Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After this, Jesus traveled around Galilee, not wanting to go into Judea because Jewish leaders there were looking for a chance to kill him. Pagkatapos nito, nilibot ni Hesus ang Galilea. Iniwasan niyang pumunta sa Judea dahil gusto siyang patayin ng mga pinuno ng mga Hudyo roon.
2 But the Jewish Festival of Booths was near. Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng mga Tolda,
3 His brothers told him, "Leave here and go to Judea, so your disciples can also see the works you do. sinabi ng mga kapatid ni Hesus sa kanya, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng mga alagad mo ang mga ginagawa mo?
4 No one seeking public attention hides what he does. If you're doing these things, show yourself to the world." Walang taong gumagawa nang patago kung gusto niyang sumikat. Gumagawa ka na rin lang ng himala, ipakita mo na sa lahat!”
5 For not even his brothers believed in him. Sinabi ito ng mga kapatid ni Hesus dahil sila man ay hindi nakakaunawa kung sino siya at kung ano ang kailangan niyang gawin.
6 So Jesus told them, "My time has not yet come, but for you any time is right. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi pa ngayon ang panahon para sa akin, pero kayo, puwede nʼyong gawin kahit anong oras ang gusto ninyo.
7 "The world cannot hate you, but it hates me, because I testify that its works are evil. Hindi napopoot sa inyo ang mundo, ngunit napopoot ito sa akin dahil inilalantad ko ang kasamaan nila.
8 You yourselves go up to the festival; I'm not going up to this festival, since my time hasn't yet fully come." Kayo na lang ang pumunta sa pista. Hindi pa ako pupunta dahil hindi pa ito ang panahon ko.”
9 After saying this, he stayed in Galilee. Ito ang sinabi ni Hesus sa kanila at nagpaiwan muna siya sa Galilea.
10 After his brothers went up to the festival, he too went up—not openly, but secretly. Subalit nang umalis na ang mga kapatid ni Hesus, pumunta pa rin siya, pero palihim.
11 So the Jewish leaders were looking for him at the festival and asking, "Where is he?" Doon sa pista, hinahanap siya ng mga pinuno ng mga Hudyo. “Nasaan kaya siya?” tanong nila.
12 Much murmuring about him spread among the crowds: some said, "He's good," others, "No, he misleads the crowd." Maraming bulung-bulungan ang mga tao tungkol kay Hesus. May nagsasabi, “Mabuti siyang tao.” Sabi naman ng iba, “Hindi, niloloko lang niya ang mga tao.”
13 Yet no one spoke about him openly, for fear of the Jewish leaders. Ngunit walang nagsasalita tungkol sa kanya nang hayagan dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo.
14 About the middle of the festival, Jesus went up into the temple and began to teach. Noong kalagitnaan na ng pista, pumunta si Hesus sa Templo at nangaral.
15 The Jewish leaders were amazed and asked, "How does this man know so much without training?" Namangha sa kanya ang mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi nila, “Paano nalaman ng taong ito ang mga bagay na ʼyan, gayong hindi naman siya nakapag-aral?”
16 Jesus answered them, "My teaching isn't mine—it's from the one who sent me. Sumagot si Hesus, “Hindi galing sa akin ang mga itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin.
17 Whoever wants to do our Father's will knows if my teaching is from my Father or I speak on my own. Malalaman ng sinumang gustong sumunod sa kalooban ng Diyos kung ang itinuturo koʼy galing nga sa Diyos o sa akin lang.
18 Whoever speaks on his own seeks his own glory, but whoever seeks the sender's glory is true, with no falsehood in him. Ang nagtuturo nang mula sa sarili niyang karunungan ay naghahangad lang ng pansariling karangalan. Ngunit ang naghahangad na parangalan ang nagsugo sa kanya ay tapat at hindi sinungaling.
19 Didn't Moses give you the law? Yet none of you obeys the law. Why are you trying to kill me?" Hindi baʼt ibinigay sa inyo ni Moises ang Kautusan? Ngunit wala ni isa man sa inyo ang sumusunod sa Kautusan. Sapagkat kung sinusunod ninyo ang Kautusan, bakit nʼyo ako gustong patayin?”
