Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

John 19 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then Pilate took Jesus and had him flogged. Kaya ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit.
2 The soldiers wove a crown of thorns, put it on his head, and wrapped a purple robe around him. Gumawa ang mga sundalo ng koronang tinik at ipinutong kay Hesus, at sinuotan nila siya ng kulay ubeng kapa.
3 They kept coming to him, saying, "Hail, King of the Jews!" and slapped his face. At paulit-ulit silang lumapit sa kanya at nagsabi, “Mabuhay ang hari ng mga Hudyo!” at pinagsasampal siya.
4 Pilate went out again and said to them, "Look, I'm bringing him out to you, so you'll know I find no fault in him." Muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga naroon, “Makinig kayo! Ihaharap ko siyang muli sa inyo. Gusto kong malaman nʼyo na wala akong nakitang kasalanan sa kanya!”
5 So Jesus came out wearing the crown of thorns and the purple robe. Pilate told them, "Here is the man!" Nang lumabas si Hesus, suot ang koronang tinik at ang kulay ubeng kapa, sinabi ni Pilato, “Tingnan nʼyo siya!”
6 When the chief priests and guards saw him, they shouted, "Crucify him! Crucify him!" Pilate told them, "Take him yourselves and crucify him, since I find no guilt in him." Nang makita si Hesus ng mga namamahalang pari at ng mga guwardiya ng Templo, sumigaw sila, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!” Ngunit sumagot si Pilato, “Kayo ang kumuha sa kanya at magpako sa krus, dahil kung sa akin lang ay wala akong makitang kasalanan sa kanya.”
7 The Jews answered him, "We have a law; by that law he must die, because he made himself the Son of God." Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “May batas kami. At ayon dito, dapat siyang mamatay dahil sinasabi niyang Anak siya ng Diyos.”
8 When Pilate heard this, he was even more afraid. Nang marinig ito ni Pilato, lalo pa siyang natakot.
9 He went into headquarters again and asked Jesus, "Where are you from?" But Jesus gave him no answer. Kaya muli niyang dinala si Hesus sa loob ng palasyo at tinanong, “Taga-saan ka ba?” Ngunit hindi sumagot si Hesus.
10 So Pilate said to him, "You won't speak to me? Don't you know I have authority to release you, and authority to crucify you?" Kaya sinabi ni Pilato, “Bakit ayaw mo akong sagutin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong palayain ka o ipapako sa krus?”
11 Jesus answered him, "You would have no authority over me at all unless it had been given you from above. That is why the one who handed me over to you bears the greater sin." Sumagot si Hesus, “Wala kang maaaring gawin sa akin kung hindi ka binigyan ng Diyos ng kapangyarihan. Kaya mas malaki ang kasalanan ng taong nagdala sa akin dito sa iyo.”
12 From then on, Pilate tried to release him, but the Jews cried out, "If you release him, you're no friend of Caesar. Anyone who makes himself king opposes Caesar." Nang marinig ito ni Pilato, muli niyang sinikap na mapalaya si Hesus. Ngunit nagsigawan ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ng Emperador! Sapagkat ang sinumang nagsasabing hari siya ay sumasalungat sa Emperador.”
13 Hearing these words, Pilate brought Jesus out and sat on the judgment seat at a place called Stone Pavement—Gabbatha in Aramaic. Nang marinig ito ni Pilato, inilabas niya si Hesus sa palasyo. Pagkatapos, umupo siya sa upuan ng tagahatol, sa lugar na kung tawagin ay Batong Plataporma (na sa wikang Arameo ay Gabatha).
14 It was Passover Preparation Day, about noon. He told the Jews, "Here is your King!" Bandang tanghali na noon ng bisperas ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Sinabi ni Pilato sa mga tao, “Narito ang hari ninyo!”
15 They yelled, "Take him away! Take him away! Crucify him!" Pilate asked them, "Crucify your king?" The chief priests answered, "We have no king but Caesar." Ngunit nagsigawan sila, “Patayin siya! Patayin siya! Ipako siya sa krus!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” Sumagot ang mga namamahalang pari, “Wala kaming ibang hari kundi ang Emperador!”
16 So then he handed him over to them to be crucified. So they took Jesus, Kaya ibinigay ni Pilato sa kanila si Hesus upang ipako sa krus. Kaya dinala si Hesus ng mga sundalo
17 carrying his own cross, he went out to the place called The Place of a Skull, called Golgotha in Aramaic. palabas ng lungsod. Ipinapasan nila kay Hesus ang kanyang krus papunta sa lugar na tinatawag na Lugar ng Bungo (na sa wikang Arameo ay Golgota).
18 There they crucified him, with two others, one on each side, Jesus in the middle. Doon nila ipinako sa krus si Hesus, kasama ng dalawa pa. Sa kanan ang isa at ang isa namaʼy sa kaliwa, at nasa gitna nila si Hesus.
19 Pilate also wrote a sign and put it on the cross: Jesus of Nazareth, King of the Jews. Pinalagyan ni Pilato ng karatula ang krus ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Hudyo.
20 Many Jews read this sign, since the place Jesus was crucified was near the city; it was written in Aramaic, Latin, and Greek. Nakasulat ito sa mga wikang Arameo, Latin, at Griyego. Maraming Hudyo ang nakabasa nito, dahil malapit lang sa lungsod ang lugar kung saan ipinako sa krus si Hesus.
21 So the Jewish chief priests said to Pilate, "Don't write 'The King of the Jews,' but 'This man said, I am King of the Jews.'" Nagreklamo ang mga namamahalang pari kay Pilato, “Hindi dapat ‘hari ng mga Hudyo’ ang isinulat nʼyo kundi, ‘Sinabi ng taong ito na siya raw ang hari ng mga Hudyo.’ ”
22 Pilate answered, "What I have written, I have written." Ngunit sinagot sila ni Pilato, “Kung ano ang isinulat ko, iyon na.”
