Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 20 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After the uproar ended, Paul sent for the disciples, encouraged them, said goodbye, and left for Macedonia. Nang matapos na ang gulo, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad. Pinayuhan niya sila na magpakatatag, at pagkatapos niyang magpaalam sa kanila, pumunta siya sa Macedonia.
2 When he had passed through those regions and given the believers much encouragement, he came to Greece. Pinuntahan niya ang maraming lugar sa Macedonia, at pinalakas niya ang loob ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pangangaral sa kanila. Pagkatapos, pumunta siya sa Gresya,
3 He stayed three months; when the Jews plotted against him as he was about to sail for Syria, he decided to return through Macedonia. at nanatili siya roon ng tatlong buwan. Nang maglalayag na sana siya papuntang Siria, nalaman niyang plano ng mga Hudyo na patayin siya. Kaya nagpasya siyang bumalik at sa Macedonia dumaan.
4 Sopater son of Pyrrhus of Berea, Aristarchus and Secundus of Thessalonica, Gaius of Derbe, Timothy, and Tychicus and Trophimus of Asia accompanied him. Sumama sa kanya si Sopater na taga-Berea na anak ni Pirro, sina Aristarco at Segundo na mga taga-Tesalonica, si Gayo na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tiquico at Trofimo na mga taga-Asia.
5 These went on ahead and were waiting for us at Troas. Nauna sila sa Troas at hinintay nila kami doon.
6 We sailed from Philippi after the days of Unleavened Bread, reaching them at Troas in five days and staying there seven days. Pinalampas muna namin ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa bago kami bumiyahe galing sa Filipos. Pagkatapos ng limang araw na paglalakbay, nakarating kami at nagkita-kita muli sa Troas kung saan kami nanatili ng pitong araw.
7 On the first day of the week, when we gathered to break bread, Paul talked with them; planning to leave the next day, he kept talking until midnight. Pagsapit ng unang araw ng linggo, nagtipon kami sa pagpira-piraso ng tinapay upang gunitain ang Panginoon. At dahil maglalakbay si Pablo kinabukasan, nangaral siya hanggang hatinggabi.
8 There were many lamps in the upper room where we were gathered. Maraming ilaw sa itaas ng silid na pinagtitipunan namin.
9 A young man named Eutychus sat in the window, sinking into deep sleep as Paul kept talking. Overcome by sleep, he fell from the third story and was picked up dead. May isang binata roon na ang pangalan ay Eutico na nakaupo sa bintana. At dahil sa haba ng pagsasalita ni Pablo, inantok siya at nakatulog nang mahimbing, at nahulog siya sa bintana mula sa ikatlong palapag. Patay na siya nang buhatin nila.
10 Paul went down, bent over him, and embracing him said, "Don't be alarmed; his life is in him." Bumaba si Pablo at dinapaan niya si Eutico at niyakap. Sinabi niya sa mga tao, “Huwag kayong mabahala, buháy siya!”
11 He went back up, broke bread, ate, and talked with them a long time, until daybreak, then left. At bumalik si Pablo sa itaas, pinagpira-piraso ang tinapay at kumain. Nagpatuloy siya sa pangangaral hanggang mag-umaga at saka siya umalis.
12 And they brought the young man home alive, and were greatly comforted. Ang binatang nahulog ay iniuwi nilang buháy, at lubos silang natuwa.
13 We went ahead by ship to Assos, planning to take Paul aboard; he had chosen to go by land. Naglayag kami papuntang Asos at doon na namin susunduin si Pablo na naglakad lang papunta doon.
14 And when he met us at Assos, we took him on board and came to Mitylene. Nang magkita kami sa Asos, pinasakay namin siya at naglayag kami patungong Mitilene.
15 Sailing from there, we came opposite Chios the next day, put in at Samos the day after, and reached Miletus the following day. Mula sa Mitilene, tumuloy kami sa Quio, at nakarating kami roon kinabukasan. Nang sumunod na araw, nasa Samos na kami, at makaraan ang isa pang araw ay narating namin ang Mileto.
16 Paul had decided to sail past Ephesus, avoiding time in Asia; he was hurrying to reach Jerusalem, if possible, by Pentecost. Hindi kami dumaan sa Efeso, dahil ayaw ni Pablo na maglaan ng oras sa lalawigan ng Asia. Nagmamadali siya dahil gusto niyang makarating sa Jerusalem bago dumating ang Araw ng Pentecostes.
17 From Miletus he sent to Ephesus and called the elders of the church to come to him. Habang nasa Mileto si Pablo, may pinapunta siya sa Efeso para sabihin sa mga pinuno ng iglesya na makipagkita sa kanya.
