Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Luke 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In those days Caesar Augustus issued a decree to register the whole inhabited world. Sa mga panahong iyon, ang Emperador ng Roma na si Augusto ay gumawa ng kautusan na dapat magpatala ang lahat ng mamamayan ng bansang nasasakupan niya.
2 This was the first registration, when Quirinius was governor of Syria. (Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Cirenio ang gobernador ng lalawigan ng Siria.)
3 Everyone went to be registered, each to his own town. Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.
4 Joseph too went up from Galilee, from the town of Nazareth, to Judea, to the city of David called Bethlehem, since he belonged to David's house and family, Dahil si Jose ay nagmula sa angkan ni Haring David, naglakbay siya mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at umuwi sa Bethlehem sa lalawigan ng Judea, sa bayang sinilangan ni David.
5 to be registered with Mary, his fiancée, who was expecting a child. Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na nooʼy malapit nang manganak.
6 While they were there, the time came for her to give birth. At habang naroon sila sa Bethlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria.
7 She gave birth to her firstborn son, wrapped him in cloths, and laid him in a manger, because the inn had no place for them. Isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot ito ng lampin, at inihiga sa sabsaban, dahil wala nang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.
8 Shepherds were in that same region, staying out in the fields, keeping watch over their flock by night. Sa gabi ding iyon, may mga pastol sa parang na malapit sa Bethlehem na nagbabantay ng kanilang mga kawan ng tupa.
9 An angel of our Father stood before them; the glory of our Father shone around them, and great fear seized them. Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at napaligiran sila ng nagniningning na kaluwalhatian ng Panginoon. Lubha silang natakot
10 The angel told them, "Don't be afraid—I bring good news of great joy for everyone: ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot dahil naparito ako para sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.
11 Today in the city of David, a Savior was born to you—Christ the Lord. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Mesias na siyang Panginoon.
12 This is your sign: you'll find a baby wrapped in cloths, lying in a manger." Ito ang palatandaan: Makikita ninyo ang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
13 Suddenly there was with the angel a multitude of the heavenly host, praising our Father and saying, Walang ano-anoʼy lumitaw mula sa langit ang isang napakalaking hukbo ng mga anghel at sama-sama silang nagpuri sa Diyos. Sinabi nila,
14 "Glory to our Father in the highest, and on earth peace among those with whom he is pleased!" “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa naman ay kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan!”
15 When the angels left them for heaven, the shepherds said to each other, "Let's go straight to Bethlehem and see this thing that has happened, which our Father has made known to us." Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Bethlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.”
16 They hurried off and found Mary and Joseph, and the baby lying in the manger. Kaya nagmadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
17 When they saw him, they made known what had been told them about this child. Nang makita nila ang sanggol, isinalaysay nila ang sinabi ng anghel tungkol sa kanya.
18 All who heard were amazed at what the shepherds told them. Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol.
19 But Mary treasured up all these things, pondering them in her heart. Ngunit si Maria, isinapuso niya ang lahat ng ito at pinagbulay-bulayan.
20 The shepherds returned, glorifying and praising our Father for all they'd heard and seen, just as they were told. Bumalik sa parang ang mga pastol na labis na nagpupuri sa Diyos dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita, na ayon sa sinabi ng anghel.
21 When eight days for his circumcision were complete, he was named Jesus, the name the angel gave before he was conceived in the womb. Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang sanggol at pinangalanang Hesus. Ito ang pangalang ibinigay ng anghel bago siya ipinaglihi ni Maria.
22 When their days of purification under the Law of Moses ended, they brought him up to Jerusalem to present him to our Father, Nang dumating na ang araw ng seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises patungkol sa babaeng nanganak, pumunta sina Jose at Maria sa Jerusalem. Dinala rin nila ang sanggol sa Jerusalem para ihandog sa Panginoon.
23 (as it is written in our Father's Law, "Every firstborn male will be called holy to our Father"), Sapagkat nasusulat sa Kautusan ng Panginoon, “Ang bawat panganay na lalaki ay kailangang ihandog sa Panginoon.”
24 and to offer a sacrifice as the Law of our Father says: a pair of turtledoves or two young pigeons. At upang maituring na malinis si Maria, naghandog sila ayon sa sinasabi ng Kautusan ng Panginoon: “isang pares ng batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”
25 In Jerusalem lived a man named Simeon, righteous and devout, waiting for Israel's comfort, with the Holy Spirit on him. May isang tao roon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Matuwid siya, may takot sa Diyos, at sumasakanya ang Banal na Espiritu. Hinihintay niya ang pagdating ng Mesias na magliligtas sa Israel.
26 The Holy Spirit had revealed to him he wouldn't die before seeing our Father's Christ. Ipinahayag sa kanya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay hanggaʼt hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon.
27 Prompted by the Spirit, he entered the temple. As the parents brought in the child Jesus to do for him what the Law required, Nang araw na iyon, sa patnubay ng Espiritu ay pumunta siya sa Templo. At nang dalhin doon nina Maria at Jose ang sanggol na si Hesus para ihandog sa Panginoon ayon sa Kautusan,
28 Simeon took him up in his arms and blessed our Father, saying, kinarga ito ni Simeon at nagpuri sa Diyos. Sinabi niya:
29 "Sovereign Father, now you are letting your servant depart in peace, according to your word. “Ngayon, Panginoon, maaari na po akong pumanaw nang payapa dahil natupad na ang pangako nʼyo sa akin na inyong lingkod.
