Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 13 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now, before the Passover festival, Jesus knew his hour had come to leave this world to his Father. Having loved his own in the world, he loved them to the end. Bisperas noon ng Pista ng Paglampas ng Anghel, alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng pag-alis niya sa mundong ito upang bumalik sa Ama. Mahal na mahal niya ang kanyang mga alagad dito sa mundo, at ipinakita niya ang kanyang pagmamahal sa kanila hanggang sa katapusan.
2 During supper, the devil had already put into Judas son of Simon Iscariot's heart the plan to betray Jesus. Nang gabing iyon, naghapunan si Hesus kasama ang kanyang mga alagad. Inudyukan na ni diyablo si Judas Iscariote, na anak ni Simon, na ipagkanulo niya si Hesus.
3 Jesus, knowing that the Father had given everything into his hands, and that he had come from him and was returning to him, Alam ni Hesus na ipinasailalim ng Ama sa kanyang kapangyarihan ang lahat. At alam din niyang galing siya sa Diyos at babalik din sa Diyos.
4 rose from supper, took off his outer clothes, picked up a towel, and tied it around his waist. Tumayo si Hesus habang naghahapunan sila. Hinubad niya ang kanyang panlabas na kasuotan at nagbigkis ng tuwalya sa baywang niya.
5 Then he poured water into a basin and began washing the disciples' feet, drying them with the towel tied around him. Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa isang palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad niya at pinunasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya.
6 He came to Simon Peter, who said to him, "Lord, are you going to wash my feet?" Paglapit niya kay Simon Pedro, sinabi nito, “Panginoon, huhugasan nʼyo po ba ang mga paa ko?”
7 Jesus answered him, "You do not realize now what I am doing, but later you will understand." Sumagot si Hesus, “Hindi mo naiintindihan ang ginagawa ko ngayon, ngunit maiintindihan mo rin sa bandang huli.”
8 "You will never wash my feet," Peter said. Jesus answered, "Unless I wash you, you share nothing with me." Sinabi ni Pedro sa kanya, “Hindi po ninyo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Hesus, “Hanggaʼt hindi ko hinuhugasan ang paa mo, wala kang kaugnayan sa akin.”
9 Simon Peter said to him, "Lord, not only my feet, but also my hands and head!" Kaya sinabi ni Simon Pedro, “Kung ganoon Panginoon, hindi lang po ang mga paa ko ang hugasan ninyo kundi pati na rin ang mga kamay at ulo ko!”
10 Jesus told him, "One who has bathed needs only to wash his feet—he is fully clean. You are clean, but not all of you." Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya, “Ang taong nakapaligo na ay kailangan lamang maghugas ng paa, sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. Malinis na kayo, ngunit hindi kayong lahat.”
11 He knew who would betray him; that's why he said, "Not all of you are clean." Sinabi ni Hesus na hindi lahat ay malinis dahil alam niya kung sino ang magkakanulo sa kanya.
12 After washing their feet and dressing, he reclined again and said to them, "Do you understand what I have done for you? Nang mahugasan na ni Hesus ang mga paa nila, muli niyang isinuot ang kanyang panlabas na kasuotan at bumalik sa hapag-kainan. Pagkatapos, tinanong niya sila, “Naiintindihan nʼyo ba ang ginawa ko sa inyo?
13 You call me Teacher and Lord, and rightly so, for that is what I am. Tinatawag nʼyo akong ‘Guro’ at ‘Panginoon’, at tama kayo dahil iyan nga ang totoo.
14 So if I, your Lord and Teacher, washed your feet, you too must wash each other's feet. Kung ako na Guro at Panginoon ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat ay ganoon din ang gawin ninyo sa isaʼt isa.
15 For I have given you an example, that you should do as I have done for you. Ginawa ko ito bilang halimbawa na dapat ninyong tularan. Kaya gawin din ninyo ang ginawa ko sa inyo.
16 Truly, truly, I say to you, a servant isn't greater than his master, nor a messenger greater than his sender. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang aliping higit sa kanyang amo; at wala ring isinugo na higit sa nagsugo sa kanya.
17 If you know these things, you are blessed if you do them. Ngayong alam nʼyo na ang mga bagay na ito, pagpapalain kayo ng Diyos kung gagawin nʼyo ang mga ito.
18 "I don't mean all of you—I know those I've chosen. But Scripture must be fulfilled: 'The one eating my bread has raised his heel against me.' “Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko, sapagkat kilala ko ang mga pinili ko. Ngunit kailangang matupad ang sinasabi sa Kasulatan, ‘Ipinagkanulo ako ng nakisalo sa akin sa pagkain.’
