Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 19 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 While Apollos was in Corinth, Paul crossed the inland region and reached Ephesus, where he found some disciples. Habang nasa Corinto si Apolos, pumunta si Pablo sa mga bulubunduking lugar ng lalawigan hanggang sa makarating siya sa Efeso. May nakita siyang mga alagad doon.
2 He asked them, "Did you receive the Holy Spirit when you believed?" They replied, "No, we haven't even heard there is a Holy Spirit." Tinanong niya sila, “Natanggap na ba ninyo ang Banal na Espiritu nang sumampalataya kayo?” Sumagot sila, “Hindi, at hindi nga namin alam na may tinatawag palang Banal na Espiritu.”
3 So he asked, "Into what then were you baptized?" "Into John's baptism," they said. Nagtanong si Pablo sa kanila, “Anong klaseng bautismo ang inyong napagdaanan?” Sumagot sila, “Ang bautismo ni Juan.”
4 Paul said, "John baptized with a baptism of repentance, telling people to believe in the one coming after him—Jesus." Sinabi ni Pablo sa kanila, “Ang bautismo ni Juan ay para sa mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan. Ngunit sinabi rin ni Juan sa mga tao na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, na walang iba kundi si Hesus.”
5 On hearing this, they were baptized in the name of the Lord Jesus. Nang marinig nila ito, binautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Hesus.
6 When Paul laid hands on them, the Holy Spirit came on them; they spoke in tongues and prophesied. At nang ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu. Nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at may mga ipinahayag silang mensahe mula sa Diyos.
7 There were about twelve men in all. Labindalawang lalaki silang lahat.
8 Paul entered the synagogue, speaking boldly three months, reasoning and persuading about our Father's kingdom. Sa loob ng tatlong buwan, patuloy ang pagpunta ni Pablo sa sinagoga. Hindi siya natatakot magsalita sa mga tao. Nakipagdiskusyon siya at ipinaliwanag sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos.
9 When some grew stubborn, refusing to believe and slandering the Way before the crowd, he withdrew from them, took the disciples, and reasoned daily in Tyrannus's lecture hall. Ngunit ang iba sa kanilaʼy matigas talaga ang ulo at ayaw maniwala, at lantaran nilang sinisiraan ang Daan. Kaya umalis si Pablo sa kanilang sinagoga kasama ang mga alagad, at araw-araw ay pumupunta siya sa bulwagan ni Tirano upang ipagpatuloy ang pakikipagdiskusyon sa harap ng madla.
10 This continued two years, so all living in Asia, both Jews and Greeks, heard the word of the Lord Jesus. Sa loob ng dalawang taon, ganoon ang kanyang ginagawa, kaya ang lahat ng nakatira sa lalawigan ng Asia, Hudyo at Griyego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.
11 Our Father did extraordinary miracles through the hands of Paul, Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Pablo.
12 so even handkerchiefs and aprons that touched his skin were carried to the sick, and diseases left them and evil spirits went out of them. Kahit mga panyo at mga epron na ginagamit niya ay dinadala sa mga maysakit at gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamáng espiritu.
13 Some traveling Jewish exorcists also tried invoking the name of the Lord Jesus over those with evil spirits, saying, "I command you by the Jesus Paul preaches." May ilang mga Hudyo doon na gumagala at nagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga taong sinasaniban nito. Sinubukan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Hesus upang palabasin ang masasamáng espiritu. Sinabi nila sa masasamang espiritu, “Sa pangalan ni Hesus na ipinangangaral ni Pablo, inuutusan ko kayong lumabas!”
14 Seven sons of a Jewish high priest named Sceva were doing this. Ganito rin ang ginagawa ng pitong anak na lalaki ni Esceva na isa sa mga namamahalang paring Hudyo.
15 But the evil spirit answered them, "Jesus I know, and Paul I recognize, but who are you?" Minsan, nang subukan nilang palayasin ang masamáng espiritu, sinagot sila nito, “Kilala ko si Hesus, ganoon din si Pablo, pero sino kayo?”
