Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 But Jesus went to the Mount of Olives. Si Hesus naman ay pumunta sa bundok ng mga Olibo.
2 At dawn he came again to the temple; all the people came to him, and he sat down and taught them. Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na siya sa patyo ng Templo. At dooʼy maraming tao ang nagtipon sa palibot niya, kaya umupo siya at nangaral.
3 The scribes and Pharisees brought a woman caught in adultery and stood her in the middle. Ngayon, may dumating na mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang babae na nahuli sa pangangalunya. Pinatayo nila ang babae sa harap ng mga tao,
4 They said to him, "Teacher, this woman was caught in the act of adultery. at sinabi nila kay Hesus, “Guro, ang babaeng itoʼy nahuling nangangalunya.
5 Now in the Law, Moses commanded us to stone such women. So what do you say? Ayon sa Kautusan ni Moises, ang mga babaeng tulad niyaʼy dapat batuhin hanggang sa mamatay. Anoʼng masasabi mo?”
6 They said this to test him, seeking grounds to accuse him. But Jesus bent down and wrote on the ground with his finger." Itinanong nila ito upang hanapan ng maipaparatang laban sa kanya. Ngunit yumuko lang si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri.
7 When they kept questioning him, he stood up and said to them, "Whichever of you has no sin, cast the first stone at her." Ngunit paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Hesus at sinabi sa kanila, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya.”
8 And once more he bent down and wrote on the ground. At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa.
9 Hearing this, they left one by one, starting with the oldest, until Jesus was left alone with the woman standing there. Nang marinig nila iyon, isa-isa silang umalis mula sa pinakamatanda, hanggang si Hesus na lang at ang babae ang naiwan.
10 Jesus stood up and said to her, "Woman, where are they? Has no one condemned you?" Tumayo si Hesus at sinabi sa babae, “Nasaan na sila? May humatol ba saʼyo?”
11 She said, "No one, Lord." Jesus said, "I don't condemn you either. Go, and from now on, don't sin anymore." Sumagot ang babae, “Wala po.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.”]
12 Jesus spoke to them again: "I am the world's light. Whoever follows me will never walk in darkness but will have the light of life." Muling nagsalita si Hesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, dahil nasa kanya na ang ilaw na gumagabay patungo sa buhay.”
13 So the Pharisees said to him, "You are bearing witness about yourself; your testimony is not true." Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Ikaw lang naman ang nagpapatotoo tungkol sa sarili mo, kaya hindi ʼyan katanggap-tanggap.”
14 Jesus replied, "Even if I testify about myself, my testimony is true, because I know where I came from and where I'm going; but you don't know where I come from or where I'm going. Sumagot si Hesus, “Kahit na nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, ang sinasabi ko ay totoo, dahil alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit kayo, hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta.
15 You judge according to the flesh; I judge no one. Humahatol kayo ayon sa pamantayan ng tao, ngunit ako ay hindi humahatol kaninuman.
16 Even if I judge, my judgment is true, since I do not judge alone, but I and the Father who sent me. Kung hahatol man ako ay tama ang hatol ko, dahil hindi ako humahatol nang mag-isa kundi kasama ko ang Amang nagsugo sa akin.
17 In your Law it is written that the testimony of two people is true. Hindi baʼt nakasulat sa Kautusan ninyo na kapag tugma ang patotoo ng dalawang saksi, nangangahulugang totoo ang kanilang sinasabi?
18 I testify about myself, and the Father who sent me testifies about me." Nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin.”
19 They asked, "Where is your Father?" Jesus answered, "You know neither me nor my Father. If you knew me, you would know my Father also." Nagtanong ang mga Pariseo, “Nasaan ba ang iyong Ama?” Sumagot si Hesus, “Hindi nʼyo ako kilala o ang aking Ama. Kung kilala sana nʼyo ako, makikilala nʼyo rin ang aking Ama.”
20 He said this while teaching in the temple, in the treasury; no one seized him—his hour had not yet come. Ang mga itoʼy sinabi ni Hesus habang nangangaral siya sa Templo, malapit sa lalagyan ng mga kaloob. Ngunit walang nagtangkang dumakip sa kanya dahil hindi pa dumarating ang oras niya.
21 So he told them again, "I am going away. You will look for me and die in your sin. Where I am going, you cannot come." Muling sinabi ni Hesus sa mga tao, “Aalis ako at hahanapin nʼyo ako, ngunit hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko. Mamamatay kayo sa inyong kasalanan.”
22 So the Jews said, "Will he kill himself, since he says, "You can't come where I'm going"?" Kaya nag-usap-usap ang mga tao, “Magpapakamatay kaya siya kaya sinabi niyang hindi tayo makakapunta sa pupuntahan niya?”