19 I tell you now, before it happens, so you'll believe, once it happens, that I AM. “Sinasabi ko ito sa inyo bago pa man mangyari, upang kapag nangyari na ay maniwala kayo na Ako ang sinasabi kong Ako.
20 Truly, truly, I tell you, whoever welcomes someone I send welcomes me, and whoever welcomes me welcomes the one who sent me." Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang tumatanggap sa mga taong isinugo ko ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.”
21 After saying this, Jesus, troubled in spirit, testified, "Truly, truly, I tell you, one of you will betray me." Pagkasabi nito ni Hesus, labis siyang nabagabag. Sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.”
22 The disciples looked at one another, at a loss to know which of them he meant. Nagtinginan ang mga alagad niya na naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya.
23 One of his disciples, the one Jesus loved, was reclining at his side. Nakaupo noon sa tabi ni Hesus ang alagad na malapit sa puso niya.
24 So Simon Peter motioned to him to ask which one Jesus meant. Kaya sinenyasan ito ni Simon Pedro na tanungin si Hesus kung sino ang tinutukoy niya.
25 Leaning back against Jesus, he asked him, "Lord, who is it?" Sumandal ito kay Hesus at nagtanong, “Panginoon, sino po ang tinutukoy ninyo?”
26 Jesus answered, "It's the one I'll give this bread to, once I've dipped it." Then he dipped the bread and gave it to Judas, son of Simon Iscariot. Sumagot si Hesus, “Kung sino ang bibigyan ko ng tinapay na isinawsaw ko, siya iyon.” Kaya kumuha si Hesus ng tinapay at matapos isawsaw ay ibinigay kay Judas na anak ni Simon Iscariote.
27 After Judas took the bread, Satan entered into him. So Jesus told him, "Do quickly what you're doing." Pagkatanggap ni Judas ng tinapay, pumasok sa kanya si Satanas. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Gawin mo na agad ang gagawin mo.”
28 But no one reclining at the table understood why he said this to him. Hindi naintindihan ng mga kasalo sa hapunan kung bakit sinabi iyon ni Hesus.
29 Since Judas held the money bag, some thought Jesus meant, 'Buy what we need for the feast,' or, 'Give something to the poor.' Ang akala ng iba, inutusan lang ni Hesus si Judas na bumili ng mga kakailanganin sa pista o kayaʼy magbigay ng limos sa mga mahihirap, dahil siya ang tagapag-ingat ng pera nila.
30 As soon as Judas had taken the bread, he went out. And it was night. Pagkakain ni Judas ng tinapay, agad siyang umalis. Gabi na noon.
31 After Judas left, Jesus said, "Now the Son of Man is glorified, and my Father is glorified in him. Nang makaalis na si Judas, sinabi ni Hesus, “Ang Anak ng Tao ay luluwalhatiin na, at sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos.
32 If my Father is glorified in him, my Father will also glorify the Son in himself and glorify him immediately. At kung sa pamamagitan niyaʼy luluwalhatiin ang Diyos, siya ay luluwalhatiin din ng Diyos, at gagawin niya ito kaagad.
33 Dear children, I'm with you a little longer. You'll look for me, and as I told the Jewish leaders, so I tell you now: where I'm going, you can't come. “Mga anak, sandali na lang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit gaya ng sinabi ko sa mga pinuno nating mga Hudyo, hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.
34 I give you a new command: love one another. As I have loved you, so you must love one another. “Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.
35 By this everyone will know that you are my disciples, if you love one another." Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo.”
36 Simon Peter said to him, "Lord, where are you going?" Jesus answered, "Where I'm going you can't follow me now, but you'll follow later." Nagtanong si Simon Pedro kay Hesus, “Panginoon, saan po kayo pupunta?” Sumagot si Hesus, “Sa ngayon ay hindi ka makakasama sa pupuntahan ko, pero susunod ka rin doon balang araw.”
37 Peter asked, "Lord, why can't I follow you now? I'll lay down my life for you." Nagtanong pa si Pedro, “Panginoon, bakit hindi ako maaaring sumáma sa inyo ngayon? Handa naman akong mamatay para sa inyo.”
38 Jesus replied, "You will lay down your life for me? Truly, truly, I tell you: the rooster won't crow until you have denied me three times." Sumagot si Hesus, “Talaga bang handa kang mamatay para sa akin? Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]