Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 14 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "Do not let your hearts be troubled. Believe in our Father; believe also in me. Sinabi pa ni Hesus, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Diyos at magtiwala rin kayo sa akin.
2 In my Father's house are many rooms. If it were not so, would I have told you that I am going to prepare a place for you? Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo.
3 And if I go and prepare a place for you, I'll come back and take you to myself, so you'll be where I am. Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo.
4 And you know the way to where I am going." At alam nʼyo na ang daan papunta sa pupuntahan ko.”
5 Thomas said to him, "Lord, we don't know where you're going—how can we know the way?" Sinabi ni Tomas sa kanya, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano po namin malalaman ang daan?”
6 Jesus told him, "I am the way, and the truth, and the life. No one comes to the Father except through me. Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
7 Had you known me, you would have known my Father too. Starting now, you know him and have seen him." Kung kilala nʼyo ako, kilala nʼyo na rin ang aking Ama. At ngayon nga ay nakilala at nakita nʼyo na siya.”
8 Philip said to him, "Lord, show us the Father, and that will be enough for us." Sinabi ni Felipe sa kanya, “Panginoon, ipakita nʼyo po sa amin ang Ama, at sapat na iyon sa amin.”
9 Jesus said, "Philip, I've been with you this long, and you don't know me? Whoever has seen me has seen the Father. How can you say, 'Show us the Father'? Sumagot si Hesus, “Felipe, ang tagal na nating magkasama, hindi mo pa rin ba ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa Ama. Paano mo nasabing ipakita ko sa inyo ang Ama?
10 Don't you believe I'm in the Father, and the Father in me? The words I speak to you aren't my own—the Father living in me does his works. Hindi ka ba naniniwala na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi nanggaling sa akin kundi sa Amang nasa akin. Siya ang gumagawa ng mga bagay na ginagawa ko.
11 Believe me: I'm in the Father, the Father in me—or else believe because of the works themselves. Maniwala kayo na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi kong ito, maniwala man lang sana kayo dahil sa mga ginawa ko.
12 Truly, truly, I tell you, whoever believes in me will do the works I do, and will do even greater works, because I am going to the Father. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumasampalataya sa akin ay makakagawa rin ng mga ginagawa ko, at higit pa rito ang magagawa niya dahil pupunta na ako sa Ama.
13 Whatever you ask in my name, I will do it, so the Father may be glorified in the Son. At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak.
14 If you ask me anything in my name, I will do it. Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan.
15 "If you love me, you will keep my commandments. “Kung mahal nʼyo ako, sundin ninyo ang aking mga utos.
16 And I will ask the Father, and he will give you another Helper, the Holy Spirit, to be with you forever, At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isa pang Patnubay na sasainyo magpakailanman.
17 the Spirit of truth, whom the world cannot receive, since it neither sees him nor knows him. But you know him, since he remains with you and will be in you. Siya ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Ngunit kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at siyaʼy sasainyo.
18 I will not leave you as orphans; I will come to you. “Hindi ko kayo iiwan nang walang kasama; babalik ako sa inyo.
19 Soon the world won't see me anymore, but you will see me. Because I live, you will live too. Kaunting panahon na lang at hindi na ako makikita ng mundo, ngunit makikita nʼyo ako. At dahil buháy ako, mabubuhay din kayo.
20 On that day you'll know: I'm in my Father, you in me, and I in you. Sa araw na iyon, malalaman ninyo na ako nga ay nasa aking Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo.
21 Whoever has my commandments and keeps them loves me, and my Father will love whoever loves me. I will love him and show myself to him." “Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin. At ang nagmamahal sa akin ay mamahalin din ng aking Ama. Mamahalin ko rin siya, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanya.”
22 Judas, not Iscariot, asked, "Lord, why show yourself to us and not to the world?" Tinanong siya ni Judas (hindi si Judas Iscariote), “Panginoon, bakit sa amin lang po kayo magpapakilala at hindi sa lahat?”
23 Jesus replied, "Anyone who loves me will keep my word, and my Father will love that person, and we will come to them and make our home with them. Sumagot si Hesus, “Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya.
24 Whoever doesn't love me doesn't keep my words. And the word you hear isn't mine but the Father's who sent me. Ngunit ang hindi nagmamahal sa akin ay hindi sumusunod sa aking mga salita. Ang mga salitang narinig ninyo ay hindi nanggaling sa akin kundi sa Amang nagsugo sa akin.
25 I have spoken these things to you while I am still with you. “Sinasabi ko ang mga bagay na ito habang kasama nʼyo pa ako.
26 But the Helper, the Holy Spirit, whom the Father will send in my name, will teach you everything and remind you of everything I said to you. Ngunit ang Patnubay na walang iba kundi ang Banal na Espiritu, ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo.
27 Peace I leave you; my own peace I give you. Not as the world gives, I give it. Don't let your hearts be troubled or afraid. “Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.
28 You heard me say to you, 'I'm going away, and I'm coming to you.' If you loved me, you'd have rejoiced, because I'm going to the Father, for the Father is greater than I. “Narinig nʼyo ang sinabi ko na aalis ako at akoʼy babalik din sa inyo. Kung mahal nʼyo ako, ikasisiya nʼyo ang pagpunta ko sa Ama, dahil mas dakila ang Ama kaysa sa akin.
29 And now I've told you before it happens, so that when it happens you'll believe. Sinasabi ko ito ngayon sa inyo bago pa man mangyari upang sumampalataya kayo kapag nangyari na ito.
30 I won't talk with you much longer—this world's ruler is coming. He has no hold on me, Hindi na ako magsasalita nang matagal dahil darating na ang naghahari sa mundong ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin.
31 but I do exactly as the Father commanded me, so the world may know I love the Father. Get up, let's leave this place." Ngunit upang malaman ng lahat na mahal ko ang aking Ama, ginagawa ko ang iniuutos niya sa akin. “Halina kayo, umalis na tayo rito.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]