Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 As Jesus passed by, he saw a man who had been blind from birth. Habang naglalakad si Hesus, may nakita siyang isang lalaki. Ang lalaking ito ay ipinanganak na bulag.
2 His disciples asked him, "Rabbi, who sinned, this man or his parents, that he was born blind?" Tinanong si Hesus ng mga alagad niya, “Rabbi, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?”
3 "Neither this man nor his parents sinned,' Jesus answered, 'but this happened so the works of our Father might be revealed in him. Sumagot si Hesus, “Hindi dahil sa kasalanan niya o ng mga magulang niya kaya ipinanganak siyang bulag. Nangyari ito upang maipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanya.
4 We must do the works of the one who sent me while it is day; night comes, when no one can work. Dapat na nating gawin ang mga ipinapagawa ng Diyos na siyang nagsugo sa akin habang araw pa, dahil pagsapit ng gabi ay wala nang makakapagtrabaho.
5 As long as I am in the world, I am the light of the world.'" Habang akoʼy nasa mundo, ako ang ilaw ng mundo.”
6 Saying this, he spat on the ground, made mud from the saliva, and smeared it on the man's eyes. Pagkasabi niya nito, dumura siya sa lupa, gumawa ng putik mula sa dura at ipinahid niya sa mata ng bulag.
7 He told him, "Go, wash in the pool of Siloam" (meaning Sent). So the man went, washed, and returned able to see. Sinabi ni Hesus sa bulag, “Pumunta ka sa paliguan ng Shiloam at maghilamos ka roon.” (Ang ibig sabihin ng Siloam ay “Sinugo”.) Pumunta nga roon ang bulag at naghilamos. Nang bumalik siya ay nakakakita na siya.
8 Neighbors and those who'd seen him begging before said, "Isn't this the one who used to sit and beg?" Dahil dito, nagtanungan ang mga kapitbahay niya at ang iba pang mga nakakita sa kanya noong namamalimos pa siya. Sinabi nila, “Hindi baʼt siya ang dating nakaupo at namamalimos?”
9 Some said, "That's him." Others said, "No, he just looks like him." He kept saying, "I'm the one." Sinabi ng iba, “Siya nga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Hindi, kamukha lang niya iyon.” Kaya ang lalaki na mismo ang nagsabi, “Ako nga iyon.”
10 So they asked him, "Then how were your eyes opened?" “Paano ka nakakita?” tanong nila.
11 He replied, "The man called Jesus made mud, smeared it on my eyes, and told me, 'Go to Siloam and wash.' So I went, washed, and could see." Sumagot siya, “Ang lalaking tinatawag na Hesus ay gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mga mata ko at sinabi, ‘Pumunta ka sa paliguan ng Siloam at maghilamos.’ Kaya pumunta ako roon at naghilamos, at pagkatapos ay nakakita na ako.”
12 They said to him, "Where is he?" He said, "I do not know." Nagtanong ang mga tao, “Nasaan na siya?” Sumagot ang lalaki, “Hindi ko alam.”
13 They brought the man who had been blind to the Pharisees. Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag.
14 Now it was a Sabbath day when Jesus made the mud and opened his eyes. Araw noon ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at pinagaling ang bulag.
15 So the Pharisees also asked him again how he had gained sight. He told them, "He put mud on my eyes, and I washed, and I see." Kaya tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. At sinabi ng lalaki, “Nilagyan niya ng putik ang mga mata ko. Naghilamos ako, at pagkatapos ay nakakita na ako.”
16 Some Pharisees said, "This man isn't from God—he doesn't keep the Sabbath." Others said, "How can a sinful man do such signs?" So they were divided among them. Sinabi ng ilang Pariseo, “Hindi mula sa Diyos ang taong gumawa nito, dahil hindi niya sinusunod ang utos tungkol sa Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kung makasalanan siya, paano siya nakakagawa ng ganitong himala?” Hindi magkasundo ang mga opinyon nila tungkol kay Hesus.
17 Again they asked the blind man, "What do you say about him, since he opened your eyes?" He said, "He is a prophet." Kaya tinanong ulit ng mga Pariseo ang dating bulag, “Ano ang masasabi mo tungkol sa kanya, dahil pinagaling ka niya?” Sumagot ang lalaki, “Isa po siyang propeta.”
18 The Jews did not believe he had been blind and gained sight, until they summoned the parents of the man who had gained sight. Ngunit ayaw pa rin nilang maniwala na siya nga ang dating bulag na ngayon ay nakakakita na. Kaya ipinatawag nila ang mga magulang niya
19 They asked them, "Is this your son you say was born blind? How then does he now see?" at tinanong, “Anak nʼyo ba ito? Totoo bang ipinanganak siyang bulag? Paano siya nakakakita ngayon?”
20 His parents answered, "We know that this is our son and that he was born blind. Sumagot ang mga magulang, “Anak nga po namin siya, at ipinanganak siyang bulag.
