1Soon after, he traveled through towns and villages, preaching and announcing the good news of our Father's kingdom. The twelve were with him,OASDPagkatapos, nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon. Ipinangaral at ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. Kasama niya ang labindalawang alagad
2and some women healed of evil spirits and illnesses: Mary, called Magdalene, from whom seven demons had left,OASDat ilang babaeng pinagaling niya sa sakit at sa masasamáng espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala na pinalaya niya mula sa pitong demonyo,
3and Joanna, wife of Chuza, manager for Herod, and Susanna, and many others, who supported them from their own resources.OASDsi Juana na asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Hesus mula sa mga ari-arian nila.
4As a large crowd gathered, with people from every town coming to him, he spoke in a parable:OASDIsang araw, nagdatingan ang maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan at lumapit sila kay Hesus. Ikinuwento niya sa kanila ang talinghaga na ito:
5"A sower went out to sow. As he sowed, some seed fell on the path, got trampled, and birds of the sky ate it.OASD“May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan, natapakan ito ng mga dumadaan at pinagtutuka ng mga ibon.
6Other seed fell on rock; sprouting, it withered from lack of moisture.OASDMay mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar. Tumubo ang mga ito, pero madaling nalanta dahil sa kawalan ng tubig.
7Some fell among the thorns, and the thorns grew up with it and choked it.OASDMay mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Nang lumago silang pareho, sinikil ng mga damo ang mga binhi.
8Other seed fell on good soil, grew, and yielded a hundredfold." Saying this, he called out, "Whoever has ears to hear, let him hear."OASDAng iba namaʼy nahulog sa matabang lupa. Tumubo ang mga ito at namunga nang tig-iisang daan.” Pagkatapos, sinabi ni Hesus, “Makinig ang sinumang may pandinig!”
9His disciples asked him what this parable meant.OASDTinanong si Hesus ng mga alagad niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon.
10He said, "You've been given to know the secrets of our Father's kingdom; the rest get parables, so that 'seeing they may not see, and hearing they may not understand.'"OASDSumagot si Hesus, “Sa inyo ipinagkaloob na maunawaan ang mga hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, habang sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakakita, at makinig man silaʼy hindi makakaunawa.’
11"Now the parable is this: The seed is the word of our Father.OASD“Ito ang kahulugan ng talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Diyos.
12Those along the path are the ones who hear; then the devil comes and takes the word from their hearts, so they won't believe and be saved.OASDAng tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos, ngunit dumating ang diyablo at kinuha iyon sa mga puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas.
13Those on the rock hear the word and receive it with joy, but have no root; they believe for a while, then fall away in time of testing.OASDAng batuhan kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at tinanggap ito nang may kagalakan. Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang mga puso, kayaʼt hindi nagtagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng mga pagsubok, tinatalikuran nila ang kanilang pananampalataya.
14What fell among thorns: these are those who hear, but as they go, life's worries, wealth, and pleasures choke them, and their fruit never matures.OASDAng lupang may matitinik na damo kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos, ngunit sa katagalan ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito. Dahil dito, hindi lumalago ang kanilang pananampalataya.
15But the one in good soil: these hear the word with an honest, good heart, hold it firmly, and bear fruit through perseverance."OASDNgunit ang matabang lupang hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig sa salita ng Diyos, at nag-iingat nito sa kanilang malinis at tapat na puso, at namumunga sila dahil sa kanilang pagtitiyaga.
16"No one lights a lamp, covers it with a jar, or puts it under a bed; instead, he sets it on a stand, so those entering can see the light.OASD“Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng palayok o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay.
17For nothing is hidden that won't be revealed, nothing secret that won't be known and brought to light.OASDGanoon din naman, walang natatagong hindi mahahayag at walang lihim na hindi malalaman at mabubunyag.
18So watch how you listen, for whoever has, more will be given to him; whoever has not, even what he thinks he has will be taken away."OASDKaya makinig kayong mabuti sa sinasabi ko, sapagkat ang taong nakikinig nang mabuti ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi nakikinig, kahit ang akala niyang naunawaan niya ay kukunin pa sa kanya.”
