Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 21 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Having torn ourselves away from them, we set sail and went straight to Cos, then the next day to Rhodes, then from there to Patara. Nagpaalam kami sa mga pinuno ng iglesya sa Efeso, at naglayag kami nang tuloy-tuloy hanggang sa nakarating kami sa Cos. Kinabukasan, dumating kami sa isla ng Rodas. At mula roon, tumuloy kami sa Patara.
2 Finding a ship crossing over to Phoenicia, we went aboard and set sail. Doon ay sumakay kami ng barko papuntang Fenicia.
3 Sighting Cyprus and leaving it on our left, we sailed to Syria and landed at Tyre, where the ship was to unload its cargo. Mula sa barko, natanaw namin ang isla ng Cyprus sa bandang kaliwa. Dinaanan lang namin ito at tumuloy na kami papuntang Siria. Dumaong kami sa bayan ng Tiro, dahil nagbaba doon ng kargamento ang barko.
4 We found the disciples there and stayed seven days. Through the Holy Spirit they kept telling Paul not to set foot in Jerusalem. Hinanap namin doon ang mga alagad ni Hesus, at nakituloy kami sa kanila sa loob ng isang linggo. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, binalaan nila si Pablo na huwag pumunta sa Jerusalem.
5 When our time there was up, we left and went on, all of them with wives and children walking with us out of the city. We knelt on the beach and prayed, Ngunit pagkaraan ng isang linggo, nagpatuloy kami sa aming paglalakbay. Lahat sila, pati ang kanilang mga asawaʼt anak ay naghatid sa amin sa labas ng lungsod. Lumuhod kaming lahat sa dalampasigan at nanalangin.
6 and said farewell to one another. Then we went aboard the ship, and they returned home. Nang makapagpaalam na kami sa kanila, sumakay kami sa barko at umuwi naman sila.
7 Finishing our voyage from Tyre, we arrived at Ptolemais, greeted the brothers, and stayed one day with them. Mula sa Tiro, nagpatuloy kami sa aming paglalakbay papuntang Tolemaida. Pagdating namin doon, nakipagkita kami sa mga kapatiran at tumigil kami sa kanila ng isang araw.
8 The next day we left for Caesarea and entered the house of Philip the evangelist, one of the seven, and stayed with him. Pagkatapos, pumunta naman kami sa Cesarea. Pagdating namin doon, pumunta kami sa bahay ni Felipe na tagapangaral ng Magandang Balita, at doon kami nakituloy. Si Felipe ay isa sa mga pitong lalaking hinirang noon sa Jerusalem na tumulong sa mga apostol.
9 He had four unmarried daughters who prophesied. Apat ang anak niyang dalaga na pawang mga propeta.
10 While we were staying there for many days, a prophet named Agabus came down from Judea. Pagkaraan ng ilang araw, dumating ang propetang si Agabo mula sa Judea.
11 He came to us, took Paul's belt, tied his own feet and hands, and said, "The Holy Spirit says this: the Jews in Jerusalem will tie up this belt's owner the same way, then hand him over into Gentile hands." Pinuntahan niya kami at kinuha ang sinturon ni Pablo, at itinali sa kanyang mga paa at mga kamay. At sinabi niya, “Ayon sa Banal na Espiritu, ganito ang gagawin ng mga Hudyo sa Jerusalem sa may-ari ng sinturong ito, at siyaʼy ibibigay nila sa mga Hentil.”
12 When we heard this, we and the local people begged Paul not to go up to Jerusalem. Nang marinig namin ito, kami at ang mga kapatid doon ay nakiusap kay Pablo na huwag nang tumuloy sa Jerusalem.
13 Paul answered, "Why weep and break my heart? I'm ready not only to be bound but to die in Jerusalem for the name of the Lord Jesus." Ngunit sumagot si Pablo, “Bakit kayo umiiyak? Pinahihina lamang ninyo ang loob ko. Nakahanda akong magpagapos at mamatay sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Hesus.”
14 And since he would not be persuaded, we fell silent and said, "The Lord's will be done." Hindi talaga namin mapigilan si Pablo, kaya sinabi na lang namin, “Mangyari nawa ang kalooban ng Panginoon.”
