Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 23 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Paul stared at the council: "Brothers, I have lived my life before our Father in all good conscience until today." Tumingin si Pablo sa mga miyembro ng Sanhedrin at sinabi, “Mga kapatid, namuhay akong malinis ang konsensiya sa harapan ng Diyos hanggang sa araw na ito.”
2 The high priest Ananias ordered those standing near him to strike Paul on the mouth. Pagkasabi nito ni Pablo, inutusan ng punong pari na si Ananias ang mga nakatayong malapit kay Pablo na sampalin siya sa bibig.
3 Paul said to him, "Our Father will strike you, you whitewashed wall! You sit there to judge me by the law, yet you break the law by ordering me struck?" Sinabi ni Pablo sa kanya, “Sampalin ka rin ng Diyos, ikaw na pakitang-tao! Nakaupo ka diyan para hatulan ako ayon sa Kautusan, ngunit nilabag mo rin ang Kautusan nang iniutos mo na sampalin ako!”
4 Those standing nearby said, "Do you dare to insult our Father's high priest?" Sinabi ng mga taong nakatayo malapit kay Pablo, “Iniinsulto mo ang punong pari ng Diyos!”
5 Paul said, "Brothers, I didn't know he was high priest; for Scripture says, 'Don't speak evil of your people's ruler.'" Sumagot si Pablo, “Mga kapatid, hindi ko alam na siya pala ang punong pari, dahil sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag tayong magsalita ng masama laban sa namumuno sa atin.’”
6 Paul, knowing some were Sadducees, others Pharisees, cried out in the council, "Brothers, I am a Pharisee, son of Pharisees. I am on trial over the hope and resurrection of the dead!" Nang makita ni Pablo na may mga Saduceo at mga Pariseo roon, sinabi niya nang malakas sa mga miyembro ng Sanhedrin, “Mga kapatid, akoʼy isang Pariseo, at ang aking ama at mga ninuno ay Pariseo rin. Inaakusahan ako ngayon dahil umaasa akong muling mabubuhay ang mga patay.”
7 When he said this, a dispute arose between the Pharisees and Sadducees, and the assembly was split. Pagkasabi niya nito, nagkagulo ang mga Pariseo at mga Saduceo at nagkahati-hati ang mga miyembro ng Sanhedrin.
8 For the Sadducees say there is no resurrection, and neither angel nor spirit, but the Pharisees acknowledge them all. Nangyari ito dahil ayon sa mga Saduceo, walang muling pagkabuhay. Hindi rin sila naniniwala na may mga anghel o may mga espiritu. Ngunit ang lahat ng ito ay pinaniniwalaan ng mga Pariseo.
9 A loud uproar broke out. Some scribes from the Pharisees' side stood and argued sharply: "We find nothing wrong in this man. What if a spirit or an angel spoke to him?" Kaya nagkagulo sila at nagsigawan nang malakas, at tumayo ang ilang mga tagapagturo ng Kautusan na mga Pariseo at mariin nilang sinabi, “Wala kaming makitang kasalanan sa taong ito. Baka may espiritu o kayaʼy anghel na nakipag-usap sa kanya!”
10 As the dispute grew violent, the commander, fearing Paul would be torn apart by them, ordered the soldiers to go down, seize him from among them, and bring him into the barracks. Lalong uminit ang kanilang pagtatalo, hanggang sa natakot ang kumander na pagtulung-tulungan ng mga tao si Pablo. Kaya nag-utos siya sa kanyang mga sundalo na bumaba at kunin si Pablo sa mga tao at ibalik sa himpilan.
11 The next night our Lord Jesus stood beside him and said, "Take courage! As you testified about me in Jerusalem, so you must testify in Rome too." Kinagabihan, nagpakita ang Panginoon kay Pablo at sinabi, “Huwag kang matakot! Kung paano ka nagpahayag tungkol sa akin dito sa Jerusalem, ganoon din ang gagawin mo sa Roma.”
12-13 At daybreak the Jews conspired and swore not to eat or drink until they killed Paul. Kinaumagahan, nagpulong ang mahigit apatnapung Hudyo, at nagplano sila kung ano ang kanilang gagawin. Isinumpa nilang hindi sila kakain at iinom hanggaʼt hindi nila napapatay si Pablo.
13 There were more than forty who had joined in this plot. Not in this edition
14 They went to the chief priests and elders and said, "We have bound ourselves under a solemn oath to taste nothing until we kill Paul. Pagkatapos, pumunta sila sa mga namamahalang pari at sa mga pinuno ng mga Hudyo at sinabi sa kanila, “Sumumpa kaming hindi kakain ng kahit ano hanggaʼt hindi namin napapatay si Pablo.
15 So now, you and the council, ask the commander to bring him down to you, as if to examine his case more closely. We're ready to kill him before he arrives." Kaya hilingin ninyo at ng Sanhedrin sa kumander na gusto ninyong papuntahin ulit dito sa inyo si Pablo. Sabihin ninyo na gusto ninyong imbestigahan nang mabuti. Ngunit bago pa siya makarating dito, papatayin na namin siya.”
16 But Paul's sister's son, hearing of the ambush, went and entered the barracks and told Paul. Ngunit ang plano nilaʼy narinig ng lalaking pamangkin ni Pablo, na anak ng kapatid niyang babae. Kaya pumunta siya sa himpilan at ibinalita ito kay Pablo.
