Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 11 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 A man named Lazarus was sick, from Bethany, the village of Mary and her sister Martha. Ngayon, may isang lalaking maysakit na nakatira doon sa Betania na sakop ng Judea. Siya si Lazaro na kapatid ng dalawang babaeng nagngangalang Maria at Marta.
2 Mary—whose brother Lazarus was sick—anointed the Lord with fragrant oil and dried his feet with her hair. (Si Maria ang babaeng kalaunaʼy magbubuhos ng pabango sa paa ng Panginoon at pagkatapos ay pupunasan niya ng kanyang buhok.) Nagkasakit si Lazaro,
3 So the sisters sent word to him, saying, "Lord, the one you love is sick." kaya nagpasabi ang magkapatid na Maria at Marta kay Hesus, “Panginoon, may sakit po ang minamahal ninyong kaibigan.”
4 Hearing this, Jesus said, "This sickness won't end in death, but is for the glory of our Father, so the Son of our Father may be glorified through it." Nang mabalitaan ito ni Hesus, sinabi niya, “Hindi hahantong sa kamatayan ang sakit na ito. Nagkasakit siya upang maparangalan ang Diyos, nang sa gayoʼy maparangalan din ang Anak ng Diyos.”
5 Now Jesus loved Martha and her sister and Lazarus. Mahal ni Hesus ang magkakapatid na Marta, Maria at Lazaro.
6 So when he heard Lazarus was sick, he stayed two more days where he was. Ngunit nang mabalitaan niyang may sakit si Lazaro, nanatili pa siya nang dalawang araw sa kinaroroonan niya.
7 Then after this he said to the disciples, "Let us go back to Judea." Pagkalipas ng dalawang araw, sinabi niya sa mga alagad niya, “Bumalik na tayo sa Judea.”
8 The disciples said to him, "Rabbi, the Jews just now tried to stone you, and you're going back there?" Sumagot sila, “Rabbi, kamakailan lang ay tinangka kayong batuhin ng mga Hudyo roon. Bakit pa kayo babalik doon?”
9 Jesus answered, "Aren't there twelve hours in the day? Anyone who walks by day won't stumble - he sees the light of this world. Sumagot si Hesus, “Hindi baʼt may labindalawang oras sa maghapon? Kaya ang naglalakad sa araw ay hindi natitisod, dahil maliwanag pa.
10 But if anyone walks at night, he stumbles, because the light is not in him." Ngunit ang naglalakad sa gabi ay natitisod, dahil wala na sa kanya ang liwanag.”
11 After this, he told them, "Our friend Lazarus has fallen asleep, but I'm going to wake him." Pagkatapos, sinabi pa ni Hesus, “Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog. Pupunta ako roon upang gisingin siya.”
12 So the disciples said to him, "Lord, if he has fallen asleep, he will get better." Sinabi ng mga alagad niya, “Panginoon, kung natutulog siya, nangangahulugan ito na gumagaling na siya.”
13 Now Jesus had been speaking about his death, but they thought he meant natural sleep. Ang akala nilaʼy natutulog lang si Lazaro, pero ang ibig sabihin ni Hesus ay patay na ito.
14 So then Jesus told them plainly, "Lazarus has died, Kaya tinapat sila ni Hesus, “Patay na si Lazaro.
15 I'm glad for your sake I wasn't there, so you'll believe. But let's go to him." Ngunit nagpapasalamat ako na wala ako roon, upang magkaroon kayo ng pagkakataon na lalo pang sumampalataya sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.”
16 So Thomas, called the Twin, told the other disciples, "Let's go too, and die with him." Si Tomas na tinatawag na Kambal ay nagsabi sa mga kapwa niya alagad, “Sumama tayo sa kanya sa Judea, upang mamatay tayong kasama niya.”
17 So when Jesus arrived, he found that Lazarus had already been in the tomb four days. Nang dumating si Hesus sa Betania, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro.
18 Bethany was near Jerusalem, about two miles away, Halos tatlong kilometro lang ang layo ng Betania sa Jerusalem,
19 and many of the Jews had come to Martha and Mary to console them about their brother. kaya maraming Hudyo mula sa Jerusalem ang dumalaw kina Marta at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid.
