Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 18 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After saying these things, Jesus went out with his disciples across the Kidron Valley, where a garden stood; he and his disciples entered it. Pagkatapos manalangin ni Hesus, umalis siya kasama ang mga alagad niya at tumawid sa Lambak ng Kidron. Pumunta sila sa isang lugar na may taniman ng mga olibo.
2 Judas the betrayer knew the place too, since Jesus often gathered there with his disciples. Alam ng traydor na si Judas ang lugar na iyon, dahil madalas magtipon doon si Hesus at ang mga alagad niya.
3 So Judas came there with a detachment of soldiers and officers from the chief priests and Pharisees, carrying lanterns, torches, and weapons. Kaya pumunta roon si Judas kasama ang isang pangkat ng mga Romanong sundalo at ilang mga guwardiya ng Templo na isinugo ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo. May dala-dala silang mga sulo, ilawan, at mga sandata.
4 So Jesus, knowing all that was coming on him, went out and said to them, "Who are you looking for?" Alam ni Hesus ang lahat ng mangyayari sa kanya, kaya sinalubong niya sila at tinanong, “Sino ang hinahanap nʼyo?”
5 They answered him, "Jesus of Nazareth." Jesus said, "I AM." Judas, his betrayer, stood with them. Sumagot sila, “Si Hesus na taga-Nazaret.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ako iyon.” (Naroon din ang traydor na si Judas na nakatayong kasama ng mga taong naghahanap kay Hesus.)
6 When Jesus said to them, "I AM," they drew back and fell to the ground. Nang sabihin ni Hesus, “Ako iyon,” napaurong sila at natumba.
7 So he asked them again, "Who are you looking for?" And they said, "Jesus of Nazareth." Kaya muling nagtanong si Hesus, “Sino ang hinahanap nʼyo?” Sumagot silang muli, “Si Hesus na taga-Nazaret.”
8 Jesus answered, "I told you I AM. So if you're looking for me, let these men go." Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi baʼt sinabi ko na sa inyo na Ako iyon? Kung ako nga ang hinahanap nʼyo, hayaan nʼyong makaalis ang mga kasama ko.”
9 This fulfilled Jesus's own word: "I have not lost a single one of those you gave me." Sinabi niya ito upang matupad ang sinabi niya sa Ama, “Wala ni isa mang napahamak sa mga ibinigay mo sa akin.”
10 So Simon Peter drew his sword, struck the high priest's servant, and cut off his right ear—the servant named Malchus. Sa pagkakataong iyon, bumunot ng espada si Simon Pedro at tinaga ang alipin ng punong pari. Natagpas ang kanang tainga ng alipin na ang pangalan ay Malco.
11 So Jesus told Peter, "Sheath your sword. Shouldn't I drink the cup my Father has given me?" Ngunit sinaway ni Hesus si Pedro, “Ibalik mo sa lalagyan ang espada mo. Sa palagay mo baʼy hindi ko titiisin ang paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama?”
12 Then the troops, their commander, and the Jewish officers seized Jesus and tied him up. Dinakip si Hesus ng mga Romanong sundalo sa pangunguna ng kanilang kapitan, kasama ng mga guwardiyang Hudyo. Siyaʼy iginapos nila at
13 They took him to Annas first, for he was father-in-law to Caiaphas, high priest that year. dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas. Si Caifas ang punong pari nang taon na iyon,
14 Caiaphas was the one who advised the Jews: better one man die for the people. at siya ang nagpayo sa mga pinuno ng mga Hudyo na mabuti pang mamatay ang isang tao para sa buong sambayanan.
15 Simon Peter and another disciple followed Jesus. That disciple was known to the high priest, so he entered with Jesus into the high priest's courtyard, Samantala, sinundan ni Simon Pedro at ng isa pang alagad si Hesus. At dahil kilala ng punong pari ang alagad na ito, nakapasok siyang kasama ni Hesus sa bakuran ng punong pari.
16 but Peter stood outside at the door. So the other disciple, known to the high priest, went out, spoke to the servant girl who kept the door, and brought Peter in. Naiwan namang nakatayo sa labas ng pintuan si Pedro. Lumabas muli ang alagad na kilala ng punong pari at nakiusap sa babaeng nagbabantay sa pinto, kaya pinapasok si Pedro.
17 The servant girl guarding the door said to Peter, "You also are not one of this man's disciples, are you?" He said, "I'm not." Sinabi ng babaeng utusan kay Pedro, “Hindi baʼt isa ka sa mga alagad ng taong iyan?” Sumagot si Pedro, “Hindi!”
18 The servants and officers, feeling the cold, had lit a charcoal fire and stood warming themselves; Peter stood with them, warming himself. Maginaw noon, kaya nagsiga ang mga alipin at mga guwardiya, at tumayo sila sa paligid nito para magpainit. Nakihalo si Pedro sa kanila at nagpainit din.
19 The high priest then questioned Jesus about his disciples and his teaching. Samantala, inimbestigahan ng punong pari si Hesus tungkol sa mga alagad niya at sa mga itinuturo niya.
20 Jesus answered him, "I spoke openly to the world; I always taught in synagogues and in the temple, where all the Jews gather. I said nothing in secret. Sinabi ni Hesus, “Hayagan akong nagsasalita sa mga tao. Palagi akong nangangaral sa mga sinagoga at sa Templo kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng Hudyo. Wala akong itinuro nang palihim.
