1Jesus called the twelve together, gave them power and authority over all the demons and to heal diseases.OASDIsang araw, tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit.
2And he sent them out to proclaim the kingdom of our Father and to heal the sick.OASDPagkatapos, sinugo niya sila para mangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at magpagaling ng mga may sakit.
3He said to them, "Take nothing for the road: no staff, bag, bread, or money, and don't take two tunics each.OASDSinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit tungkod, balutan, pagkain, pera o bihisan.
4Whatever house you enter, stay there, and leave from there.OASDKapag tinanggap kayo sa isang bahay, doon kayo makituloy hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon.
5Wherever they won't welcome you, shake the dust off your feet as you leave that town, as a testimony against them."OASDAt kung ayaw kayong tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa mga paa nʼyo bilang babala sa kanila.”
6So they set out and went from village to village, proclaiming the good news and healing everywhere.OASDPagkatapos noon, umalis ang mga alagad at pumunta sa mga nayon. Nangaral sila ng Magandang Balita at nagpagaling ng mga may sakit sa ibaʼt ibang lugar.
7Herod the tetrarch heard all that was happening, and was puzzled, because some said John had been raised from the dead,OASDNabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang mga ginagawa ni Hesus. Naguluhan siya dahil may mga nagsasabing muling nabuhay si Juan na Tagapagbautismo.
8others that Elijah had appeared, and still others that one of the prophets of old had risen.OASDMay nagsasabi namang siya si Elias na nagpakita. At may nagsasabi pang isa siya sa mga propeta noong unang panahon na muling nabuhay.
9Herod said, "I beheaded John—so who is this I hear such things about?" He kept seeking to see him.OASDSinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko ng ulo si Juan. Ngunit sino kaya itong nababalitaan ko? Marami akong narinig na kahanga-hangang bagay tungkol sa kanya.” Kaya sinikap ni Herodes na makita si Hesus.
10When the apostles returned, they told Jesus all they had done. He took them and withdrew privately to a town called Bethsaida.OASDPagbalik ng mga apostol, ikinuwento nila kay Hesus ang lahat ng ginawa nila. Pagkatapos, isinama sila ni Hesus sa bayan ng Betsaida; wala na siyang isinamang iba
11But the crowds found out and followed him. He welcomed them, spoke to them of our Father's kingdom, and healed those who needed it.OASDpero nalaman pa rin ng mga tao kung saan sila pumunta at sinundan sila. Pagdating nila doon, tinanggap naman sila ni Hesus at nangaral siya sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling din niya ang mga may sakit.
12As the day was ending, the Twelve came and said to him, "Send the crowd away to find lodging and food in the villages and countryside around us—we're in a remote place here."OASDNang magdapit-hapon na, lumapit sa kanya ang labindalawang alagad at sinabi, “Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa kanayunan at kabukiran na malapit para humanap ng matutuluyan at makakain, dahil nasa ilang na lugar po tayo.”
13He said, "You give them something to eat." They said, "We have only five loaves and two fish—unless we go and buy food for this whole crowd."OASDNgunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Limang tinapay at dalawang isda lang po ang mayroon tayo. Hindi ito kakasya, maliban na lang kung bibili kami ng pagkain para sa kanila.”
14For there were about 5,000 men. He told his disciples, "Seat them in groups of about fifty each."OASD(May limang libong lalaki ang naroon.) Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Paupuin ninyo sila nang grupo-grupo na tig-limampu bawat grupo.”
15They did so, and had everyone sit down.OASDAt pinaupo nga nila ang lahat.
16He took the five loaves and two fish, looked up to heaven, blessed and broke them, then kept giving them to the disciples to serve the crowd.OASDKinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao.
17All ate and were satisfied; the leftover pieces filled twelve baskets.OASDKumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang basket.
18Once, while praying alone with his disciples nearby, Jesus asked them, "Who do the crowds say I am?"OASDIsang araw, nanalanging mag-isa si Hesus nang di-kalayuan sa mga alagad niya. Tinanong niya sila, “Sino raw ako ayon sa mga tao?”
19They answered, "John the Baptist. Others say Elijah. Still others, that an ancient prophet has risen."OASDSumagot sila, “May mga nagsasabing kayo raw po si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta noong unang panahon, na muling nabuhay.”
20"But who do you say that I am?" he asked. Peter answered, "The Christ of our Father."OASDTinanong sila ni Hesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Mesias na isinugo ng Diyos!”