23 After crucifying Jesus, the soldiers took his clothes and split them into four shares, one per soldier, and took the tunic too. The tunic was seamless, woven in one piece from top to bottom. Nang maipako na ng mga sundalo si Hesus, kinuha nila ang kanyang damit at hinati-hati sa apat, tig-iisang bahagi ang bawat sundalo. Kinuha rin nila ang kanyang panloob na kasuotan na hinabi nang buo at walang tahi o dugtong.
24 So they said to each other, "Let's not tear it, but cast lots for who gets it." This was to fulfill the Scripture that says, "They divided my clothes among themselves, and cast lots for my garment." So the soldiers did this. Kaya sinabi ng isang sundalo, “Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan: “Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian, at nagpalabunutan sila para sa aking panloob na kasuotan.” At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.
25 His mother, his mother's sister, Mary wife of Clopas, and Mary Magdalene stood near Jesus' cross. Nakatayo malapit sa krus ni Hesus ang kanyang ina, ang kapatid ng kanyang ina, si Maria na asawa ni Clopas, at si Maria na taga-Magdala.
26 Seeing his mother and the disciple he loved standing there, Jesus told her, "Woman, here is your son." Nang makita ni Hesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang alagad, sinabi niya, “Ituring po ninyo siyang anak.”
27 Then he said to the disciple, "Here is your mother." From that hour, the disciple took her into his home. At sinabi naman niya sa alagad niya, “Ituring mo siyang ina.” Mula noon, tumira na ang ina ni Hesus sa tahanan ng alagad na ito.
28 After this, knowing all was now finished, Jesus said, to fulfill Scripture, "I am thirsty." Alam ni Hesus na tapos na ang misyon niya, at para matupad ang nakasulat sa Kasulatan, sinabi niya, “Nauuhaw ako.”
29 A jar full of sour wine sat there; they soaked a sponge in it, fixed it on a hyssop stalk, and lifted it to his mouth. May isang banga roon na puno ng maasim na alak. Isinawsaw ng mga sundalo ang isang espongha sa alak, ikinabit sa sanga ng hisopo at inilapit sa bibig ni Hesus.
30 Jesus took the sour wine and said, "It is finished." He bowed his head and gave up his spirit. Nang masipsip na ni Hesus ang alak, sinabi niya, “Tapos na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
31 Since it was Preparation Day, and they didn't want the bodies remaining on the cross during the Sabbath—that Sabbath was a special day—the Jews asked Pilate to break their legs and remove the bodies. Bisperas na noon ng Araw ng Pamamahinga, at dahil ayaw ng mga Hudyo na maiwan sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga, hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nakapako upang madali silang mamatay, at nang maalis agad ang mga bangkay.
32 So soldiers came and broke the legs of the first man, then the other crucified with him. Kaya ito nga ang ginawa ng mga sundalo. Binali nila ang mga binti ng dalawang kasama ni Hesus na ipinako.
33 But coming to Jesus, seeing he was already dead, they didn't break his legs. Ngunit pagdating nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya, kaya hindi na nila binali ang mga binti niya.
34 But one of the soldiers pierced his side with a spear, and blood and water immediately came out. Sa halip, sinaksak ng sibat ng isa sa kanila ang tagiliran ni Hesus at biglang dumaloy ang dugo at tubig.
35 The eyewitness has testified—his testimony is true, and he knows he speaks the truth—so you also may believe. Nakita ko mismo ang mga pangyayari, at isinasalaysay ko ito sa inyo. Totoong nangyari ito, kaya alam kong totoo ang mga sinasabi ko. Isinasalaysay ko ito upang sumampalataya rin kayo.
36 For these things happened to fulfill the Scripture: "Not one of his bones will be broken." Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang sinasabi sa Kasulatan, “Walang mababali ni isa man sa kanyang mga buto.”
37 And again another Scripture says, "They will look on the one they have pierced." Sinasabi rin sa isa pang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang taong sinaksak nila.”
38 Afterward, Joseph of Arimathea—a disciple of Jesus, but secretly, for fear of the Jews—asked Pilate to let him remove Jesus' body. Pilate agreed, so he came and removed it. Pagkatapos nito, hiningi ni Jose na taga-Arimatea ang bangkay ni Hesus kay Pilato. Si Jose ay isang alagad ni Hesus, ngunit palihim lang dahil natatakot siya sa mga pinuno ng mga Hudyo. Pinayagan siya ni Pilato, kaya pinuntahan niya ang bangkay ni Hesus para kunin ito.
39 Nicodemus, who had first come to Jesus at night, also came, bringing a mixture of myrrh and aloes, about seventy-five pounds. Sinamahan siya ni Nicodemo, ang lalaking bumisita noon kay Hesus isang gabi. Nagdala si Nicodemo ng mga 35 kilo ng pabango na gawa sa pinaghalong mira at aloe.
40 They took Jesus's body and wrapped it in linen cloths with spices, as is Jewish burial custom. Kinuha nila ang bangkay ni Hesus at nilagyan ng pabango at binalot ng telang lino, ayon sa nakaugalian ng mga Hudyo sa paglilibing.
41 Where he was crucified there was a garden, and in the garden a new tomb where no one had yet been laid. Sa lugar kung saan ipinako si Hesus ay may halamanan. At doon ay may isang bagong libingan na hindi pa napapaglibingan.
42 Because it was the Jewish Preparation day, and the tomb was near, they laid Jesus there. Dahil bisperas na noon ng Araw ng Pamamahinga, at dahil malapit lang ang libingang iyon, doon na nila inilibing si Hesus.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]