17 Paul called a centurion and said, "Take this young man to the commander—he has something to report." Tinawag ni Pablo ang isa sa mga kapitan doon at sinabi, “Dalhin ninyo ang binatilyong ito sa kumander, dahil may sasabihin siya.”
18 So he took him to the commander and said, "The prisoner Paul called me and asked me to bring this young man to you; he has something to tell you." Kaya dinala siya ng kapitan sa kumander. Pagdating nila roon, sinabi ng kapitan, “Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at nakiusap na dalhin sa inyo ang binatilyong ito, dahil may sasabihin daw siya sa inyo.”
19 The commander took his hand, led him aside privately, and asked, "What do you have to tell me?" Hinawakan ng kumander ang kamay ng binatilyo, at dinala siya sa lugar na walang ibang makakarinig. At tinanong niya, “Ano ba ang sasabihin mo sa akin?”
20 He said, "The Jews have agreed to ask you to bring Paul down to the council tomorrow, pretending to inquire more precisely about him. Sinabi ng binatilyo, “Nagkasundo ang mga Hudyo na hilingin sa inyo na dalhin si Pablo sa harap ng Sanhedrin bukas, dahil iimbestigahan daw nila nang mabuti.
21 Don't listen to them—more than forty of their men are waiting in ambush for him. They've bound themselves by oath not to eat or drink until they kill him, and now they're ready, waiting for your agreement." Ngunit huwag po kayong maniwala sa kanila, dahil mahigit apatnapung tao ang tatambang sa kanya. Isinumpa nilang hindi sila kakain at iinom hanggaʼt hindi nila napapatay si Pablo. Nakahanda na sila at naghihintay na lang ng pahintulot ninyo.”
22 The commander sent the young man off, ordering him, "Tell no one you reported this to me." Pinauwi ng kumander ang binata at ibinilin, “Huwag mong sasabihin kahit kanino na ipinaalam mo ito sa akin.” At pinauwi niya ang binatilyo.
23 Then he called two centurions: "Ready 200 soldiers for Caesarea, and seventy horsemen, and 200 spearmen, by nine tonight." Ipinatawag agad ng kumander ang dalawa sa kanyang mga kapitan at sinabi sa kanila, “Maghanda kayo ng 200 sundalo at ipapadala ko kayo sa Cesarea. Magdala rin kayo ng pitumpung sundalong nakakabayo at 200 sundalong may sibat. At lumakad kayo mamayang gabi, mga alas nuwebe.
24 He told them to provide mounts for Paul, to bring him safely to Governor Felix. Maghanda rin kayo ng mga kabayo na sasakyan ni Pablo. Bantayan ninyo siyang mabuti para walang mangyari sa kanya hanggang sa makarating siya nang ligtas kay Gobernador Felix.”
25 And he wrote a letter that read as follows:" At sumulat ang kumander sa gobernador ng ganito:
26 "Claudius Lysias, to his Excellency Governor Felix: Greetings. Mula kay Claudio Lisias, Kagalang-galang at mahal na Gobernador Felix:
27 The Jews seized this man and were about to kill him when I came with my troops and rescued him, having learned he was a Roman citizen. “Ang taong itoʼy dinakip ng mga Hudyo, at papatayin na sana. Ngunit nang malaman kong isa pala siyang Romano, nagsama ako ng mga sundalo at iniligtas siya.
28 Wanting to know the charge they were bringing against him, I brought him down to their council. Gusto kong malaman kung bakit siya pinaparatangan kaya dinala ko siya sa Sanhedrin.
29 I found him accused over questions of their law, with no charge deserving death or imprisonment. Natuklasan ko na ang akusasyon sa kanya ay tungkol lang sa mga bagay na may kinalaman sa kautusan ng kanilang relihiyon. Wala talagang sapat na dahilan para ipakulong siya o ipapatay.
30 Told of a plot against the man, I sent him to you at once, also ordering his accusers to state their case against him before you." Kaya nang malaman kong may plano ang mga Hudyo na patayin siya, agad ko siyang ipinadala sa inyo. At sinabihan ko ang mga nag-akusa sa kanya na sa inyo na sila magreklamo.”
31 So the soldiers, following their orders, took Paul and brought him by night to Antipatris. Sinunod ng mga sundalo ang utos sa kanila. At nang gabing iyon, dinala nila si Pablo sa Antipatris.
32 The next day they let the horsemen go on with him while they returned to the barracks. Kinabukasan, bumalik ang mga sundalo sa kampo, samantalang nagpaiwan ang mga sundalong nakakabayo para samahan si Pablo.
33 The horsemen reached Caesarea, delivered the letter to the governor, and presented Paul to him. Nang dumating sila sa Cesarea, iniharap nila si Pablo sa gobernador at ibinigay ang sulat.
34 After reading it, the governor asked what province he was from, and learned he was from Cilicia, Binasa ito ng gobernador at pagkatapos ay tinanong si Pablo kung saang lalawigan siya nanggaling. Nang malaman niyang taga-Cilicia si Pablo,
35 "I'll hear you," he said, "once your accusers arrive." He ordered him held under guard in Herod's headquarters. sinabi niya, “Pakikinggan ko ang kaso mo kapag dumating na ang mga nag-aakusa sa iyo.” At pinabantayan ng gobernador si Pablo habang nandoon siya sa palasyo ni Herodes.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]