18 When they came, he said, "You know how I lived among you the whole time, from the first day I set foot in Asia, Pagdating nila, sinabi ni Pablo sa kanila, “Alam ninyo kung paano akong namuhay noong kasama pa ninyo ako, mula sa unang araw pa lang nang pagdating ko sa lalawigan ng Asia.
19 serving our Lord Jesus with complete humility, tears, and trials brought on by the Jews' plots against me, Naglingkod ako sa Panginoon nang may pagpapakumbaba at pagluha sa gitna ng matinding pagsubok mula sa plano ng mga kalaban kong Hudyo.
20 how I held nothing back that would help you, but declared it and taught you publicly and house to house, Alam din ninyong wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa mga bagay na para sa inyong ikakabuti, na itinuro ko sa publiko at sa bahay-bahay.
21 testifying to both Jews and Greeks: repentance toward our Father and faith in our Lord Jesus. Pinaalalahanan ko ang mga Hudyo at mga Hentil na kailangan nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, at sumampalataya sa ating Panginoong Hesus.”
22 Now bound by the Spirit, I'm heading to Jerusalem, not knowing what awaits me there, “Ngayon, pupunta ako sa Jerusalem dahil ito ang utos ng Espiritu sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon.
23 except the Holy Spirit tells me in every city that chains and sufferings await me. Ang alam ko lang, kahit saang lungsod ako pumunta, pinapaalalahanan ako ng Banal na Espiritu na bilangguan at pag-uusig ang naghihintay sa akin.
24 But I place no value on my life, nor treasure it for myself, only that I finish my course and the ministry I received from our Lord Jesus, testifying to the gospel of our Father's grace. Ngunit hindi mahalaga sa akin kung ano man ang mangyayari sa aking buhay; nais ko lamang na matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus, na maipangaral ang Magandang Balita tungkol sa biyaya ng Diyos.
25 And now I know none of you among whom I went preaching the kingdom of our Father will see my face again. “Napuntahan ko kayong lahat sa aking pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos, at ngayon alam kong hindi na tayo magkikita pang muli.
26 Therefore I testify to you this day that I am innocent of the blood of all, Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon, na kung mayroon sa inyong mapapahamak, wala na akong pananagutan sa Diyos.
27 for I did not shrink from declaring to you the whole purpose of our Father. Sapagkat wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa buong layunin at plano ng Diyos.
28 Watch yourselves and all the flock the Holy Spirit made you overseers of, to shepherd our Father's church, which he purchased with the blood of his own Son. Bantayan ninyo ang inyong sarili at ang mga mananampalatayang itinalaga ng Banal na Espiritu sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos na kanyang tinubos sa pamamagitan ng sarili niyang dugo.
29 I know that after my departure fierce wolves will come in among you, not sparing the flock. Sapagkat alam kong sa pag-alis koʼy may mga tagapagturo diyan na katulad ng mga lobo na papasok sa inyo at sisira sa inyong grupo.
30 Men from among you will rise, speaking distorted things, to draw the disciples away after them. Darating din ang panahon na may magtuturo ng kasinungalingan mula mismo sa inyong grupo at ililigaw nila ang mga alagad.
31 So watch, remembering that for three years, night and day, I never stopped warning each one of you with tears. Kaya mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong sa loob ng tatlong taon, walang tigil ko kayong pinaalalahanan araw at gabi, nang may pagluha.
32 Now I entrust you to our Father and to the word of his grace, able to build you up and give you the inheritance among all who are made holy. “At ngayon, ipinagkakatiwala ko kayo sa Diyos at sa mensahe ng kanyang biyaya na magpapatibay sa inyong pananampalataya at magbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos para sa lahat ng taong hinirang niya.
33 I coveted no one's silver or gold or clothing. Hindi ko hinangad ang inyong mga kayamanan at mamahaling mga damit.
34 You yourselves know that these hands provided for my needs and for those who were with me. Alam ninyong nagtrabaho ako upang matustusan ang mga pangangailangan namin ng aking mga kasamahan.
35 In everything I showed you that, working hard this way, we must help the weak, remembering the words of our Lord Jesus, that he himself said, It is more blessed to give than to receive." Ginawa ko ito para maipakita sa inyo na sa ganitong pagsusumikap ay matutulungan natin ang mga mahihina. Palagi nating alalahanin ang sinabi ng Panginoong Hesus na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”
36 And when he had said these things, he knelt down with them all and prayed. Pagkatapos magsalita ni Pablo, lumuhod siyang kasama nila at nanalangin.
37 They all wept; they embraced Paul and kissed him, Umiyak silang lahat, at niyakap nila si Pablo at hinalikan.
38 grieving most over his words—that they'd never see his face again—they walked him to the ship. Labis nilang ikinalungkot ang sinabi ni Pablo na hindi na sila magkikitang muli. Pagkatapos, inihatid nila si Pablo sa barko.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]