21 But how he now sees, we don't know; or who opened his eyes, we don't know. Ask him—he's an adult; he'll speak for himself." Ngunit hindi namin alam kung paano siya nakakita at kung sino ang nagpagaling sa kanya. Siya na lang po ang tanungin ninyo. Nasa tamang edad na siya, at kaya na niyang sumagot para sa sarili niya.”
22 His parents said this, fearing the Jews, since the Jews had already agreed that if anyone confessed Jesus as the Christ, he would be expelled from the synagogue. Ito ang sinabi ng mga magulang ng lalaki dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo. Sapagkat napagkasunduan na ng mga pinuno ng mga Hudyo na ang sinumang kikilala kay Hesus bilang Mesias ay ititiwalag sa kanilang sinagoga.
23 That was why his parents said, "He is of age; ask him." Kaya ganito ang isinagot ng mga magulang: “Nasa tamang edad na siya. Siya na lang po ang tanungin ninyo.”
24 So they called the once-blind man again and said, "Give God the glory. We know this man is a sinner." Kaya muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, “Sumumpa ka sa harap ng Diyos na sasabihin mo ang totoo! Alam naming makasalanan ang taong iyon!”
25 He replied, "Whether he's a sinner, I don't know. I know one thing: I was blind, now I see." Sumagot ang lalaki, “Hindi ko po alam kung makasalanan siya o hindi. Ang alam ko lang ay dati akong bulag, pero nakakakita na ngayon.”
26 They said to him, "What did he do to you? How did he open your eyes?" Tinanong pa nila ang lalaki, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano ka niya pinagaling?”
27 He answered them, "I already told you, and you didn't listen. Why do you want to hear it again? Do you also want to become his disciples?" Sumagot siya, “Sinabi ko na po sa inyo, ngunit ayaw naman ninyong maniwala. Bakit gusto ninyong marinig ulit ang sagot ko? Gusto rin po ba ninyong maging mga alagad niya?”
28 And they reviled him, saying, "You are his disciple, but we are disciples of Moses. Dahil dito ay ininsulto nila ang lalaki. Sinabi nila, “Alagad ka niya, pero kami ay mga alagad ni Moises.
29 We know God spoke to Moses, but we don't know where this man is from." Alam naming nakipag-usap ang Diyos kay Moises, ngunit ang taong iyon ay hindi namin alam kung saan nanggaling!”
30 The man answered them, "Here's the amazing thing: you don't know where he's from, yet he opened my eyes. Sumagot ang lalaki, “Iyan nga po ang nakapagtataka. Hindi nʼyo alam kung saan siya nanggaling, pero pinagaling niya ang mata ko.
31 We know God doesn't listen to sinners, but if anyone reveres God and does his will, God listens to him. Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit ang sinumang may takot sa Diyos at gumagawa ng kanyang kalooban ay pinakikinggan niya.
32 Never since the world began has anyone heard of someone opening the eyes of a person born blind. Kailanmaʼy wala pa tayong narinig na may taong nakapagpagaling ng taong ipinanganak na bulag.
33 If this man were not from God, he could do nothing." Kung hindi nanggaling sa Diyos ang taong iyon, hindi niya magagawa ang himalang ito.”
34 They answered him, "You were born entirely in sin, yet you teach us?" and threw him out. Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Ipinanganak kang makasalanan! At ang lakas pa ng loob mo ngayon na pangaralan kami!” At ipinagtabuyan nila ito sa sinagoga.
35 Jesus heard they had thrown him out, and finding him, said, "Do you believe in the Son of Man?" Nabalitaan ni Hesus na pinaalis sa sinagoga ang dating bulag, kaya hinanap niya ito. At nang matagpuan niya, tinanong niya ito, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”
36 He answered, "And who is he, sir, so I can believe in him?" Sumagot ang lalaki, “Sino po siya? Sabihin nʼyo po sa akin upang sumampalataya ako sa kanya.”
37 Jesus said to him, "You have seen him, and it is he who is speaking with you." Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakita mo na siya, at siya ang kausap mo ngayon.”
38 He said, "Lord, I believe," and he worshiped him. Sinabi agad ng lalaki, “Panginoon, sumasampalataya po ako sa inyo.” At lumuhod siya at sumamba kay Hesus.
39 Jesus said, "I came into this world for judgment, so those who don't see may see, and those who see may become blind." Sinabi ni Hesus, “Naparito ako sa mundo upang hatulan ang mga tao nang sa gayoʼy ang mga bulag ay makakita, ang mga nakakakita ay maging bulag.”
40 Some Pharisees with him heard this and said, "Are we blind too?" Narinig ito ng ilang Pariseong naroon, at nagtanong sila, “Sinasabi mo bang mga bulag din kami?”
41 Jesus told them, "If you were blind, you would have no sin; but since you say, 'We see,' your sin remains." Sumagot si Hesus, “Kung totoong bulag kayo, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong hindi kayo bulag, nananatili pa rin kayong may kasalanan.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]