15 After these days we got ready and went up to Jerusalem. Makaraan ang ilang araw, naghanda kami at umalis papuntang Jerusalem.
16 Some disciples from Caesarea also went with us, bringing us to stay with Mnason, a Cypriot and early disciple. Sinamahan kami ng ilang mga alagad ni Hesus na taga-Cesarea. Dinala nila kami sa bahay ni Mnason na taga-Cyprus at doon kami nakituloy. Si Mnason ay isa sa mga unang alagad ni Hesus.
17 When we arrived in Jerusalem, the brothers welcomed us gladly. Pagdating namin sa Jerusalem, malugod kaming tinanggap ng mga kapatiran.
18 On the following day Paul went with us to see James, and all the elders were present. Kinabukasan, sumáma kami kay Pablo at dinalaw namin si Santiago. Naroon din ang mga namumuno ng iglesya sa Jerusalem.
19 He greeted them, then related one by one what our Father had done among the Gentiles through his ministry. Binati sila ni Pablo at ikinuwento niya ang lahat ng ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan niya.
20 Hearing this, they praised our Father, then told him, "You see, brother, how many thousands of Jews have believed, and all are passionate for the law. Nang marinig nila ito, nagpuri silang lahat sa Diyos. At sinabi nila kay Pablo, “Alam mo kapatid, libo-libong mga Hudyo na ang sumampalataya kay Hesus at silang lahat ay masigasig sa pagsunod sa Kautusan.
21 They were told you teach all Jews among the nations to abandon Moses, telling them not to circumcise their children or follow our customs. Nabalitaan nilang itinuturo mo sa mga Hudyong nakatira sa ibang bansa na hindi na nila kailangang sumunod sa Kautusan ni Moises. Sinabi mo raw na huwag na nilang tuliin ang kanilang mga anak o sundin ang iba pang kaugalian nating mga Hudyo.
22 So what should we do? They will certainly hear that you have come. Ngayon, ano kaya ang dapat mong gawin? Sapagkat siguradong malalaman nila na nandito ka.
23 So do what we tell you. We have four men who are under a vow. Mabuti siguroʼy gawin mo ang sasabihin namin sa iyo. May apat na lalaki rito na may panata sa Diyos.
24 Take these men, purify yourself with them, and pay their expenses so they may shave their heads. Then everyone will know the reports about you are false, and that you yourself keep the law. Sumama ka sa kanila at gawin ninyo ang seremonya sa paglilinis ayon sa Kautusan. Bayaran mo na rin ang gastos nila sa seremonya upang makapagpaahit din sila ng kanilang ulo. Sa ganitong paraan, malalaman ng lahat na ang balita na narinig nila tungkol sa iyo ay hindi totoo, dahil makikita nila na ikaw din ay sumusunod sa Kautusan.
25 As for the Gentiles who have believed, we already wrote our decision: avoid food offered to idols, blood, strangled animals, and sexual immorality." Tungkol naman sa mga Hentil na sumasampalataya kay Hesus, nakapagpadala na kami ng sulat sa kanila tungkol sa aming napagkasunduan na hindi sila kakain ng mga pagkain na inihandog sa mga diyos-diyosan, o dugo, o karne ng hayop na binigti. At iwasan nila ang seksuwal na imoralidad.”
26 So Paul took the men, and the next day, having purified himself with them, entered the temple, announcing when the purification days would end and the offering would be made for each of them. Kaya kinabukasan, isinama ni Pablo ang apat na lalaki at isinagawa nila ang seremonya ng paglilinis. Pagkatapos, pumunta si Pablo sa Templo at ipinagbigay-alam kung kailan matatapos ang kanilang paglilinis upang maihandog ang mga hayop para sa bawat isa sa kanila.
27 As the seven days were ending, Jews from Asia saw him in the temple, stirred up the whole crowd, and grabbed him, Nang matatapos na ang pitong araw ng kanilang paglilinis, may mga Hudyong mula sa lalawigan ng Asia na nakakita kay Pablo sa Templo. Sinulsulan nila ang lahat ng tao roon sa Templo na hulihin si Pablo.