20 The crowd answered, "You have a demon! Who is trying to kill you?" Sumagot ang mga tao, “Sinasapian ka na siguro ng demonyo! Sino ba ang gustong pumatay sa iyo?”
21 Jesus replied, "I did one work, and you are all amazed. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Namangha kayo dahil may pinagaling ako noong Araw ng Pamamahinga.
22 "Moses gave you circumcision—not from Moses, but the patriarchs—and you circumcise a man on the Sabbath. Ngunit kayo rin naman, hindi kayo nagdadalawang-isip na tuparin ang utos ni Moises na kailangang tuliin ninyo ang inyong mga sanggol na lalaki sa ikawalong araw mula nang silaʼy isilang (bagamaʼt ang ritwal na itoʼy hindi galing kay Moises kundi sa mga nauna pang ninuno). At hindi kayo nagdadalawang-isip na tuparin iyon kahit sa Araw ng Pamamahinga.
23 If a man is circumcised on the Sabbath so the law of Moses isn't broken, why are you angry at me for making a whole man well on the Sabbath? Kung kayo nga, nagtutuli kayo ng sanggol sa Araw ng Pamamahinga upang hindi masuway ang kautusan ni Moises, bakit kayo nagagalit sa akin dahil pinagaling ko ang buong katawan ng isang tao sa Araw ng Pamamahinga?
24 Stop judging by appearances, and judge with right judgment." Huwag kayong humusga nang paimbabaw, isakatuparan ninyo ang kautusan nang tama.”
25 Then some Jerusalemites said, "Isn't this the man they want to kill? Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gustong patayin ng mga pinuno natin?
26 Yet he speaks openly, and they say nothing to him. Can the rulers truly know this is the Christ? Ngunit tingnan ninyo, lantaran siyang nangangaral at walang sinasabi ang mga pinuno laban sa kanya. Baka naniniwala na silang siya ang Mesias?
27 But we know this man's origin. When the Christ comes, no one will know his origin." Ngunit alam natin kung saan siya nanggaling, habang ang Mesias na darating ay walang nakakaalam kung saan siya manggagaling.”
28 Then Jesus, teaching in the temple, cried out: "You know me, and know where I'm from. Yet I didn't come on my own—the one who sent me is true, and you don't know him. Habang nagtuturo si Hesus sa Templo, sinabi niya nang malakas, “Totoo bang kilala ninyo ako at alam ninyo kung saan ako nanggaling? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan. Ang tunay na Diyos ang nagsugo sa akin. Hindi ninyo siya kilala
29 I know him, because I am from him, and he sent me." ngunit kilala ko siya dahil nanggaling ako sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.”
30 So they tried to grab him, but no one touched him, because his hour had not yet come. Dahil sa mga sinabi niyang ito, gusto na sana siyang dakpin ng mga pinuno ng mga Hudyo, ngunit walang humuli sa kanya dahil hindi pa dumating ang oras niya.
31 But many in the crowd believed in him, asking, "When the Christ comes, will he do more signs than this man did?" Sa kabila nito, marami pa rin ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Siya na nga ang Mesias! Sa palagay nʼyo baʼy mayroon pang ibang darating na makagagawa nang higit pa kaysa sa mga himalang ginagawa ng taong ito?”
32 The Pharisees heard the crowd murmuring these things about him, so the chief priests and Pharisees sent temple guards to seize him. Narinig ng mga Pariseo ang usap-usapan ng mga tao tungkol kay Hesus. Kaya inutusan nila at ng mga namamahalang pari ang mga guwardiya ng Templo na dakpin si Hesus.
33 So Jesus said, "I'm with you a little while longer, and then I go to the one who sent me. Sinabi ni Hesus, “Sandali nʼyo na lang akong makakasama. Malapit na akong bumalik sa nagsugo sa akin.
34 You will search for me and not find me; you cannot come where I am." Hahanapin nʼyo ako, ngunit hindi nʼyo ako makikita, dahil hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.”
35 So the Jewish leaders asked each other, "Where does he intend to go that we won't find him? Does he intend to go to our people dispersed among the Greeks and teach the Greeks? Nagtanungan ang mga Hudyo, “Saan kaya niya balak pumunta at hindi na raw natin siya makikita? Pupunta kaya siya sa mga lugar ng mga Griyego kung saan nakakalat ang mga kapwa nating Hudyo? Mangangaral din kaya siya sa mga Griyego?
