Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So when Jesus knew the Pharisees heard he was making and baptizing more disciples than John. Nalaman ni Hesus na nabalitaan na ng mga Pariseo na mas marami na siyang nahihikayat at nababautismuhan na mga alagad kaysa kay Juan,
2 (though Jesus himself was not baptizing, but his disciples were), kahit na hindi naman mismong si Hesus ang nagbabautismo kundi ang mga alagad niya.
3 he left Judea and went back to Galilee. Kaya umalis siya sa Judea at bumalik sa Galilea.
4 And he had to pass through Samaria. Ngunit kinailangan muna niyang dumaan sa Samaria.
5 So he came to a town of Samaria called Sychar, near the field Jacob gave his son Joseph. Dumating sila sa isang bayan na tinatawag na Sicar, malapit sa bukiring ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose.
6 Jacob's well was there. Jesus, tired from the trip, sat down at the well—about noon. Matatagpuan doon ang balon na hinukay ni Jacob. Tanghaling-tapat na noon at dahil pagod na si Hesus sa paglalakbay, umupo siya sa tabi ng balon.
7-8 A woman of Samaria came to draw water. Jesus said to her, "Give me a drink." Tumuloy naman ang mga alagad niya sa bayan para bumili ng pagkain. Dumating ang isang babaeng taga-Samaria para umigib. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Puwede bang makiinom?”
8 (For his disciples had gone into the town to buy food.). Not in this edition
9 The Samaritan woman said, "You're a Jew; why ask me, a Samaritan woman, for a drink?" (Jews don't associate with Samaritans.). Sumagot ang babae, “Kayo po ay isang Hudyo at ako namaʼy Samaritana. Bakit po kayo humihingi ng maiinom sa akin?” (Sinabi niya ito dahil hindi nakikihalubilo ang mga Hudyo sa mga taga-Samaria.)
10 Jesus answered her, "If you knew our Father's gift, and who asks you, 'Give me a drink,' you'd have asked him, and he'd have given you living water." Sinabi ni Hesus sa babae, “Kung alam mo lang ang ipinagkakaloob ng Diyos, at kung sino ang humihingi ng maiinom saʼyo, baka ikaw pa ang manghingi sa kanya at bibigyan ka ng tubig na nagbibigay-buhay.”
11 The woman said to him, "Sir, you have nothing to draw with, and the well is deep. Where then do you get this living water? Sinabi ng babae, “Malalim po ang balon at wala kayong pang-igib. Saan po kayo kukuha ng tubig na nagbibigay-buhay?
12 Are you greater than our father Jacob, who gave us the well, drank from it himself, with his sons and livestock?" Nakahihigit po ba kayo sa aming ninunong si Jacob na nagbigay sa amin ng balong ito? Uminom siya dito pati ang mga anak niya, gayundin ang kanyang mga alagang hayop.”
13 Jesus said to her, "Everyone who drinks of this water will be thirsty again, Sumagot si Hesus, “Ang lahat ng umiinom ng tubig na itoʼy muling mauuhaw,
14 but whoever drinks the water I give him will never thirst again; that water will become in him a spring of water welling up to eternal life." ngunit ang sinumang iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na kailanman mauuhaw. Dahil ang tubig na ibibigay ko ay magiging tulad ng isang bukal sa loob niya na magbibigay ng buhay na walang hanggan.”
15 The woman said to him, "Sir, give me this water, so I won't get thirsty or come here to draw water." Sinabi ng babae, “Bigyan nʼyo po ako ng tubig na sinasabi nʼyo upang hindi na ako muling mauhaw at hindi ko na kailangan pang pumunta rito para umigib.”
16 Jesus said to her, "Go, call your husband, and come back here." Sinabi sa kanya ni Hesus, “Umuwi ka, tawagin mo ang iyong asawa at isama mo rito.”
17 The woman answered, "I have no husband." Jesus told her, "You're right to say you have no husband. “Wala po akong asawa,” sagot ng babae. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tama ang sinabi mo na wala kang asawa,
18 For you've had five husbands, and the man you have now isn't your husband. You've spoken the truth." dahil lima na ang naging asawa mo, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Nagsasabi ka nga ng totoo.”
