Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 22 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "Brothers and fathers, listen now to my defense before you." “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan muna ninyo ang sasabihin ko bilang pagtatanggol sa aking sarili!”
2 When they heard him speaking to them in Hebrew, they grew even more quiet. And he said: Nang marinig ng mga tao na nagsalita siya sa wikang Arameo, lalo silang tumahimik. At nagpatuloy si Pablo sa pagsasalita:
3 "I am a Jew, born in Tarsus of Cilicia, raised in this city, trained at Gamaliel's feet in the strict law of our ancestors, as eager for God as all of you are today. “Akoʼy isang Hudyong ipinanganak sa Tarso na sakop ng Cilicia, pero lumaki ako rito sa Jerusalem. Dito ako nag-aral at naging guro ko si Gamaliel. Sinanay akong mabuti sa Kautusan na sinunod din ng ating mga ninuno. Gaya ninyo ngayon, masigasig din akong naglilingkod sa ating Diyos.
4 I persecuted this Way to the death, binding and delivering to prison both men and women, Inusig ko at sinikap na patayin ang mga sumusunod sa Daan. Hinuli ko sila at ikinulong, lalaki man o babae.
5 as the high priest and the whole council of elders can testify. From them I received letters to the brothers in Damascus, and went to bring those there as prisoners to Jerusalem for punishment." Ang punong pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay makapagpapatunay sa lahat ng sinasabi ko. Sila mismo ang nagbigay sa akin ng sulat para sa mga kapatid nating Hudyo doon sa Damasco. At pumunta ako doon para hulihin ang mga sumasampalataya kay Hesus at dalhin pabalik dito sa Jerusalem upang parusahan.
6 "Traveling and nearing Damascus about noon, a great light from heaven suddenly flashed around me." “Tanghaling-tapat na noon at malapit na kami sa Damasco. Biglang kumislap sa aming paligid ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit.
7 I fell to the ground and heard a voice say to me, "Saul, Saul, why are you persecuting me?" Natumba ako at may narinig akong tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?’
8 I answered, "Who are you, Lord?" He replied, "I am Jesus of Nazareth, whom you're persecuting." “Nagtanong ako, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ “Sumagot ang tinig, ‘Akoʼy si Hesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.’
9 "Those with me saw the light but didn't understand the voice of the one speaking to me." Nakita ng mga kasama ko ang liwanag ngunit hindi nila narinig ang boses na nagsasalita sa akin.
10 I said, "What should I do, Lord?" The Lord replied, "Get up and go into Damascus. There you'll be told all you've been appointed to do." “At nagtanong pa ako, ‘Ano ang gagawin ko, Panginoon?’ “At sinabi niya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco, at doon, sasabihin sa iyo ang lahat ng gagawin mo.’
11 "Since that light's brightness blinded me, my companions led me by the hand into Damascus." Nabulag ako sa tindi ng liwanag. Kaya inakay ako ng aking mga kasama papuntang Damasco.
12 "A man named Ananias, devout by the law, well spoken of by all the Jews living there, “Doon sa Damasco, may isang tao na ang pangalan ay Ananias. May takot siya sa Diyos at sumusunod sa Kautusan. Iginagalang siya ng mga Hudyong naninirahan doon.
13 came and stood by me and said, 'Brother Saul, receive your sight.' At that very hour I looked up and saw him." Pumunta siya sa akin at sinabi, ‘Kapatid na Saulo, makakakita ka na.’ Noon din ay gumaling ako at nakita ko si Ananias.
14 "He said, 'The God of our fathers appointed you to know his will, to see the Righteous One, and to hear a voice from his mouth; “Sinabi niya sa akin, ‘Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno para malaman mo ang kalooban niya at upang makita mo at marinig ang boses ng Matuwid na si Hesus.
15 for you will be his witness to everyone of what you have seen and heard. Sapagkat ipapahayag mo sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig.
16 And now, why wait? Get up, be baptized, wash away your sins, calling on his name." Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon upang maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ ”
17 "When I had returned to Jerusalem and was praying in the temple, I fell into a trance," “Pagkatapos, bumalik ako sa Jerusalem. At habang nananalangin ako sa Templo, nagkaroon ako ng pangitain.