19His mother and brothers came to him but couldn't reach him because of the crowd.OASDNgayon, pinuntahan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao.
20And he was told, "Your mother and your brothers are standing outside, wanting to see you."OASDKaya may nagsabi kay Hesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makita.”
21But he answered them, "My mother and my brothers are those who hear the word of our Father and do it."OASDSumagot si Hesus, “Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos ang aking ina at mga kapatid.”
22One day he and his disciples got into a boat. He said to them, "Let us cross over to the other side of the lake." So they set out.OASDIsang araw, sumakay ng bangka si Hesus kasama ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.” At ganoon nga ang ginawa nila.
23As they sailed, he fell asleep. A windstorm swept down on the lake; the boat filled with water, and they were endangered.OASDHabang naglalayag sila, nakatulog si Hesus. Maya-mayaʼy dumating ang mabagsik na unos at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib.
24They woke him, saying, "Master, Master, we're dying!" He got up, rebuked the wind and the raging water; they stopped, and it grew calm.OASDNilapitan siya ng mga alagad niya at ginising, “Guro! Guro! Mamamatay na tayo!” Bumangon si Hesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon.
25He asked them, "Where is your faith?" Afraid and amazed, they said to each other, "Who then is this? He commands even the winds and water, and they obey him."OASDPagkatapos, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, “Nasaan ang pananampalataya ninyo?” Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, “Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!”
26Then they sailed to the region of the Gerasenes, which is opposite Galilee.OASDNagpatuloy sila sa paglalayag hanggang sa makarating sa lupain ng mga Geraseno na katapat ng Galilea.
27As Jesus stepped onto land, a demon-possessed man from the city met him. For a long time he'd worn no clothes and stayed not in a house but among the tombs.OASDPagkababa ni Hesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking tagaroon na sinasapian ng mga demonyo. Matagal na itong walang suot na damit at ayaw niya tumira sa bahay kundi sa mga kuwebang libingan.
28Seeing Jesus, he cried out, fell before him, and said loudly, "What do you want with me, Jesus, Son of the Most High God? I beg you, don't torment me!"OASDNang makita niya si Hesus, sumigaw siya at lumuhod sa harapan ni Hesus. At sinabi niya nang malakas, “Ano ang pakialam mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!”
29Jesus had ordered the unclean spirit out of the man, for it had often seized him; though guarded and bound with chains and shackles, he would break them and be driven by the demon into the wilderness.OASDSinabi niya ito dahil inutusan ni Hesus na lumabas ang masamang espiritu sa kanya. Maraming beses na siyang sinasaniban, at kahit tinatalian siya ng kadena sa kamay at paa at binabantayan, nilalagot lang niya ito, at dinadala siya ng demonyo sa ilang.
30Jesus asked him, "What is your name?" He said, "Legion," for many demons had entered him.OASDTinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” Sagot niya, “Hukbo,” dahil maraming demonyo ang pumasok sa kanya.
31And they begged him not to command them to depart into the abyss.OASDNagmakaawa sila kay Hesus na huwag silang papuntahin sa kailalimang walang hanggan.
32A large herd of pigs was feeding on the hillside there. The demons begged him to let them enter the pigs, and he allowed it.OASDSa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang mga demonyo kay Hesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila.
33So the demons left the man and entered the pigs; the herd rushed down the cliff into the lake and drowned.OASDKaya lumabas sila sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang mga baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.
34Herdsmen saw it, fled, and reported it in the city and in the countryside.OASDNang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari.
35The crowd came out to see what had happened. Reaching Jesus, they found the man freed of demons sitting at Jesus' feet, dressed and clear-minded—and fear seized them.OASDKaya pumunta roon ang mga tao para tingnan iyon. Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng mga demonyo na nakaupo sa paanan ni Hesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. At natakot ang mga tao.
