Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Luke 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Once, as the crowd pressed around him to hear our Father's word, Jesus stood by Lake Gennesaret. Isang araw, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Galilea, at nagsisiksikan sa kanya ang napakaraming tao upang makinig ng salita ng Diyos.
2 He saw two boats standing by the lake; the fishermen had left them and were washing their nets. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin. Nakababa na sa bangka ang mga mangingisda at naghuhugas na ng mga lambat nila.
3 Getting into one of the boats, Simon's, he asked him to move out a little from shore, then sat down and taught the crowds from the boat. Sumakay siya sa bangkang pag-aari ni Simon at nakiusap dito na itulak iyon nang kaunti sa tubig. Naupo si Hesus sa bangka at nagturo sa mga tao.
4 When he stopped speaking, he told Simon, "Push out into deep water and lower your nets for a catch." Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat ninyo.”
5 Simon answered, "Master, we worked all night and caught nothing. But at your word, I'll let down the nets." Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nangisda pero wala kaming nahuli. Ngunit dahil sinabi ninyo, ihuhulog ko ulit ang mga lambat.”
6 Doing this, they caught so many fish their nets began tearing. Nang magawa na nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda hanggang sa halos masira na ang kanilang mga lambat.
7 They signaled to partners in the other boat to come help; they came and filled both boats so that they began to sink. Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasama na nasa isa pang bangka para magpatulong. Tinulungan sila ng mga ito at napuno nila ng isda ang dalawang bangka, hanggang sa halos lumubog na sila.
8 Seeing this, Simon Peter fell at Jesus' knees and said, "Leave me, Lord, for I'm a sinful man!" Nang makita iyon ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at sinabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako.”
9 For amazement gripped him and all with him at the catch of fish they had caught, Namangha siyaʼt natakot, pati ang mga kasamahan niya dahil sa dami ng nahuli nila,
10 and so were James and John, Zebedee's sons and Simon's partners. Jesus told Simon, "Don't be afraid; from now on you'll catch people." gayundin sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. “Huwag kang matakot,” sabi ni Hesus kay Simon. “Mula ngayon, hindi na isda ang huhulihin mo kundi mga tao na.”
11 So they pulled their boats up on shore, left everything, and followed him. Nang maidaong na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.
12 While Jesus was in one of the towns, a man covered with a serious skin disease appeared. Seeing Jesus, he fell facedown and begged, "Lord, if you're willing, you can make me clean." Minsan, habang nasa isang bayan si Hesus, may isang lalaking may malubhang sakit sa balat na lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, “Panginoon, kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.”
13 Jesus reached out his hand, touched him: "I am willing. Be clean." At once the skin disease left him. Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!” At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat.
14 Jesus ordered him to tell no one, "but go, show yourself to the priest and offer what Moses commanded for your cleansing, as proof to the people." Sinabihan siya ni Hesus, “Huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay na malinis ka na.”
15 But word about him spread even more; large crowds gathered to hear him and be healed of their sicknesses. Subalit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Hesus, kaya dumating ang napakarami pang mga tao upang makinig sa mga aral niya at mapagaling sa kanilang mga sakit.
16 But Jesus often withdrew to deserted places and prayed. Ngunit laging pumupunta si Hesus sa ilang at doon nananalangin.
17 One day as he taught, Pharisees and teachers of the law sat, having come from every village of Galilee, and from Judea and Jerusalem. And our Father's power was there for him to heal the sick. Isang araw habang nangangaral si Hesus, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo malapit sa kanya. (Nanggaling sila sa ibaʼt ibang bayan ng Galilea at Judea, at maging sa Jerusalem.) At taglay ni Hesus ang kapangyarihan ng Panginoon para magpagaling ng mga may sakit.
18 Just then, men came carrying a paralyzed man on a mat, trying to bring him in and lay him before Jesus. Noon din ay may mga taong dumating na buhat-buhat ang isang lalaking paralitiko na nasa higaan. Sinikap nilang ipasok ito sa bahay upang mailagay sa harap ni Hesus.
