mercy promised to our fathers and to remember his holy covenant,OASDKaaawaan niya ang ating mga ninuno, at tutuparin ang banal niyang kasunduan sa kanila
73the oath that he swore to our father Abraham, to grant us,OASDna kanyang ipinangako sa ninuno nating si Abraham.
74that we, being delivered from the hand of our enemies, might serve him without fear,OASDIliligtas niya tayo sa ating mga kaaway upang makapaglingkod tayo sa kanya nang walang takot,
75in holiness and righteousness before him all our days.OASDat maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo ay nabubuhay.”
76And you, child, will be called the prophet of the Most High; for you will go before the Lord to prepare his ways,OASDSinabi naman ni Zacarias sa anak niya, “Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos, dahil mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang mga tao sa kanyang pagdating.
77to give his people the knowledge of salvation through the forgiveness of their sins,OASDItuturo mo sa kanyang mga mamamayan kung paano sila maliligtas sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan,
78because of the tender mercy of our Father, by which the sunrise from on high will visit us,OASDdahil maawain at mapagmahal ang ating Diyos, ipapadala niya mula sa itaas ang Tagapagligtas tulad ng pagsikat ng araw,
79to give light to those who sit in darkness and in the shadow of death, to guide our feet into the way of peace."OASDupang tanglawan ang mga taong nasa kadiliman at takot sa kamatayan. At tayoʼy patnubayan sa daan ng kapayapaan.”
80The child grew, became strong in spirit, and lived in the wilderness until the day he appeared publicly to Israel.OASDLumaki ang batang si Juan at lumakas sa espiritu. Nanirahan siya sa ilang hanggang sa araw na nagsimula siyang mangaral sa mga Israelita.