Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 12 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Six days before Passover, Jesus came to Bethany, where Lazarus, whom Jesus raised from death, lived. Anim na araw bago dumating ang Pista ng Paglampas ng Anghel, pumunta si Hesus sa Betania kung saan nakatira si Lazaro na muli niyang binuhay.
2 There they gave him a dinner; Martha served, and Lazarus was one of those at the table with him. Naghanda sila roon ng hapunan para kay Hesus. Si Lazaro ang isa sa mga kasalo ni Hesus sa pagkain. Si Marta ang nagsilbi sa kanila.
3 Mary took about a pint of pure nard perfume, expensive, and anointed Jesus' feet, then wiped his feet with her hair. The house filled with the fragrance of the perfume. Kumuha si Maria ng kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa halamang nardo. Ibinuhos niya ito sa paa ni Hesus at pinunasan ng kanyang buhok. At humalimuyak ang pabango sa buong bahay.
4 But Judas Iscariot, one of his disciples, the one who was about to betray him, said, Ang isa sa mga alagad ni Hesus na naroon ay si Judas Iscariote na magkakanulo sa kanya. Sinabi ni Judas,
5 "Why was this perfume not sold for about a year's wages and given to the poor?" “Isang taóng sahod ang halaga ng pabangong iyan. Bakit hindi na lang iyan ipinagbili, at ibinigay sa mahihirap ang pera?”
6 He said this not because he cared about the poor, but because he was a thief who kept the money box, taking what was put in it. Sinabi niya ito, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga mahihirap kundi dahil isa siyang magnanakaw. Bilang tagapag-ingat ng pera nila, madalas niya itong kinukupitan.
7 So Jesus said, "Leave her alone. She has kept this for the day of my burial. Ngunit sinabi ni Hesus, “Pabayaan ninyo siya. Inilaan ang pabangong ito para gamitin niya bilang paghahanda sa aking libing.
8 You will always have the poor among you, but you will not always have me." Palagi nʼyong nakakasama ang mga mahihirap, pero akoʼy hindi nʼyo laging makakasama.”
9 A large crowd of Jews learned Jesus was there and came, not only for him but to see Lazarus, whom he had raised from the dead. Maraming Hudyo ang nakabalita na nasa Betania si Hesus. Kaya nagpuntahan sila roon, hindi lang dahil kay Hesus kundi upang makita rin si Lazaro na muli niyang binuhay.
10 So the chief priests planned to kill Lazarus as well, Kaya binalak din ng mga namamahalang pari na ipapatay si Lazaro,
11 because on account of him many of the Jews were going over and believing in Jesus. dahil siya ang dahilan kaya maraming Hudyo ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Hesus.
12 The next day, the large crowd that came for the feast heard Jesus was coming to Jerusalem. Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na papunta si Hesus doon sa Jerusalem.
13 They took palm branches and went out to meet him, shouting, "Hosanna! Blessed is he who comes in the name of our Father—the King of Israel!" Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong siya. Sumisigaw sila, “Papuri sa Diyos!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.” “Pagpalain ang hari ng Israel!”
14 Jesus found a young donkey and rode on it, just as it is written: Nakakita si Hesus ng isang bisirong asno at sinakyan niya ito, gaya ng nakasaad sa Kasulatan,
15 "Do not be afraid, daughter of Zion; look, your king is coming, seated on a donkey's colt." “Huwag kayong matakot, mga taga-Zion! Makinig kayo! Paparating na ang inyong hari na nakasakay sa isang bisirong asno!”
16 His disciples didn't understand these things at first; but when Jesus was glorified, they remembered these things were written about him, and that they had done these things to him. Hindi pa naiintindihan noon ng mga alagad ni Hesus na iyon ay katuparan ng propesiya. Naintindihan lamang nila na ang mga nangyari ay katuparan ng nakasaad sa Kasulatan noong bumalik na si Hesus sa langit.
