Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Luke 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After he had finished saying all this to the people, he entered Capernaum. Pagkatapos ipangaral ni Hesus sa mga tao ang mga bagay na ito, pumunta siya sa Capernaum.
2 A centurion's servant who was dear to him was sick and at the point of death. May isang kapitan doon ng hukbong Romano na may katiwalang malubha ang sakit at nag-aagaw-buhay na. Mahal niya ang katiwalang ito.
3 Hearing about Jesus, the centurion sent Jewish elders, asking him to come and heal his servant. Kaya nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Hesus, nagsugo siya ng ilang pinuno ng mga Hudyo upang pakiusapan si Hesus na puntahan at pagalingin ang kanyang katiwala.
4 Reaching Jesus, they pleaded urgently: he deserves to have you do this for him, Pagdating nila kay Hesus, nakiusap silang mabuti sa kanya, “Karapat-dapat po siyang tulungan ninyo,
5 for he loves our nation, and he is the one who built us our synagogue. dahil mahal niya tayong mga Hudyo at ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.”
6 Jesus went with them. He was nearly at the house when the centurion sent friends to say, "Lord, don't trouble yourself—I'm not worthy for you to enter under my roof. Kaya sumáma sa kanila si Hesus. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, nagsugo ito ng ilang kaibigan niya para salubungin si Hesus at sabihin, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan nʼyo sa aking tahanan.
7 So I did not presume to come to you. But say the word, and let my servant be healed. At hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Sa halip, iutos nʼyo lamang na gumaling ang aking katiwala at siyaʼy gagaling.
8 For I too am a man under authority, with soldiers under me. I tell one, 'Go,' and he goes; another, 'Come,' and he comes; my servant, 'Do this,' and he does it." Alam ko po ito dahil nasa ilalim ako ng nakakataas na opisyal, at may mga sundalo ring nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon,’ pumupunta siya. Kapag sinabi ko naman sa isa pa, ‘Halika,’ lumalapit siya. At kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ ginagawa niya.”
9 Hearing this, Jesus was amazed at the centurion, turned to the crowd following him, and said, "I tell you, I have not found such faith even in Israel." Nang marinig ito ni Hesus, namangha siya sa kapitan. Humarap siya sa napakaraming taong sumusunod sa kanya at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kahit na sa Israel ay hindi pa ako nakakakita ng ganito kalalim na pananampalataya.”
10 And when those who had been sent returned to the house, they found the servant well. Nang makabalik na sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nakita nilang magaling na ang katiwala.
11 Soon after, he went to a town called Nain, with his disciples and a big crowd. Pagkatapos, pumunta si Hesus sa bayan ng Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao.
12 As he neared the town gate, a dead man was being carried out—an only son to his mother, a widow—and a large crowd from the town was with her. Nang malapit na sila sa pintuan ng bayan, tamang-tama namang may inilalabas na patay para ilibing. Kaisa-isa siyang anak ng isang biyuda, at maraming tao mula sa bayan ang sumáma sa prusisyon.
13 When the Lord saw her, he felt compassion for her and said, "Don't cry." Pagkakita ng Panginoon sa biyuda, nahabag siya dito at sinabi, “Huwag kang umiyak.”
14 He stepped up and touched the bier; the carriers stopped, and he said, "Young man, I tell you, get up." Nilapitan ni Hesus at hinawakan ang kinalalagyan ng patay at tumigil ang mga nagdadala nito. Sinabi ni Hesus, “Binata, inuutusan kita, bumangon ka!”
15 And the dead man sat up and began to speak, and Jesus gave him to his mother. Umupo nga ang binata at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Hesus sa kanyang ina.
16 Fear gripped them all; they praised our Father: "A great prophet has risen among us!" "Our Father has visited his people!" Kinilabutan ang mga tao at nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta!” at “Dumalaw ang Panginoon upang tayoʼy tulungan!”
17 And this report about him spread through the whole of Judea and all the surrounding country. At kumalat sa buong Judea at sa lahat ng lugar sa palibot nito ang balita tungkol kay Hesus.