18 and saw him saying to me, "Hurry and leave Jerusalem quickly, because they won't accept your testimony about me." Nakita ko si Hesus na nagsasabi sa akin, ‘Bilisan mo! Umalis ka agad sa Jerusalem, dahil hindi tatanggapin ng mga taga-rito ang patotoo mo tungkol sa akin.’
19 I said, "Lord, they themselves know that I went from synagogue to synagogue imprisoning and beating those who believed in you. “Sinabi ko sa kanya, ‘Ngunit bakit hindi sila maniniwala, Panginoon, samantalang alam nila na inikot ko noon ang mga sinagoga para hulihin at gulpihin ang mga taong sumasampalataya sa iyo?
20 When the blood of your witness Stephen was being shed, I stood by, approving and guarding the cloaks of those killing him.'" At nang dumanak ang dugo ng martir na si Esteban, naroon ako at sumang-ayon sa pagpatay sa kanya, at ako pa nga ang nagbantay ng mga balabal ng mga pumatay sa kanya.’
21 "And he said to me, 'Go, for I will send you far away to the Gentiles.'" “Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Umalis ka sa Jerusalem, dahil ipapadala kita sa malayong lugar upang ipangaral mo ang Magandang Balita sa mga Hentil!’ ”
22 Up to that point they listened, then they raised their voices and shouted, "Erase such a man from the earth! He shouldn't be allowed to live!" Pagkasabi nito ni Pablo, ayaw na siyang pakinggan ng mga tao. Sumigaw sila, “Patayin ang taong iyan! Hindi siya dapat mabuhay dito sa mundo!”
23 And as they were shouting and throwing off their cloaks and flinging dust into the air, Patuloy ang kanilang pagsigaw, habang ibinabalibag nila ang kanilang mga damit at isinasaboy ang alikabok paitaas.
24 the commander ordered him taken into the barracks and whipped, to learn why they were shouting against him like this. Kaya iniutos ng kumander sa kanyang mga sundalo na dalhin si Pablo sa loob ng himpilan at hagupitin para ipagtapat niya ang kanyang nagawang kasalanan. Gusto niyang malaman kung bakit ganoon na lamang ang sigawan ng mga tao laban sa kanya.
25 As they stretched him out for the straps, Paul said to the centurion standing there, "Is it legal for you to whip a Roman citizen who hasn't been condemned?" Nang iginagapos na nila si Pablo para hagupitin, sinabi niya sa kapitan na nakatayo roon, “Naaayon ba sa batas na hagupitin ninyo ang isang Romano kahit hindi pa napatunayang may kasalanan siya?”
26 Hearing this, the centurion went to the commander and reported it: "What are you about to do? This man is a Roman citizen." Nang marinig ito ng kapitan, pumunta siya sa kumander at sinabi, “Ano itong ipinapagawa mo? Romano pala ang taong iyon!”
27 So the commander came and asked, "Tell me, are you a Roman citizen?" "Yes," he said. Kaya pumunta ang kumander kay Pablo at nagtanong, “Romano ka ba?” “Opo,” sagot ni Pablo.
28 The commander said, "I paid a large sum for this citizenship." But Paul said, "I was born a citizen." Sinabi ng kumander, “Ako rin ay naging Romano sa pamamagitan ng pagbayad ng malaking halaga.” Sumagot si Pablo, “Ngunit akoʼy isinilang na isang Romano!”
29 So those about to question him withdrew at once; the commander was afraid, realizing he had bound a Roman citizen. Umatras agad ang mga sundalo na mag-iimbestiga sana sa kanya. Natakot din ang kumander dahil ipinagapos niya si Pablo, gayong isa pala siyang Romano.
30 The next day, wanting to know exactly why the Jews accused him, the commander freed Paul, ordered the chief priests and the whole council to assemble, brought Paul down, and set him before them. Gusto talagang malaman ng kumander kung bakit inaakusahan ng mga Hudyo si Pablo. Kaya kinabukasan, ipinatawag niya ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin. Pagkatapos, ipinatanggal niya ang kadena ni Pablo at iniharap siya sa kanila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]