36 What does he mean: 'You will look for me, but you will not find me,' and 'Where I am, you cannot come'?" Ano kaya ang nais niyang iparating sa sinabi niyang, ‘Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita,’ at ‘Hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko’?”
37 On the last, great day of the festival, Jesus stood and called out, "Whoever is thirsty, let him come to me and drink. Nang dumating ang huli at pinakamahalagang araw ng pista, tumayo si Hesus at sinabi nang malakas, “Ang sinumang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom.
38 Whoever believes in me, as Scripture said, rivers of living water will flow from his heart." Sapagkat sinasabi ng Kasulatan na dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay mula sa puso ng sinumang sumasampalataya sa akin.”
39 He said this about the Holy Spirit, whom believers in him were to receive; the Spirit had not yet been given, since Jesus had not yet been glorified. Ang tubig na nagbibigay-buhay na tinutukoy ni Hesus ay ang Espiritu na malapit nang tanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naipagkakaloob ang Espiritu nang panahong iyon dahil hindi pa bumabalik si Hesus sa kanyang kaluwalhatian.
40 When they heard these words, some of the crowd said, "This really is the Prophet." Maraming tao ang nakarinig sa sinabing iyon ni Hesus, at sinabi ng ilan sa kanila, “Siya na nga ang Propeta na hinihintay natin!”
41 Others said, "This is the Christ." But others asked, "How can the Christ come from Galilee? Sinabi naman ng iba, “Siya na nga ang Mesias!” Ngunit may mga nagtanong, “Hindi siya ang Mesias, dahil hindi maaaring manggaling ang Mesias sa Galilea.
42 Doesn't Scripture say the Christ comes from David's line and from Bethlehem, David's village?" Hindi baʼt sinasabi ng Kasulatan na ang Mesias ay manggagaling sa lahi ni David, at ipapanganak sa Bethlehem na bayan ni David?”
43 So the crowd was divided over him. Kaya iba-iba ang paniniwala ng mga tao tungkol kay Hesus.
44 Some of them wanted to seize him, but no one laid a hand on him. Gusto ng iba na dakpin siya, ngunit wala ring humuli sa kanya.
45 So the temple guards returned to the chief priests and Pharisees, who asked, "Why didn't you bring him?" Bumalik ang mga guwardiya ng Templo sa mga namamahalang pari at mga Pariseo na nag-utos sa kanila na dakpin si Hesus. Tinanong sila ng mga ito, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?”
46 The guards answered, "No one ever spoke the way this man does." Sumagot sila, “Ngayon lang po kami nakarinig ng katulad niyang magsalita.”
47 "Have you also been deceived?" the Pharisees answered. “Pati ba naman kayo ay naloko na rin ng lalaking iyon?” kutya ng mga Pariseo.
48 "Has any of the rulers or of the Pharisees believed in him? “May nakita na ba kayong kahit isa sa amin na mga pinuno o mga Pariseong sumasampalataya sa kanya?
49 But this crowd, who knows nothing of the law—they are under a curse." Wala! Mga tao lang na walang alam sa Kautusan ang sumasampalataya sa kanya. Sumpain sila ng Diyos!”
50 Nicodemus, who had gone to Jesus earlier and was one of their own number, asked them, Isa sa mga Pariseong naroon ay si Nicodemo, na minsang dumalaw kay Hesus. Sinabi niya sa mga kasamahan niya,
51 "Does our law condemn a man without first hearing him and finding out what he does?" “Hindi baʼt labag sa Kautusan natin na hatulan ang isang tao hanggaʼt hindi siya nalilitis upang alamin kung ano ang ginawa niya?”
52 They replied, "Are you from Galilee too? Search, and see: no prophet arises from Galilee." Sumagot sila kay Nicodemo, “Taga-Galilea ka rin ba? Magsaliksik ka sa Kasulatan at makikita mong walang propetang nanggagaling sa Galilea.” [
53 Then they all went home. Pagkatapos nito, nag-uwian na silang lahat.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]