Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 On the third day, a wedding took place in Cana of Galilee; Jesus's mother was there. Pagkalipas ng dalawang araw, may ginanap na kasalan sa bayan ng Cana na sakop ng Galilea. Naroon ang ina ni Hesus,
2 Jesus and his disciples were also invited to the wedding. at naimbitahan din sina Hesus at ang mga alagad niya.
3 When the wine ran out, the mother of Jesus said to him, "They have no wine." Nang maubos na ang alak sa handaan, sinabihan si Hesus ng kanyang ina, “Ubos na ang alak.”
4 "Woman, why are you bringing me into this?" Jesus replied. "My hour has not yet come." Sumagot si Hesus, “Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko.”
5 His mother said to the servants, "Do whatever he tells you." Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”
6 Six stone water jars stood there, used for Jewish purification, each holding twenty to thirty gallons. May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Hudyo sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litrong tubig.
7 Jesus said to them, "Fill the jars with water," so they filled them to the brim. Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila ang mga ito.
8 He told them, "Draw some out now, and take it to the head steward." So they did. Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumalok kayo nang kaunti at dalhin sa namamahala ng handaan.” At dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan.
9 The master of the banquet tasted the water now wine, not knowing its source—though the servants who drew it knew. So he called the bridegroom aside, Tinikman niya ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling (bagamaʼt alam ito ng mga katulong na sumalok ng tubig). Kaya ipinatawag niya ang lalaking ikinasal
10 and said, "Everyone serves the good wine first, then the lesser once guests are drunk. But you've kept the good wine till now." at sinabi, “Kadalasan, ang pinakamasarap na alak muna ang inihahain, at kapag marami nang nainom ang mga panauhin, saka naman inilalabas ang mababang uri. Ngunit ikaw, ngayon mo lang inilabas ang masarap na alak.”
11 Jesus performed this first sign at Cana in Galilee. He revealed his glory, and his disciples believed in him. Ang nangyaring ito sa Cana ng Galilea ang unang himala na ginawa ni Hesus kung saan ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at sumampalataya sa kanya ang mga alagad niya.
12 After this he went down to Capernaum with his mother, brothers, and disciples, and stayed there a few days. Pagkatapos ng kasalan, pumunta si Hesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Nanatili sila roon nang ilang araw.
13 When the Jewish Passover was near, Jesus went up to Jerusalem. Malapit na noon ang Pista ng Paglampas ng Anghel, kaya pumunta si Hesus sa Jerusalem.
14 In the temple courts he found sellers of cattle, sheep, and doves, and others sitting at tables exchanging money. Pumasok siya sa patyo ng Templo at nadatnan niya roon ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa, at mga kalapati, at ang mga tagapalit ng pera na nakapuwesto sa mga lamesa nila.
15 He made a whip of cords and drove them all out of the temple courts, sheep and cattle alike, poured out the money-changers' coins, and overturned their tables. Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya silang lahat palabas ng Templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ikinalat niya ang salapi ng mga tagapalit ng pera at itinaob ang mga lamesa nila.
16 To the dove sellers he said, "Take these out of here! Don't make my Father's house a marketplace." Sinabi ni Hesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, “Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”
17 His disciples remembered that it is written: "Zeal for your house will consume me." Naalala ng mga alagad niya ang sinabi sa Kasulatan, “Ikapapahamak ko ang pagmamalasakit ko sa inyong bahay.”
18 So the Jews asked, "What sign will you show us for doing these things?" Dahil sa ginawa niya, tinanong siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, “Anong himala ang maipapakita mo sa amin bilang patunay na may karapatan kang gawin ito?”
19 Jesus answered them, "Destroy this temple, and in three days I will raise it up." Sinagot sila ni Hesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo kong muli.”
20 They replied, "This temple took forty-six years to build, and will you raise it in three days?" Sinabi naman nila, “Ginawa ang Templong ito nang apatnapuʼt anim na taon at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?”
21 But the temple he had spoken of was his body. Ngunit ang Templong tinutukoy ni Hesus ay ang kanyang katawan.
22 After he rose from the dead, his disciples remembered he had said this, and believed the Scripture and the word Jesus had spoken. Kaya nang nabuhay siyang muli, naalala ng mga alagad niya ang sinabi niyang ito, at naniwala sila sa pahayag ng Kasulatan at sa mga sinabi niya.
23 While he was in Jerusalem at the Passover, many saw the signs he did and trusted in his name. Habang nasa Jerusalem si Hesus noong Pista ng Paglampas ng Anghel, marami ang sumampalataya sa kanya dahil sa mga ginawa niyang kamangha-manghang tanda.
24 But Jesus would not entrust himself to them, for he knew all people. Ngunit hindi nagtiwala si Hesus sa kanila, dahil kilala niya ang lahat ng tao.
25 He didn't need anyone's testimony about people—he knew what was in each one. At hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa tao, dahil alam niya ang nasa puso ng bawat isa.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]