21Jesus strictly warned them, ordering them to tell no one this,OASDMahigpit na sinabihan ni Hesus ang mga alagad niya na huwag ipaalam kahit kanino na siya ang Kristo.
22saying, "The Son of Man must suffer many things and be rejected by the elders, chief priests, and scribes, and be killed, and on the third day be raised."OASDSinabi pa niya, “Ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap. Itatakwil ako ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari, at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Ipapapatay nila ako, ngunit sa ikatlong araw ay muli akong mabubuhay.”
23Then he told them all, "Whoever wants to come after me must deny himself and take up his cross daily and follow me.OASDPagkatapos, sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung sinuman sa inyo ang gustong sumunod sa akin ay hindi niya dapat inuuna ang kanyang sarili. At dapat ay handa siyang humarap kahit sa kamatayan alang-alang sa pagsunod niya sa akin araw-araw.
24For whoever intends to save his life will lose it, but whoever loses his life because of me will save it.OASDAng sinumang nagsisikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay maililigtas ito.
25For what use is it if someone gains the whole world, yet loses or forfeits himself?OASDAno ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo pero mapapahamak naman ang buhay niya? Wala!
26Whoever is ashamed of me and my words, the Son of Man will be ashamed of him when he comes in his own glory and the glory of the Father and the holy angels.OASDKung ako at ang mga aral ko ay ikakahiya ninuman, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag pumarito siya na taglay ang kanyang kapangyarihan at ang kapangyarihan ng Ama at ng mga banal na anghel.
27But I tell you truly, some standing here will not taste death before they see the kingdom of our Father."OASD“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang kaharian ng Diyos.”
28About eight days after these words, Jesus took Peter, John, and James up a mountain to pray.OASDMga walong araw matapos sabihin ni Hesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin.
29As he was praying, the appearance of his face changed, and his clothing became dazzling white.OASDHabang nananalangin si Hesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan.
30And there were two men talking with him—Moses and Elijah,OASDBiglang nagpakita ang dalawang lalaki, sina Moises at Elias, at nakipag-usap sa kanya.
31who appeared in glory, speaking of his departure, which he was about to fulfill in Jerusalem.OASDNakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem.
32Peter and his companions were weighed down with sleep; fully awake, they saw his glory and the two men standing with him.OASDTulog na tulog noon sina Pedro, pero nang magising sila, nakita nila ang nagliliwanag na anyo ni Hesus at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya.
33As they were leaving him, Peter said to Jesus, "Master, it's good we're here. Let's make three shelters—one for you, one for Moses, one for Elijah." He didn't know what he was saying.OASDNang paalis na ang dalawang lalaki, sinabi ni Pedro kay Hesus, “Guro, mabuti poʼt narito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” (Ang totoo, hindi niya alam ang sinasabi niya.)
34As he spoke, a cloud came and covered them in shadow; entering it, they were afraid.OASDAt habang nagsasalita pa si Pedro, tinakpan sila ng ulap at natakot sila.
35A voice from the cloud said, "This is my Son, my Chosen One—listen to him!"OASDMay narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang aking Anak, na aking pinili. Pakinggan ninyo siya!”
36When the voice ended, Jesus was found alone. They stayed silent, telling no one in those days what they had seen.OASDNang tumigil ang tinig, nakita nilang mag-isa na lang si Hesus. Hindi muna nila sinabi kahit kanino ang mga nasaksihan nila noong mga panahong iyon.
37The next day, when they came down from the mountain, a large crowd met him.OASDKinabukasan, pagbaba nila galing sa bundok ay sinalubong si Hesus ng napakaraming tao.
38A man from the crowd shouted, "Teacher, please look at my son, because he's my only child.OASDMay isang lalaki roon na sumisigaw, “Guro, pakitingnan po ninyo ang kaisa-isa kong anak na lalaki!
39A spirit seizes him, and suddenly he cries out; it convulses him until he foams, scarcely leaving him, battering him.OASDSinasaniban po siya ng masamang espiritu at bigla na lang siyang nagsisisigaw, nangingisay at bumubula ang bibig. Sinasaktan siya palagi ng masamang espiritu at halos ayaw siyang iwan.
40I begged your disciples to drive it out, but they could not."OASDNakiusap ako sa mga alagad ninyo na palayasin nila ang masamang espiritu, pero hindi po nila kaya.”