16 And the man who had the evil spirit leaped on them, overpowered them all, and prevailed against them, so that they fled out of that house naked and wounded. At nilundag sila ng taong sinaniban ng masamáng espiritu at sinaktan. Wala silang nagawa kaya tumakbo sila palabas ng bahay na hubad at sugatan.
17 All Jews and Greeks living in Ephesus learned of this. Fear seized them all, and the name of the Lord Jesus was highly praised. Ang pangyayaring ito ay nabalitaan ng lahat ng Hudyo at mga Griyegong nakatira sa Efeso. Natakot sila, at lalo pang naparangalan ang pangalan ng Panginoong Hesus.
18 Many of those who had become believers also came, confessing and disclosing their practices. Marami sa mga sumampalataya ang lumapit at umamin sa masasama nilang ginawa.
19 Many who had practiced sorcery brought their scrolls together and burned them before everyone. They added up the price and found it worth 50,000 days' wages. At marami ring mga salamangkero ang nagdala ng kanilang aklat at sinunog nila ang mga ito sa harap ng lahat. Ang halaga ng mga aklat na sinunog ay umabot ng ilang milyon.
20 So the word of the Lord Jesus continued to grow mightily and prevail. Dahil sa pangyayaring ito, lalo pang lumaganap ang kapangyarihan ng salita ng Panginoon.
21 When this was done, Paul decided in his spirit to go through Macedonia and Achaia to Jerusalem, saying, "After I've been there, I must see Rome too." Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, nagpasya si Pablo na dumaan muna sa Macedonia at sa Acaya bago pumunta sa Jerusalem. At ayon sa kanya, kailangan din niyang puntahan ang Roma pagkagaling sa Jerusalem.
22 He sent two of his assistants, Timothy and Erastus, to Macedonia, while staying in Asia himself a while longer. Pinauna niya sa Macedonia ang dalawang tumutulong sa kanya na sina Timoteo at Erasto, at siyaʼy nagpaiwan muna sa lalawigan ng Asia.
23 About that time there arose a serious disturbance concerning the Way. Nang panahong iyon ay nagkaroon ng isang malaking kaguluhan patungkol sa Daan ng Panginoon.
24 For a man named Demetrius, a silversmith who made silver shrines of Artemis, kept many craftsmen busy. May isang nagpapanday ng pilak doon na nagngangalang Demetrio. Gumagawa siya at ang kanyang mga tauhan ng maliliit na templong yari sa pilak na iginaya sa templo ni Artemis na kanilang diyosa, at itoʼy pinagkakakitaan nila nang malaki.
25 He gathered them and workers in similar trades and said, "Men, you know our wealth comes from this trade. Kaya ipinatawag niya ang kanyang mga manggagawa at ang iba pang mga nagpapanday ng pilak. At sinabi niya sa kanila, “Mga kaibigan, alam ninyong umaasenso tayo sa ganitong klaseng hanapbuhay.
26 You see and hear that this Paul has persuaded and turned away a great many people—not only in Ephesus but nearly all of Asia—telling them gods made by hands aren't gods at all. Nakita ninyo at narinig ang ginagawa ng taong si Pablo. Sinasabi niya na ang mga diyos na gawa ng tao ay hindi mga totoong diyos. Marami ang naniwala sa kanya rito sa Efeso at sa buong lalawigan ng Asia.
27 The risk isn't just that our trade loses its good name, but that the temple of the great goddess Artemis will count for nothing, and she, worshiped by all Asia and the world, will be stripped of her greatness." Kaya nanganganib ang ating hanapbuhay, dahil baka masamain ito ng mga tao. At hindi lang iyan, nanganganib din ang templo ng ating dakilang diyosang si Artemis, dahil baka mawalan na ito ng saysay, at hindi na kilalanin ng mga tao ang diyosa na sinasamba hindi lang dito sa Asia kundi maging sa buong mundo.”
