1After this, Jesus crossed the Sea of Galilee, also called the Sea of Tiberias.OASDPagkaraan nitoʼy tumawid si Hesus sa Lawa ng Galilea (na tinatawag ding Lawa ng Tiberias).
2A large crowd followed him, because they saw the signs he performed on the sick.OASDSinundan siya ng napakaraming tao dahil nakita nila ang mga himalang ginawa niya sa pagpapagaling ng mga may sakit.
3Jesus went up on the mountainside and sat down there with his disciples.OASDUmakyat si Hesus at ang mga alagad niya sa isang bundok at naupo roon.
4Now the Passover, the feast of the Jews, was near.OASDMalapit na noon ang Pista ng Paglampas ng Anghel.
5Looking up, Jesus saw a large crowd approaching and asked Philip, "Where can we buy bread for these people to eat?"OASDNang tumingin si Hesus, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kanya. Tinanong niya si Felipe, “Saan tayo makakabili ng tinapay na kakainin ng mga taong ito?”
6He said this to test Philip, for he himself already knew what he was going to do.OASDTinanong niya ito para subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin.
7Philip answered him, "200 days' wages of bread isn't enough for each of them to get a little."OASDSumagot si Felipe, “Kahit ang sahod sa higit kalahating taon ay ʼdi kakasya para pakainin silang lahat.”
8One of his disciples, Andrew, Simon Peter's brother, said to him,OASDSinabi naman ng isa sa mga alagad niyang si Andres na kapatid ni Pedro,
9"A boy here has five barley loaves and two fish—but what's that for so many?"OASD“May isang bata rito na may limang tinapay at dalawang isda. Ngunit ano naman ang silbi nito sa ganyan karaming tao?”
10Jesus said, "Have the people sit down." Much grass grew there, so about 5,000 men sat down.OASDSinabi ni Hesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Malago ang damo sa lugar na iyon at umupo naman ang mga tao. (Ang bilang ng mga lalaki lang ay mga limang libo.)
11Jesus then took the loaves, gave thanks, and distributed them to those seated; likewise with the fish, as much as they wanted.OASDKinuha ni Hesus ang tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, ipinamahagi ito sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda, at nabusog ang lahat.
12When they were full, he told his disciples, "Gather the leftover pieces, so nothing is lost."OASDPagkakain nila, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tipunin nʼyo ang lahat ng natira para walang masayang.”
13So they gathered the fragments left over from the five barley loaves after the people ate, filling twelve baskets.OASDTinipon nga nila ang natira mula sa limang tinapay na ipinakain sa mga tao at nakapuno sila ng labindalawang kaing.
14So when the people saw the sign he did, they said, "This really is the Prophet coming into the world!"OASDNang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Hesus, sinabi nila, “Siguradong ito na nga ang propetang hinihintay nating darating dito sa mundo!”
15Knowing they meant to come and seize him to make him king, Jesus withdrew again to the mountain alone.OASDAlam ni Hesus na balak ng mga taong kunin siya at sapilitang gawing hari. Kaya umalis siya roon at nagpatuloy na umakyat sa bundok na iyon nang mag-isa.
16When evening came, his disciples went down to the sea,OASDNang gumagabi na, bumaba sa tabi ng lawa ang mga alagad ni Hesus para doon siya hintayin.
17got in a boat and headed across the sea to Capernaum. It was already dark, and Jesus had not yet reached them.OASDNgunit nang madilim na at wala pa rin si Hesus, sumakay na sila sa isang bangka at tumawid papuntang Capernaum.
18A strong wind was blowing, and the sea grew rough.OASDNagsimulang lumakas ang hangin at lumaki ang mga alon.
19After rowing three or four miles, they saw Jesus walking on the water, approaching the boat, and were afraid.OASDNang makasagwan na sila nang mga lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa kanila, at natakot sila.
20But he said to them, "It is I; do not be afraid."OASDNgunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot.”
21So they were glad to take him into the boat, and instantly it reached the shore they were heading toward.OASDMalugod nilang pinasakay si Hesus sa bangka, at nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.
22The next day, the crowd remaining on the far shore saw that only one boat had been there, that Jesus had not boarded it with his disciples, but that his disciples had gone off alone.OASDKinabukasan, naalala ng mga taong naiwan sa kabila ng lawa na iisa lang ang bangkang naroon nang nakalipas na araw at ito ang ginamit ng mga alagad ni Hesus, ngunit hindi siya kasama.
23Other boats came from Tiberias near the place where they ate bread after the Lord gave thanks.OASDSamantala, may ilang mga bangka galing ng Tiberias na dumaong malapit sa lugar kung saan ipinagpasalamat ng Panginoon ang tinapay at nakakain ang maraming mga tao.
24So when the crowd saw Jesus and his disciples weren't there, they got in boats and went to Capernaum to look for Jesus.OASDNang mapansin ng mga tao na wala na roon si Hesus at ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangkang iyon at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus.
25Finding him across the sea, they asked, "Rabbi, when did you get here?"OASDPagdating ng mga tao sa Capernaum, sa kabila ng lawa, nakita nila si Hesus at tinanong, “Rabbi, kailan pa po kayo dumating dito?”