28 shouting, "Men of Israel, help! This is the man teaching everyone everywhere against our people, the law, and this place. He's even brought Greeks into the temple, making this holy place unclean." Sumigaw sila, “Mga kababayang mga Israelita, tulungan ninyo kami! Ang taong ito ay nagtuturo sa lahat nang laban sa ating bansa, sa Kautusan at sa Templong ito saan man siya magpunta. Hindi lang iyan, dinala pa niya rito sa Templo ang mga Hentil, kaya dinudungisan niya ang sagradong lugar na ito!”
29 They had earlier seen Trophimus the Ephesian with Paul in the city and assumed Paul had brought Trophimus into the temple. (Sinabi nila ito dahil nakita nila si Trofimo na taga-Efeso na sumáma kay Pablo roon sa Jerusalem, at ang akala nilaʼy dinala siya ni Pablo sa Templo.)
30 The whole city was stirred; people ran together, seized Paul, dragged him out of the temple, and at once the gates were shut. Kaya nagkagulo ang mga tao sa buong Jerusalem, at sumugod sila sa Templo para hulihin si Pablo. Pagkahuli nila sa kanya, kinaladkad nila siya palabas at isinara agad nila ang pintuan ng Templo.
31 As they tried to kill him, word reached the cohort commander that all Jerusalem was in turmoil. Papatayin na sana nila si Pablo pero may nakapagsabi sa tinyente koronel ng mga sundalong Romano na nagkakagulo sa buong Jerusalem.
32 He immediately took soldiers and centurions and ran down to them. Seeing the commander and soldiers, the crowd stopped beating Paul. Kaya nagsama agad ang kumander ng mga kapitan at mga sundalo, at pinuntahan nila ang mga taong nagkakagulo. Pagkakita ng mga tao sa kumander at sa mga sundalo, itinigil nila ang pagbugbog kay Pablo.
33 The commander came, seized him, ordered him bound with two chains, then asked who he was and what he'd done. Pinuntahan ng kumander si Pablo at ipinahuli, at iniutos na gapusin siya ng dalawang kadena. Pagkatapos, tinanong ng kumander ang mga tao, “Sino ba talaga ang taong ito at ano ang kanyang ginawa?”
34 In the crowd some shouted one thing, some another. Unable to learn what was true because of the uproar, he ordered Paul brought into the barracks. Ngunit iba-iba ang mga sagot na kanyang narinig, at dahil sa sobrang kaguluhan ng mga tao hindi nalaman ng kumander kung ano talaga ang nangyari. Kaya inutusan niya ang mga sundalo na dalhin si Pablo sa himpilan.
35 When Paul reached the steps, soldiers had to carry him because of the crowd's violence, Pagdating nila sa hagdanan ng himpilan, binuhat na lang nila si Pablo dahil sa kaguluhan ng mga taong
36 for the mob kept following, shouting, "Away with him!" nakasunod at sumisigaw ng, “Patayin siya!”
37 As Paul was about to be led into the barracks, he asked the commander, "May I say something to you?" He replied, "Do you know Greek?" Nang dalhin na si Pablo sa loob ng himpilan ng mga sundalo, sinabi niya sa kumander, “Maaari po ba tayong mag-usap?” Sumagot ang kumander, “Marunong ka palang magsalita ng Griyego?
38 Aren't you the Egyptian who stirred up a revolt earlier and led 4,000 Assassins into the wilderness? Kung ganoʼn, hindi pala ikaw ʼyung Ehipsiyo na kailan lang ay nanguna sa pagrerebelde sa pamahalaan, at dinala sa ilang ang apat na libong teroristang lalaki?”
39 Paul answered, "I am a Jew, from Tarsus in Cilicia, a citizen of no insignificant city. I beg you, let me speak to the people." Sumagot si Pablo, “Akoʼy isang Hudyong taga-Tarso na sakop ng Cilicia. Ang Tarso ay hindi ordinaryong lungsod lang. Kung maaari, payagan ninyo akong magsalita sa mga tao.”
40 With permission granted, Paul stood on the steps and motioned to the people with his hand. When deep silence fell, he spoke to them in Hebrew: Pinayagan siya ng kumander, kaya tumayo si Pablo sa hagdanan at sumenyas sa mga tao na may sasabihin siya. Nang tumahimik na sila, nagsalita siya sa wikang Arameo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]