Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Luke 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jesus, full of the Holy Spirit, returned from the Jordan, led by the Spirit in the wilderness. Umalis si Hesus sa Ilog Jordan na puspos ng Banal na Espiritu, at dinala siya ng Espiritu sa ilang.
2 Forty days, tempted by the devil, eating nothing in those days; when they ended, he was hungry. Nanatili siya roon nang apatnapung araw, at sa mga araw na iyon, tinukso siya ng diyablo. Hindi siya kumain sa buong panahong iyon kaya gutom na gutom siya pagkatapos.
3 The devil told him, "If you're the Son of God, tell this stone to become bread." Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay.”
4 And Jesus answered him, "It is written, 'Man shall not live by bread alone.'" Ngunit sinagot siya ni Hesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ ”
5 Then the devil led him up and showed him all the kingdoms of the world in an instant. Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar, at sa isang iglap ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian ng mundo.
6 He said to him, "I will give you all this authority and their glory, for it has been entrusted to me, and I give it to whomever I want. At sinabi ng diyablo kay Hesus, “Ibibigay ko sa iyo ang karapatang mamuno sa lahat ng ito at ang kadakilaang kalakip nito, dahil ipinagkaloob sa akin ang mga iyan at maibibigay ko sa kahit kanino ko gusto.
7 If you, then, will worship me, it will all be yours." Kaya kung sasambahin mo ako, mapapasaiyo ang lahat ng iyan.”
8 And Jesus answered him, "It is written, 'You will worship your Father, and serve only him.'" Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’ ”
9 Then he led him to Jerusalem, stood him on the temple's highest point, and said, "If you're the Son of God, throw yourself down from here, Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, sa pinakamataas na bahagi ng Templo, at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka.
10 for it is written, 'He will command his angels concerning you, to guard you,' Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: ‘Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na ingatan ka.
11 and 'On their hands they will bear you up, so that you won't strike your foot against a stone.'" Aalalayan ka nila upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.’ ”
12 And Jesus answered him, "It is said, 'You shall not put your Father to the test.'" Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’ ”
13 And when the devil had ended every temptation, he departed from him until an opportune time. Matapos siyang tuksuhin ng diyablo sa lahat ng paraan, iniwan siya nito at naghintay ng ibang pagkakataon.
14 Jesus returned to Galilee in the Holy Spirit's power, and news of him spread through the whole region. Bumalik si Hesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu. Kumalat sa lahat ng lugar doon ang balita tungkol sa kanya.
15 And he taught in their synagogues, and everyone glorified him. Nagturo siya sa mga sinagoga, at pinuri siya ng lahat.
16 He came to Nazareth, where he was raised, and as usual entered the synagogue on the Sabbath, then stood to read. Umuwi si Hesus sa Nazaret, sa bayang kinalakihan niya. At katulad ng nakaugalian niya, pumunta siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng Kasulatan.
17 He was handed the scroll of the prophet Isaiah, unrolled it, and found where it was written: Ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito at binasa ang bahaging nagsasabing:
18 "The Spirit of our Father is upon me, because he has anointed me to proclaim good news to the poor. He has sent me to proclaim freedom for the captives and recovery of sight to the blind, to set free those who are oppressed, “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, dahil hinirang niya ako para ipangaral ang Magandang Balita sa mga dukha. Sinugo niya ako para ipahayag sa mga bihag na lalaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,
19 to proclaim the year of our Father's favor." at ipahayag na dumating na ang panahon ng pagpapala ng Panginoon.”
20 He rolled up the scroll, gave it back to the attendant, and sat down. Every eye in the synagogue was fixed on him. Pagkatapos, ibinilot ni Hesus ang Kasulatan at isinauli sa katiwala, at saka naupo. Nakatutok sa kanya ang mga mata ng lahat ng naroon.
21 And he began to say to them, "Today this Scripture has been fulfilled in your hearing." Sinimulan niyang mangaral sa kanila, “Sa araw na itoʼy natupad na ang Kasulatang inyong narinig.”
22 All spoke well of him, amazed at the gracious words from his mouth, and said, "Isn't this Joseph's son?" Pinuri siya ng lahat at humanga sa mga kamangha-manghang salita na kanyang sinabi. Napatanong sila, “Hindi baʼt anak siya ni Jose?”
23 He said to them, "Surely you'll quote this proverb to me: 'Doctor, heal yourself.' Do here in your hometown, too, what we heard happened in Capernaum." Sinabi ni Hesus sa kanila, “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kawikaang ito: ‘Manggagamot, gamutin mo muna ang iyong sarili.’ Ang gusto ninyong sabihin ay, ‘Gawin mo rin dito sa sarili mong bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.’ ”
24 And he said, "Truly, I say to you, no prophet is acceptable in his hometown. Dagdag pa niya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang propetang tinatanggap sa sarili niyang bayan.