26Jesus answered them, "Truly, truly, I tell you: you seek me not because you saw signs, but because you ate the loaves and were filled.OASDSumagot si Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hinahanap nʼyo ako dahil kumain kayo at nabusog, hindi dahil naunawaan ninyo ang mga kamangha-manghang tanda na ginawa ko.
27Don't work for food that spoils, but for food that lasts to eternal life, which the Son of Man will give you. For on him our Father has set his seal."OASDHuwag kayong magtrabaho para lang sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing hindi nasisira at nakakapagbigay ng buhay na walang hanggan. Ang Anak ng Tao ang siyang magbibigay sa inyo ng pagkaing ito, dahil siya ang binigyan ng Diyos Ama ng kapangyarihang magbigay nito.”
28Then they said to him, "What must we do to be doing the works of our Father?"OASDKaya tinanong ng mga tao si Hesus, “Ano po ang dapat naming gawin para magawa namin ang nais ng Diyos?”
29Jesus answered them, "This is our Father's work: that you believe in the one he sent."OASDSumagot si Hesus, “Ito ang nais ng Diyos mula sa inyo: Manampalataya kayo sa isinugo niya.”
30So they asked him, "What sign will you give, so we may see and believe you? What work will you do?OASDSumagot ang mga tao, “Kung gusto mong maniwala kami saʼyo, patunayan mong isinugo ka ng Diyos. Anong himala ang maipapakita mo sa amin? Makakagawa ka ba ng himalang
31Our ancestors ate manna in the wilderness, as it is written: 'He gave them bread from heaven to eat.'"OASDkatulad ng manna na kinain ng ating mga ninuno noong nasa ilang sila? Sapagkat ayon sa Kasulatan, binigyan sila ni Moises ng tinapay na mula sa langit.”
32Jesus told them, "Truly, truly, I tell you: Moses didn't give you the bread from heaven—my Father gives you the true bread from heaven.OASDSinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama. At ngayoʼy ibinibigay sa inyo ng aking Ama ang tunay na tinapay mula sa langit.
33For the bread of our Father is he who comes down from heaven and gives the world life."OASDSapagkat ang tunay na tinapay na nagmula sa Diyos ay walang iba kundi ang tinapay na mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao.”
34So they said to him, "Lord, give us this bread always."OASDSinabi ng mga tao, “Bigyan nʼyo po kami ng tinapay na ʼyan sa araw-araw.”
35Jesus told them, "I am the bread of life. Whoever comes to me will never hunger; whoever believes in me will never thirst.OASDSinabi ni Hesus sa kanila, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.
36But as I told you, you have seen me and still do not believe.OASD“Ngunit gaya ng sinabi ko sa inyo, ayaw ninyong manampalataya sa akin kahit nakita na ninyo ako.
37All the Father gives me will come to me, and the one who comes to me I will never drive away.OASDGayunpaman, ang lahat ng taong ibinigay na sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at kailanmaʼy hindi ko sila itataboy.
38For I came down from heaven not to do my own will, but the will of him who sent me.OASDSapagkat naparito ako mula sa langit upang gawin ang kalooban ng aking Ama na nagsugo sa akin, at hindi ang sarili kong kalooban.
39This is the will of him who sent me: that I lose none of all he has given me, but raise them up on the last day.OASDAt ito ang kalooban ng Diyos na siyang nagsugo sa akin: na hindi mawala sa akin ang kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin, sa halip ay bubuhayin ko silang muli sa huling araw.
40For this is the will of my Father: that everyone who looks to the Son and believes in him should have eternal life, and I will raise them up on the last day."OASDSapagkat kalooban ng aking Ama na ang lahat ng kumikilala at sumasampalataya sa akin na kanyang Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko silang muli sa huling araw.”
41So the Jews grumbled about him because he said, "I am the bread that came down from heaven."OASDSamantala, nagbulung-bulungan ang mga Hudyo dahil sinabi ni Hesus na siya ang tinapay na mula sa langit.
42They said, "Isn't this Jesus, Joseph's son, whose father and mother we know? How can he now say, 'I have come down from heaven'?"OASDKaya sinabi nila, “Hindi baʼt si Hesus iyan na anak ni Jose? Bakit sinasabi niyang bumaba siya mula sa langit, samantalang kilala natin ang kanyang amaʼt ina?”
43Jesus answered them, "Stop grumbling among yourselves.OASDNgunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Tama na ang pagbubulung-bulungan ninyo tungkol sa sinabi ko.
44"No one can come to me unless the Father who sent me draws him, and I will raise him on the last day.OASDWalang makakalapit sa akin maliban kung palalapitin sila ng Amang nagsugo sa akin. At ang mga lalapit sa akin ay bubuhayin kong muli sa huling araw.
45It is written in the Prophets: 'And they will all be taught by our Father.' Everyone who has heard and learned from the Father comes to me.OASDAyon sa isinulat ng mga propeta, ‘Tuturuan silang lahat ng Diyos.’ Kaya ang lahat ng nakikinig at natututo sa Ama ay lalapit sa akin.
