Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After this there was a feast of the Jews, and Jesus went up to Jerusalem. Pagkaraan nitoʼy pumunta si Hesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Hudyo.
2 By the Sheep Gate in Jerusalem is a pool with five covered porches, called Bethesda in Aramaic. Malapit sa isang pintuan ng Jerusalem na tinatawag na Pintuan ng Tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Arameo ay Betsata. Sa paligid nito ay may limang silungan,
3 In these lay a multitude of the sick—blind, lame, and paralyzed. kung saan nakahiga ang maraming maysakit; mga bulag, pilay, at mga paralitiko. [
4 Not in this edition Naroon sila dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Diyos na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.]
5 One man was there who had been sick for thirty-eight years. May isang lalaki roon na tatlumpuʼt walong taon nang may sakit.
6 Seeing him lying there and knowing he had already been there a long time, Jesus asked, "Do you want to be healed?" Nakita siya ni Hesus na nakahiga roon at napagtanto niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Hesus, “Gusto mo bang gumaling?”
7 The sick man answered him, "Sir, I have no one to put me in the pool once the water stirs—while I'm on my way, someone else gets in first." Sumagot ang may sakit, “Gusto ko po sana, ngunit walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako ay nauunahan na ako ng iba.”
8 Jesus said to him, "Get up, take up your mat, and walk." Sinabi ni Hesus sa kanya, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!”
9 At once the man became well, picked up his mat, and walked. That day was the Sabbath. Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang kanyang higaan at lumakad. Nangyari ito sa Araw ng Pamamahinga,
10 So the Jews told the healed man, "It's the Sabbath—you're not allowed to carry your mat." kaya sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo sa taong pinagaling, “Araw ng Pamamahinga ngayon kayaʼt labag sa Kautusan ang pagbubuhat mo ng iyong higaan!”
11 He answered them, "The man who healed me told me, 'Take up your mat and walk.'" Ngunit sumagot siya, “Ang taong nagpagaling sa akin ang nag-utos na buhatin ko ito at lumakad.”
12 They asked him, "Who is the man who told you, 'Take it up and walk'?" Tinanong nila siya, “Sino ang nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka?”
13 But the healed man didn't know who it was, since Jesus had slipped away into the crowd there. Ngunit hindi nakilala ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, dahil nawala na si Hesus sa dami ng tao.
14 Later Jesus found him in the temple and said, "You are healed now. Stop sinning, or something worse may happen to you." Hindi nagtagal, nakita ni Hesus sa Templo ang taong pinagaling niya, at sinabihan, “O, magaling ka na ngayon. Huwag ka nang magkasala pa, at baka mas masama pa ang mangyari sa iyo.”
15 The man went away and told the Jews that it was Jesus who had made him well. Umalis ang lalaki at pumunta sa mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi niya sa kanila na si Hesus ang nagpagaling sa kanya.
16 And so the Jews began persecuting Jesus, because he was doing these things on the Sabbath. Kaya mula noon, sinimulang usigin ng mga pinuno ng mga Hudyo si Hesus, dahil nagpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga.
17 But Jesus answered them, "My Father is working until now, and I too am working." Ngunit sinabihan sila ni Hesus, “Ang aking Ama ay patuloy sa kanyang gawain, at ganoon din ako.”
18 So the Jews sought even more to kill him: he not only broke the Sabbath but called our Father his own Father, making himself equal to him. Dahil sa sinabing ito ni Hesus, lalo nilang sinikap na patayin siya. Sapagkat hindi lang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, kundi tinawag pa niyang Ama ang Diyos, at sa gayoʼy ipinapantay niya ang kanyang sarili sa Diyos.
19 So Jesus said to them, "Truly, truly, I tell you: the Son can do nothing on his own, but only what he sees the Father doing. Whatever the Father does, the Son does the same. Kaya sinabi rin ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang Anak ay walang magagawa kung sa sarili lamang niya. Ginagawa niya ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Kaya kung ano ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak.
20 "For the Father loves the Son and shows him everything he does; he will show him greater works than these, so you will be amazed. Minamahal ng Ama ang kanyang Anak, kaya ipinapakita niya sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. Sa katunayan, higit pang mga dakilang gawa kaysa sa nakikita ninyo ngayon ang mga ipapakita niya sa Anak upang mamangha kayo.
21 For as the Father raises the dead and gives life, so the Son too gives life to anyone he wants. Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito.
22 For the Father judges no one, but has entrusted all judgment to the Son, Sa katunayan, hindi ang Ama ang hahatol sa mga tao kundi ang kanyang Anak, dahil ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol,
23 so everyone honors the Son as they honor the Father; whoever doesn't honor the Son doesn't honor the Father who sent him. upang parangalan ng lahat ang Anak tulad ng pagpaparangal nila sa Ama. Kaya, ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi rin nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kanya.
24 Truly, truly, I tell you: whoever hears my word and believes the one who sent me has eternal life and won't face judgment—they have passed from death to life. “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumusunod sa aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan sapagkat inilipat na nga siya sa buhay mula sa kamatayan.