20 When Martha heard Jesus was coming, she went to meet him; Mary stayed sitting in the house. Nang mabalitaan ni Marta na darating si Hesus, umalis ito para salubungin siya. Ngunit si Maria ay naiwan sa bahay.
21 Martha said to Jesus, "Lord, if you had been here, my brother would not have died. Sinabi ni Marta kay Hesus, “Panginoon, kung nandito lang sana kayo ay hindi namatay ang kapatid ko.
22 But even now I know that whatever you ask of our Father, he will give you." Ngunit kahit ngayon, alam kong ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hilingin nʼyo sa kanya.”
23 Jesus said to her, "Your brother will rise again." Sinabi ni Hesus sa kanya, “Muling mabubuhay ang kapatid mo.”
24 Martha said to him, "I know he'll rise again in the resurrection on the last day." Sumagot si Marta, “Alam ko pong mabubuhay siyang muli sa huling araw, kapag bubuhayin na ang mga namatay.”
25 Jesus told her, "I am the resurrection and the life. Whoever believes in me will live, even though he dies, Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay.
26 and everyone who lives and believes in me will never die. Do you believe this?" Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”
27 She said to him, "Yes, Lord; I believe you are the Christ, the Son of our Father, the one coming into the world." Sumagot si Marta, “Opo, Panginoon, sumasampalataya ako na kayo ang Mesias, ang Anak ng Diyos, na darating dito sa mundo.”
28 After saying this, she went and called her sister Mary privately: "The Teacher is here—he's calling for you." Pagkasabi niya nito, bumalik si Marta sa bahay nila. Tinawag niya ang kapatid niyang si Maria at binulungan, “Narito na ang Guro, at ipinapatawag ka niya.”
29 When Mary heard this, she rose quickly and went to him. Nang marinig ito ni Maria, dali-dali siyang tumayo at pinuntahan si Hesus.
30 Jesus had not yet entered the village; he was still where Martha met him. Hindi pa nakakarating si Hesus sa nayong iyon. Naroon pa lang siya sa lugar kung saan sinalubong siya ni Marta.
31 The Jews with her in the house, comforting her, saw Mary rise quickly and leave; they followed, thinking she was going to the tomb to weep there. Nang makita ng mga nakikiramay na Hudyo na tumayo si Maria at dali-daling lumabas, sinundan nila siya sa pag-aakalang pupunta siya sa libingan upang doon tumangis.
32 Mary came to Jesus, saw him, fell at his feet, and said, "Lord, if you had been here, my brother would not have died." Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Hesus, nagpatirapa siya sa harap nito at sinabi, “Panginoon, kung narito lang sana kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko.”
33 When Jesus saw her weeping, and the Jews who came with her also weeping, he groaned in spirit and was troubled. Nabagbag ang puso ni Hesus at naawa siya nang makita niyang umiiyak si Maria, pati na ang mga kasama nitong mga Hudyo.
34 And he said, "Where have you laid him?" They said to him, "Lord, come and see." Tinanong niya sila, “Saan ninyo siya inilibing?” Sumagot sila, “Panginoon, halikayoʼt tingnan ninyo.”
35 Jesus wept. At si Hesus ay umiyak.
36 So the Jews said, "See how he loved him!" Kaya sinabi ng mga tao, “Tingnan ninyo kung gaano niya kamahal si Lazaro.”
37 But some of them said, "Could this man who opened the blind man's eyes not have kept him from dying?" Ngunit sinabi naman ng iba, “Hindi baʼt pinagaling niya ang lalaking bulag? Bakit hindi niya nailigtas sa kamatayan si Lazaro?”
38 So Jesus, again deeply moved in himself, came to the tomb—a cave with a stone against it. Muling nabagbag ang puso ni Hesus. Kaya pumunta siya sa pinaglibingan kay Lazaro. Isa itong kuweba na tinakpan ng isang malaking bato.
39 Jesus said, "Take away the stone." Martha, the dead man's sister, said to him, "Lord, he must smell by now—he's been dead four days." Pagdating nila roon, sinabi ni Hesus, “Alisin ninyo ang bato.” Sumagot si Marta na kapatid ng namatay, “Panginoon, tiyak na nangangamoy na po ngayon ang bangkay. Apat na araw na po siyang nakalibing.”
