Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 18 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After this, Paul left Athens and went to Corinth. Pagkatapos noon, umalis si Pablo sa Atenas at pumunta sa Corinto.
2 There he found a Jew named Aquila, native of Pontus, newly arrived from Italy with his wife Priscilla since Claudius had ordered all Jews out of Rome. Paul visited them, Nakilala niya roon si Aquila na isang Hudyo na taga-Ponto, at ang asawa nitong si Priscila. Kararating lang nila galing sa Italya, dahil may utos si Emperador Claudio na ang lahat ng Hudyo ay dapat umalis sa Roma. Dinalaw ni Pablo ang mag-asawang ito sa kanilang bahay.
3 since they shared a trade, he stayed and worked with them—tentmakers by trade. Kapwa sila manggagawa ng tolda, kaya nakitira na siya sa kanila at nagtrabahong kasama nila.
4 Every Sabbath he reasoned in the synagogue, trying to persuade Jews and Greeks. Tuwing Araw ng Pamamahinga pumupunta si Pablo sa sinagoga upang makipagdiskusyon, dahil gusto niyang hikayatin ang mga Hudyo at mga Griyego na sumampalataya kay Kristo.
5 When Silas and Timothy came from Macedonia, Paul was consumed by the word, testifying to the Jews that the Christ was Jesus. Nang dumating sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, ginamit ni Pablo ang buong panahon niya sa pangangaral ng salita ng Diyos. Pinatunayan niya sa mga Hudyo na si Hesus ang Mesias.
6 When they resisted and insulted him, he shook out his clothes and said, "Your blood is on your own heads! I'm clean of it. From now on I'll go to the Gentiles." Ngunit nang kontrahin at insultuhin nila si Pablo, ipinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit at binalaan sila, “Kasalanan na ninyo kung mapahamak kayo. Wala na akong pananagutan sa inyo. Simula ngayon, sa mga Hentil na ako mangangaral.”
7 He left the synagogue and went to the house of Titius Justus, a worshiper of our Father, next door to the synagogue. Kaya iniwan niya ang mga Hudyo at doon siya nakituloy sa bahay ni Ticio Justo. Ang taong ito ay isang Hentil, ngunit sumasamba sa Diyos. Ang bahay niya ay katabi ng sinagoga.
8 Crispus, the synagogue leader, believed in the Lord with his whole household; many Corinthians who heard Paul believed and were baptized. Si Crispo na namumuno sa sinagoga at ang kanyang pamilya ay sumampalataya rin sa Panginoon; at marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.
9 One night the Lord told Paul in a vision, "Don't be afraid; keep speaking, don't stay silent, Isang gabi, nagpakita ang Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng pangitain at sinabi, “Huwag kang matakot. Ipagpatuloy mo ang pangangaral at huwag kang titigil,
10 for I am with you, and no one will attack you to harm you, for I have many people in this city." dahil kasama mo ako. Marami akong alagad sa lungsod na ito, kaya walang mangangahas na manakit sa iyo.”
11 So Paul stayed for a year and six months, teaching the word of our Father among them. Kaya nanatili si Pablo sa Corinto sa loob ng isaʼt kalahating taon, at itinuro niya sa mga tao ang salita ng Diyos.
12 While Gallio was proconsul of Achaia, the Jews united against Paul and brought him before the tribunal, Ngunit nang si Galio na ang gobernador ng Acaya, nagkaisa ang mga Hudyo laban kay Pablo. Hinuli nila siya at dinala kay Galio upang mahatulan.
13 saying, "This man is persuading people to worship God in ways contrary to the law." Sinabi nila, “Hinihikayat ng lalaking ito ang mga tao na sumamba sa Diyos sa paraang labag sa kautusan.”
14 As Paul was about to speak, Gallio told the Jews, "If this were some wrong or vicious crime, Jews, I'd have reason to put up with you. Magsasalita na sana si Pablo, ngunit nagsalita si Galio sa mga Hudyo, “Kung ang kasong ito na dinala ninyo sa akin ay tungkol sa isang krimen o mabigat na kasalanan, makikinig ako sa inyo.
