Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "I have told you all this so that you will not fall away. “Sinasabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi manghina ang inyong pananampalataya pagdating ng pag-uusig.
2 They will expel you from synagogues; but the hour is coming when whoever kills you will think he offers a service to God. Ititiwalag kayo ng mga kapwa nʼyo Hudyo sa mga sinagoga. Sa katunayan, darating ang panahon na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos.
3 They will do this because they have not known the Father or me. Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila ako kilala ni ang Ama
4 But I've told you this so that when their hour comes, you'll remember I told you. I didn't tell you this from the start, because I was with you. Ngunit sinasabi ko sa inyo ang mga ito upang pagdating ng pag-uusig, maaalala nʼyong sinabi ko na ito sa inyo. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong una, dahil kasama nʼyo pa ako.
5 "But now I'm going to him who sent me, and none of you asks me, 'Where are you going?' Ngunit ngayoʼy babalik na ako sa nagsugo sa akin, at wala ni isa man sa inyo ang nagtatanong kung saan ako pupunta.
6 Instead, because I have said these things to you, sorrow has filled your heart. At ngayong sinabi ko na sa inyo, nababagabag kayo.
7 I tell you the truth: my going is for your good. If I don't go, the Helper, the Holy Spirit, won't come to you. But if I go, I will send him to you. Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo.
8 And when he comes, he will convict the world concerning sin and righteousness and judgment: Pagdating niya, ipapakita niya sa sanlibutan na makasalanan sila at ako namaʼy matuwid. At ipapakita rin niya na hahatulan sila ng Diyos.
9 concerning sin, because they do not believe in me; Ipapakita niya sa mga tao na makasalanan sila dahil hindi sila sumampalataya sa akin.
10 concerning righteousness, because I am going to my Father and you will see me no longer; Ipapakita niya na ako ay matuwid dahil pupunta ako sa Ama at hindi nʼyo na makikita.
11 concerning judgment, because the ruler of this world has been judged. Ipapakita rin niya sa kanila na hahatulan sila ng Diyos dahil hinatulan na ang naghahari sa mundong ito.
12 "I still have many things to say to you, but you cannot bear them now. “Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, pero hindi nʼyo pa kayang intindihin sa ngayon.
13 But when he, the Spirit of truth, comes, he will guide you into all truth. He won't speak on his own, but will speak whatever he hears, and will tell you what is coming. Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maintindihan nʼyo ang lahat ng katotohanan. Ang ituturo niya ay hindi galing sa kanya; sasabihin niya kung ano lang ang narinig niya at ipapahayag din niya sa inyo ang tungkol sa mga bagay na darating.
14 He will glorify me, for he will take what is mine and tell it to you. Pararangalan niya ako dahil sa akin manggagaling ang lahat ng ipapahayag niya sa inyo.
15 All my Father has is mine; that's why I said he takes from what is mine and will tell you. Ang lahat ng nasa Ama ay nasa akin, kaya sinabi kong sa akin manggagaling ang lahat ng ipapahayag ng Espiritu sa inyo.”
16 "Soon you'll no longer see me; then soon again you'll see me." Sinabi pa ni Jesus, “Sandaling panahon na lang at hindi nʼyo na ako makikita, at pagkatapos ng kaunti pang panahon ay makikita nʼyo akong muli.”
17 So some of his disciples asked each other, "What does he mean: 'In a little while you will not see me, and then in a little while you will see me,' and, 'Because I am going to the Father'?" Nagtanungan ang ilan sa mga alagad niya, “Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Bakit niya sinabing sandaling panahon na lang at hindi na natin siya makikita, at pagkatapos ng kaunti pang panahon ay makikita natin siyang muli? Sinabi pa niya na ang dahilan kung bakit hindi na natin siya makikita ay dahil babalik na siya sa kanyang Ama.
18 So they kept saying, "What does he mean, 'a little while'? We don't know what he's talking about." Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa ‘sandaling panahon’? Hindi natin alam kung ano ang ibig niyang sabihin.”
