Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 10 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "Truly, truly, I tell you: whoever doesn't enter the sheepfold through the gate, but climbs in another way, is a thief and a robber. Sinabi pa ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi dumadaan sa pintuan, kundi umaakyat sa pader ay magnanakaw at tulisan.
2 But the one who enters by the gate is the shepherd of the sheep. Ngunit ang dumadaan sa pintuan ay ang pastol ng mga tupa.
3 The gatekeeper opens for him, and the sheep hear his voice. He calls his own sheep by name and leads them out. Pinapapasok siya ng tagapagbantay sa pintuan, at kilala ng mga tupa ang boses niya. Tinatawag niya ang mga tupa sa kani-kanilang pangalan at inilalabas sa kulungan.
4 After bringing all his own out, he goes ahead of them, and the sheep follow him because they know his voice. Kapag nailabas na niya ang mga tupa, nauuna siya sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya.
5 They will never follow a stranger—they'll run from him, since they don't know the voice of strangers." Ngunit hindi sila susunod sa hindi nila kilala; sa halip, lalayuan nila ito, dahil hindi nila kilala ang boses nito.”
6 Jesus told them this figure of speech, but they didn't grasp what he meant. Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo ang paghahalintulad na ito, ngunit hindi nila naintindihan ang ibig niyang sabihin.
7 So Jesus said again, "Truly, truly, I tell you, I am the gate for the sheep. Kaya muling nagsalita si Hesus at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ako ang pintuan ng mga tupa.
8 "All who came before me are thieves and robbers, but the sheep did not listen to them. Ang lahat ng nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa.
9 I am the gate; whoever enters through me will be saved, going in and out, finding pasture. Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Magiging katulad siya ng tupa na malayang nakakapasok at nakakalabas ng kulungan, at makakatagpo siya ng pastulan.
10 The thief comes only to steal, kill, and destroy. I came so they may have life, and have it in abundance. Dumarating ang magnanakaw upang nakawin at patayin ang mga tupa; kamatayan at pagkawasak ang dala niya sa kanila. Ngunit akoʼy naparito upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.”
11 "I am the good shepherd. The good shepherd lays down his life for the sheep. “Ako ang mabuting pastol, at ang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.
12 The hired hand, not a shepherd, doesn't own the sheep. Seeing the wolf coming, he leaves the sheep and flees—the wolf snatches and scatters them. Hindi ako katulad ng bayarang pastol, sapagkat ang ganitong tagapagbantay ay tumatakas at iniiwan niya ang mga tupa kapag nakakita ng lobo na paparating. Kaya sinusunggaban ng lobo ang mga tupa at binubulabog.
13 The man runs away because he is a hired hand and cares nothing for the sheep. Ang taong iyoʼy nagtatrabaho lamang para sa pera at wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa mga tupa.”
14-15 "I am the good shepherd. I know my own and my own know me, “Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila.
15 as the Father knows me and I know the Father, and I lay down my life for the sheep. Not in this edition
16 I have other sheep not of this fold; I must lead them too, and they will hear my voice. They will become one flock, one shepherd. May iba pa akong mga tupang hindi kasama sa kawan na ito. Kailangang pangunahan ko rin sila, at papakinggan nila ang aking tinig, at magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol.
17 This is why the Father loves me: I lay down my life only to take it up again. Mahal ako ng Ama, dahil iniaalay ko ang aking buhay, at pagkatapos ay muli akong mabubuhay.
18 No one takes it from me, but I lay it down on my own. I have authority to lay it down, and authority to take it up again. This charge I received from my Father." Walang makakakuha ng aking buhay, kundi kusa ko itong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito, at may kapangyarihan din akong bawiin ito. Ito ang iniutos sa akin ng aking Ama.”
19 These words brought division among the Jews once again. Dahil sa sinabing ito ni Hesus, nagkaroon na naman ng pagtatalo ang mga tao.
20 Many of them said, "He is demon-possessed and out of his mind. Why listen to him?" Marami sa kanila ang nagsasabi, “Baliw siya at sinasapian ng demonyo. Bakit nʼyo siya pinapakinggan?”