30 For my eyes have seen your salvation, Dahil nakita na ng aking mga mata ang Tagapagligtas,
31 which you have prepared in the presence of all peoples: na inihanda ninyo sa harapan ng lahat ng tao.
32 a light for revelation to the Gentiles, and for glory to your people Israel." Siya ang ilaw na magbibigay-liwanag sa isipan ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa inyo, at magbibigay-dangal sa inyong bayang Israel.”
33 His father and mother were amazed at what was said about him. Namangha ang ama at ina ng sanggol sa mga sinabi ni Simeon tungkol sa kanilang anak.
34 And Simeon blessed them and told Mary, his mother, "This child is appointed for the fall and rising of many in Israel, and to be a sign that is opposed, Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria, “Tandaan mo: Itinalaga ang batang ito para ibagsak o iligtas ang marami sa Israel. Magiging tanda siya mula sa Diyos, ngunit marami ang magsasalita laban sa kanya.
35 and a sword will pierce through your own soul also—so that thoughts from many hearts may be revealed." Kaya ikaw mismo ay masasaktan, na parang sinaksak ng patalim ang puso mo. At dahil sa gagawin niya, mahahayag ang kasamaang nasa isip ng maraming tao.”
36 Also there was Anna, a woman prophet, daughter of Phanuel of Asher's tribe, very old, having lived with her husband seven years after her virginity, Naroon din sa ang isang babaeng propeta na matandang-matanda na. Siya si Ana na anak ni Fanuel at mula sa lahi ni Asher. Namatay ang kanyang asawa noong pitong taon pa lamang silang kasal.
37 and a widow until eighty-four, never leaving the temple, worshiping with fasting and prayer night and day. At namuhay siyang isang biyuda hanggang sa edad na walumpuʼt apat. Araw-gabi siyang nasa Templo na sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno.
38 Coming up at that same hour, she gave thanks to our Father and spoke of the child to all awaiting Jerusalem's redemption. Noong oras ding iyon, lumapit siya kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay ng pagliligtas ng Diyos sa Jerusalem.
39 When they finished everything required by our Father's Law, they returned to Galilee, to their own town of Nazareth. Nang maisagawa na nina Jose at Maria ang lahat ng dapat nilang gawin ayon sa Kautusan ng Panginoon, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret na sakop ng Galilea.
40 The child grew, becoming strong, filled with wisdom, and our Father's favor was on him. Lumaki ang batang si Hesus at naging malakas, at siyaʼy napakatalino at kalugod-lugod sa Diyos.
41 Now his parents went to Jerusalem every year at the Feast of Passover. Bawat taon pumupunta ang mga magulang ni Hesus sa Jerusalem upang dumalo sa Pista ng Paglampas ng Anghel.
42 When he was twelve years old, they went up according to the custom of the feast. Nang labindalawang taóng gulang na si Hesus, muli silang pumunta roon gaya ng nakaugalian nila.
43 When the festival ended and they left for home, the boy Jesus stayed behind in Jerusalem, unknown to his parents. Pagkatapos ng pista, umuwi na sila, ngunit nagpaiwan ang batang si Hesus sa Jerusalem nang hindi namamalayan ng mga magulang niya.
44 Thinking he was in the group, they traveled a day's journey, then searched for him among relatives and acquaintances. Ang akala nilaʼy kasama siya ng iba nilang kababayan na pauwi na rin, kaya nagpatuloy lang sila sa paglalakad buong araw. Bandang huli ay hinanap nila si Hesus sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.
45 When they did not find him, they returned to Jerusalem, searching for him. Nang malaman nilang wala si Hesus sa kanila, bumalik sila sa Jerusalem upang hanapin siya doon.
46 After three days they found him in the temple, sitting among the teachers, listening to them and asking them questions. At sa ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa templo na nakaupong kasama ng mga tagapagturo ng Kautusan. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong.
47 All who heard him were amazed at his understanding and his answers. Ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang pang-unawa at sa kanyang mga sagot.
48 When his parents saw him, they were astonished. His mother said, "Child, why have you done this to us? Look, your father and I have been anguished, searching for you." Nang matagpuan siya roon ng kanyang mga magulang, nagtaka sila. Tinanong siya ng kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo!”
49 He said to them, "Why were you searching for me? Didn't you know I must be in my Father's house?" Sumagot si Hesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay narito ako sa bahay ng aking Ama?”
50 But they did not understand the saying that he spoke to them. Subalit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.
51 Then he went down with them and came to Nazareth, remaining obedient to them. His mother kept all these things in her heart. Umuwi si Hesus sa Nazaret kasama ng kanyang mga magulang, at patuloy siyang naging masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay isinapuso ng kanyang ina.
52 Jesus increased in wisdom and stature and in favor with our Father and with people. Patuloy na lumaki si Hesus at lalo pang naging matalino. Kinalugdan siya ng Diyos at ng mga tao.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]