40 Jesus said to her, "Didn't I tell you: if you believe you'll see our Father's glory?" Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi baʼt sinabi ko saʼyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
41 So they removed the stone. Jesus looked up and said, "Father, I thank you that you heard me. Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Hesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, dahil dinidinig mo ako.
42 I knew you always hear me, but I said this for the crowd standing here, so they may believe you sent me." Alam kong palagi mo akong dinidinig, at sinasabi ko ito para sa kapakanan ng mga nasa paligid ko upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.”
43 When he had said this, he cried out with a loud voice, "Lazarus, come out!" Pagkasabi niya nito, sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!”
44 The dead man came out, feet and hands bound with strips of linen, and his face wrapped in cloth. Jesus said to them, "Untie him; let him go." At lumabas nga ang namatay na si Lazaro na nababalot pa ng telang lino ang mga kamay at paa, at may takip na tela ang mukha. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kalagan nʼyo siya para malayang makalakad.”
45 So many of the Jews who came to Mary and saw what Jesus did believed in him. Marami sa mga taong dumalaw kina Maria ang sumampalataya nang makita nila ang ginawa ni Hesus.
46 But some of them went to the Pharisees and told them what Jesus had done. Ngunit ang iba sa kanila ay pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa niya.
47 So the chief priests and Pharisees convened the council and said, "What are we doing? For this man performs many signs. Kaya nagpatawag ng pulong ng Sanhedrin ang mga namamahalang pari at mga Pariseo. At nang nagkatipon na sila, sinabi nila, “Ano ang gagawin natin? Maraming himala ang ginagawa ng taong ito.
48 If we leave him alone, everyone will believe in him, and the Romans will come and take away both our place and our nation." Kapag hinayaan natin siya, maniniwala ang lahat ng tao sa kanya. Kapag nangyari iyan, lulusubin tayo ng mga hukbong Romano at wawasakin nila ang Templo at ang ating bansa.”
49 But one of them, Caiaphas, high priest that year, told them, "You know nothing at all. Ngunit isa sa kanila, si Caifas na punong pari sa taóng iyon, ang nagsabi, “Talagang wala kayong alam.
50 Don't you see it's better for you that one man die for the people than the whole nation perish?" Hindi nʼyo ba naisip na mas mabuti sa inyo na isang tao lamang ang mamatay para sa sambayanan kaysa sa mapahamak ang buong bansa?”
51 He didn't say this on his own; as high priest that year, he prophesied Jesus would die for the nation, Ang sinabi niyang ito ay hindi nanggaling sa sarili niya. Bilang punong pari ng taóng iyon, nagpahayag ang Diyos sa pamamagitan niya na mamamatay si Hesus para sa buong bansa.
52 not only for the nation, but also to gather into one the scattered children of our Father. At hindi lang para sa kanila, kundi upang tipunin at pagkaisahin sa isang bayan ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa buong mundo.
53 So from that day on they plotted to put him to death. Mula noon, binalak na nilang ipapatay si Hesus.
54 So Jesus no longer moved about openly among the Jews, but withdrew to a town called Ephraim near the wilderness, and stayed there with his disciples. Kaya hindi na lantarang nagpakita si Hesus sa mga tao. Sa halip ay pumunta siya sa lugar na malapit sa ilang, sa isang bayan na kung tawagin ay Efraim. At nanatili siya roon kasama ang mga alagad niya.
55 The Jews' Passover was near, and many went up from the country to Jerusalem before it to purify themselves. Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel, maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan ng Israel ang pumunta sa Jerusalem bago sumapit ang kapistahan upang isagawa ang ritwal na paglilinis bago magpista.
56 So they looked for Jesus, asking each other as they stood in the temple, "What do you think? Surely he won't come to the feast?" Hinanap nila nang hinanap si Hesus, at nagtatanungan sila roon sa Templo, “Ano sa palagay ninyo? Paparito kaya siya sa Pista?”
57 The chief priests and Pharisees had ordered that anyone who knew his whereabouts must report it, so they could arrest him. Samantala, ipinag-utos ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo na ipagbigay-alam ng sinumang nakakaalam kung nasaan si Hesus upang madakip nila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]