18 John's disciples told him all these things. Then John called two of his disciples, Ang lahat ng pangyayaring iyon ay ibinalita kay Juan na Tagapagbautismo ng kanyang mga alagad. Kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa mga alagad niya
19 sent them to the Lord: "Are you the one who is to come, or should we look for another?" at pinapunta sa Panginoon upang tanungin, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?”
20 When the men reached him, they said, "John the Baptist sent us to you, asking, 'Are you the one who is to come, or should we expect someone else?'" Pagdating nila kay Hesus, sinabi nila, “Pinapunta po kami rito ni Juan na Tagapagbautismo para itanong sa inyo kung kayo na ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba.”
21 In that hour he healed many of diseases, plagues, and evil spirits, and gave sight to many blind. Nang mga sandaling iyon, maraming pinagaling si Hesus na mga maysakit sa ibaʼt ibang uri ng karamdaman, at mga sinasapian ng masasamáng espiritu. Marami din siyang pinagaling na mga bulag.
22 He answered them, "Go tell John what you've seen and heard: the blind see, the lame walk, lepers become clean, the deaf hear, the dead rise, and the poor hear good news. Kaya sinabi niya sa mga alagad ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang nakita at narinig ninyo: Nakakakita na ang mga bulag, nakakalakad na ang mga lumpo, gumaling na ang mga may malubhang sakit sa balat, at nakakarinig na ang mga bingi. Muling binuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
23 And blessed is the one who is not offended by me." Pinagpala ang sinumang hindi nagdududa sa akin.”
24 When John's messengers left, Jesus spoke to the crowds about John: "What did you go into the wilderness to see? A reed swaying in the wind? Nang makaalis na ang mga taong inutusan ni Juan, nagtanong si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan, “Noong pumunta kayo kay Juan sa ilang, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang taong tulad ng tambo na hinihipan ng hangin?
25 What then did you go out to see? A man dressed in soft clothes? Look—those dressed in splendor, living in luxury, are in kings' palaces. Kung hindi, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang taong nakasuot ng magarang damit? Ang mga taong nakasuot ng magagarang damit at namumuhay nang marangya ay matatagpuan sa palasyo.
26 But what did you go out to see—a prophet? Yes, I tell you: more than a prophet. Kung ganoon, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang propeta? Totoo, isa nga siyang propeta. At sinasabi ko sa inyo, higit pa siya sa isang propeta.
27 This is the one Scripture speaks of: 'Look, I'm sending my messenger ahead of you to prepare your way before you.' Siya ang tinutukoy sa Kasulatan: ‘Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo.’
28 I tell you: no one born of women is greater than John—yet the least in our Father's kingdom is greater than he." Sinasabi ko sa inyo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan. Ngunit ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Diyos ay mas dakila pa sa kanya.”
29 (When all the people, including the tax collectors, heard this, they declared our Father just, having been baptized with John's baptism, Nang marinig ng mga tao, pati ng mga maniningil ng buwis, ang pangangaral ni Hesus, sumang-ayon sila na matuwid ang layunin ng Diyos, dahil nagpabautismo sila kay Juan.
30 but the Pharisees and lawyers rejected our Father's purpose for themselves, not baptized by him.). Ngunit ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan ay tumanggi sa layunin ng Diyos para sa buhay nila, dahil hindi sila nagpabautismo kay Juan.
31 "To what then should I compare the people of this generation, and what are they like? Sinabi pa ni Hesus, “Sa anong bagay ko maihahambing ang mga tao ngayon? Kanino ko sila maihahalintulad?
32 They are like children sitting in the marketplace, calling to each other: 'We played the flute for you, and you didn't dance; we sang a dirge, and you didn't weep.' Katulad sila ng mga batang nakaupo sa palengke at sinasabi sa kanilang kalaro: ‘Tinugtugan namin kayo ng masayang tugtugin, pero hindi kayo sumayaw! Umawit kami ng awit ng pagluluksa pero hindi kayo umiyak!’