28 Hearing this, they were enraged and shouted, "Great is Artemis of the Ephesians!" Nang marinig ito ng mga tao, galit na galit sila at nagsigawan, “Makapangyarihan si Artemis ng mga taga-Efeso!”
29 The city filled with confusion; together they rushed into the theater, dragging along Gaius and Aristarchus, Macedonians, Paul's traveling companions. At ang kaguluhan ay kumalat sa buong lungsod. Hinuli nila ang mga kasama ni Pablo na sina Gayo at Aristarco na mga taga-Macedonia. Pagkatapos, sama-sama silang nagtakbuhan sa lugar na pinagtitipunan ng mga tao habang kinakaladkad nila ang dalawa.
30 When Paul wanted to go in among the crowd, the disciples would not let him. Nais sana ni Pablo na magsalita sa mga tao, ngunit pinigilan siya ng mga alagad ni Hesus.
31 Even some officials of the province, his friends, sent word urging him not to risk entering the theater. Maging ang ilang mga opisyal ng lalawigan ng Asia na mga kaibigan ni Pablo ay nakiusap na huwag siyang pumunta sa pinagtitipunan ng mga tao.
32 Meanwhile some shouted one thing, others another—the assembly was in confusion, and most didn't know why they'd gathered. Lalo pang nagkagulo ang mga tao. Ibaʼt iba ang kanilang mga isinisigaw, dahil hindi alam ng karamihan kung bakit sila nandoon.
33 Some in the crowd coached Alexander, whom the Jews pushed forward; motioning with his hand, he wanted to defend himself before the people. May isang tao roon na ang pangalan ay Alejandro. Itinulak siya ng mga Hudyo sa unahan para magpaliwanag na silang mga Hudyo ay walang kinalaman sa mga ginagawa nina Pablo. Sinenyasan niya ang mga tao na tumahimik.
34 Realizing he was a Jew, they shouted as one for about two hours, "Great is Artemis of the Ephesians!" Nang malaman ng mga tao na isa siyang Hudyo, sumigaw silang lahat, “Makapangyarihan si Artemis ng mga taga-Efeso!” Dalawang oras nilang isinisigaw ang ganoon.
35 When the town clerk had quieted the crowd, he said, "Men of Ephesus, who doesn't know the Ephesians' city is temple keeper of the great Artemis and of the image that fell from heaven? Nang bandang huli, napatahimik din sila ng namumuno sa lungsod. Sinabi niya sa kanila, “Mga kapwa ko taga-Efeso, alam ng lahat ng tao na tayong mga taga-Efeso ang siyang tagapag-ingat ng templo ni Artemis na makapangyarihan at ng sagradong imahen na nahulog mula sa langit.
36 Since these things cannot be denied, you ought to keep calm and do nothing rash. Hindi ito maikakaila ninuman. Kaya huminahon kayo, at huwag kayong padalos-dalos.
37 For you have brought these men here who are neither temple robbers nor blasphemers of our goddess. Dinala ninyo rito ang mga taong ito kahit hindi naman nila ninakawan ang ating templo o nilapastangan ang ating diyosa.
38 So if Demetrius and his fellow craftsmen have a charge against anyone, courts are in session and proconsuls are available—let them accuse each other there. Kung si Demetrio at ang kanyang mga kasamang platero ay may reklamo laban kaninuman, may mga korte at mga hukom tayo. Dapat doon nila dalhin ang kanilang mga reklamo.
39 But if you are seeking anything further, it will be settled in the regular assembly. Ngunit kung may iba pa kayong reklamo, iyan ay kinakailangang ayusin sa opisyal na pagtitipon ng taong-bayan.
40 We risk being charged with today's riot, since we have no reason to justify this uproar." Sa ginagawa nating ito, nanganganib tayong maakusahan ng panggugulo. Wala tayong maibibigay na dahilan kung bakit natin ginagawa ito.”
41 And when he had said this, he dismissed the assembly. Pagkatapos niyang magsalita, pinauwi niya ang mga tao.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]