23 He said to them, "You're from below; I'm from above. You're of this world; I'm not of this world. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayoʼy mula rito sa ibaba, at ako namaʼy mula sa itaas. Tagarito kayo sa mundo, ngunit akoʼy hindi.
24 I told you that you'll die in your sins; if you don't believe I AM, you'll die in your sins." Kaya sinasabi kong mamamatay kayo sa inyong kasalanan; sapagkat malibang maniwala kayo na Ako ang sinasabi kong Ako, tiyak na mamamatay kayo sa inyong kasalanan.”
25 So they said to him, "Just who are you?" Jesus said to them, "Exactly what I've said from the start. “Bakit, sino ka ba talaga?” tanong nila. Sumagot si Hesus, “Tulad ng sinabi ko na sa inyo noong simula pa lamang.
26 I have much to say and judge about you, but the One who sent me is true; what I heard from him, I tell the world." Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo, ngunit hindi ko gagawin iyon. Sapagkat ang ipinapahayag ko lamang ay ang mga narinig ko mula sa nagsugo sa akin. At mapagkakatiwalaan ang mga sinasabi niya.”
27 They did not understand that he had been speaking to them about the Father. Hindi nila naintindihan na ang sinasabi ni Hesus ay tungkol sa kanyang Ama.
28 So Jesus told them, "When you lift up the Son of Man, then you'll know that I AM, and that I do nothing on my own, but say these things as the Father taught me. Kaya sinabi ni Hesus, “Kapag itinaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyo na Ako ang sinasabi kong Ako. At malalaman din ninyo na ang lahat ng bagay na ginagawa at sinasabi ko ay ayon sa itinuro sa akin ng aking Ama.
29 The one who sent me is with me; he hasn't left me alone, because I always do what pleases him." Palagi kong kasama ang nagsugo sa akin, at hindi niya ako pinababayaang mag-isa, sapagkat palagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugod-lugod sa kanya.”
30 As he was saying these things, many believed in him. Nang marinig ng mga tao ang mga sinabi ni Hesus, marami sa kanila ang sumampalataya sa kanya.
31 Jesus then told the Jews who had believed him, "If you remain in my word, you are truly my disciples, Sinabi ni Hesus sa mga Hudyong sumampalataya sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aral ko, totoo ngang mga alagad ko kayo.
32 and you will know the truth, and the truth will set you free." Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
33 They answered him, "We are Abraham's descendants, never enslaved to anyone. How can you say, 'You will become free'?" Sumagot sila kay Hesus, “Nagmula kami sa lahi ni Abraham, at kailanmaʼy hindi kami naging alipin ng kahit sino. Bakit sinabi mong palalayain kami?”
34 Jesus answered them, "Truly, truly, I tell you: everyone who keeps sinning is sin's slave. Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
35 The slave does not remain in the house forever; the son remains forever. Ang alipin ay hindi kabilang sa isang pamilya sa habang panahon, ngunit ang anak ay kabilang magpakailanman.
36 So if the Son sets you free, you will be free indeed. Kaya kung ang Anak ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo.
37 I know you are Abraham's descendants; yet you seek to kill me because my word has no space in you. Alam kong galing kayo sa lahi ni Abraham, ngunit tinatangka ninyo akong patayin dahil ayaw ninyong tanggapin ang mga itinuturo ko.
38 I speak what I've seen with my Father, and you do what you heard from your father." Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na nakita ko sa aking Ama, ngunit ang ginagawa ninyo ay ang mga narinig ninyo sa inyong ama.”
39 They answered, "Abraham is our father." Jesus said, "If you were Abraham's children, you'd do the works Abraham did, Sinabi ng mga tao, “Si Abraham ang aming ama!” Sumagot si Hesus, “Kung totoong mga anak kayo ni Abraham, tinutularan sana ninyo ang mabubuting gawa niya.
40 but now you want to kill me—a man who told you the truth I heard from my Father. Abraham didn't do this. Ngunit tinatangka ninyo akong patayin, kahit sinasabi ko lang sa inyo ang mga katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Hindi ginawa ni Abraham ang mga ginagawa ninyo.
41 You do your father's works." They said to him, "We weren't born of sexual sin. We have one Father—God himself." Ang mga ginagawa nʼyo ay katulad ng ginagawa ng inyong ama.” Sumagot sila kay Hesus, “Hindi kami mga anak sa labas. Ang Diyos ang aming Ama.”
42 Jesus said to them, "If God were your Father, you'd love me, for I came from God and am here. I didn't come on my own—he sent me. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ang Diyos nga ang inyong Ama, mamahalin sana ninyo ako, dahil nanggaling ako sa Diyos. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi sinugo ako ng Diyos.