17 The crowd that was with him when he called Lazarus from the tomb and raised him from the dead kept testifying. Marami ang nakasaksi nang muling buhayin ni Hesus si Lazaro, at ipinamalita nila ang pangyayaring ito.
18 The crowd went to meet him because they heard he had done this sign. Kaya marami ang sumalubong kay Hesus, dahil nabalitaan nila ang ginawa niyang himala.
19 So the Pharisees said to each other, "See, you're accomplishing nothing—the whole world has gone after him." Dahil dito, nag-usap-usap ang mga Pariseo at sinabi, “Tingnan ninyo, sumusunod na sa kanya ang lahat ng tao, at wala tayong magawa!”
20 Now there were some Greeks among those who went up to worship at the feast. May mga Griyego ring pumunta sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos sa kapistahan.
21 These came to Philip, from Bethsaida in Galilee, and asked him, "Sir, we want to see Jesus." Lumapit sila kay Felipe na taga-Betsaida sa probinsya ng Galilea at nakiusap sa kanya. Sinabi nila, “Gusto po sana naming makita si Hesus.”
22 Philip went and told Andrew; then Andrew and Philip went and told Jesus. Kaya pinuntahan ni Felipe si Andres, at magkasama silang pumunta kay Hesus upang ipaalam ang kahilingan ng mga ito.
23 Jesus replied to them, "The hour has come for the Son of Man to be glorified. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao.
24 Truly, truly, I tell you, unless a wheat grain falls to the ground and dies, it stays alone; but if it dies, it bears much fruit. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang mamatay ang isang butil ng trigong itinanim sa lupa, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, tutubo ito at mamumunga nang marami.
25 Whoever loves his life loses it; whoever hates his life in this world keeps it for eternal life. Gayundin naman, ang sinumang labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang hindi nanghihinayang sa buhay niya sa mundong ito ay maiingatan ito hanggang sa buhay na walang hanggan.
26 Whoever serves me must follow me, so my servant will be where I am. Whoever serves me, my Father will honor him." Ang sinumang gustong maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at kung nasaan ako ay naroon din dapat siya. Ang sinumang naglilingkod sa akin ay pararangalan ng Ama.
27 "Now my soul is troubled. What should I say—'Father, save me from this hour'? But this is why I came to this hour. Father, glorify your name." “Nababagabag ako ngayon. Sasabihin ko ba sa Ama na iligtas niya ako sa nalalapit na paghihirap? Hindi, dahil ito ang dahilan ng pagpunta ko rito.”
28 Then a voice came from heaven: "I have glorified it, and I will glorify it again." At sinabi niya, “Ama, luwalhatiin nʼyo po ang inyong pangalan!” Isang tinig mula sa langit ang sumagot, “Niluwalhati ko na ito, at muli kong luluwalhatiin ngayon.”
29 The crowd standing there heard it and said it thundered; others said an angel spoke to him. Nang marinig ng mga taong naroon ang tinig, sinabi nila, “Kumulog!” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kinausap siya ng isang anghel.”
30 Jesus said, "This voice came for your sake, not mine. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang tinig na iyon ay ipinarinig hindi para sa akin kundi para sa kapakanan ninyo.
31 Now is the judgment of this world; now the ruler of this world will be cast out. Dumating na ang paghatol sa mga tao sa mundo. Malulupig na ang naghahari sa mundong ito.
32 And I, when I am lifted up from the earth, will draw all people to myself." At kapag itinaas na ako mula sa lupa, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin.”
33 He said this to show by what kind of death he was going to die. Sinabi ni Hesus na siya ay itataas upang ipahiwatig kung paano siya mamamatay.
34 The crowd replied, "We've heard from the Law that the Christ stays forever. How can you say the Son of Man must be lifted up? Who is this Son of Man?" Sumagot ang mga tao sa kanya, “Nakasaad sa Kautusan na ang Mesias ay mabubuhay nang walang hanggan. Bakit mo sinasabing kailangang itaas ang Anak ng Tao? Sino ba itong Anak ng Tao na tinutukoy mo?”