21 But others said, "These aren't a demon-possessed man's words. Can a demon open blind eyes?" Ngunit sinabi naman ng iba, “Hindi makakapagsalita nang ganyan ang sinasapian ng demonyo. At isa pa, paano siya nakakapagpagaling ng bulag kung totoong sinasaniban siya?”
22 Then came the Feast of Dedication at Jerusalem. It was winter, Dumating ang pagdiriwang ng Pista ng Pagtatalaga ng Templo sa Jerusalem. Taglamig na noon,
23 and Jesus was walking in the temple, in Solomon's Colonnade. at naglalakad si Hesus sa bahagi ng Templo na kung tawagin ay Balkonahe ni Solomon.
24 The Jews surrounded him and said, "How long will you hold us in suspense? If you are the Christ, tell us plainly." Pinalibutan siya ng mga tao at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw nga ang Mesias, sabihin mo sa amin nang maliwanag.”
25 Jesus answered, "I told you, and you don't believe. The works I do in my Father's name testify about me, Sumagot si Hesus sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo kung sino ako, ngunit ayaw naman ninyong maniwala. Ang mga ginawa kong himala sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatunay kung sino ako.
26 but you do not believe, because you are not my sheep. Ngunit ayaw nʼyong maniwala sa akin dahil hindi kayo kabilang sa aking mga tupa.
27 My sheep listen to my voice; I know them, and they follow me. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.
28 I give them eternal life, and they will never perish, and no one will snatch them from my hand. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay,
29 My Father, who gave them to me, is greater than all; no one can snatch them out of the Father's hand. sapagkat walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin. Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat.
30 I and the Father are one." Ako at ang Ama ay iisa.”
31 Again the Jews picked up stones to stone him. Dahil dito, dumampot ng mga bato ang mga tao upang batuhin siya.
32 Jesus replied, "I have shown you many good works from the Father. For which of these are you going to stone me?" Ngunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Ipinakita ko sa inyo ang maraming mabubuting gawa na ipinapagawa sa akin ng Ama. Alin sa mga ito ang dahilan kung bakit nʼyo akong babatuhin?”
33 "We're stoning you not for good work," they said, "but for blasphemy, because you, a mere man, claim to be God." Sumagot sila, “Hindi ka namin babatuhin dahil sa mabuti mong gawa, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos. Sapagkat sinasabi mong ikaw ay Diyos gayong tao ka lang.”
34 Jesus answered them, "Is it not written in your Law: 'I have said you are gods'? Sumagot si Hesus, “Hindi baʼt nakasulat sa inyong Kautusan na sinabi ng Diyos na kayoʼy mga diyos?
35 If he called them 'gods,' to whom the word of my Father came—and Scripture cannot be broken, At hindi natin maaaring balewalain ang Kasulatan. Kaya kung tinawag niyang ‘diyos’ ang mga binigyan niya ng mensahe niya,
36 what about the one the Father set apart and sent into the world? Why accuse me of blasphemy for saying, 'I am the Son of our Father'? bakit nʼyo sinasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong akoʼy Anak ng Diyos? Pinili ako ng Ama at sinugo niya rito sa mundo.
37 "If I am not doing the works of my Father, then do not believe me. Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinapagawa ng Ama, huwag kayong maniwala sa akin.
38 But if I do them, even if you won't believe me, believe the works, so you'll know and keep knowing the Father is in me, and I in the Father." Ngunit kung ginagawa ko ang mga ito, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa kung ayaw nʼyong maniwala sa akin! Sa gayoʼy maunawaan nʼyo at maniwala kayong ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa aking Ama.”
39 Again they tried to seize him, but he escaped their grasp. Tinangka na naman nilang dakpin si Hesus, ngunit nakatakas siya.
40 Jesus then went back across the Jordan, to the place where John had first been baptizing, and stayed there. Bumalik si Hesus sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan, sa lugar na pinagbautismuhan ni Juan noong nagsisimula siya sa kanyang gawain. Nanatili siya roon
41 Many came to him, saying, "John performed no sign, but all John said about this man was true." at maraming tao ang pumunta sa kanya. Sinabi nila, “Wala ngang ginawang himala si Juan, pero totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.”
42 And in that place many believed in him. At marami sa mga naroon ang sumampalataya kay Hesus.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]