43 Why don't you understand my speech? Because you cannot bear to hear my word. Hindi nʼyo maintindihan ang sinasabi ko dahil hindi nʼyo matanggap ang aral ko.
44 You belong to your father, the devil, and want to carry out his desires. He was a murderer from the beginning, not standing in truth, since no truth is in him. When he lies, he speaks from his own nature, since he's a liar and the lie's father. Ang diyablo ang inyong ama. At kung ano ang gusto niya, iyon ang ginagawa ninyo. Siyaʼy mamamatay-tao mula pa sa simula, at ayaw niya ng katotohanan dahil walang katotohanan sa kanya. Likas sa kanya ang pagsisinungaling dahil sinungaling siya, at siya ang ama ng kasinungalingan.
45 But because I tell the truth, you do not believe me. Ngunit ako, pawang katotohanan ang mga sinasabi ko, at ito ang dahilan kung bakit ayaw ninyong maniwala.
46 Who among you convicts me of sin? If I speak truth, why don't you believe me? Sino sa inyo ang makapagpapatunay na nakagawa ako ng kasalanan? At kung katotohanan ang sinasabi ko, bakit ayaw nʼyo akong paniwalaan?
47 Whoever is from our Father hears his words; you don't hear because you're not from our Father." Ang mga anak ng Diyos ay nakikinig sa salita ng Diyos. Ngunit hindi kayo nakikinig dahil hindi kayo mga anak ng Diyos.”
48 The Jews replied, "Aren't we right in saying that you are a Samaritan and have a demon?" Sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo kay Hesus, “Tama nga ang sinabi naming isa kang Samaritano at sinasapian ng demonyo.”
49 Jesus answered, "I do not have a demon, but I honor my Father, and you dishonor me. Sumagot si Hesus, “Hindi ako sinasapian ng demonyo. Ngunit ako, pinararangalan ko ang aking Ama. Kayo ang hindi nagpaparangal sa kanya dahil hindi ninyo ako pinararangalan.
50 But I'm not seeking my own glory; our Father seeks it, and he judges. Hindi ko hangad na akoʼy parangalan; ngunit may naghahangad na parangalan ako at siya ang karapat-dapat humatol.
51 Truly, truly, I say to you, if anyone keeps my word, he will never see death." Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang sumusunod sa mga aral ko ay hindi mamamatay kailanman.”
52 The Jews said to him, "Now we know you have a demon. Abraham died, as did the prophets, yet you say, 'Whoever keeps my word will never taste death.' Sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo, “Sigurado na kaming sinasapian ka nga ng demonyo. Si Abraham ay namatay at ganoon din ang mga propeta, ngunit sinasabi mong hindi kailanman mamamatay ang sinumang sumusunod sa aral mo.
53 Are you greater than our father Abraham, who died? The prophets died too! Who do you claim to be?" Nakahihigit ka ba sa ama naming si Abraham? Kahit siya at ang mga propeta ay namatay! Sino ka ba sa akala mo?”
54 Jesus answered, "If I glorify myself, my glory is nothing. It is my Father who glorifies me, of whom you say, 'He is our God.' Sumagot si Hesus, “Kung ako lang ang magpaparangal sa sarili ko, wala itong saysay. Ngunit ang Ama, na sinasabi nʼyong Diyos ninyo, ang siyang magpaparangal sa akin.
55 You don't know him, but I know him. If I said I didn't know him, I'd be a liar like you. But I know him and keep his word. Hindi nʼyo siya kilala. Ngunit ako, kilala ko siya. Kung sasabihin kong hindi ko siya kilala, magiging sinungaling akong tulad ninyo. Ngunit kilala ko talaga siya at tinutupad ko ang kanyang salita.
56 Your father Abraham rejoiced that he would see my day. He saw it and was glad." Nagalak ang ama ninyong si Abraham nang malaman niyang makikita niya ang aking kapanahunan. Nakita nga niya ito, at natuwa siya.”
57 So the Jews said to him, "You're not yet fifty years old, and you've seen Abraham?" Sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo sa kanya, “Wala ka pang limampung taon, ngayon sinasabi mong nakita mo na si Abraham!”
58 Jesus said to them, "Truly, truly, I say to you, before Abraham was, I AM." Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, bago pa ipanganak si Abraham, ‘Ako ay Ako’.”
59 So they grabbed stones to throw at him, but Jesus hid himself and slipped out of the temple. Dahil dito, pumulot ng mga bato ang mga tao upang batuhin siya. Ngunit nakapagtago si Hesus at umalis sa Templo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]