25 Truly, truly, I tell you, an hour comes, and is now here, when the dead will hear the voice of the Son of our Father, and those hearing will live. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang oras, at dumating na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang makikinig sa kanya ay mabubuhay.
26 For as the Father has life in himself, he gave the Son to also have life in himself. Kung paanong ang Ama ang siyang pinagmumulan ng buhay, ganoon din ang Anak. Sapagkat ibinigay sa kanya ng Ama ang ganoong kapangyarihan.
27 And he has given him authority to execute judgment, because he is the Son of Man. Ibinigay rin niya sa Anak ang kapangyarihang humatol dahil siya ang Anak ng Tao.
28 Don't be astonished at this—an hour is coming when everyone in the tombs will hear his voice, “Huwag kayong magtaka tungkol dito, dahil darating ang oras na maririnig ng lahat ng patay ang aking tinig,
29 and come out—those who did good, to the resurrection of life; those who did evil, to the resurrection of judgment. at babangon sila mula sa kanilang mga libingan. Ang mga gumawa ng mabuti ay muling babangon upang mabuhay nang walang hanggan, at ang mga gumawa ng masama ay babangon para maparusahan.
30 By myself I can do nothing. I judge as I hear; my judgment is fair, because I seek not my own will but the will of the One who sent me. Wala akong magagawa kung sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi ng aking Ama. Kaya makatarungan ang hatol ko dahil hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
31 "If I testify about myself, my testimony is not valid. “Ngayon, kung ako lang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, kaduda-duda ang sinasabi ko.
32 There is another who testifies about me, and I know his testimony about me is true. Ngunit may isang nagpapatotoo tungkol sa akin, at alam kong totoo ang kanyang sinasabi.
33 You sent messengers to John, and he has testified to the truth. “Sa katunayan, maging si Juan na Tagapagbautismo ay nagpatotoo tungkol sa akin, at sinabi niya sa inyo ang katotohanan nang magsugo kayo ng ilang tao para tanungin siya.
34 Not that I accept human testimony, but I say these things so that you may be saved. Binanggit ko ang tungkol kay Juan, hindi dahil sa kailangan ko ang patotoo ng tao, kundi upang sa pamamagitan ng kanyang mga salita ay sumampalataya kayo at maligtas.
35 John was a burning, shining lamp, and you were willing to rejoice briefly in his light. Si Juan ay tulad ng isang ilaw na nagliliwanag, at lubos kayong nasiyahan sa liwanag niya sa inyo kahit panandalian lamang.
36 But I have testimony greater than John's: the works my Father gave me to finish—the very works I'm doing—testify that my Father sent me. “Tulad nga ng sinabi ko, may higit pa kay Juan na nagpapatotoo tungkol sa akin. Itoʼy walang iba kundi ang mga ipinapagawa sa akin ng Ama na ginagampanan ko. Ang mga gawaing ito ang nagpapatunay na ang Ama ang nagsugo sa akin.
37 And my Father who sent me has himself testified about me. You've never heard his voice or seen his form, At ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanman ay hindi nʼyo narinig ang tinig niya o nakita ang anyo niya.
38 and you don't have his word remaining in you, since you don't believe the one he sent. At hindi nananatili sa inyo ang kanyang salita, sapagkat hindi kayo sumasampalataya sa akin na kanyang sinugo.
39 You search the Scriptures, thinking they hold eternal life—yet they themselves testify about me, Sinasaliksik ninyo ang Kasulatan sa pag-aakalang sa pamamagitan nitoʼy magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang Kasulatan mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin,
40 yet you refuse to come to me so that you may have life. ngunit ayaw ninyong lumapit sa akin upang magkaroon ng buhay.
41 I do not accept glory from people, “Kumpara sa inyo, hindi ko hinahangad ang papuri mula sa tao,
42 but I know you—that you do not have the love of our Father within you. ngunit alam kong iba kayo. Wala sa puso ninyo ang pagmamahal sa Diyos.
43 I have come in my Father's name, and you don't receive me; if another comes in his own name, you'll receive him. Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at hindi ninyo ako tinanggap. Ngunit kung may dumarating sa sarili niyang pangalan ay tinatanggap naman ninyo siya.
44 How can you believe, when you accept glory from one another and don't seek the glory from the only God? Paano kayo mananalig sa akin kung ang papuri lang ng kapwa ang hangad ninyo, at hindi ang papuri ng nag-iisang Diyos?
45 Don't think I will accuse you before my Father. Moses, in whom you've hoped, accuses you. “Huwag ninyong isipin na ako ang mag-aakusa sa inyo sa harap ng Ama. Si Moises na inaasahan ninyong mamamagitan para sa inyo, siya mismo ang mag-aakusa sa inyo.
46 For if you believed Moses, you would believe me, because he wrote about me. Sapagkat kung totoong naniniwala kayo kay Moises, maniniwala rin kayo sa akin dahil si Moises mismo ay sumulat tungkol sa akin.
47 But if you do not believe his writings, how will you believe my words?" Ngunit kung hindi kayo naniniwala sa mga isinulat niya, paano kayo maniniwala sa mga sinasabi ko?”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]