19 Finding no way through the crowd to bring him in, they went up on the roof and lowered him on his mat through the tiles, into the middle, right before Jesus. Ngunit hindi sila makapasok dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong at bumaklas ng bahagi nito. Pagkatapos, ibinaba nila sa harap ni Hesus ang paralitikong nasa kanyang higaan.
20 When Jesus saw their faith, he said, "Friend, your sins are forgiven you." Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
21 The scribes and Pharisees began debating, "Who is this man insulting God? Who but God alone can forgive sins?" Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: “Sino ba ang taong ito na lumalapastangan sa Diyos? Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!”
22 Knowing what they were thinking, Jesus answered them, "Why are you reasoning in your hearts? Alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya tinanong niya ang mga ito, “Bakit ganyan ang iniisip ninyo?
23 Which is easier: to say, 'Your sins are forgiven you,' or to say, 'Get up and walk'? Alin ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’?
24 But so you'll know the Son of Man has authority on earth to forgive sins"—he told the paralyzed man—"I tell you, get up, pick up your mat, and go home." Ngunit upang malaman ninyo na may kapangyarihan ang Anak ng Tao dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan, papatunayan ko ngayon sa inyo.” At sinabi niya sa paralitiko, “Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!”
25 At once he stood before them, picked up his mat, went home glorifying our Father. Bumangon nga agad ang paralitiko sa harap ng lahat, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos.
26 Amazement seized them all; they glorified our Father, filled with awe, saying, "We saw remarkable things today." Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Napuno sila ng takot at sinabi nila, “Kamangha-mangha ang mga bagay na nakita natin ngayon!”
27 After this, Jesus went out and saw a tax collector named Levi sitting at the tax booth. "Follow me," he said. Pagkatapos nito, umalis si Hesus at nakita niya ang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo ito sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.”
28 So Levi got up, left everything behind, and followed him. Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Hesus.
29 Then Levi hosted a great banquet for Jesus at his house, and a large crowd of tax collectors and others reclined with them. Nagdaos si Levi sa kanyang bahay ng malaking handaan para kay Hesus. Maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao ang dumalo at nakisalo sa kanila.
30 But the Pharisees and their scribes grumbled to his disciples, "Why do you eat and drink with tax collectors and sinners?" Nang makita ito ng mga Pariseo at ng mga kasama nilang mga tagapagturo ng Kautusan, nagreklamo sila sa mga alagad ni Hesus. Sinabi nila, “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?”
31 Jesus answered them, "It is not the healthy who need a doctor, but the sick. Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.
32 I have not come to call the righteous, but sinners to repentance." Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi sila.”
33 They said to him, "John's disciples fast often and pray, likewise the Pharisees' disciples, but yours eat and drink." May mga tao roon na nagtanong kay Hesus, “Ang mga alagad ni Juan na Tagapagbaustimo at ng mga Pariseo ay madalas mag-ayuno at manalangin. Bakit ang mga alagad mo ay panay lang ang kain at inom?”
34 Jesus said, "Can you make the bridegroom's friends fast while he is with them? Sumagot si Hesus, “Mapag-aayuno ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi!
35 But days will come when the bridegroom is taken from them, and then, in those days, they will fast." Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”
36 He told them a parable too: "No one tears a patch from a new garment and sews it on an old one. Otherwise, he tears the new, and the new patch won't match the old. Sinabi rin ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Hindi ginugupit ang bagong damit para ipangtagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit, at ang telang itinagpi ay hindi babagay sa lumang damit.
37 No one puts new wine into old wineskins; otherwise the new wine will burst the skins, spill out, and the skins will be ruined. Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ginawa ito, papuputukin ng bagong alak ang sisidlan. Matatapon ang alak at masisira ang sisidlan.
38 No, new wine must be poured into new wineskins. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat.
39 And no one after drinking old wine wants the new, for he says, 'The old is good.'" Wala ring taong nakainom na ng lumang alak ang maghahanap ng bagong alak, dahil tiyak na sasabihin niya, ‘Mas masarap ang luma.’ ”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]