Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 15 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "I am the true vine, and my Father is the gardener. Sinabi pa niya, “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
2 Every branch in me not bearing fruit, he removes; and every one bearing fruit, he prunes, so it bears more fruit. Pinuputol niya ang aking mga sangang hindi namumunga, at nililinis niya ang bawat sangang namumunga para lalo pang mamunga.
3 You are already clean because of the word I have spoken to you. Malinis na kayo dahil sa mga salitang sinabi ko sa inyo.
4 Remain in me, and I in you. As a branch can't bear fruit alone, unless it remains in the vine, neither can you unless you remain in me. Manatili kayo sa akin at akoʼy mananatili sa inyo. Sapagkat hindi makakapamunga ang isang sanga malibang nakakabit ito sa puno. Ganoon din naman, hindi kayo makakapamunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
5 I am the vine, you the branches. Whoever remains in me, and I in them, bears much fruit, for apart from me you can do nothing. “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin.
6 Anyone not remaining in me is thrown out like a branch and withers; branches are gathered, thrown into the fire, and burned. Ang hindi nananatili sa akin ay tulad ng mga sangang itinatapon at natutuyo, at pagkatapos ay tinitipon at inihahagis sa apoy para sunugin.
7 If you remain in me and my words remain in you, ask whatever you want, and it will happen for you. Kung mananatili kayo sa akin at ang mga salita koʼy mananatili sa inyo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin ninyo.
8 This is how my Father is glorified: that you bear much fruit and prove to be my disciples. Napaparangalan ang aking Ama kung namumunga kayo nang sagana, at sa ganitong paraan ay naipapakita ninyo na mga alagad ko kayo.
9 "As the Father has loved me, so I have loved you. Remain in my love. “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayundin namang iniibig ko kayo. Manatili kayo sa aking pag-ibig.
10 If you keep my commands, you will remain in my love, as I have kept my Father's commands and remain in his love. At kayoʼy mananatili sa aking pag-ibig, kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, katulad ko na nananatili sa pag-ibig ng aking Ama sapagkat sinusunod ko ang mga utos niya.
11 I've told you this so my joy may be in you, and your joy be complete. Sinabi ko sa inyo ang bagay na ito upang magalak din kayong katulad ko at maging lubos ang inyong kagalakan.
12 "This is my command: love one another as I have loved you. Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.
13 No one has greater love than this: to lay down one's life for one's friends. Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.
14 You are my friends if you do what I command you. Mga kaibigan ko kayo kung sinusunod nʼyo ang aking mga utos.
15 I no longer call you servants—a servant doesn't know what his master does. I call you friends, since I've made known to you everything I heard from my Father. Hindi ko na kayo itinuturing na alipin, dahil hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, itinuturing ko na kayong mga kaibigan, dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng sinabi ng Ama sa akin.
16 You didn't choose me—I chose you and placed you to go, bear fruit that lasts, so whatever you ask the Father in my name, he'll give you. Hindi kayo ang pumili sa akin kundi ako ang pumili sa inyo, upang humayo kayo at mamunga ng mga bungang mananatili. Sa ganoon, anuman ang hingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.
17 This is my command to you: love one another. Ito nga ang utos ko sa inyo: Magmahalan kayo.
18 "If the world hates you, know that it hated me first. “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alalahanin ninyo na ako ang una nilang kinapootan.
19 If you were of the world, the world would love you as its own. But you are not of the world; instead, I chose you out of the world, so the world hates you. Kung kabilang kayo sa mundo, mamahalin nila kayo bilang kasama nila. Ngunit hindi kayo kabilang sa mundo, kundi pinili ko kayo mula sa kanila. Dahil dito, napopoot sila sa inyo.
20 Remember what I told you: a servant isn't greater than his master. If they persecuted me, they'll persecute you too; if they kept my word, they'll keep yours too. Tandaan nʼyo ang sinabi ko sa inyo na walang aliping higit sa kanyang amo. Kung inusig nila ako, uusigin din nila kayo. At kung sinunod nila ang aking salita, susundin din nila ang inyong salita.
21 But they'll do all this to you because of my name, since they don't know the one who sent me. Uusigin nila kayo dahil sumasampalataya kayo sa akin at dahil hindi nila kilala ang nagsugo sa akin.
22 Had I not come and spoken to them, they would have no sin; now they have no excuse for their sin. Kung hindi ako naparito sa mundo at nangaral sa kanila, wala sana silang pananagutan sa kanilang kasalanan. Ngunit ngayon, wala na silang maidadahilan sa mga kasalanan nila.
23 Whoever hates me hates my Father as well. Ang napopoot sa akin ay napopoot din sa aking Ama.
24 Had I not done among them the works no one else did, they would have no sin. But now they have seen and hated both me and my Father. Kung hindi ako gumawa sa harap nila ng mga himalang kailanmaʼy hindi nagawa ninuman, wala sana silang pananagutan sa kanilang kasalanan. Ngunit kahit nakita na nila ang mga himalang ginawa ko, napopoot pa rin sila sa akin at sa aking Ama.
25 But this happened to fulfill what is written in their Law: 'They hated me without cause.' Sa ginawa nilang ito, natupad ang nakasulat sa kanilang Kautusan: ‘Napopoot sila sa akin nang walang dahilan.’
26 "When the Helper comes, whom I will send you from the Father—the Spirit of truth proceeding from the Father—he will testify about me. “Ipapadala ko sa inyo ang Patnubay mula sa Ama. Siya ang Espiritu ng katotohan na magpapatotoo kung sino talaga ako.
27 "And you also must testify, because you have been with me from the beginning." Kayo rin ay dapat na magpatotoo tungkol sa akin, dahil kasama ko na kayo mula pa noong una.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]