35 So Jesus said, "The light is with you a little while longer. Walk while you have light, so darkness doesn't overtake you. Whoever walks in darkness doesn't know where he's going. Sumagot si Hesus, “Maikling panahon na lang ninyong makakasama ang ilaw. Kaya mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa, upang hindi kayo abutan ng dilim. Sapagkat hindi alam ng naglalakad sa dilim kung saan siya papunta.
36 While you have light, believe in the light, so you become children of light." Having said this, Jesus left and hid from them. Kaya sumampalataya kayo sa ilaw habang narito pa, upang maliwanagan ang isipan ninyo.” Pagkasabi ni Hesus nito, umalis siya at hindi na nagpakita sa kanila.
37 Though he had performed so many signs in their presence, they still would not believe in him, Kahit na nakita ng mga tao ang maraming himala na ginawa ni Hesus, hindi pa rin sila sumampalataya sa kanya.
38 so that the word of Isaiah the prophet would be fulfilled, which he spoke: "Father, who has believed our message? And to whom has the arm of our Father been revealed?" Ito ay upang maisakatuparan ang pahayag ni Propeta Isaias: “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe? May nakaunawa ba sa kapangyarihang ipinamalas mo?”
39 This is why they could not believe, for Isaiah said again: Hindi sila naniwala dahil katulad din ng ipinahayag ni Isaias:
40 "He has blinded their eyes and hardened their heart, so that they would not see with their eyes, nor understand with their heart, nor turn—and I would heal them." “Binulag ng Diyos ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita, at isinara niya ang kanilang mga isip upang hindi sila makaunawa, dahil baka manumbalik pa sila sa kanya, at pagalingin niya sila.”
41 Isaiah said these things because he saw Jesus' glory and spoke about him. Sinabi ito ni Isaias dahil nakita niya ang kaluwalhatian ni Hesus, at nagpahayag siya tungkol kay Hesus.
42 Still, many even of the rulers believed in him, but they didn't admit it because of the Pharisees, so they wouldn't be expelled from the synagogue, Ganoon pa man, maraming pinuno ng mga Hudyo ang sumampalataya kay Hesus. Ngunit inilihim nila ang kanilang pananampalataya dahil sa takot na itiwalag sila ng mga Pariseo sa sinagoga.
43 for they loved the glory that comes from people more than the glory that comes from our Father. Sapagkat mas ginusto pa nilang purihin sila ng tao kaysa ng Diyos.
44 Jesus cried out, "Whoever believes in me does not believe in me only, but in the one who sent me. Sumigaw si Hesus, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lamang sa akin sumasampalataya, kundi sa nagsugo sa akin.
45 And whoever sees me sees the one who sent me. At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin.
46 I came into the world as light, so no one who believes in me stays in the darkness. Ako ang ilaw na dumating sa mundo. Naparito ako upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman.
47 If anyone hears my words and doesn't keep them, I don't judge him—I didn't come to judge the world, but to save the world. “Ang sinumang nakarinig ng aking mga aral ngunit hindi sumunod ay hahatulan, ngunit hindi ako ang hahatol sa kanya. Sapagkat hindi ako naparito sa mundo upang hatulan ang mga tao kundi upang iligtas sila.
48 Whoever rejects me and doesn't accept my words already has a judge: my spoken word will judge him on the last day. May ibang hahatol sa ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga aral. Ang mga salitang ipinangaral ko ang hahatol sa kanila sa huling araw.
49 I have not spoken on my own; but the Father who sent me himself commanded me what to say and how to speak. Sapagkat hindi galing sa akin ang sinasabi ko kundi galing sa Amang nagsugo sa akin. Siya ang nag-utos kung ano ang sasabihin ko at kung ano ang ipapahayag ko.
50 I know his commandment is eternal life, so I say only what the Father told me to say." At alam ko na ang utos niya ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya kung ano ang ipinasasabi ng Ama, iyon lang ang sinasabi ko.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]