19 Jesus knew they wanted to ask him, so he said to them, "Are you asking each other what I meant by saying, 'In a little while you will not see me, and then a little while you will see me'? Alam ni Hesus na gusto sana nilang magtanong, kaya sinabi niya sa kanila, “Nagtatanungan ba kayo tungkol sa sinabi ko na sandaling panahon na lang at hindi nʼyo na ako makikita, at pagkatapos ng kaunti pang panahon ay makikita nʼyo akong muli?
20 "Truly, truly, I tell you: you will weep and mourn, but the world rejoices. You'll grieve, but your grief will become joy. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, iiyak kayoʼt magdadalamhati, ngunit ang mundoʼy magsasaya. Malulungkot kayo, pero ang kalungkutan ninyo ay mapapalitan ng kagalakan.
21 A woman in labor has pain because her hour has come; but once she gives birth, she forgets the anguish, because she is joyful that a person has been born into the world. Katulad ito ng isang babaeng naghihirap dahil malapit nang manganak. Ngunit pagkasilang ng sanggol, nakakalimutan na niya ang lahat ng hirap dahil sa kagalakan sapagkat naisilang na niya ang sanggol dito sa mundo.
22 So you also have sorrow now, but I will see you again, and your heart will rejoice, and no one will take your joy from you. Ganyan din kayo. Nalulungkot kayo ngayon, pero magagalak kayo sa araw na magkita tayong muli. At walang sinumang makakaagaw ng inyong kagalakan.
23 In that day you will ask me nothing. Truly, truly, I tell you: whatever you ask my Father in my name, he will give you. “Sa araw na iyon, hindi nʼyo na kailangang humingi sa akin ng kahit ano. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.
24 Until now you've asked nothing in my name. Ask, and you will receive, so your joy may be complete. Hanggang ngayon ay wala pa kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi kayo at makakatanggap kayo, upang malubos ang inyong kagalakan.
25 I've told you these things in figures. The hour is coming when I'll no longer speak in figures, but tell you plainly about my Father. “Sinasabi ko sa inyo ang mga ito sa pamamagitan ng mga talinghaga, pero darating ang panahon na hindi na ako magsasalita sa inyo nang ganito. Sa halip, tuwiran ko nang sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama.
26 That day you'll ask in my name, and I'm not telling you I'll ask my Father on your behalf; Sa araw ding iyon, kayo na mismo ang hihingi sa Ama sa pamamagitan ng aking pangalan. Hindi na kailangang ako pa ang humingi sa Ama para sa inyo.
27 for the Father himself loves you, because you've loved me and believed I came from our Father. Sapagkat kayo mismo ay minamahal ng Ama, dahil minamahal nʼyo ako at naniniwala kayo na nagmula ako sa Diyos.
28 I came from my Father and entered the world; again, I leave the world, going to my Father." Galing ako sa Ama at naparito ako sa mundo. Ngunit ngayon ay aalis na ako at babalik na sa Ama.”
29 His disciples said, "Now you are speaking plainly and not using any figure of speech! Sinabi ng mga alagad niya, “Ngayon poʼy nagsasalita na kayo sa amin nang malinaw at hindi sa pamamagitan ng talinghaga.
30 Now we know you know everything and need no one to ask you questions; so we believe you came from our Father." Ngayon alam na namin na alam nʼyo ang lahat ng bagay, dahil kahit hindi namin kayo tinatanong, alam nʼyo kung ano ang itatanong namin. Kaya naniniwala kami na galing kayo sa Diyos.”
31 Jesus replied, "Do you now believe? Sumagot si Hesus sa kanila, “Kung ganoon, sumasampalataya na ba kayo ngayon sa akin?
32 "See, the hour is coming—has come—when you'll be scattered, each to his own home, leaving me alone. Yet I'm not alone; my Father is with me. Ngunit darating ang oras, at dumating na nga, na magkakawatak-watak kayo at magkakanya-kanya, at iiwan nʼyo akong nag-iisa. Ngunit kahit iwan nʼyo ako, hindi ako nag-iisa dahil kasama ko ang Ama.
33 I've told you this so you may have peace in me. In the world you'll face trouble, but take heart—I've overcome the world." “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]