19 The woman said to him, "Sir, I see that you are a prophet. Sumagot ang babae, “Sa tingin ko, isa po kayong propeta.
20 Our fathers worshiped on this mountain, but you say Jerusalem is where people must worship." Ang aming mga ninuno ay sumamba sa Diyos sa bundok na ito, ngunit kayong mga Hudyo ay nagsasabi na sa Jerusalem lang dapat sumamba ang mga tao.”
21 Jesus told her, "Woman, believe me: an hour is coming when you'll worship the Father neither on this mountain nor in Jerusalem. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Maniwala ka sa akin; darating ang panahon na hindi na kayo sasamba sa Ama sa bundok na ito o sa Jerusalem.
22 You worship what you don't know; we worship what we know—salvation comes from the Jews. Kayong mga Samaritano ay hindi nakakakilala sa sinasamba ninyo. Ngunit kaming mga Hudyo, kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay mula sa amin.
23 But a time is coming, and now is, when true worshipers worship the Father in spirit and truth—for the Father seeks such worshipers. Tandaan mo, darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa Espiritu at katotohanan. Ganyan ang mga taong hinahanap ng Ama na sasamba sa kanya.
24 The Father is spirit, and those who worship him must worship in spirit and truth." Ang Diyos ay Espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat pinapangunahan ng Espiritu at naaayon sa katotohanan.”
25 The woman said to him, "I know Messiah—the one called Christ—is coming. When he comes, he will tell us everything." Sinabi ng babae, “Alam ko pong darating ang Mesias (na tinatawag ding Kristo). At pagdating niya, ipapaliwanag niya sa amin ang lahat ng bagay.”
26 Jesus said to her, "I am he—the one speaking to you." Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ako iyon, ako na kausap mo ngayon.”
27 Just then his disciples returned, amazed he was talking with a woman. Yet no one said, "What do you want?" or, "Why talk with her?" Nang sandaling iyon, dumating ang mga alagad ni Hesus. Nagtaka sila nang madatnan nilang nakikipag-usap siya sa isang babae. Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nagtanong, “Ano ang kailangan nʼyo sa kanya?” o “Bakit kayo nakikipag-usap sa kanya?”
28 So the woman left her water jar and went back to town and said to the people, Iniwan naman ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga tagaroon,
29 "Come, see a man who told me everything I ever did. Could this be the Christ?" “Halikayo! Ipapakita ko sa inyo ang taong alam na alam ang lahat ng ginawa ko! Siya na nga kaya ang Mesias?”
30 They left the town and were coming to him. Kaya lumabas ang mga tao at pumunta sa kinaroroonan ni Hesus.
31 Meanwhile the disciples were urging him, "Rabbi, eat." Samantala, pinapakiusapan ng mga alagad si Hesus at sinabi, “Rabbi, kumain na po kayo.”
32 But he said to them, "I have food to eat that you know nothing about." Ngunit sumagot si Hesus, “May pagkain akong hindi ninyo alam.”
33 So the disciples said to one another, "Has anyone brought him something to eat?" Kaya nagtanungan ang mga alagad niya, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?”
34 Jesus said to them, "My food is doing the will of the one who sent me and finishing his work. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang pagkain ko ay ang pagsunod sa kalooban ng nagsugo sa akin at ang pagtupad sa kanyang ipinapagawa.
35 Don't you say, 'Four months more, then harvest comes'? Look, I tell you: raise your eyes, see the fields—white for harvest. Hindi baʼt may kasabihan kayo, ‘Apat na buwan pa bago ang anihan.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, anihan na! Tingnan ninyo ang mga taong dumarating; tulad sila ng mga trigo sa bukid na hinog na at maaari nang anihin!
36 Already the harvester earns wages, gathering fruit for eternal life, so that planter and harvester may rejoice together. Ang mga tagapag-ani ay binabayaran na, at ang mga inaani nila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Kaya parehong matutuwa ang nagtanim at ang nag-ani.
37 For here the saying holds true: 'One plants and another harvests.' Totoo ang kasabihang, ‘Iba ang nagtatanim at iba naman ang umaani.’