21 Why ask me? Ask those who heard what I said to them; they know what I said." Bakit nʼyo ako tinatanong ngayon? Tanungin nʼyo ang mga nakarinig sa akin; alam nila kung ano ang mga sinabi ko.”
22 At this, one of the guards nearby slapped Jesus, saying, "Is that how you answer the high priest?" Nang masabi ito ni Hesus, sinampal siya ng isa sa mga guwardiya na malapit sa kanya. Sinabi ng guwardiya, “Bakit ganyan ka sumagot sa punong pari?”
23 Jesus answered him, "If I spoke wrongly, testify about the wrong; but if rightly, why do you strike me?" Sinagot siya ni Hesus, “Kung may masama akong sinabi, patunayan mo. Ngunit kung totoo ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?”
24 Then Annas sent him, still bound, to Caiaphas the high priest. Habang nakagapos pa si Hesus, ipinadala siya ni Anas kay Caifas na punong pari.
25 Simon Peter, meanwhile, stood warming himself. They said, "Aren't you also one of his disciples?" He denied it: "I'm not." Samantala, nakatayo pa rin si Simon Pedro malapit sa siga at nagpapainit. Tinanong siya ng mga naroon, “Hindi baʼt isa ka sa mga alagad niya?” “Hindi!” tanggi ni Pedro.
26 One of the high priest's servants, a relative of the man whose ear Peter cut off, asked, "Didn't I see you with him in the garden?" Tinanong din si Pedro ng isa sa mga alipin ng punong pari, na kamag-anak ng pinutulan niya ng tainga, “Hindi baʼt nakita kitang kasama niya roon sa may taniman ng mga olibo?”
27 Peter again denied it, and at once a rooster crowed. Muli itong itinanggi ni Pedro, at noon din ay tumilaok ang manok.
28 Then they led Jesus from Caiaphas to the governor's headquarters. It was early morning. They themselves didn't enter, so they wouldn't be made unclean but could eat the Passover. Mula kay Caifas, dinala si Hesus sa palasyo ng gobernador. Umaga na noon. Hindi pumasok ang mga pinuno ng mga Hudyo sa palasyo dahil ayon sa kautusan nila, ang pumasok sa bahay ng isang hindi Hudyo ay hindi magiging karapat-dapat kumain ng hapunan sa Pista ng Paglampas ng Anghel.
29 So Pilate went out to them and said, "What accusation do you bring against this man?" Kaya sa labas sila kinausap ni Pilato at tinanong, “Ano ang paratang nʼyo laban sa taong ito?”
30 They answered him, "If this man weren't doing wrong, we wouldn't have handed him over to you." Sumagot sila, “Kung hindi po siya kriminal ay hindi namin siya dadalhin sa inyo.”
31 Pilate said, "Take him yourselves and judge him by your own law." The Jews said, "We're not permitted to execute anyone." Sinabi ni Pilato sa kanila, “Dalhin nʼyo siya at kayo na ang humatol ayon sa inyong batas.” Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Ngunit wala kaming kapangyarihang humatol ng kamatayan.”
32 This fulfilled the word Jesus had spoken, showing what kind of death he was about to die. (Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinabi ni Hesus tungkol sa uri ng kamatayang dadanasin niya.)
33 So Pilate went back into the headquarters, summoned Jesus, and asked, "Are you the King of the Jews?" Muling pumasok si Pilato sa palasyo at ipinatawag si Hesus, at tinanong, “Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo?”
34 Jesus answered, "Are you saying this on your own, or did others tell you about me?" Sumagot si Hesus, “Sa iyo ba nanggaling ang tanong na iyan o may nagsabi lang sa iyo tungkol sa akin?”
35 Pilate replied, "Am I a Jew? Your own nation and chief priests handed you over to me. What have you done?" Sumagot si Pilato, “Hudyo ba ako? Dinala ka rito sa akin ng iyong mga kababayan at ng mga namamahalang pari. Ano ba ang ginawa mo?”
36 Jesus answered, "My kingdom isn't from this world. If it were, my servants would fight against my being handed to the Jews. But my kingdom isn't from here." Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ang kaharian ko ay wala rito sa mundo. Kung nandito ang kaharian ko, makikipaglaban sana ang mga alagad ko upang hindi ako madakip ng mga Hudyo. Ngunit ang kaharian ko ay wala rito.”
37 Then Pilate said to him, "So you are a king?" Jesus answered, "You say I'm a king. I was born for this, and I came into the world for this—to testify to the truth. Everyone who belongs to the truth hears my voice." Sinabi ni Pilato, “Kung ganoon, isa kang hari?” Sumagot si Hesus, “Tama ang sinabi mo na isa akong hari. At ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa mundo ay upang ipahayag ang katotohanan. At ang lahat ng gustong makaalam ng katotohanan ay nakikinig sa akin.”
38 Pilate asked, "What is truth?" Then he went out to the Jews again and said, "I find nothing wrong in him. Tinanong siya ni Pilato, “Ano ba ang katotohanan?” Nang masabi ito ni Pilato, lumabas siya at sinabi sa mga pinuno ng mga Hudyo, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.
39 But you have a custom: I release one man to you at Passover. So do you want me to release the King of the Jews to you?" Ngunit ayon sa kaugalian ninyo, dapat akong magpalaya ng isang bilanggo tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel. Kaya gusto ba ninyong palayain ko ang hari ng mga Hudyo?”
40 They cried out again, "Not this man, but Barabbas!" Now Barabbas was a robber. Sumigaw sila, “Hindi siya, kundi si Barabas!” (Si Barabas ay isang tulisan.)
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]