15 Since this is a dispute about words, names, and your own law, settle it yourselves. I won't judge such matters. Subalit dahil tungkol lamang ito sa mga salita, mga pangalan, at sa inyong kautusan, kayo na ang bahalang umayos niyan. Ayaw kong humatol sa ganyang mga bagay.”
16 And he drove them away from the tribunal." At pinalabas niya sila sa korte.
17 So they all grabbed Sosthenes, the synagogue leader, and beat him before the judgment seat, but none of it concerned Gallio. Pagkatapos, hinuli ng mga Griyego si Sostenes na namumuno sa sinagoga at binugbog nila doon sa labas ng korte, ngunit hindi ito pinansin ni Galio.
18 Paul stayed on in Corinth for many more days. Then he said farewell to the brothers and sisters and sailed for Syria, accompanied by Priscilla and Aquila. At Cenchreae he had his hair cut off, for he was keeping a vow. Nanatili pa si Pablo nang ilang araw sa Corinto. Pagkatapos, nagpaalam siya sa mga kapatiran at pumunta sa Cencrea kasama ang mag-asawang Priscila at Aquila. Inahit niya ang kanyang buhok upang tuparin ang panata niya sa Diyos. Mula sa Cencrea naglayag sila papuntang Siria.
19 They reached Ephesus, where Paul left Priscilla and Aquila, but he himself entered the synagogue and reasoned with the Jews. Dumaan sila sa Efeso at dooʼy iniwan niya sina Priscila at Aquila. Pumasok si Pablo sa sinagoga at nakipagdiskusyon sa mga Hudyo.
20 When they asked him to stay longer, he declined. Kinausap nila si Pablo na manatili muna roon sa kanila, ngunit tumanggi si Pablo.
21 But he left, saying, "I will come back to you if our Father is willing," and sailed from Ephesus. Bago siya umalis, sinabi niya sa kanila, “Kung loloobin ng Diyos, babalik ako rito.” At naglayag siya mula sa Efeso.
22 Landing at Caesarea, he went up, greeted the church, then went down to Antioch. Pagdating niya sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem at dinalaw ang iglesya, at saka tumuloy sa Antioquia.
23 After some time there, he set out through Galatia and Phrygia, strengthening all the disciples. Hindi siya nagtagal doon, umalis siya at inikot niya ang mga lugar na sakop ng Galacia at Frigia at pinalakas niya ang pananampalataya ng mga alagad doon.
24 A Jew named Apollos, born in Alexandria, came to Ephesus—a learned man, well versed in the Scriptures. Samantala, dumating sa Efeso ang isang Hudyong taga-Alejandria. Ang kanyang pangalan ay Apolos. Mahusay siyang magsalita at maraming nalalaman sa Kasulatan.
25 He had been taught the way of the Lord, and, spirit boiling over, spoke and taught accurately about Jesus—though he knew only John's baptism. Naturuan na siya tungkol sa daan ng Panginoon. Maalab siyang nagpapahayag at tama ang kanyang itinuturo tungkol kay Hesus. Ngunit ang bautismo lamang na itinuro ni Juan ang alam niya.
26 He spoke boldly in the synagogue. Priscilla and Aquila heard him, took him aside, and explained the way of our Father more accurately. Nagsimula siyang magpahayag sa sinagoga ng buong tapang. Nang marinig nina Priscila at Aquila ang kanyang itinuturo, isinama nila siya at ipinaliwanag nang mabuti sa kanya ang daan ng Diyos.
27 When Apollos wanted to cross to Achaia, the brothers and sisters encouraged him and wrote to the disciples to welcome him; arriving, he greatly helped those who had believed by grace, At nang magpasya si Apolos na pumunta sa Acaya, tinulungan siya ng mga mananampalataya sa Efeso. Sumulat sila sa mga alagad sa Acaya na tanggapin nila si Apolos. Pagdating niya roon, malaki ang naitulong niya sa mga naging mananampalataya dahil sa biyaya ng Diyos.
28 for he forcefully refuted the Jews in public, proving from the Scriptures that the Christ was Jesus. At tinalo niya nang husto ang mga Hudyo sa kanilang mga diskusyon sa harap ng madla, at pinatunayan sa kanila mula sa Kasulatan na si Hesus ang Mesias.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]