41Jesus answered, "Distrustful, twisted generation, how long must I stay with you and endure you? Bring your son here."OASDSumagot si Hesus, “Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya at baluktot ang pag-iisip! Hanggang kailan ba ako magtitiis sa inyo? Dalhin mo rito ang anak mo.”
42As the boy was coming, the demon threw him down and convulsed him. But Jesus rebuked the unclean spirit, healed the boy, and returned him to his father.OASDNang papalapit na ang bata, itinumba siya at pinangisay ng demonyo. Ngunit pinalayas ni Hesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata, at ibinalik sa ama nito.
43All were astonished at our Father's majesty. While everyone was amazed at everything Jesus did, he said to his disciples,OASDNamangha ang lahat sa kapangyarihan ng Diyos. Habang mangha pa ang lahat sa mga ginawa ni Hesus, sinabi niya sa mga alagad niya,
44"Store these words in your ears: the Son of Man will soon be delivered into human hands."OASD“Pakinggan ninyo at tandaan ang sasabihin kong ito: Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng kanyang mga kaaway.”
45But they didn't understand this word—hidden from them so they couldn't grasp it—and they were afraid to ask him about it.OASDNgunit hindi nila naunawaan ang sinasabi niya, dahil inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Nag-aalangan naman silang magtanong sa kanya tungkol sa bagay na ito.
46Now an argument arose among them as to which of them was the greatest.OASDMinsan, nagtalo-talo ang mga alagad ni Hesus kung sino sa kanila ang pinakadakila.
47But Jesus, knowing their hearts' thoughts, took a child and stood him beside himself,OASDAlam ni Hesus ang nasa isip nila, kaya kumuha siya ng isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya.
48and told them, "Whoever receives this child in my name receives me, and whoever receives me receives the one who sent me. For the least among you all—that one is great."OASDPagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin. Sapagkat ang pinakamababa sa inyong lahat ang siyang pinakadakila.”
49John said, "Master, we saw someone driving out demons in your name and tried to stop him, because he doesn't follow with us."OASDSinabi ni Juan kay Hesus, “Guro, nakakita po kami ng taong nagpapalayas ng mga demonyo sa inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan.”
50"Do not stop him," Jesus said to him, "for whoever is not against you is for you."OASDNgunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil ang hindi laban sa atin ay kakampi natin.”
51When the days neared for him to be taken up to heaven, Jesus resolutely set his face to go to Jerusalem.OASDNang malapit na ang araw para bumalik si Hesus sa langit, nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem.
52He sent messengers ahead of him. They went and entered a Samaritan village to prepare for him,OASDKaya pinauna niya ang ilang tao sa isang nayon ng mga Samaritano upang humanap ng matutuluyan.
53but the people there did not welcome him, because he was heading for Jerusalem.OASDNgunit ayaw siyang tanggapin ng mga tagaroon dahil alam nilang papunta siya sa Jerusalem.
54Seeing this, the disciples James and John said, "Lord, do you want us to call down fire from heaven to consume them?"OASDNang malaman iyon ng mga alagad ni Hesus na sina Santiago at Juan, sinabi nila kay Hesus, “Panginoon, gusto nʼyo po bang humingi kami ng apoy mula sa langit para sunugin sila?”
55But he turned and rebuked them.OASDNgunit lumingon si Hesus at pinagsabihan sila.
56And they went on to another village.OASDAt tumuloy na lang sila sa ibang nayon.
57As they walked the road, someone said to him, "I'll follow you wherever you go."OASDHabang naglalakad sila, may isang lalaking nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.”
58Jesus said, "Foxes have dens, birds of the sky have nests, but the Son of Man has nowhere to lay his head."OASDNgunit sinagot siya ni Hesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpapahingahan.”
59To another he said, "Follow me." He replied, "Lord, first let me go bury my father."OASDSinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot siya, “Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako upang maipalibing ko ang aking ama.”
60But Jesus told him, "Let the dead bury their own dead, but you go proclaim the kingdom of our Father."OASDNgunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipangaral ang tungkol sa kaharian ng Diyos.”
61Another also said, "I'll follow you, Lord, but first let me say goodbye to those at my house."OASDMay isa ring nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, pero hayaan nʼyo muna po akong magpaalam sa pamilya ko.”
62Jesus replied, "No one who puts a hand to the plow and looks back is fit for our Father's kingdom."OASDSinabi ni Hesus sa kanya, “Ang nagsimulang mag-araro ngunit lingon naman nang lingon ay hindi kapaki-pakinabang sa kaharian ng Diyos.”