33 For John the Baptist came eating no bread, drinking no wine, and you say, 'He has a demon.' Sapagkat noong dumating si Juan na Tagapagbautismo ay nag-aayuno siya at hindi umiinom ng alak, at ang sabi ninyo, ‘Sinasapian siya ng demonyo.’
34 The Son of Man came eating and drinking, and you say, 'See, a glutton and a drunkard, a friend of tax collectors and sinners!' Nang dumating naman ang Anak ng Tao, at nakita ninyo siyang kumakain at umiinom, ang sabi naman ninyo, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’
35 Yet wisdom is justified by all her children." Ganoon pa man, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa buhay ng mga sumusunod rito.”
36 A Pharisee invited him to eat with him; he went into the Pharisee's house and reclined at the table. Inanyayahan si Hesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pumunta nga si Hesus at umupo para kumain.
37 A woman in the city, a sinner, learned he was reclining at table in the Pharisee's house and brought an alabaster bottle of perfume. Sa bayang iyon ay may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabangong nasa sisidlang alabastro.
38 Standing behind him at his feet, weeping, she began wetting his feet with her tears, wiped them with her hair, kissed his feet, and anointed them with the perfume. Lumapit siya sa likuran ni Hesus sa bandang paanan at umiyak. Binasa niya ng luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinalikan at binuhusan ng pabango.
39 Seeing this, the Pharisee who'd invited him thought, "If he were a prophet, he'd know who's touching him and what kind of woman she is—a sinner." Nang makita iyon ng Pariseong nag-imbita kay Hesus, inisip niya, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam dapat niyang ang babaeng humahawak sa kanya ay makasalanan.”
40 Jesus replied to him, "Simon, I have something to say to you." He said, "Say it, Teacher." Sumagot si Hesus, “Simon, may sasabihin ako saʼyo.” Sabi ni Simon, “Ano po iyon, Guro?”
41 "A certain moneylender had two debtors. One owed 500 denarii, and the other fifty. Sinabi ni Hesus, “May dalawang lalaking nanghiram sa isang taong nagpapautang. Ang isaʼy umutang sa kanya ng limandaan, at ang isa namaʼy limampu.
42 Since neither could pay, he canceled both debts. So which of them will love him more?" Nang kapwa sila hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sa palagay mo, sino sa dalawa ang higit na magmamahal sa nagpautang?”
43 Simon answered, "I suppose the one he forgave the larger debt." Jesus said, "You judged rightly." Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po, ang may mas malaking utang.” “Tama ang sagot mo,” sabi ni Hesus.
44 Turning to the woman, he told Simon, "Do you see this woman? I entered your house—you gave no water for my feet, but she wet my feet with her tears and wiped them with her hair. Pagkatapos ay nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaeng ito? Noong pumasok ako sa bahay mo, hindi mo ako binigyan ng tubig na panghugas sa paa ko. Ngunit ang babaeng ito, sariling luha niya ang ipinanghugas sa mga paa ko at ang buhok pa niya ang ipinampunas dito.
45 You gave me no kiss, but she, from when I came in, hasn't stopped kissing my feet. Hindi mo ako hinalikan, pero mula nang dumating ako, wala siyang tigil sa paghalik sa mga paa ko.
46 You did not anoint my head with oil, but she has anointed my feet with perfume. Hindi mo pinahiran ng langis ang ulo ko, pero pinahiran niya ng mamahaling pabango ang mga paa ko.
47 So I tell you, her many sins are forgiven, because she loved much. But whoever is forgiven little loves little." Kaya sinasabi ko sa iyo, pinatawad na ang marami niyang kasalanan, kaya siya nagpapakita ng malaking pagmamahal sa akin. Ngunit ang taong kaunti lang ang kasalanang pinatawad, kaunti rin ang pagmamahal na ipinapakita niya.”
48 And he said to her, "Your sins are forgiven." Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
49 Then his fellow guests began asking each other, "Who is this, who even forgives sins?" Ang mga kasama niya sa pagkain ay nagtanong sa kanilang sarili, “Sino ba ang taong ito para magpatawad ng kasalanan?”
50 And he said to the woman, "Your faith has saved you; go in peace." Sinabi ni Hesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]