Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Luke 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 On a Sabbath, Jesus walked through grainfields; his disciples picked heads of grain, rubbed them in their hands, and ate. Isang Araw ng Pamamahinga, napadaan sina Hesus sa isang triguhan. Namitas ng trigo ang mga alagad niya, kiniskis ito sa mga kamay nila, at pagkatapos ay kinain ang mga butil.
2 Some of the Pharisees said, "Why are you doing what is not lawful on the Sabbath?" Kaya sinabi ng ilang Pariseo, “Bakit kayo gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?”
3 Jesus answered them, "Haven't you read what David did when he and those with him were hungry, Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya?
4 how he entered our Father's house, took the bread of the Presence, ate it, gave some to his companions, though it's not lawful for any but the priests to eat it?" Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumuha ng tinapay na inihandog sa Diyos at kinain ito. Binigyan pa niya ang mga kasamahan niya, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon.”
5 Then he said to them, "The Son of Man is Lord of the Sabbath." At sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
6 On another Sabbath he entered the synagogue and taught; a man was there with a withered right hand. Noong isa pang Araw ng Pamamahinga, pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki roon na paralisado ang kanang kamay.
7 The scribes and Pharisees watched him closely to see if he would heal on the Sabbath, so they could find a charge against him. Binantayang mabuti ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo si Hesus kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya.
8 But knowing their thoughts, he told the man with the withered hand, "Get up and stand here." So he got up and stood there. Ngunit alam niya ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika, tumayo ka rito sa harapan.” Lumapit nga ito at tumayo roon.
9 Then Jesus said to them, "I ask you: is it lawful on the Sabbath to do good or do harm, to save a life or destroy it?" Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?”
10 Looking around at them all, he told the man, "Stretch out your hand." He did, and his hand was restored. Tiningnan niya silang lahat, at sinabi sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.
11 But filled with rage, they discussed with each other what to do to Jesus. Ngunit nagngitngit sa galit ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan, kaya pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Hesus.
12 In those days Jesus went out to the mountain to pray, spending the whole night in prayer to our Father. Nang panahong iyon, pumunta si Hesus sa bundok at magdamag na nanalangin sa Diyos.
13 At daybreak he called his disciples and chose twelve of them, naming them apostles: Kinaumagahan, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili siya ng labindalawa mula sa kanila, na tinawag niyang mga apostol.
14 Simon, whom he named Peter, and his brother Andrew; James and John; Philip and Bartholomew; Ito ay sina Simon (na tinawag niyang Pedro), at Andres na kapatid nito, sina Santiago at Juan, sina Felipe, Bartolome,
15 Matthew and Thomas; James son of Alphaeus, and Simon who was called the Zealot; Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na makabayan,
16 Judas son of James, and Judas Iscariot, who became a traitor. Judas na anak ng isa pang Santiago, at si Judas Iscariote na siyang nagtraydor kay Hesus.
17 He came down with them and stood on a level place, with a large crowd of his disciples and a large multitude of people from all Judea, Jerusalem, and the coast of Tyre and Sidon. Pagkatapos nito, bumaba sila mula sa bundok at tumigil sa isang patag na lugar. Naroon ang malaking grupo ng alagad niya at ang napakaraming taong nanggaling sa Judea, Jerusalem, at sa baybayin ng Tiro at Sidon.
18 They came to hear him and be healed of their diseases; those troubled by unclean spirits were also cured. Pumunta sila roon upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga sakit. Ang lahat ng pinahihirapan ng masasamáng espiritu ay gumaling.
19 The whole crowd tried to touch him, since power went out from him, healing everyone. Sinikap ng lahat ng tao roon na mahipo siya, dahil may kapangyarihang nagmumula sa kanya na nagpapagaling sa lahat.
20 Looking up at his disciples, he said: "Blessed are you who are poor, for yours is the kingdom of our Father. Tumingin si Hesus sa mga alagad niya at sinabi, “Pinagpala kayong mga mahihirap, sapagkat kabilang kayo sa kaharian ng Diyos.
21 "Blessed are you who hunger now, for you will be satisfied. Blessed are you who weep now, for you will laugh. Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat bubusugin kayo. Pinagpala kayong mga umiiyak ngayon, sapagkat tatawa kayo.
22 Blessed are you when people hate you, and when they exclude you and revile you and reject your name as evil, because of the Son of Man. Pinagpala kayo kung kinamumuhian kayo ng mga tao, kung itinatakwil at iniinsulto kayo, at sinisiraan ang inyong pangalan dahil sa pagsunod ninyo sa Anak ng Tao.
23 Rejoice in that day and leap for joy, for your reward is great in heaven; for that is how the persecutors' ancestors treated the prophets. “Ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta noon. Kaya kung gawin ito sa inyo, magalak kayo at lumukso sa tuwa, dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit.
24 But woe to you who are rich, for you have already received your comfort. Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman, sapagkat natamasa na ninyo ang inyong kasaganaan.
25 Woe to you who are full now, for you will be hungry. Woe to you who laugh now, for you will mourn and weep. Kahabag-habag kayong mga busog ngayon, sapagkat magugutom kayo. Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon, sapagkat magluluksa kayo at iiyak.