46Not that anyone has seen the Father except the one from him; he has seen the Father.OASDWalang sinumang nakakita sa Ama maliban sa akin na nagmula sa Diyos. Ako lang ang nakakita sa Ama.
47Truly, truly, I tell you, whoever believes has eternal life.OASD“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan.
48I am the bread of life.OASDAko ang tinapay na nagbibigay-buhay.
49Your ancestors ate the manna in the wilderness, yet they died.OASDKumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, subalit namatay din silang lahat.
50This is the bread that comes down from heaven, so anyone may eat it and not die.OASDNgunit narito ang tinapay na mula sa langit, at hindi na mamamatay ang sinumang kumain nito.
51I am the living bread come down from heaven. Whoever eats this bread will live forever. The bread I will give is my flesh, for the life of the world."OASDAko ang tinapay na mula sa langit. Ang sinumang kumain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay upang magkaroon ng buhay ang mga tao ay walang iba kundi ang aking katawan.”
52Then the Jews argued sharply among themselves, "How can this man give us his flesh to eat?"OASDDahil sa sinabi niyang ito, nagtalo-talo ang mga tao. Sinabi nila, “Paano maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang katawan para kainin?”
53Jesus told them, "Truly, truly, I tell you, unless you eat the flesh of the Son of Man and drink his blood, you have no life in yourselves.OASDSinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang kainin ninyo ang katawan ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay.
54Whoever feeds on my flesh and drinks my blood has eternal life, and I will raise him on the last day.OASDAng sinumang kumain ng aking katawan at uminom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw.
55For my flesh is true food, and my blood is true drink.OASDSapagkat ang aking katawan ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56Whoever feeds on my flesh and drinks my blood remains in me, and I in him.OASDAng sinumang kumain ng aking katawan at uminom ng aking dugo ay mananatili sa akin, at ako naman sa kanya.
57As the living Father sent me and I live because of the Father, so whoever feeds on me will live because of me.OASDAng Ama na nagsugo sa akin ang pinagmumulan ng buhay, at dahil sa kanya ay nabubuhay ako. Ganoon din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.
58This is the bread that came down from heaven. It is not like the bread your ancestors ate and still died. Whoever feeds on this bread will live forever."OASDAko ang tunay na tinapay na mula sa langit. Hindi ito tulad ng ‘manna’ na kinain ng inyong mga ninuno, dahil namatay pa rin sila kahit kumain sila noon. Ngunit ang sinumang kumain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”
59He said these things while teaching in the synagogue at Capernaum.OASDSinabi ni Hesus ang mga bagay na ito nang magturo siya sa sinagoga sa Capernaum.
60On hearing it, many of his disciples said, "This is a hard teaching. Who can accept it?"OASDNang marinig iyon ng mga alagad ni Hesus, marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat ang itinuturo niya. Sino ang makakatanggap nito?”
61Aware that his disciples were grumbling about this, Jesus said to them, "Does this offend you?OASDKahit na walang nagsabi sa kanya, alam ni Hesus na nagbubulung-bulungan ang mga alagad niya dahil sa mga itinuro niya. Kaya sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo matanggap ang mga sinabi ko?
62"Then what if you see the Son of Man ascending to where he was before?OASDPaano pa kaya kung makita ninyo ang Anak ng Tao na pumapaitaas pabalik sa kanyang pinanggalingan?
63The Spirit gives life; the flesh helps nothing. The words I have spoken to you are spirit and life.OASDAng Espiritu ang siyang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakapagbibigay-buhay.
64But some of you don't believe." For Jesus knew from the start who didn't believe, and who would betray him.OASDNgunit may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sinabi ito ni Hesus dahil alam niya sa simula pa kung sino ang mga hindi sumasampalataya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya.
65And he said, "This is why I told you: no one can come to me unless the Father enables him."OASD“Ito ang dahilan kaya sinabi ko sa inyong walang makakalapit sa akin malibang ipahintulot ng Ama,” dagdag pa ni Hesus.
66From this time many of his disciples turned back and no longer walked with him.OASDMula noon, marami sa mga alagad niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya.
67So Jesus asked the Twelve, "Do you want to leave too?"OASDKaya tinanong ni Hesus ang labindalawa, “Kayo, gusto rin ba ninyong umalis?”
68Simon Peter answered him, "Lord, to whom should we go? You have the words of eternal life.OASDSumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
69We have believed and known you are the Holy One of our Father."OASDSumasampalataya kami sa inyo at alam naming kayo ang Banal na sugo ng Diyos.”
70Jesus answered them, "Have I not chosen you, the Twelve? Yet one of you is a devil."OASDSinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi baʼt pinili ko kayong labindalawa? Ngunit ang isa sa inyo ay diyablo!”
71He meant Judas, son of Simon Iscariot, one of the Twelve, who was about to betray him.OASD(Ang tinutukoy ni Hesus ay si Judas na anak ni Simon Iscariote, dahil kahit kabilang si Judas sa labindalawa, tatraydurin niya si Hesus sa bandang huli.)