25 But truly I tell you, many widows lived in Israel in Elijah's days, when the sky was shut three years and six months and a great famine struck the whole land, Alalahanin ninyo ang nangyari noong panahon ni Propeta Elias. Hindi umulan sa loob ng tatloʼt kalahating taon, at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Maraming biyuda sa Israel noon,
26 and Elijah was sent to none of them but only to a widow in Zarephath of Sidon. pero hindi pinapunta ng Diyos si Elias sa kaninuman sa kanila. Sa halip, pinapunta siya sa isang biyudang hentil sa Sarepta na sakop ng Sidon.
27 Many had leprosy in Israel in the days of the prophet Elisha, yet none was made clean except Naaman the Syrian." Ganyan din ang nangyari noong panahon ni Propeta Eliseo. Maraming tao sa Israel ang may malubhang sakit sa balat, ngunit wala ni isa man sa kanila ang gumaling. Sa halip, si Naaman pa na taga-Siria ang tanging pinagaling ni Eliseo.”
28 When they heard these things, everyone in the synagogue was furious. Nang marinig nila ito, galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga.
29 They got up, drove him out of town, and took him to the edge of the hill their town was built on, to throw him off the cliff. Nagtayuan sila at ipinagtabuyan siya palabas ng bayan, at dinala malapit sa gilid ng burol, na kinatatayuan ng kanilang bayan, para ihulog siya sa bangin.
30 But he walked through the crowd and went away. Ngunit lumakad lang siya sa kalagitnaan nila at umalis.
31 He went down to Capernaum, a town in Galilee, and taught them on the Sabbath, Mula sa Nazaret, pumunta si Hesus sa bayan ng Capernaum na sakop ng Galilea. Tuwing Araw ng Pamamahinga, nagtuturo siya sa sinagoga.
32 and they were astonished at his teaching, for his word possessed authority. Namangha ang mga tao sa mga aral niya dahil may awtoridad ang mga salita niya.
33 In the synagogue was a man with the spirit of an unclean demon; he cried out in a loud voice, May isang lalaki noon sa sinagoga na sinasaniban ng demonyo. Sumigaw ito nang malakas,
34 Ha! What do you want with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us? I know who you are—God's Holy One. “Ano ang pakay mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba para puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na sugo ng Diyos!”
35 Jesus rebuked him: "Be silent and come out of him!" The demon threw him down before them all, came out, and did him no harm. Ngunit sinaway siya ni Hesus, “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” At sa harapan ng lahat, itinumba ng demonyo ang lalaki at saka umalis nang hindi niya ito sinasaktan.
36 All were amazed and asked each other, "What word is this? With authority and power he orders unclean spirits, and they leave!" Namangha ang mga tao at sinabi nila sa isaʼt isa, “Pambihira ang mga salita niya – may kapangyarihan at kakayahang magpalayas ng masasamáng espiritu, at sumusunod sila!”
37 And reports about him went out into every place in the surrounding region. Kaya kumalat ang balita tungkol kay Hesus sa bawat dako ng lupaing iyon.
38 And he arose and left the synagogue and entered Simon's house. Now Simon's mother-in-law was ill with a high fever, and they asked him to help her. Umalis si Hesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyenang babae ni Simon, kaya nakiusap sila kay Hesus na pagalingin siya.
39 He stood over her and rebuked the fever; it left her, and she rose at once and began serving them. Tumayo si Hesus sa tabi ng maysakit at inutusan ang lagnat na umalis, at nawala ito. Kaagad na bumangon ang babae at pinagsilbihan sina Hesus.
40 As the sun set, all who had someone sick with various diseases brought them to him; laying his hands on each one, he healed them. Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Hesus ang kanilang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Ipinatong ni Hesus ang mga kamay niya sa bawat isa sa kanila at gumaling silang lahat.
41 Demons also came out of many, shouting, "You are the Son of God!" He silenced them, forbidding them to speak, since they knew he was the Christ. Lumabas din ang mga demonyo sa mga taong sinapian habang sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit sinaway sila ni Hesus at pinagbawalang magsalita, dahil alam nilang siya ang Mesias.
42 At daybreak he went out to a remote place. Crowds looked for him, came to him, and tried to keep him from leaving them. Kinaumagahan, maagang umalis ng bayan si Hesus at pumunta sa isang lugar na walang katao-tao. Hinanap siya ng mga tao, at nang makita siya ay pinakiusapang huwag munang umalis sa bayan nila.
43 But he told them, "I must announce the good news of our Father's kingdom to the other towns too—this is why I was sent." Ngunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Kailangan ko ring ipangaral sa iba pang mga bayan ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, dahil ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.”
44 And he was preaching in the synagogues of Judea. Kaya nagpatuloy siyang mangaral sa mga sinagoga sa Judea.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]