26 Woe to you when everyone speaks well of you, for that is how the flatterers' ancestors treated the false prophets. Kahabag-habag kayo kung pinupuri kayo ng lahat ng tao, sapagkat ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.
27 But I tell you who listen: love your enemies, do good to those who hate you, “Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo.
28 bless those who curse you, pray for those who mistreat you. Pagpalain ninyo ang mga nagbibitaw ng sumpa laban sa inyo. At ipanalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo.
29 Whoever strikes you on one cheek, offer the other too; whoever takes your coat, do not hold back your shirt. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag may kumukuha ng balabal mo, huwag mong ipagkait pati ang iyong damit.
30 Give to everyone who asks you, and don't demand back what is taken from you. Bigyan mo ang sinumang humihingi sa iyo; at kapag may kumuha ng iyong pag-aari ay huwag mo na itong bawiin pa.
31 Do to others as you would have them do to you. Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo.
32 Loving those who love you—what credit is that? Even sinners love those who love them. “Kung ang mamahalin lang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Minamahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila.
33 If you do good to those doing you good, what credit is that to you? Even sinners do the same. At kung ang gagawan lang ninyo ng mabuti ay ang mga taong mabuti sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Ginagawa rin iyan ng mga makasalanan.
34 And if you lend expecting repayment, what credit is that? Even sinners lend to sinners to get back the same amount. At kung ang pinapahiram lang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makakabayad sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa kapwa nila makasalanan sa pag-asang mababayaran sila.
35 But love your enemies, do good, and lend expecting nothing back; your reward will be great, and you will be children of the Most High, for he is kind to the ungrateful and evil. Sa halip, ito ang inyong gawin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti. Kung magpapahiram kayo, magpahiram kayo nang hindi umaasa ng anumang kabayaran. Malaking gantimpala ang tatanggapin ninyo, at makikilala kayong mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat mabuti siya kahit sa masasama at sa mga walang utang na loob.
36 Be merciful, just as your Father is merciful. Maging maawain kayo tulad ng inyong Amang maawain.
37 Do not judge, and you will not be judged. Do not condemn, and you will not be condemned. Forgive, and you will be forgiven. “Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.
38 Give, and it will be given to you: a good measure—pressed down, shaken, overflowing—will be poured into your lap. For the measure you use will be measured back to you." Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo.”
39 He also gave them a parable: "Can a blind person guide a blind person? Won't both fall into a pit? Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang kapwa bulag? Hindi kaya sila parehong mahulog sa hukay?
40 No student surpasses their teacher; whoever is fully trained becomes like their teacher. Walang mag-aaral na higit sa kanyang guro. Ngunit kapag ganap ang kanyang pagsasanay, magiging katulad siya ng kanyang guro.”
41 Why do you see the speck in your brother's eye, yet miss the beam in your own eye? “Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng kapwa mo, pero hindi mo naman napapansin ang trosong nasa sarili mong mata?
42 How can you tell your brother, 'Brother, let me remove the speck from your eye,' when you don't see the beam in your own eye? Hypocrite! First remove the beam from your own eye—then you'll see clearly to remove the speck from your brother's eye. Paano mo masasabi sa kanya, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ gayong hindi mo nakikita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang sa gayoʼy makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.
43 For no good tree bears bad fruit, nor again does a bad tree bear good fruit. “Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti.
44 Each tree is known by its own fruit; figs aren't gathered from thornbushes, nor grapes picked from a bramble. Ang bawat puno ay nakikilala sa bunga nito. Sapagkat hindi naaani ang igos sa matitinik na halaman o napipitas ang ubas sa dawagan.
45 A good person produces good from the heart's good store; an evil person produces evil from the evil store; for the mouth speaks from the heart's overflow. Gayundin naman, ang mabuting tao ay gumagawa ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang kanyang puso. Ngunit ang masamang tao ay gumagawa ng masama dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang pumupuno sa puso ng isang tao ay siya ring umaapaw sa kanyang bibig.
46 Why do you call me 'Lord, Lord,' and not do what I say? “Bakit ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo sinusunod ang mga sinasabi ko?
47 Everyone coming to me, hearing my words, and doing them—I'll show you what he's like: Ilalarawan ko sa inyo kung ano ang kahalintulad ng taong lumalapit sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ko at sumusunod rito:
48 He's like a man building a house, who dug deep and laid its foundation on rock. When the flood came, the river crashed into that house but couldn't shake it—it was built well. Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at nagtayo ng bahay sa pundasyong bato. Nang bumaha at dinaanan ng malakas na agos ang bahay, hindi iyon nayanig dahil matibay ang pagkakatayo.
49 But whoever hears my words and doesn't act on them is like a man who built a house on the ground, without a foundation. The flood crashed against it, and it collapsed at once—that house's ruin was great." Ngunit ang nakikinig sa mga sinasabi ko pero hindi naman ito sinusunod ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Kayaʼt nang dinaanan ng malakas na agos ang bahay, agad itong nagiba at lubusang nawasak.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]