Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 17 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After saying this, Jesus looked up to heaven and said: "Father, the hour has come. Glorify your Son, so the Son may glorify you, Pagkasabi ni Hesus ng mga bagay na ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras. Parangalan mo ako na iyong Anak para maparangalan din kita.
2 since you gave him authority over all people, to give eternal life to all you gave him. Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa lahat ng tao upang mabigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng taong ibinigay mo sa akin.
3 This is eternal life: that they know you, the only true Father, and Jesus Christ whom you sent. At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka ng mga tao na ikaw lang ang tunay na Diyos, at makilala rin nila ako na si Hesu-Kristo, ang isinugo mo.
4 I glorified you on the earth, having finished the work you gave me to do. Pinarangalan kita rito sa lupa dahil natapos ko na ang ipinagawa mo sa akin.
5 Father, glorify me now with yourself, with the glory I had with you before the world existed. Kaya ngayon, Ama, parangalan mo ako sa piling mo. Ipagkaloob mo sa akin ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa man nilikha ang mundo.
6 I revealed your name to those you gave me from the world. They were yours; you gave them to me, and they have kept your word. “Ipinakilala kita sa mga taong pinili mo mula sa mundo at ibinigay sa akin. Sila ay sa iyo at ibinigay mo sila sa akin, at sinunod nila ang iyong salita.
7 Now they know that everything you have given me is from you, Ngayon alam na nila na ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay nanggaling sa iyo.
8 for I gave them the words you gave me; they received them, truly knew I came from you, and believed you sent me. Sapagkat itinuro ko sa kanila ang mga itinuro mo sa akin, at tinanggap naman nila. Sigurado silang nagmula ako sa iyo, at naniniwala silang isinugo mo ako.
9 I pray for them, not for the world, but for those you gave me, since they are yours. “Idinadalangin ko sila. Hindi ako nananalangin para sa mga taong makamundo kundi para sa mga taong ibinigay mo sa akin, dahil sila ay iyo.
10 Everything mine is yours, and yours is mine, and I am glorified in them. Ang lahat ng akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay sa akin, at napaparangalan ako sa pamamagitan nila.
11 I'm no longer in the world, but they are in the world, and I'm coming to you. Holy Father, keep them in your name, the name you gave me, so they may be one as we are. At ngayon, babalik na ako sa iyo at hindi na ako mananatili rito sa mundo, pero sila ay mananatili pa sa mundo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin.
12 While with them, I kept them in your name you gave me. I guarded them—none was lost except the son of destruction, so Scripture would be fulfilled. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay mo sa akin. Iningatan ko sila at walang napahamak sa kanila maliban sa taong itinakdang mapahamak upang matupad ang Kasulatan.
13 Now I come to you, and I say these things in the world so they may have my joy completed in themselves. “Ngayon ay babalik na ako sa iyo. Sinasabi ko ang mga bagay na ito habang nandito pa ako sa mundo upang lubos silang magalak tulad ko.
14 I've given them your word; the world hated them, since they're not of the world, just as I'm not of the world. Itinuro ko na sa kanila ang salita mo. Napopoot sa kanila ang mga taong makamundo, dahil hindi na sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo.
15 I don't ask you to remove them from the world, but to guard them from the evil one. Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban sa masama.
16 They are not of the world, just as I am not of the world. Hindi sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo.
17 Make them holy by truth; your word is truth. Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan.
18 As you sent me into the world, so I have sent them into the world. Isinugo mo ako rito sa mundo, kaya isinusugo ko rin sila sa mundo.
19 For them I make myself holy, so they too may be made holy in truth. At alang-alang sa kanila, itinatalaga ko ang aking sarili sa iyo, upang sila man ay maitalaga sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.
20 I pray not only for these, but also for those who will believe in me through their word. “Ang panalangin koʼy hindi lang para sa kanila, kundi pati na rin sa mga sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng pangangaral nila.
21 Father, let them all be one, as you're in me and I in you, so they're in us too, and the world believes you sent me. Idinadalangin ko sa iyo, Ama, na silang lahat ay maging isa gaya natin. Kung paanong ikaw ay nasa akin at akoʼy nasa iyo, nawaʼy sila man ay sumaatin, upang maniwala ang mundo na ikaw ang nagsugo sa akin.
22 The glory you have given me, I have given them, so they may be one as we are one. Binigyan ko sila ng karangalan tulad ng ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin.
23 I in them and you in me, so they may be made completely one, so the world may know you sent me and loved them as you loved me. Akoʼy nasa kanila at ikaʼy nasa akin, upang silaʼy lubos na maging isa. Sa ganoon ay malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako, at malalaman din nilang minamahal mo ang mga mananampalataya tulad ng pagmamahal mo sa akin.
24 Father, I want those you gave me to be with me where I am, to see my glory, which you gave me because you loved me before the world was made. “Ama, gusto ko sanang makasama sa pupuntahan ko ang mga taong ibinigay mo sa akin, upang makita rin nila ang kapangyarihang ibinigay mo sa akin, dahil minahal mo na ako bago pa man nilikha ang mundo.
25 Righteous Father—the world doesn't know you, but I know you, and these know you sent me. “Amang Makatarungan, kahit hindi ka nakikilala ng sanlibutan, nakikilala naman kita, at alam ng mga mananampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
26 I have made your name known to them, and will keep making it known, so the love you loved me with may be in them, and I in them." Ipinakilala kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala upang ang pagmamahal mo sa akin ay mapasakanila at ako man ay mapasakanila.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]