36And those who had seen it told them how the demon-possessed man had been healed.OASDIkinuwento sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang lalaking sinaniban ng mga demonyo.
37All the people of the Gerasene region asked him to leave them, because great fear gripped them. So he boarded the boat and went back.OASDNakiusap ang lahat ng Geraseno kay Hesus na umalis sa kanilang bayan dahil takot na takot sila. Kaya muling sumakay si Hesus sa bangka para bumalik sa pinanggalingan niya.
38The man the demons had left begged to go with him, but Jesus sent him away, saying,OASDNakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya, ngunit hindi pumayag si Hesus. Sinabi niya,
39"Return home; tell how much our Father has done for you." He went, proclaiming throughout the whole city how much Jesus had done for him.OASD“Umuwi ka na sa inyo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Diyos.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Hesus.
40Now when Jesus returned, the crowd welcomed him, for they were all waiting for him.OASDNang makabalik na sina Hesus sa kabila ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao dahil hinihintay siya ng lahat.
41A man named Jairus, a synagogue leader, came and fell at Jesus' feet, begging him to come to his house,OASDMay dumating naman na isang namumuno sa sinagoga, na ang pangalan ay Jairo. Lumuhod ito sa paanan ni Hesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya,
42for he had an only daughter, about twelve years old, dying. As Jesus went, crowds pressed around him.OASDdahil ang kaisa-isa niyang anak na babae, na mga labindalawang taóng gulang, ay naghihingalo na. Habang papunta si Hesus sa bahay ni Jairo, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao.
43A woman had bled for twelve years; she had spent her whole livelihood on doctors, but none could heal her.OASDMay isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino.
44Coming up behind him, she touched the tassel of his cloak, and her bleeding stopped instantly.OASDNang makalapit siya sa likuran ni Hesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Hesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo.
45Jesus said, "Who touched me?" When all denied it, Peter said, "Master, the crowds crowd and press against you."OASDNagtanong si Hesus, “Sino ang humawak sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.”
46But Jesus said, "Someone touched me, for I felt that power had gone out from me."OASDNgunit sinabi ni Hesus, “May humawak sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.”
47Seeing she couldn't stay hidden, the woman came trembling, fell before him, and declared in front of everyone why she'd touched him and how she was instantly healed.OASDNang mapagtanto ng babae na hindi niya maililihim ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Hesus, at kung paanong gumaling siya kaagad.
48And he said to her, "Daughter, your faith has healed you; go in peace."OASDSinabi sa kanya ni Hesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”
49While he was still speaking, someone from the synagogue leader's house said, "Your daughter has died; don't bother the Teacher anymore."OASDHabang kausap pa ni Hesus ang babae, dumating ang isang lalaki galing sa bahay ni Jairo na namumuno sa sinagoga. Sinabi niya kay Jairo, “Patay na po ang anak ninyo. Huwag nʼyo nang abalahin ang guro.”
50But Jesus heard and answered him, "Don't be afraid; just believe, and she'll be saved."OASDNang marinig iyon ni Hesus, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.”
51Arriving at the house, he let no one enter with him except Peter, John, James, and the child's father and mother.OASDPagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at sa mga magulang ng bata.
52All were weeping and mourning her, but he said, "Don't weep, for she's not dead, only asleep."OASDNag-iiyakan at humagulgol ang mga taong naroroon, kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.”
53And they laughed at him, knowing that she was dead.OASDNgunit pinagtawanan nila si Hesus dahil alam nilang patay na ang bata.
54But he took her by the hand and called out, "Child, get up."OASDHinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Ineng, bumangon ka.”
55Her spirit returned, and she got up instantly. He told them to give her something to eat.OASDAt noon din ay bumalik ang kanyang espiritu at bumangon siya agad. At iniutos ni Hesus na pakainin ang bata.
56Her parents were amazed, but he ordered them to tell no one what had happened.OASDLabis na namangha ang mga magulang ng bata. Ngunit pinagbilinan sila ni Hesus na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.