Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now there was a man of the Pharisees named Nicodemus, a ruler of the Jews. May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo. Isa siya sa mga pinuno ng mga Hudyo.
2 This man came to Jesus at night and said, "Rabbi, we know you are a teacher who has come from our Father, for no one can do these signs you do unless our Father is with him." Isang gabi, pumunta siya kay Hesus at sinabi, “Rabbi, alam naming isa kayong tagapagturo na nagmula sa Diyos, dahil walang makagagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Diyos.”
3 Jesus answered, "Truly, truly, I tell you: unless someone is born from above, he can't see the kingdom of our Father." Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli.”
4 Nicodemus asked, "How can a man be born when he's old? Can he enter his mother's womb again and be born?" Nagtanong si Nicodemo, “Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi naman siya puwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli!”
5 Jesus answered, "Truly, truly, I tell you, unless one is born of water and the Holy Spirit, he can't enter our Father's kingdom. Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.
6 Born of the flesh is flesh, and born of the Holy Spirit is spirit. Ang ipinanganak ng tao ay sumusunod sa ugali ng tao. Ngunit ang ipinanganak sa Espiritu ay sumusunod sa ugali ng Espiritu.
7 Don't be amazed that I said to you, 'You must be born from above.' Kaya huwag kang magtaka sa sinabi ko saʼyo na kailangang ipanganak kang muli.
8 Wind blows where it wants; you hear its sound but don't know where it comes from or where it goes. So it is with everyone born of the Spirit." Ang hangin ay umiihip kung saan nito gusto. Nararamdaman natin ito ngunit hindi natin alam kung saan ito nanggagaling o saan papunta. Ganyan din kahirap maunawaan ang kapanganakang espirituwal.”
9 Nicodemus said to him, "How can these things be?" Nagtanong muli si Nicodemo, “Paano po mangyayari ʼyon?”
10 Jesus answered him, "Are you the teacher of Israel and yet you do not understand these things? Sumagot si Hesus, “Isa kang tanyag na tagapagturo sa Israel, ngunit hindi mo ito nauunawaan?
11 Truly, truly, I tell you: we speak what we know, we testify to what we've seen, yet you don't accept our testimony. Sinasabi ko sa iyo ang totoo, ipinapahayag namin ang aming nalalaman at nagpapatotoo kami tungkol sa aming nasaksihan, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.
12 If I told you earthly things and you don't believe, how will you believe if I tell you heavenly things? Kung hindi kayo naniniwala sa mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa kaya kayo maniniwala sa mga sasabihin ko tungkol sa mga bagay sa langit?
13 No one has ascended into heaven except the one who descended from heaven, the Son of Man. Wala pang nakaakyat sa langit kundi ang Anak ng Tao na bumabâ mula sa langit.
14 As Moses lifted up the serpent in the wilderness, so the Son of Man must be lifted up, Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso doon sa ilang, kailangan ding itaas ang Anak ng Tao
15 that whoever believes in him may have eternal life. upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
16 For our Father so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him will not perish but have eternal life. “Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 For our Father did not send his Son into the world to condemn the world, but so the world could be saved through him. Sapagkat isinugo ng Diyos ang kanyang Anak dito sa sanlibutan upang iligtas ito, hindi upang hatulan.
18 Whoever believes in him isn't condemned; whoever doesn't believe is condemned already, for not believing in the name of the one and only Son of our Father. “Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumasampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.
19 This is the judgment: light has entered the world, and people loved darkness more than light because their deeds were evil. Ito ang batayan ng hatol: Dumating ang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa kadiliman kaysa sa liwanag, sapagkat masama ang mga ginagawa nila.
20 Everyone who does evil hates the light and won't come to the light, so that his deeds aren't exposed. Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw at hindi lumalapit dito, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa.
21 But whoever does the truth comes to the light, so it may be revealed that his works have been done in our Father." Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maipakita na ang kanyang mga gawa ay naaayon sa kalooban ng Diyos.”
22 After this, Jesus and his disciples went into the Judean countryside, where he stayed with them, baptizing. Pagkatapos nito, pumunta si Hesus at ang mga alagad niya sa iba pang lugar na sakop ng Judea. Nanatili sila roon at nagbautismo ng mga tao.
23 John also baptized at Aenon near Salim, since water was plentiful there, and people came and were baptized, Nooʼy nagbabautismo rin si Juan sa Enon, malapit sa Salim, dahil maraming tubig doon. Maraming tao ang pumupunta sa kanya para magpabautismo.
24 for John had not yet been put in prison. (Nangyari ito bago nakulong si Juan.)
25 Now a discussion arose between some of John's disciples and a Jew over purification. Ngayon, nagkaroon ng pagtatalo ang ilang alagad ni Juan at ang isang Hudyo tungkol sa ritwal ng paghuhugas.
26 They came to John and said, "Rabbi, the man with you beyond the Jordan, the one you testified about—he's baptizing, and everyone goes to him." Pumunta sila kay Juan at sinabi, “Rabbi, ang taong nakasama nʼyo sa kabila ng Ilog Jordan na inyong pinatotohanan ay nagbabautismo na rin, at halos lahat ng tao ay pumupunta sa kanya.”
27 John replied, "A person cannot receive even one thing unless it is given him from heaven. Sumagot si Juan, “Hindi matatanggap ng tao ang kahit ano, maliban kung itoʼy ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.
28 You yourselves can testify: I said 'I'm not the Christ, but sent ahead of him.' Kayo mismo ang makakapagpatunay na sinabi kong hindi ako ang Mesias, kundi sinugo lamang ako para mauna sa kanya.
29 The one with the bride is the bridegroom—Jesus. The bridegroom's friend, who stands and hears him, rejoices greatly at the bridegroom's voice. So my joy is now complete. Sa isang kasalan, ang babaeng ikakasal ay para lamang sa lalaking ikakasal. Ang lalaking abay ay nakatayo at hinihintay ang pagdating ng lalaking ikakasal, at tuwang-tuwa siya kapag narinig niya ang boses nito. Gayundin naman, punong-puno ako ng kagalakan.
30 He must increase, but I must decrease." Dapat lalo pa siyang maitaas, at ako namaʼy maibaba.
31 The one who comes from above is above all. The one from earth belongs to earth and speaks in an earthly way. The one who comes from heaven is above all. “Siyaʼy nagmula sa itaas kaya dakila siya sa lahat. Ang nagmula sa lupa ay para sa lupa at ang sinasabi niyaʼy patungkol lamang sa mga bagay dito sa lupa. Ngunit siyaʼy nagmula sa langit, kaya dakila siya sa lahat.
32 He bears witness to what he has seen and heard, yet no one receives his testimony. Pinapatotohanan niya ang nakita at narinig niya sa langit, pero iilan lang ang naniniwala sa kanyang patotoo.
33 Whoever receives his testimony confirms that our Father is true. Ngunit ang sinumang naniniwala sa kanya ay sumasaksi na totoo ang sinasabi ng Diyos.
34 The one our Father sent speaks our Father's words, for he gives the Holy Spirit without measure. Sapagkat ang Mesias na sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos, dahil lubos na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu.
35 Our Father loves the Son and has given all things into his hand. Mahal ng Ama ang kanyang Anak, at ipinasailalim niya ang lahat ng bagay sa awtoridad ng Anak.
36 Whoever believes in the Son has eternal life; whoever disobeys the Son won't see life—our Father's wrath remains on him. Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang sumusuway sa kanya ay hindi makakamtan ang buhay na ito, sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]