38 I sent you to reap what you didn't work for. Others worked, and you have entered into their labor." Sinugo ko kayo para anihin ang hindi ninyo itinanim. Iba ang nagpakahirap, at kayo ang umani ng kanilang pinaghirapan.”
39 Many Samaritans from that town believed in him because of the woman's testimony: "He told me everything I ever did." Maraming Samaritano sa bayang iyon ang sumampalataya kay Hesus dahil nagpatotoo ang babae at sinabi, “Sinabi niya saʼkin ang lahat ng ginawa ko.”
40 When the Samaritans came to him, they asked him to stay with them; he stayed two days. Kaya pagdating ng mga Samaritano kay Hesus, hiniling nila na manatili muna siya roon sa kanila. At nanatili nga siya roon ng dalawang araw.
41 And many more believed because of his word. Dahil sa pangangaral niya, marami pa sa kanila ang sumampalataya.
42 They told the woman, "It is no longer because of what you said that we believe—we've heard for ourselves, and we know this man truly is the Savior of the world." Sinabi nila sa babae, “Sumasampalataya kami ngayon hindi lang dahil sa sinabi mo. Ngayoʼy narinig namin mismo sa kanya at alam naming siya nga ang Tagapagligtas ng sanlibutan.”
43 After the two days he departed from there for Galilee. Pagkatapos ng dalawang araw na pamamalagi roon ni Hesus, umalis siya at nagtungo sa Galilea.
44 (For Jesus himself had testified that a prophet has no honor in his own hometown.). (Si Hesus mismo ang nagsabi na ang isang propeta ay hindi iginagalang sa sarili niyang bayan.)
45 When he arrived in Galilee, the Galileans welcomed him, having seen all he did in Jerusalem at the feast—they too had gone to the feast. Pagdating niya sa Galilea, malugod siyang tinanggap ng mga tao, dahil naroon sila sa Jerusalem noong Pista ng Paglampas ng Anghel at nakita nila ang lahat ng ginawa niya roon.
46 He went again to Cana in Galilee, where he had turned water to wine. A royal official's son was sick at Capernaum. At dooʼy bumisita siyang muli sa Cana na sakop ng Galilea, sa bayan kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Sa kalapit na bayang Capernaum ay may isang opisyal ng pamahalaan na mayroong anak na lalaking may sakit.
47 Hearing that Jesus had come from Judea to Galilee, he went to him and begged him to come down and heal his son, who was about to die. Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya si Hesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa Capernaum at pagalingin ang anak nitong nag-aagaw-buhay.
48 So Jesus said to him, "Unless you people see signs and wonders, you will never believe." Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hanggaʼt hindi kayo nakakakita ng mga tanda at kababalaghan, hindi kayo maniniwala sa akin.”
49 The royal official said to him, "Sir, come down before my child dies." Sumagot ang opisyal, “Panginoon, sumáma na po kayo sa akin bago mamatay ang anak ko.”
50 Jesus said to him, "Go; your son will live." The man believed what Jesus told him and left. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Puwede ka nang umuwi. Mabubuhay ang iyong anak.” Naniwala ang opisyal sa sinabi ni Hesus at umuwi siya.
51 As he was going down, his servants met him and told him that his boy was living. Sa daan pa lang ay sinalubong na siya ng mga alipin niya at sinabi sa kanya na magaling na ang kanyang anak.
52 So he asked them the hour he improved, and they said, "Yesterday at the seventh hour, the fever left him." Kaya tinanong niya kung anong oras ito gumaling. Sumagot sila, “Ala-una ng hapon po kahapon nang biglang mawala ang lagnat niya.”
53 So the father knew this was the hour when Jesus told him, "Your son will live." He and his whole household believed. Naalala ng opisyal na sa oras ding iyon ay sinabi sa kanya ni Hesus, “Mabubuhay ang iyong anak.” Kaya siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Hesus.
54 This was now the second sign that Jesus did when he had come from Judea to Galilee. Ito ang ikalawang himala at tanda na ginawa ni Hesus sa Galilea pagkagaling niya sa Judea.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]